Chapter 3 : Shaun

Chapter 3 : Shaun




Donna 's POV


Umuwi ako sa bahay na parang tanga. Ba't ako malulungkot bahala siya sa buhay niya! Nagyayang mag date tapos mang iiwan! Nakakasira ng ganda!

Agad akong humiga sa sofa at nag cellphone.

Pero boring.

Agad akong nanood ng TV.

Boring padin. At napag isipan ko nalang na pumunta sa kwarto ko at matulog


Nakahiga at hindi mabura sa isip si Blake! Arg! Ba't pa kasi ako sumama sa bwesit na yon! Wala naman akong napala maliban sa nabusog ako!


Ginulo gulo ko yung buhok ko. Na disappointed kasi ako sa ginawa. Sino bang mag-aakalang aalis na lang siya basta-basta at babastusin niya pa ako.


Iiwasan ko yun for sure! Lakas ko eh!


Pina-andar ko yung aircon at natulog. Ang init kasi at ang boring pa.


*phone rings

Ngayon pa! tsk! natutulog ang ang tao! I'm so mean pinundot ko yung end call.


I don't talk to strangers, unknow number kasi as in u-n-k-n-o-w-n makatulog na nga.


Blake's POV

Agad akong nagmadali pa puntang ospital.

*
"Hoy!" Sigaw ni Donna. Mukhang galit na galit naman ang pangit. Sorry.

"ano?"

"Wow! aalis ka nalang na hindi nagpapaalam! galing ha! tapos hindi mo man lang ba ako ihahatid ulit?! bastos!" hay. Suplada, maarte. Sa kanya na talaga ang lahat!

"May practice pa kami sa basketball, anong gusto mo uunahin pa kita? tanong ko ano ba kita? tsk!" Yan lang ang naisip ko'ng dahilan at kitang kita kong mas lalo siya nagalit. Sorry.

Agad kong pinaandar ang kotse ko pa puntang ospital.
*

"Ikaw po ba ang anak ng pasyente?" sabi ng nurse.

"Ako nga po."

"Biglang hinimatay po ang pasyente. At isinugod dito sa ospital. Mabuti nalang po at maaga siyang idinala dito. Sa ngayon ino-obserbahan pa siya namin kung ano ang posibleng rason kung bakit siya hinimatay. I-uupdate nalang po namin kayo. Excuse me."

"salamat" sabi ko at agad akong nanlumo.

Hanggang kailan kapa magkakaganyan dad? Kasalanan mo to mom. Kung hindi mo kami iniwan at kung hindi ka naghanap ng ibang pamilya malamang hindi magkalaganito si daddy! Agad akong napasuntok sa pader kasabay ng pag tulo ng luha ko. Ang sakit.






Another day



Donna's POV


"Manong para!" mabilis kong pinaypay ang jeep. Jusko nemen po, late pa ako mukhang binangugut ako dahil napaniginipan ko yung Blake na yun!



Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakita akong...NAGLALANDIAN? at si...BLAKE?? AT YUNG CLASSROOM MUSE NAMING SI ARAH? Jusmeyo! Samapalin niyo ako!

For your information people in the world di ako nagseselos no! Talagang nakakadiri lang talaga!
tsk tsk tsk! PDA!




Classroom. Wala ngayon si Jane. Wala rin si Sam. Nagtext sakin si Jane na may parang linalagnat daw siya tapos si Sam naman ay may family reunion kaya this day...I'm so lonely. huhuhu.

Napakabilis ng oras ng pumasok si Ms. Cortalya. At agad naman siyang nag bigay ng Quiz! Mabuti nalang kahit hindi ako nag review, nakahighest pa din! hahahaha. Belib talaga ako sa sarili ko maganda na nga, aba'y matalino pa! Napansin ko'ng wala akong Blake na nakita! Sus! Ba't ko na siya hinahanap? For sure naglalandi yon! tsk tsk tsk! BLAKE MENDOZA ALIS SA ISIP KO!



Recess na at mag-isa lang ako! huhuhuhu. Agad akong pumunta sa canteen at nag order ng mga paborito ko. Pagkatapos nun ay agad akong umupo sa table kung saan may dalawang upuan. Sa bagay isa lang naman ako, so naisip ko'ng dito umupo.



Habang Kumakain ako. Agad akong nagulat nung may biglang sumulpot na.....OMG NANAGINIP BA AKO?! ANG GWAPO!!!



"Hi binibini." agad niya akong binati with pa ngiti pa! enebe binibini! "Pwede bang makiupo? Wala na kasing available doon eh." enebe!


May pagka chinito! Makinis ang balat! Maputi! At higit sa lahat gentleman! hindi katulad ng Blake na iyon!



"ahhhh suuuureee!" ba't ako nauutal! Omg wag kang traidor self! kinikilig ba ako! omggg mamaaaaa!



Agad siyang umupo.


Akward!


"Excuse me miss, do I make you feel uncomfortable?" ay jusmeyo naman! Agad akong nagulat! No no no! You make meeee HAHAHAHAH kelegzzxxxx.


"Ahhhh hindiii nooo!" agad naman siya ngumiti argggg nakakatunaw! "Ako nga pala si Shaun Marco" agad niyang linahad ang kamay niya sakin. Shaun Marco!! Ang ganda! Omg makikipag shake hand ba ako?!



"Nice to meet you Marco, I'm Donna!" at agad ko ring nilahad ang kamay ko. I'm melting!

<33333


"I'm so glad, ikaw yung una kong naging friend dito. Kaka transfer ko lang. It seems people here are friendly and nice!" oo naman except kay Mendoza! grrrrr.

"Oo naman, hehe!" pabebe Donna amp!

"Blake hot!"

"Omg blake akin ka nalang!"

"Omg guys si Blake Mendoza!!!"


Agad kamin napalingon sa entrance ng canteen! Andiyan na siya! Pa cool talaga amp! Wag mong pansinin Don! Pero huli na ang lahat. Agad niya akong nakita at mukhang galit?! Agad ko namang tinuon ang pansin ko sa pancake.


"Do you know him?" sabi ni Marco.


"Ahhh——" di ko na natuloy ang sasabihin ko!


"Blake dito ka sakin!" parang himamatayin na si girl! lakas maka over act!



Di ko namalayang papunta na pala si blake sa table namin?! What?! Wag mong pansinin guni guni mo lang yan Don! Noooooo!



"Excuse me." nagulat ako ng biglang sinabihan ni Blake si Marco. Panira talaga!



"Pardon?" -Marco




"Alis." kalmadong sabi ni Blake.



"Why would I? I'm the first who sit here bro." kalmado ding sagot ni Marco. Oh no arg! Blake Mendoza stop!



"Yes ,you're the first. But I'm the last." Nakangising sabi ni Blake.



"May I know who you are?"



"I'm the boyfriend of the girl in front of you. So stay away, go" What the h*ck! grrrr!




"What?!" agad akong nagulat sa sinabi niya!


"Sige, I'll go. Nice meeting you Donna. See you around." cold na sabi ni Marco at agad na umalis.
huhuhu bwesit ka Blake!


"Go." dagdag ni Blake at umupo. PANIRA!


"Kahapon lang tayo nagsama tapos ngayon may kasama ka nang iba. Lakas ng dating mo pan-git. Di ka nagsabing mahilig ka bala sa mga badoy na transferee."


Bigla akong nainis!



"Paki mo ba?!At sinong nagsabi sayo na girlfriend mo ko! Kapal din ng mulka mo! bwesit ka talaga! Arg! Kainis ka! Doon nga nga sa babae mo!" Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.



"Sorry." agad akong nagulat sa sinabi niya. Ang lungkot ng mga mata niya.



——————-

Author's note :
OMGGGG GUYSSSS SORRY TALAGA SA NAG AABANGAN NG STORY NA TO! NGAYON LANG AKO NAKAPAG UPDATE HAHAIAIAJAJSJHSUAUSUA PERO GUYS TRY KO TALAGANG BUMAWIII HUHUHUHU SORRY SORRY SORRY LABYUUU ALL!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top