30

° ° °

Casper's POV

---

Lunch break na. Kakakain lang namin kaya lilibot-libot muna kami. Wala kaming magawa eh.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad kasama si Hans at Elvis nang biglang tumunog ang phone ko. Dinukot ko iyin sa bulsa ko at tinignan ang screen kung sino ang tumatawag.

It's from...

Unknown number?

Napakunot ang noo ko. Hindi ko sinagot. Pinatay ko na lamang ang phone ko. Bahala siya, baka nagkamali lang ng number na tinawagan yung tumawag.

"Sino 'yon, Casper?" tanong nitong si Hans saka ako inakbayan.

"Nothing." walang emosyon kong sagot. "Let's go." aya ko sa kanila kaya dinalian na namin ang paglalakad.

Marami akong iniisip ngayon. Kaya bad trip ako. Ayaw kong kinakausap ako ng hindi maayos. Baka kung anong magawa ko sa kanya. Lalo na kung napag-alaman ko pang isang estudyante siya dito sa school, baka patalsikin ko pa siya.

Papunta na kami ngayon sa room. Nagulat na lamang ako nang may isang babae na biglang sumulpot sa harapan namin mula sa ibang room na siyang ikinagulat ko ng sobra.

"Why are you here?!" gulat na may halong inis ang aking nararamdaman ngayon.

"I'm back! Did you miss me?" ang saya niya. Abot hanggang tenga ang ngiti niya.

She's wearing black leather jacket with red fitted croptop and her black ripped jeans. She has a shade. She's also wearing her black three inches long hills.

She's like a member of a gangster girls group. I hate her outfit! I hate her face!

* * * * *

Before na nagkita si Casper at and ex-fiancé niya...

///

Grant's POV

---

"Hey! Grant! Where's Casper? I miss him." iniangat ko ang paningin ko mula sa pagkakatitug sa librong binabasa ko.

Look who's here. Ang ex-fiancé ng pinsan ko na nang-iwan sa kanya. Bakit ba bumalik pa 'to? Masaya na ang pinsan ko. Natututo na ulit siyang buksan ang puso niya sa bago niyang napupusuan. At iyon ay si Colleen. Ang fiancé niya ngayon.

"Bakit ka pa bumalik? Masaya na ang pinsan ko sa fiancé niya ngayon."

"What?! Fiancé?!" halata sa mukha niya ang pagtataka.

"Yes, fiancé nga." pag-uulit ko.

"And who's that girl? Siguradong inakit niya lang si Casper para mapunta siya sa kanya! Tell me! Who?!" matatalim ang mga mata niyang nakatitig lamang sa akin na animo'y kahit na anong oras pwede niya akong patayin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Audrey, she's not. Hindi niya inakit si Casper. Kusang nahulog ang pinsan ko sa kanya. And why? Para saan pa kapag nalaman mo kung sino iyon? Itatak mo na kasi sa isip mo na hindi ka na niya balikan pa." napaiwas siya ng tingin. Ako naman, umalis na ako sa kinauupuan ko.

Nandito kasi ako sa science garden noong dumating siya.

Si Audrey Grace Francisco. Siya ang first love ni Casper. Siya rin ang ex-fiancé nito na kusang nakipaghiwalay dahil nakahanap ng mas mayaman kay Casper. Nangibang bansa ito kasama ang bagong boyfriend niya.

Iniyakan siya ng sobra ng pinsan ko. Halos hindi nga siya makakain ng tatlong beses sa isang araw. Sinasabi niyang wala siyang ganang kumain. Tapos palaging bad trip. Hindi mo siya mabibiro. Palaging seryoso ang mukha.

Kaya laking pasasalamat ko nga kay Colleen dahil nagbago ang pinsan ko simula noong dumating siya sa buhay nito.

Ang tindi niya hindi ba? Pera lang ang habol sa mga lalakeng nagiging kasintahan niya.

Tapos ngayon, naghahabol-habol siya. Napaka kapal naman ng mukha niya. Sana hindi na ulit magpakatanga si Casper sa babaeng iyon. May Colleen na siya.

Sana matuloy yung kasal nila para wala ng magagawa pang kalokohan ang Audrey na 'yon.

Nilingon ko siya. Nakita kong papunta siya ngayon sa room nila Casper. Sigurado akong aakitin na naman niya ang pinsan ko makuha lang siya ulit nito.

* * * * *

Balik sa kasalukuyang nagaganap...

///

Colleen's POV

---

Nandito ako ngayon sa likod ng school kung saan dito ko unang nakita na kumakanta si Ken. Si Neth-neth. Si Casper. Gamit ang gitara niya noong mga araw na iyon.

Umupo ako sa isa sa mga bench dito sa ilalim ng isang puno na malaki. Meron na kasing mga bench dito ngayon bawat puno. Dati wala. Kaya medyo nakakapanibago.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko iyon. Hindi ko alam kung bakit.

Biglang napalitan ng lungkot at pagkadismaya ang aking mukha nang bigla kong maalala ang sinabi kanina sa akin ni Grant.

Ang akala ko kasi, ako pa lang ang unang minahal niya. Ang buong akala ko, ako lang ang babaeng magpaparamdam ng salitang love.

Nagkamali pala ako. May nauna na pala bago ako. Pero, bakit niya ito hiniwalayan? First love niya 'yon. Naku-curious tuloy ako. Bakit ba hindi ko pa nakikita si Neth para makausap ko na siya? Naman oh!

"Huy, Colleen!"

"Ay butiki!" napahawak ako sa dibdib ko saka lumingon sa likuran. "Huwag niyo nga akong gulatin!" sigaw ko sa kanila.

Itong dalawang 'to ang sarap nilang igisa. Kakainis! Ang dami ko na ngang iniisip, manggugulat pa sila.

"Sorry naman daw." - Crystal

"Kaya nga." - Honey

Ano na naman bang kailangan ng mga 'to? At saka paano nila nalaman na nandito ako?

Saglitang katahimikan ang bumalot sa aming tatlo na binasag namam kaagad ni Crystal.

"Teka.. Bakit ka nga ba nandito? Ang pagkakaalam ko kasi private place 'to nila Casper. Nandito ka kasi palagi kaya kung hindi ka naman mahanap, dito kami unang pumupunta." sabi ni Crystal saka tipid na ngiti.

Umiwas ako ng tingin. "Wala lang. I just want to be alone..sana. Eh kaso, nandito na kayo eh."

"Wait.. nabalitaan niyo na ba yung nabalitaan ko sa mga estudyanteng pakalat-kalat rito sa campus?" singit naman nitong si Honey kaya napunta sa kanya yung atensyon naming dalawa ni Crystal.

"Ano naman 'yon?" kunot noo kong tanong.

"Tsismis na naman." singit naman ni Crystal.

"Wait.. huwag kayong magugulat ha?" kainis naman 'to. Hindi pa kasi kami diretsuhin.

"Ano ba yun, Honey?! May pa-suspense, suspense ka pang nalalaman eh. Sabihin mo na kasi. Ano ba talaga yung tsismis na 'yan?" kita sa mukha ni Crystal ang pagkainis at pagkairita kay Honey.

"Okay." huminga siya ng malalim. "Nandito yung karibal ni Honey--" huh?! Ang gulo!

"Anong sinabi mo? Ang gulo mong babae ka!" reklamo nitong si Crystal na tumabi na sa akin.

Napakamot ng ulo si Honey at nagdadadabog na umupo sa tabi ni Crystal.

"Eh ang gulo-gulo niyo kasi--"

"Ikaw ang magulo!" putol namin ni Crystal sa sinasabi niya.

"Ganito kasi 'yon! Makinig kasi kayo at huwag niyo na akong kausapin. Nalilito ako ng dahil sa inyo eh. Maliwanag?" hindi kami sumagot.

"Oh? Bakit hindi kayo sumasagot?" reklami niya.

"Eh sabi mo kasi, huwag ka na naming kausapin hindi ba? Ang linaw no'n." sumbat naman ni Crystal.

"Guys, ano ba?! Magseryoso naman kayo oh!" sigaw nitong si Honey na kita na sa mukha niya ang pagkainis.

"Fine." sabay naming sagot ni Crystal.

Saglitang katahimikan...

"Nandito daw yung ex-fiancé ni Casper. Ngayon, nakita raw nila na inaakit niya ito. Yoon lang naman yung narinig ko." basag ni Honey na siyang ikinaiba ng mood ko.

Ewan ko kung anong nararamdaman ko. Galit ba o lungkot. Galit, dahil hindi ko agad nalaman na babalik pa yung ex-fiancé niya. Lungkot, dahil wala naman akong ibang magagawa kung babalik si Casper sa Audrey na 'yon. First love yun eh. Ano naman laban ko doon hindi ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top