Chapter Fourteen
Hello po! Thank you po ulit sa napaka classy na book cover! Basta ang ganda niya po T_T Thank you so so much!
Debbie's POV
Matapos ang usapan namin ni Erica sabay kaming pumunta sa canteen. Pagpasok namin tumahimik halos lahat nang taong nandun at tinignan kami. Gulat ang nakaguhit sa kanilang mga mukha.
"Do'n na ako sa group ko." Erica at pumunta sa squad niya, ako naman dumeretso kela Andrew at Chloe.
Pagkaupo ko, agad akong binigyan ni Chloe nang cake, si Andrew inoffer yung panyo niya. Sinamaan ko siya nang tingin.
"Ano naman ang gagawin ko sa handkerchief mo?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"You need it later." Sabi niya at inilagay sa mga palad ko.
Napa shrug nalang ako at kinain yung cake na ibinigay ni Chloe.
"Bess, anong nangyari? Pareho kayong mukhang kagagaling lang sa iyakan." Chloe.
"Chloe, mamaya na." Mahina kong sabi.
After lunch, bumalik na kami sa classroom. Bago kami makarating sa room nahagip nang aking mga mata sa gilid na nag-uusap si Lenny at Adrian, more like arguing really.
Napatigil ako at napansin si Erica na nakatingin din sa kanila, bakas sa kanyang mukha na nagtataka siya.
"Deb, tara!" Chloe.
Pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko kela Adrian. Mahal ko pa kaya siya? I don't know.
"Debbie."
Napatingin ako sa may shoulders ko at sa may-ari nang kamay which turns out na si Andrew.
"Class time na." He said.
Binaling ko ang atensyon ko kay Erica na nakatingin na rin sakin at sabay kaming napatingin kela Adrian... again. Napansin kong tumingin na rin si Andrew at napa buntong-hinga.
"Debbie, let's go. Naghihintay na si Chloe." Bulong niya sakin.
Tumango nalang ako habang nakatingin pa rin sa kanila at umalis nalang.
+++
Nasa locker room na kami ngayon, magbibihis kami nang PE uniform para sa PE obviously.
"Anong nangyari kanina?" Pangungulit ulit ni Chloe sakin. I told her a thousand times already na mamaya na.
"Chloe, diba sabi ko mamaya na?" Kalmado kong sabi pero masama yung tingin ko sa kanya.
"Oo na!" Chloe at isinara ang locker niya, pagkasarado niya ay agad siyang napaatras at nabunggo ako.
"AHHHHH!" Sigaw ni Chloe.
"Aray!" Sigaw ko at tinulak si Chloe.
"Shezums, akala ko aswang!" Chloe at napa sigh of relief.
"The hell?! Ang bastos mo ha!" Biglang sulpot ni Lenny with her friends.
Ohhh~ kaya pala nagulat yung magaling kong bestfriend. HAHAHAHAHA!
"Alin ang mas bastos? Yung pagkagulat ko o ang mukha mo?" Chloe.
Kulang nalang may usok na effects sa mukha ni Lenny kaya napatawa talaga ako nang malakas.
"Huwag mo nang patulan Len." Fiona, as always may suot na namang fake sa katawan niiya. Sayang yung kagandahan niya, ba't ba kasi kailangan niya mag fit-in kela Lenny?
"Teka lang Fion (Pronounced as: Fi-yown), sasabihin ko lang ang gusto kong sabihin." Lenny to Fiona then hinarap ako.
"May sasabihin ka sakin?" Pamaang-maangan kong tanong.
"Alam kong may binabalak kayo ni Erica sakin! And hindi mo ako maitutumba ever! You fake! Liar!" Lenny at umalis na.
"Did she just---"
"Yep, sinabihan kang fake which I think related sa modeling and liar which I think related ULIT sa modeling." Chloe habang naka pamewang. She also emphasized the word 'ulit.'
"Ha! Ingetera." Naiinis kong sabi at nag hair flip.
"Pweh!" Biglang sabi ni Chloe.
"What?"
"Yung buhok mo! Feeling spaghetti. Letch." Chloe at nag walk-out.
"CHLOE SORRY!" Natatawa kong sigaw at tumakbo para maabutan siya.
Paglabas namin sa locker room nakita namin si Andrew na pinapaligiran nang mga babae. Pero si Andrew, parang wala sa sarili. Hindi niya pinapansin yung mga babaeng umaagilid sa kanya.
"Aheem." Fake ubo ni Chloe.
Nagsilingon naman yung mga babae, ganun din si Andrew na tumayo nang maayos at ningitian kami.
"Girls, may girlfriend na ho yung tao tapos lumalandi kayo?" Pagtataray ni Chloe. Kaya nagmamadali na silang nagsilayasan.
"Lalim nang iniisip mo ha." Pangaasar ko ay Andrew nung nakalayo na ang mga babae.
"What?"
"Wala! Tara na, male-late tayo niyan eh!" Sabi ko at hinila ang dalawa papunta sa gym.
Lois' Corner:
Chloe at the top!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top