Chapter 1 : Para kang Bola!
Chapter 1 : Para kang bola!
Donna's
------
"Class our lesson for today is--" naputol ata yung discussion ni ma'am.
Ano ba yan? Bigla nalang may tumayo. Ah hindi! May na late! Huwew! Yung heartthrob ng bayan na late! HAHAHA.
"Mr. Mendoza, why are you late?" Yan bagay yan sayo puro ka kasi basketball!
Bigla nalang siyang napatingin samin, yung animong hindi na alam kung anong gagawin ,ah! gets ko! tawag doon ay speechless!
"Baketball po ma'am" napaamin din.
"Ano yung masmahalaga sayo basketball o academics?!" mukhang galit talaga si Ms. Calavante. Haluh! lagot ka sa kanya! HAHAHAH.
Nakakatawa talaga yung ekpresyon ni Blake! HAHAHA! parang kawawang aso! Hindi ko na talaga kayang pigilan! napapatawa na talaga ako! bwesit! Hindi pa siya nakasogot!
"HAHAHA!" wait ,tumawa ba ako? omygad!
"Ms. Garcia, anong nakakatawa?" lagot! tumingin saakin yung Blake na iyon. Aba! hinahamon niya ba ako? tsk! parang hayop makatingin!
"Ah! Wala ma'am! eh kasi, naalala ko kasi kahapon yung nakakatawang litrato na ipanakita saakin ni" ni ano? omg! dapat makalusot ako! "Ni Jane! hehe, nakakatawa kasi ma'am, hindi mabura sa isip ko!" hays, salamat.
Tinignan ko si Jane at agad nginitian, you're my savior Jane!
"Sit down now, Mr. Mendoza and Ms. Garcia." pasalamat ka! tsk!
Habang papunta sa upuan yung hayop na blake na yon! wew! may masamang tingin pang ibinigay saakin! o sige! kainin mo ako ng buhay! Pero sorry baka hindi ako kasya sa bunganga mo. Masyadong maliit! tsk!
Lesson, lesson, lesson,
*ring2x
"Okay class! dismiss!" yes! makakauwi narin ako!
Lumabas na ako ng room, aba kung minamalas ka nga naman!
"Aba! Ang tapang mo talaga Pangit!, makatawa ka wagas, eh sure! wagas wagasin mo na yan dahil darating ang araw hindi kana talaga makakatawa!"
wow, tong hayop na to!
"Tsk! Mr. Popular aka Mr. Late" sabay kong rolled eyes. "Bakit bawal bang tumawa kung may nakakatawa?" hayop talaga to! nakakainis.
"Pinahiya mo ang pinaka famous na basketball player dito sa school, eh ano nakakatawa parin ba?"
"Pagsinabi kong oo, may magagawa ka ba?" I crossed my arms ,checka talaga to!
"Hahalikan kiya, sige tawa kalang!" grabe ang seryoso ha!
"Sige halikan mo! Dahil baka masuntok kita!"
"Asa ka! Akala mo hahalikan kita? Wag kang feeler Ms. Not so beautiful ah hindi pagit ka! HAHAHA" wow! ang taray ng mga basketball player! bongga talaga eh no!
"Mas bakulaw kapa saakin!" sabi ko agad tumalikod.
Pagkatapos "Aray!" agad akong lumingon sa kanya.
"Bagay yan sayo! Wala kang kwenta! Makapagsalita ka akala mo sino uang maganda! stupid!" wow! pinahiya pa ako ha! Bola pa yung ipinatol sakin! g*go talaga yang bakulaw nayan! g*go!
"Makakaganti din ako sayo!" gago ka talaga!
"Donna! Anong nangyari sayo?" linapitan ako ni Jane at Sam, mga bestfriends ko.
"Yung heartthrob kasi ng school, hinahamon ako."
Sayang na nga lang hindi namin ka section si Sam pero okay lang naman dahil pagkatapos ng klase lagi naman kaming tatlo nagba-bonding.
"Ah! Si blake ba?" tanong ni Sam. Kilala niya rin yung gagong yun? Ang sakit ma ng tama sakin! I hate him!
"Paano mo siya nakilala?"
"Siyempre maraming babaeng patay na patay sa kanya!" patay na patay? Jusko! parang bakulaw yung mukha.
"Jusko naman! parang bakulaw yung mukha niya!"
"Wow girl ha ! Gutom lang yan! Tara punta tayo nga cafeteria ,libre ko!" talaga manglilibre si Jane?! Himala!
Habang naglalakad kami, hindi talaga mabura sa isip ko yang Blake Mendoza nayan! Napaka hays! basta naiinis talaga ako sa kanya! Napa ka arrogant! Walang respeto!
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo Don" buti nalang alam mo Sam.
"Ah! Wala no! Nagugutom na kasi ako. Tara pasok na tayo!" wala na akong masabi.
"Oh anong order niyo?" tanong ni Jane.
"Plain Pancake nalang yung akin Jane." Yun kasi yung favorite ko! Hehehe "tapos iced tea!" dagdag ko pa.
"Spaghetti nalang akin Jane tapos coke!" wow talaga tong si Sam sosyal talaga! HAHAHA.
"Sige, mag-oorder na ako, hanap na kayo ng seat natin!"
naghanap kami ni Sam ng seat dun sa pinakadulo. Habang naglalakad na bangga ako nang isang lalake nagmamadali kasi. Bwesit! Ako pa yung natumba!
"aray!" paaarte ko ah hindi! totoo nasaktan talaga ako! nakakahiya.
"Uy! okay kalang ba Don?" tanong sakin ni Sam. Ofcourse not! sino ba kasi yun! kakalbuhin ko talaga!
Tinulungan akong tumayo ni Sam, nakakahiya talaga lahat ng atensyon ng mga tao napunta sakin. At wow! Hindi pa nagsorry!
"Sino ba yon!?" inis kong tanong.
"Sino pa ba, edi yung heatthrob ng bayan" Blake Mendoza?! bwesit talaga yun!
"Wow! Hindi manlang nag sorry! gago talaga yun!" naiinis na talaga ako! sh*t!
"kalimutan mo nalang mo na siya, gutom lang yan. Tara hanap tayo ng mauupuan maya-maya nandito na si Jane." okay tutal gutom naman talaga ako.
"Guys! nandito na yung foods!" wow! ang dami naman.
"Oh don ba't ka nakasimangot?" pinaalala niya pa.
-_-
"later na lang ikwekwento namin sayo!" sabi ni Sam.
"sige, kain na tayo!" nagstart na kaming kumain. Ang lakas talagang kumain ni Jane pero payatot parin eh! HAHAHA.
"Guys! naalala ko pala! ngayon pala yung championship ng Basketball!" sabi ni Jane at wala akong paki alam dahil kapag manood kami hays! sumasakit lang ang ulo kong tignan yung mga basketball players akala mo kung sino! Tsk! at isa na don yung hayop na Blake na yon!
"Nood tayo?" isa pa tong si Sam, hays! manood kayo.
"Kayo nalang siguro guys, wala talaga ako sa mood eh" lalo na kapag nakikita ko yang Blake na yan! sakit sa ulo ang dala!
"Ano kaba badtrip! bad timing yung bad mood mo bes! please! pumayag kana please....." nagpa-cute patong si Jane. Ugh! ano ba to! sige na ngalang! may pinaplano pa naman ako sa revenge ko kay blake HAHAHA as *eveil laugh.
"Okay!" sabi ko agad silang nag apir sa isa't isa.
"Tara na! Magsa-start na maya-maya."
Agad kaming tumayo at pumunta sa gym, doon kasi yung championship ihe-held.
^_^
"Dito tayo umupo" suggestion ni Sam. Mukha na mang comportable at makikita mo talaga, may mga bleachers kasi sa gilid ng gym.
"okay, dito na tayo!" sabi ni Jane. Wait, parang naiihi ako! Jusko, bad timing talaga!
"Guys, wait lang punta muna ako ng CR naiihi na talaga ako eh." Hindi ko na talaga kayang pigilan.
"sige! bilisan mo ha! Maya maya magsa-start na yung game!" kk, bibilisan ko naman. Tumakbo nalang ako.
"Pangit!" ano bato! Ba't ako lumingon? eh ang ganda ko! bwesit!
"Bulalakaw?" oo nga! kasi parang hulog ng langit ,nahulog tapos boom bumagsak! HAHAHA.
"Ah! nandito ka para suportahan ako! Wow! thanks ha!" lakas makatulog! taas nang pangarap!
"Ah oo! nandito ako, para panuorin kang matalo." BOOM! HAHAHA. Linalapitan niya ba ako! ew! Ba't ang lapit ng mukha niya! ew! Hindi siya gwapo no! hindi, hindi!
"Paano kung nanalo kami? edi date tayo! deal!" agad niyang inalis ang mukha niya saakin at umalis. Wait, ano?! magdedate kami? date niya mukha niya.
Naiihi na talaga ako! Bwesit talaga yang bulalakaw na yan! napaka ambisiyoso! muntik na kong makaihi sa underwear ko dahil sa kanya bwesit!
Pagkatapos, nagmadali na akong pumunta sa gym at umupo. Timing lang! Pagbalik nagstart na yung game. May dalawang team , Una yung Team
Warriors.
"Let us welcome the team Warriors with there leader Jack De la Cruz!" sabay naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat kasi oo I admit ang gwapo niya! HUHUHU.
"go jack!"
"Omg! Idol kaya mo yan!"
"Go team Warriors!"
yan yung mga narinig ko! woah! yung iba naman may mga banners to show their supports.
"And last but not the least the last year's champion the team slashers!" ang OA ng name! "With their leader Blake Mendoza!" wow! yung bulalakaw sa wakas lumabas na! abot tenga yung ngiti na made in China sus! halata naman. Grabe yung palakpakan sa team slasher halos buong gym talaga pumalakpak.
"Omg blake!"
"kaya mo yan Idol!"
"Blake, akin ka nalang pls!"
"hoy! akin nasiya"
"Hindi akin siya!"
sus! ang ingay! si blake pinag aagawan? yung bulalakaw talagang yun! Nag-start na yung game sa first quarter nanalo ang team slashers as in 20-32 sa second quarter nakabawi ang warriors 56-55 at sa third naman sus! pasikat talaga tong blake nato! halos siya yung naka pa shoot eh! yung third quarter 78-88 at ito last nato 4th quarter na!
"Go team Warriors!" kakampi muna ako sa warriors at una sa lahat bakit naman ako kakampi sa bulalakaw nayon? ew!
"Warriors ka pala? edi magkaaway tayo bes! HAHAHA!" ano slashers pala kina sam at Jane bwesit naman!
At ito na, nagstart na ang 4th quarter. I think mas madami talaga ang supporters ng slasher! tsk! Sa dulo ng game yes yes yes! nakabawi ang warriors! keep it up warriors! wag niyong hayaang maka champion ang slashers! yes yes 99-97! 10 seconds nalang, shit! naagaw pa ng bulalakaw na yon ang bola.
10...
9
8
Tumakbo siya dala dala ang bola papunta sa ring nila!
7
6
5
bantay warriors! naiinit na talaga ako.
4
bilis ang layo pa ni blake!
3
2
pinashoot niya. no! pls. wag! ang malas na shoot pa! bwesit 3 points talaga siya!
"and 1! Congratulations at nanatiling champion ang Team slasher! with a score of 99-100! Congratulations everyone!" tsk! hanggang tenga na naman ngiti ng bulalakaw na yon! binuhat-buhat pa siya ng teammates niya. Magpakasaya kayo diyan!
"Yey! pano na yan? talo ka Donna! HAHAHA" tinawanan ako ni Sam at Jane. Edi wow! bwesit!
"Oo na!" napipikon naako! tawa lang kasi sila ng tawa.
"Libre bukas ha! tar uwi na tayo 5:30 na ho!"
"Tara!"
-------
"Susunduin kaba don?" tanong sakin ni Sam.
"Ah hindi," sabi ko.
"Eh pano ba yan, ayan na yung sundo ko! Paalam don at Jane salamat ulit!" sabi niya saamin. Ang bait talaga ni Sam kahit makulit hehe.
"Bye!" sabay naming sabi ni Jane.
"Oh ano Don, uwi nako ha! baka kasi magtransform na naman si nanay into anger, alam mo naman HEHEHE!" hays mag isa nalang ako dito sa school.
"Sige, ingat!" nagwave pa ako kay Jane.
Omygad! Naisip ko pala yung sinabi ng hayop na blake na yon! Kung ganon pala eh kaylangan ko ng umalis! Nagmadali akong pumunta sa gate andito pa kasi ako sa hallway hays! ang dilim pa kasi 5:45 na!
"Hoy pangit! akala mo makakatakas ka sakin!" pamilyar yun ha! sh*t! wag mong sabihinh si ,lumingon ako hays! kung mamalasin ka nga naman.
"ano yun bulalakaw? " tanong ko at agad niya akong linapitan.
"naalala mo ba ang deal natin?" ah yung date. Gago talaga to!
"Hindi, hindi ko na alala" nagpanggap nalang ako dahil na bebwesit na talaga ako sa gagong to eh!
"Yung date? ah may amnesia ka siguro edi ipapa alala ko sayo! Tanga ka talaga!" wow! bigword!
"Edi magdate ka jan!" agad ako tumalikod kasi agad niya ring hinawakan ang braso ko.
"Hindi pa tayo tapos, bukas 5:00 pumunta ka sa harap gate kung malelate may consequence ka! maliwanag?" hala! ano ba to pata naman siyang mangagain! tsk!
"Ano tayo magdedate? hello! may ginawa ka pa pala kanina sakin, nabangga mo ako hindi ka man lang nag sorry tsk!" sabi ko na ikinatawa niya.
"Para kang bola! pero mas matigas ka lang dun! Ano akala mo idedate ko ang pangit na katulad mo well bless me! HAHAHA" hay! talaga to!
"Tsk! jan ka na nga'ng bulalakaw ka!" agad na akong tumalikod at lumayo sa kanya, tsk! I hate him!
-----------
Nagustuhan niyo ba ang first chapter? Well sana oo : )
Dedicated to kay : VIN_NIX
my no. 1 supporter
well ano na kaya ang magyayari kina donna at blake bukas? magdedate ba sila o wala lang?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top