Chapter 4 : Mendoza
Chapter 4 : Mendoza
Donna's POV
"Sorry." agad akong nagulat sa sinabi niya. Ang lungkot ng mga mata niya.
Pero hindi! Binawi ko ang kamay ko. "Blake Mendoza ayaw ko sa mga lalaking katulad mo kaya please lubayan mo na ako. If you hate me that much edi wag mo akong pansinin." sabi ko at agad umalis.
"Omg that girl!"
"Anong pinagsasabi niya kay Blake!"
"I hate her!"
Hindi ko na sila pinansin at patuloy akong naglakad. Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa garden. Pumasok naman ako doon dahil walang tao. Napakapresko ng hangin. Sana lagi nalang ganito yung nalilibang mo ang utak mo, yung chill lang.
Agad akong nagulat ng makita ko si Marco sa bench, nagbabasa ng libro. Pupuntahan ko ba siya? Wala naman sigurong masama kung sasamahan ko siya.
"Hi" bati ko at agad naman siyang lumingon.
"Oh, It's you. Hi donna!" Nakangiting bati niya.
"Sorry na distorbo ba kita?"
"Ah hindi naman, upo ka dito." Sabi niya.
"Thanks."
"Boyfriend mo yun?" agad akong nagulat sa tanong niya.
"Hindi no!" sagot ko pa.
"He's crazy" he smiled.
^_^ <3
"I know."
"You should find a boy, a man rather who is better than him." sabi niya habang naka tuon sa libro ang tingin.
"Actually I don't like him. We're not even in the good terms."
"hmmm" maikling sagot niya. Sexy.
Lumipas ang oras at medjo awkward. Pero masaya siyang kausap <333
"Maybe I should go Marco." nagpaalam ako at agad na tumayo.
"Ok, Can we eat lunch together? Wala pa kasi akong friends" nahihiyang sabi niya. Cute!
"Sure!" ngumiti ako.
"Can I get your number para ma text kita mamaya. If it's okay ba?" sabi niya at agad niyang inabot ang cellphone niya sakin. Shet Marco!
Tinype ko dito ang number ko at agad inabot sa kanya. Shet ang lambot ng kamay niya!
"You should go bala mahuli kapa. See you later Donna. Take care." My heart <3
"See you later Marco!"
Lumabas ako sa garden at tumakbo para makahabol sa 3rd class ko. At salamat hindi ako na late. Umupo na ako sa upuan at maya-maya ay dumating na si Mr. Fuentes. Agad naman siya nag discuss ng Chemistry . Boring talaga dahil wala ang mga kaibigan ko. Ang lungkot mag-isa.
"Ms Garcia!" Bigla akong kumibo at nagulat. Jusmeyo naman si sir! "Are you listening?!" sigaw niya pa. Badtrip!
"Yes sir!" Sagot ko.
"Tsk! Ms. Garcia kanina kapa tulala!"
"Sorry sir!"
"Find Mr. Mendoza and answer all of this with him!" galit na sabi ni sir. WHAT THE H*CK!
"Ano sir!" Di makapaniwalang sagot ko!
"Pumili ka Ms. Garcia answer all of this with him o hindi kana papasok sa klase ko?!"
"Answer sir!" napilitang sagot ko!
BAD DAY!!!
Nasaan na naman yung Mendoza na iyon! Nakaka badtrip! Wala talagang planong pumasok?!
"Good! You may now take your lunch class. Pass it tomorrow Ms. Garcia. May panahon pa para masagutan niyo tong 100 items dahil half day lang naman ngayon. Understand?! Bye class!"
B A D T R I P
Agad kong kinuha ang cellphone ko.
Unknown
09*********
Hey, It's me Shaun Marco. Text me if you're finish with your class :))).
received
Agad kong pinalitan ang name niya "Shaun Marco<3"
Hindi siguro ako makakasabay kay Marco! Arg! Badtrip talaga si sir! Nakakalungkot. Saan na naman yong Mendoza na iyon!
Compose message
Marco I'm sorry. Mukhang hindi ako makakasabay ngayon. May seatwork kasi akong gagawin. Sorry talaga :((
sent.
Shaun Marco<3
It's okay, then maybe tomorrow? Take care Donna :))
received.
Compose message
Thanks, you too :)
sent.
Agad kong linigay ang cellphone ko sa bag at hinanap si Mendoza. Baka mamaya makita ko naman siya lumalandi!
Asan naba yung bugoy na iyo! Nakakabadtrip. Pumunta ako sa basketball court pero wala siya doon. Nakita ko lang ang mga team mates niya. Agad ko sila nilapitan at tinanong.
"Alam niyo ba kung saan si Mendoza?" Nagulat sila sa akin. Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda? tsk!
"Hindi namin alam miss. Hindi siya pumasok pagkatapos ng recess eh." sabi pa nila. At naalala ko naman. ang nangyari kanina. Tsk, ba't parang nagi-guilty ako?! no way!
"Salamat." lumabas ako sa basketball court at nakita ko nakita ko si Drew. Ang matalik niyang kaibigan.
"Drew!" sigaw ko pa.
"Oh, Donna, ba't ka nandito?"
"Alam mo ba kung nasaan si Mendoza?" Tanong ko pa.
"Si blake? Hindi siya pumasok dahil masakit ang ulo niya. Sinugod kasi sa ospital ang tatay niya kahapon." Agad akong nagulat sa sagot ni Drew. Sinugod sa ospital ang tatay niya akala ko ba...
"Hindi ba kayo nagbasketball kahapon?"
"Ha? hindi baki—"
"Sige bye salamat!" Agad akong tumakbo at naiwan na siya doon.
Nagi-guilty ako! Paano ba kasi ang sungit-sungit! Desperado pa! Nako Blake nakakaloka ka!
Agad akong sumakay sa tricycle. Oo nga pala hindi ko alam kung saan ang bahay nila. Pero sabi ni Jane noon, malapit daw sa school.
"Manong alam niyo po ba kung saan ang bahay ni Blake Mendoza?" Tanong ko sa driver.
"Ah ang anak ho ni Sir Bernard maam?" sino naman si Sir Bernard nayan? Siguro yan ang ama ni Blake! Bahala na si batman! Agad akong tumango.
"Opo manong doon ho ako"
Ilang minuto lang at naka dating ako sa bahay nila ang laki-laki jusmeyo naman tong kinakalaban ko! Halatang talo na ako kapag dadalhin kami sa court! May pa guard pa si Mayor!
"Hello po maam, ano pong kailangan niyo?" Biglang tanong ng guard sa akin.
"Ah nandito po ba si Blake kuya? May kailangan kasi kaming sagutan." at ipinakita ko sa kanya ang ibinigay ni Sir.
"Girlfrie—"
"Classmate po!"
"Ah sige pasok ija" Sabi pa ng guard at binuksan ang gate. "Manang Ann may bisita ang sultero mong alaga hahahaha." agad namang may pumuntang matanda. Mga around 40-50 siguro ang edad. Siguro katulong dito o nag-aalaga kay Blake.
"Ija tara pasok ka dali!" agad niya akong dinala sa loob ng bahay. Ang laki! Ang ganda! "Mabuti naman at may pumunta dito! Teka lang girlfriend kaba niya?" nagulat ako sa tanong niya.
"Hindi po! Kaklase niya lang po!" jusmeyo naman!
"ahh sayang naman mukhang bagay pa naman kayo! ang ganda mo kaya ija! hahaha" WHAT THE PAK "Si Blake kasi ay nagkukulong sa kwarto, maagang umuwi yan dito eh. Mukhang matamlay. Masakit daw ang ulo. Ayaw din kumain at lumabas." Nag-aalalang sabi ni manang.
"Manang saan ba ang kwarto niya?" tanong ko.
"Tara sa itaaa ija! Dalhin na natin tong paborito niyang pancakes at sopas." sabi ni manang.
Mahilig din siya sa pancakes? hmmmm. Umakyat kami sa taas ni manang. Inggrande pati hagdan! At nandito na kami sa tapat ng kwarto niya.
"Ijo may bisita ka dito."sabi ni manang sabay katok.
"Manang I'm tired." Mahina ang boses niya pero halata ngang matamlay.
"Buksan mo na ito at wag ka nang mag matigas diyan. Siguradong magugustuhan mo ang bisita." sabi ni manang at agad naman akong nagulat.
"Blake..." mahinang sabi ko at agad kumatok.
"Ija ikaw na ang bahala oh ito ang pagkain niya. Salamat." agad namang inabot ni manang at umalis. Omg manang wag mo kong iwan!
"BLAKE!" halos makasigaw na ako! omg!
"Anong kailan mo?!" biglang bumukas ang pinto at natanaw ko si blake. Nakasando! Naka shorts! Ba't ang gwapo?! No no no! Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya.
"May seatwork tayong gagawin. Oh ito pagkain mo." inabot ko sa kanya ng hindi tumitingin.
"Ganyan ba ako ka gwapo para di mo matignan?" inilapit niya ang mukha niya sakin at agad naman akong umiwas at lumayo sa kanya.
"Ano ka ba Mendoza! gusto mo bang basagin ko mukha mo!" sabi ko at ngumisi siya.
"Sige basagin mo nga." agad siya pumikit.
"Ikaw Mendoza ha! Hindi ako pumunta dito para makipaglandi sayo kaya please lang! Kahit ngayon lang magtino ka nga!" suway ko.
"okay pangit!"
-_-
"Grrrr! Oh ito! Sagutan mo lahat yan! Hinati ko na yan , para fair tayo!" binato ko sa kanya ang test paper ni Sir Fuentes.
"Ano to?!" gulat na tanong niya.
"Ano pa edi test paper ni Fuentes!"
"Ayaw ko nito! Ikaw na!" agad niya itong tinapon. Bastos talaga!
"Anong ako?! Hoy Mendoza hindi lang ito ang inaatupag ko. Madami pa!" pinulot ko naman ito sa sahig. Nakakahiya ka Mendoza nakakagigil!
"Bukod sa pakikisama sa badoy na transferee ano pa nga ba?" sumandal siya sa pintuan habang naka ngisi. bigla akong nainis! Nakakainis na talaga!
"Hoy! Wag mo akong gayahin sayo na nakikipag landi kahit saan! Nakakabwesit kana talaga Mendoza ha! Kung ayaw mo bahala kana sa buhay mo! Nakakainis ka—" agad akong natigilan ng bigla niya akong—— halikan?! para akong statwa! galaw donna! Pero bakit parang nakaglue ako!
1
2
3
4
5
MY FIRST KISS?! nOOOOOO
Blake's POV
"Hoy! Wag mo akong gayahin sayo na nakikipag landi kahit saan! Nakakabwesit kana talaga Mendoza ha! Kung ayaw mo bahala kana sa buhay mo! Nakakainis ka—" sa sobrang ingay niya ay bigla ko siya hinalikan. Yan lang siguro ang paraan para tumahimik ang labi niyang nang aakit.
Ang lambot ng labi niya. Tama ba to Blake? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang kinakabahan.
1
2
3
4
5
Agad kong pinutol ang halik. Halatang gulat na gulat parin siya. Siguro maninipa to. Para siyang statue. Cute.
"Ang ingay mo." yan lang ang naisip kong sabihin , umiwas ako ng tingin. Ano ba para kang robot Blake! agad pumasok sa kwarto at ni-lock ito. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang hinahabol.
"MENDOZA LANGHIYA KA!!"
lagot.
———————-
Author's Note :
AMBILISSS NOOO? hahahahahaha SALAMAT SA PATULOY PARING NAGBABASA NG LIBRONG TOOOOOO SANA SUPPORTAHAN NIYO PARIN HEHE . HINDI KO NA TO SUSUKUAN.
Team Blake at Donna ba kayo ? o Team Shaun at Donna?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top