Prologue
"Bakit kasi sa lahat ng papatulan mo 'yong nagngangalang Jade Ashton pa?"
Nakataas ang isang kilay at nakapameywang na sermon ni Heather kay Harper na kaibigan namin. Namamaga ang mata nito at bakas ang itim sa ilalim ng mata dahil sa puyat at magdamag na umiyak sa isang playboy. Tsk!
Napabuntong-hininga na lang ako at saka naglakad papunta sa couch, tamad na umupo. Si Heather at Danica Rose naman ay sumampa sa kama, sa gitna nila ay si Harper na tulala habang nakayakap sa kanyang mga tuhod. Buti naman ay tumigil na siya sa pag-iyak. Hindi namin alam ang gagawin dahil nung isang araw pa siya gan'yan. Ni halos hindi kami makakain ng maayos sa lagay niya.
Sa lahat ba naman kasi ng playboy na kahuhulugan niya sa isang Jade Ashton Nuevez pa!
Jusko, 'yong ibang kaibigan ko hindi ganito ka broken. Hindi 'yong parang nakadepende ang buhay nila sa lalaki. Pero wala akong magagawa dahil pumatol lang naman si Harper sa pangalawang hari ng mga playboy, kaya siguro ganito ang kinahinatnan niya.
Ilang beses na ba namin siyang sinabihan twice? thrice? Napailing ako nang matantong higit pa sa tatlo. Binalaan namin siyang lumayo sa katulad ni Jade Ashton, na isang playboy. Take note, isa lang sa mga playboy ng campus namin.
Ano bang napapala ng mga kumag na 'yon sa panloloko ng mga babae? Ang hindi ko pa maintindihan, bakit kung makapalit sila ng babae ay nauuna pa bago kami singilin ng supervisor kada buwan sa dorm namin? Hindi maatim ng buong pagkatao ko imbes na makipaghiwalay nang maayos ang mga kumag na 'yon mas pinili pang humanap muna ng kapalit para ipamukhang ayaw niya na dito.
Iyon ba ang way ng pakikipaghiwalay nila sa babae?
"Wow, coming from you!" sarkastikong wika ni Danica."Parang hindi ka nagkacrush do'n isa sa mga kaibigan niya ah? 'Di ba playboy din iyon?"
Napasimangot si Heather. Humilig siya sa balikat ni Danica kahit pa nagsisimula na naman silang magtalo.
"Hindi naman iyon playboy, iniisip niyo lang 'yon kasi kaibigan siya ni JA and JK." pagtanggol pa niya sa lalaki.
Napairap ako sa naging turan niya. Hindi ko alam kung anong meron sa mga kaibigan ko at nagiging tanga pagdating sa mga lalaking playboy. Alam kong bihira na lang ang matinong lalaki rito sa mundo pero hindi pa sila makapaghintay? May tamang panahon naman para diyan.
"Huwag ako gaga! So sino nga 'yong kasama niya nung friday? E ka momol mo 'yon 'di ba? Eww! Huwag puro sarap, Heather." Nakakalokong ngumisi si Danica.
Nag-iwas ng tingin si Heather at natahimik ng ilang sandali."Tanga, syempre inalam ko muna kung safe ba siya hindi naman ako puro sarap lang!"
"E 'yang puso mo safe ba sa kanya? Sinabihan mo ba na huwag magmahal ng playboy?" tudyo ni Danica.
Akmang ibubuka ni Heather ang bibig niya nang pumagitna na ako. Hindu sila titigil hanggat walang nagbabawal sa kanila.
"Tumigil nga kayo. Walang mangyayari sa inyo. Parehas lang din naman kayong umaasa." bastos na sabat ko saka umirap sa dalawa."Pumunta tayo dito para damayan si Harper hindi sa mga isyu niyong dalawa."
Nagkatinginan saglit si Danica at Heather tapo napangisi sa inakto ko. Tinasaan ko sila ng kilay at humalukipkip ako. Ayan na naman 'yong mga tingin nila sa akin. Totoo naman ang sinabi ko. Nagtatalo na sila dahil lang sa walang kwentang mga lalaki.
Hindi ako man hater, sadyang naiinis lang ako sa mga magkakaibigang playboy ng campus namin. Akala mo kung sino. Okay, siguro nga nabiyayaan sila ng panlabas na anyo pero kinulang naman sa panloob.
"Woah! tatahimik na po ako."
Napatingin ako kay Danica. Tinaas pa niya yong dalawang kamay niya na animo parang susuko.
"Wala akong masasabi sa'yo. Anong sikreto mo para hindi mahulog sa charm ng mga 'yon?" dagdag pa niya.
"Oo nga. Paranas naman ng walang hard feelings. Anong pakiramdam ng hindi umaasa? Any tips? Para hindi kami laging sawi. " dagdag ni Heather.
Napailing na lang ako at nagkibit-balikat. Parang kanina lang kung magbangayan ang dalawa halos personalan tapos ngayon kung makatanong ng tips akala mo naman magagawa nila 'yong mga sinasabi ko.
"Ano ba nagustuhan nyo sa mga 'yon maliban sa pabigat sa magulang nila ay palikero pa?" balik kong tanong sa dalawa.
Hindi ko maintindihan sa parte na sa una pablang alam nila na masasaktan sila pero pumapasok pa rin sila sa relasyon na walang kasiguraduahan. Alam kong normal lang na masaktan kapag umibig ka at pumasok sa isang relasyon. Ngunit ang hindi ko lang talaga maintindihan; sa simula pa lang alam ng mga kaibigan ko na hindi seryoso ang lalaki na gusto nila pero pinipilit pa rin nilang pumasok sa buhay ng lalaking hindi seryoso sa simula pa lang. Wala nga yatang balak magseryoso ang mga 'yon hanggang sa pagtanda nila.
Dumating sa punto na handa nilang isugal ang panandaliang kaligayahan sa pang habang buhay na sakit.
"Mahal ko eh."
"Hindi mo pa kasi nararanasang magmahal."
"Kahit masakit tatanggapin ko para lang makasama siya."
"Sana gano'n lang kadali ang lahat."
Iyan lagi ang nakukuha kong sagot mula sa mga kaibigan ko tuwing nagtatanong ako.
Siguro nga hindi ko pa naranasan magmahal kaya hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman nila. Pero gano'n ba kapag magmahal ka? Handa mong gawin ang lahat para sa taong mahal mo? Handang magpakatanga para lang makasama mo siy?
Iba kasi ang paraan ng pagmamahal ko. Kung magmamahal kasi ako. Ako 'yong tipong babae na kung sakaling ayaw na sa akin ng taong mahal ko handa kong pakawalan siya kahit gaano pa kasakit. Tingin ko kasi hindi magwowork out ang isang relasyon kung isa lang sa amin ang masaya habang ang isa ay nakakulong sa relasyon na hindi niya na gusto.
Alam kong kapag nagmahal ako kaakibat no'n ang masaktan. Hindi naman ako natatakot magmahal at nakahanda rin ako sa posiblilad na mangyrari, pero tuwing nakikita ko ang mga kaibigan ko na sawi dahil sa lalaki parang gusto ko na lang maging mayamang tita ng mga pamangkin ko.
Sa ngayon wala sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Prayoridad ko muna ang mag-aral dahil tatlong taon na lang ay magtatapos na ako sa kolehiyo.
Bumukas ang pinto kaya lahat kami ay napatingin sa bagong dating. Iniluwa no'n ang isa pang kaibigan naming si Farrah. As usual, siya lagi ang late kapag ganitong usapan o kahit anong okasyon na gaganapin naming magkakaibigan. Hindi namin alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
"Buti naman dumating ka pa." Tamad na tinignan ko siya. Lumapit siya sa akin at tumabi ng upo.
"Sorry sissy!" iyan lagi ang sinasabi nya tuwing huli siyang darating.
Inirapan ko na lang siya. Katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto namin pagkatapos no'n. Tanging mga hikbi ni Harper ang nagsisilbing ingay. Naaawa ako sa kanya. Hindi nya ito deserve. Hindi deserve ng kaibigan ang masaktan. May kasalanan siya, oo, kasi ginusto din niya 'yon pero walang karapatan ang lalaking 'yon na saktan ng ganito ang kaibgan ko.
Kumuyom ang kamao ko. Simula ng ng mag-aral ako rito puro pananakit ng feelings ng babae ang ginagawa nila hanggang ngayon. Kaya kahit hindi sa akin ginagawa ay gusto ko silang ilampaso sa sahig hanggang sa matanto ng mga 'yon ang kasalanan nila.
Hindi namin nakakausap ng maayos si Harper dahil tuwing nagbabalak siyang mag-kwento, nauuwi sa iyak lalo na tuwing binabanggit niya ang pangalan ng walang hiyang lalaking 'yon!
"Akala ko ba tinigilan mo na si Jade? Kaya ka ba minsan late ka umuwi dahil siya ang kasama mo?" sunod-sunod na tanong ni Heather pagkaraan ng ilang minuto.
"Anong nangyare sa gagawin ko ang lahat para iwasan ko siya? " segunda ni Danica.
"A-akala ko kasi magbabago siya," nauutal na usal ni Harper.
Napaubo si Heather habang si Danica naman ay napanganga at si Farrah ay ngumisi lang. Halos malukot naman ang mukha ko sa naging sagot niya.
I can't believe this! Naniniwala siyang magbabago ang lalaking 'yon?! Kailan pa? Kapag end of the world na?
"Magbabago pa ba 'yong lalaking 'yon!? Hindi na magbabago 'yon!"hindi ko napigilang isatinig 'yon.
Halos tumayo ako para lang ipamukha sa kanila na hindi na magbabago ang gano'ng klaseng lalaki. Gaya nga ng karamihan na sinabi ng mga tao na once a cheater always a cheater. Bibihira na lang 'yong nagcheat at hindi na uulitin.
Hindi maimagine ng sarili ko na magbabago ang mga lalaking 'yon dahil sa isang babae. Habang buhay na nga yata silang magiging palikero.
"So what's our plan?" basag ni Farrah sa katahimikan pagkaraan ng ilang minuto.
"Anong plan?" nagtatakang tanong Danica.
Nakangiting tumango si Farrah. Napatitig naman ako sa mukha niya. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda. Iba kasi 'yong ngiti niya, parang may binabalak siya na hindi na naman pabor sa akin. Isa pa, kahit lagi siyang late lahat naman ng ideya niya ay may pinatutunguhan. Pero ngayon lang yata ako hindi papayag sa plano niya.
"Imbes na si Joziah ang parurusahan natin bakit hindi ang hari ng mga palikero para lahat sila damay. 'Di ba good idea?" kaagad niyang pahayag nang lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa kanya.
"Oh my gosh!" bulalas ni Danica.
"Tama ba 'yong narinig ko, parusahan? Sarap ba o hirap?" si Heather.
Kaagad kong binato si Heather ng hawak kong unan. Nasalo naman niya iyon habang natatawa sa reaksyon ko. Seryoso kami dito tapos iyan ang nasa isip niya. Napasimangot ako nang mapatingin sa dalawa. Nakanguso si Danica habang si Farrah ay natawa nang mahina. Parang wala lang ang sinabi ni Heather.
"Joke lang! Bawal na ako sa iba. Magagalit si ano..." biglang bawi niya.
"As if naman magagalit 'yon." pang-aasar na bulong-bulong ko.
"Pero in fairness good idea! Pwede nating gamitin 'yang naisip mo." Pumalakpak si Farrah, para bang sobrang ganda ng ideya na naisip ni Heather.
"Alin ba 'yong sarap o hirap?" pag-ulit pa ni Danica.
Napasimangot ako nang ulitin ni Danica na may kasamang maharot na tawa. Wala sa sariling tumingin ako kay Harper, magkatuod ang dalawang braso niya sa tuhod habang nakapatong ang baba doon. Tahimik lang siya na nakamasid sa amin para bang interesado sa suhestiyon ni Farrah.
"Ipaparamdam muna natin sa kanya ang sarap bago niya maramdaman ang hirap," makahulugang ani Farrah.
Napaisip ako. Pinag-isipan ko nang mabuti ang sinabi ni Farrah. Hmm.. mukhang hindi naman masama ang plano niya
"Interesado ako!" biglang naibulalas ko.
Nagulat sila sa sagot ko. Namamangha ang mga kaibigan kong nilingon ako. Si Harper na nakatunganga sa kama ay nag-angat ng tingin sa akin.
"Ay bago 'to ah? Bet ni Everleigh 'yong plano ni Farrah. Mukhang gusto din sa plano na sarap at hirap."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Heather. Alam kong may ibang ibig sabihin si Farrah sa sinabi niya. Tuwing nagplaplano ang mga kaibgan ko ng kalokohan ay lagi akong kontra, pero hindi ito basta kalokohan dahil sa puntong 'to gusto ko ng matapos ang mga katarantaduhan ng mga kumag na 'yon. Ayaw ko ng makita ang mga kaibigan ko o kahit ibang babae na umiiyak at naghahabol sa mga palikero na 'yon.
"A-ano bang plano niyo?" naisatinig ni Harper.
Umayos siya ng umupo at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya. Inayos niya ang buhok na tumatabing sa mukha niya para makakita ng maayos.
"Oo nga! G ako, ngayon ko lang nakita sumang-ayon si Leigh e," komento ni Danica.
Napangisi ako. Hindi ako makapaghintay na magdusa ang hari ng mga playboy. Iniisip ko pa lang ang paghihirap nila ay para na akong nanalo sa lotto.
"Leigh, nakakalilabot 'yang ngisi mo. Ano bang balak mo?" kapagkuwan ay tanong ni Heather.
Napakurap ako at nagkibit ako ng balikat. Wala akong eksaktong plano pero na excite ako sa gagawin namin. Pero aaminin ko na medyo kinakabahan ako dahil may pakiramdam akong may hindi din maganda sa plano.
"Hindi ko rin alam." Tumingin ako kay Farrah na animo siya ang dapat tanungin sa plano namin.
"Gaga, kung makangiti ka diyan kala namin nakaisip ka na ng plano."
"Excited lang akong magdusa 'yong kumag na 'yon." untag ko.
Umani nang malakas na tawa sa kaibigan ko ang sinabi ko.
"Galit na galit? Gustong manakit?" natatawang asar ni Heather.
"Parang ikaw 'yong niloko ah?" dagdag ni Farrah.
Inirapan ko na lang sila.
"So ano yung planong naisip mo?" tanong ni Heather nang matapos silang tumawa.
Hindi na nag-isip si Farrah at walang paligoy ligoy na sinagot ang tanong ni Heather."Paiibigin natin siya..."
Napanganga si Heather at Danica. Si Harper naman ay halos manlaki ang mata sa narinig. Nakatamaya ako kanina pero nanlambot at nadulas ang baba ko sa kamay nang marinig iyon.
Paulit-ulit na nagreplay sa utak ko ang sinabi ni Farrah hanggang sa hindi ko na namalayang tawa na pala ako nang tawa. Ang mga kaibigan ko naman ngayon ang natahimik. Para may malalim silang iniisip.
"Paano?" tanong ni Harper, desidido talaga yatang makaganti kay Jade Ashton, kahit hindi naman siya mismo ang target.
Dahil malapit lang sa akin si Farrah ay mahina niyang sinabunutan ang buhok ko na nagpatigil sa tawa ko. Sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niya pero hindi na ako muling tumawa.
"Seryoso kasi ako!" reklamo niya sa akin.
"Ay, akala ko joke. Sobrang nakakatawa kasi," sarkastikong saad ko.
"Hindi mo pa kasi ako pinapatapos!" may halos inis na usal nya.
Ngumuso ako at hindi na umimik pa. Hinintay ko na lang ang sasabihin niya.
"Gagawin natin kung ano ang ginawa kay Harper. Pero syempre sa hari ng palikero. Paiibigin natin siya at pagkatapos iiwan sa ere, then boom!"dugtong niya sa naputol na paliwanag, kumumpas pa ang dalawang kamay niya parang sumabog talaga."Tapos makikita ng mga kaibgan niya kung gaano kamiserable at nasasaktan ang kaibigan nila syempre maapektuhan sila kaya maiisip nila na hindi na gawin ang bagay na 'yon."
Hindi kami agad ako nakaimik sa narinig. Tama si Farrah. Mas masakit na bumalik ang lahat ng ginawa niya sa mga babaeng sinaktan niya. Pero paano naman namin paiibigin 'yon kung wala yata sa bokubolaryo niya ang salitang pag-ibig.
"Marupok ako. Kaya hindi ako pwede. Pass muna ako. Buti sana kay Finn." wika kagad ni Danica.
"Nando'n na ako sa isa niyang kaibigan, kaya hindi rin ako available." Umiling-iling pa si Heather.
"Hindi naman din ako pwede. Kilala na niya ako." ani Farrah.
"Mas lalong hindi rin pwede si Harper." sabay-sabay na saad ng tatlo.
Tumango ako bilang pag-sangayon.
"Siya ang huling sinaktan. Hindi niya din kaya baka imbes na makipaghiganti ay lalo pang mahulog. Lalo pa at medyo obvious dahil galing lang siya sa isang relayon at kaibigan pa niya." ani ko.
"Sino ang gagawa?" wala sa sariling dagdag ko.
Lahat ng tingin nila ay napunta sa akin. Natigilan ako at saka ko lang natanto na lahat sila ay hindi pwede maliban sa akin.
"Magagawa mo 'yong plano natin," bulong ni Harper pero ring naming lahat.
"Hindi ka niya kilala," ani Danica.
"Hindi ka nakukuha sa charm nila kaya malayong mainlove ka." si Heather.
"Ibig lang sabihin magagawa nating gantihan ang hari ng palikero dahil pasok ka sa lahat ng hinahanap natin na gagawa no'n." huling sabi ni Farrah.
Napatulala ako sa kawalan. Halos mabingi ang tainga ko. Wala akong ibang marinig kundi ang lakas lamang ng tibok ng puso ko. Ako talaga ang gagawa? Hindi sa natatakot ako pero may pakiramdam akong pagsisihan ko 'to sa huli.
Napakunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanila.
No way!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top