Chapter Eleven

Debbie's POV

I'm done studying so as of the moment, I'm checking my emails.

"Ohh.. Goodie!" Sabi ko sa sarili ko nung nakita kong nag send ng mail si Dad.

I read it out loud. "My gorgeous Debbie, musta na dyan? I miss all of you. Nagustuhan ba ng Mommy mo yung pinadala ko? OK, darling, may another project and of course the others won't accept a new model. They want you, since magiging hassle sa part mo ang labas pasok sa bansa we're planning to make a branch there in the Philippines. So will you accept the offer?"

Napatawa naman ako. I love the idea! Isa pa, it's my way para ipahiya yung Lenny na yun!

Agad naman akong nag reply, of course tinanggap ko.

The next day, as usual mag kasama kami ni Chloe.

Naglalakad kami patungo sa classroom namin, tahimik lang si Chloe kaya siniko ko siya pero mahina lang, kaya humarap siya sakin nang naiinis na mukha. Kumunot naman ang noo ko at tumigil sa paglalakad.

"Chloe."

Tumigil din siya at napabuntong hinga.

"May problema ba tayo? Ba't ang tahimik mo?" Nagaalala kong tanong.
Kahit nag bago ako ngayon, I'm still me. Hindi ko kayang mawalan ng best friend!

"May sikreto kang di sinasabi sakin eh." Malungkot niyang sabi.

"Ha? Anong secret? Halos lahat kaya nang sekreto ko sinasabi ko sayo."

Secret? Wala naman ah. Ano ba naman tong pinagsasabi niya. Haha!

Kumunot naman ang noo ni Chloe at tintigan ako.

"What?" Tanong ko. Ang weird nang titig niya eh!

"What the ef. Wala nga, hahaay! Ewan ko sayo! May balita kasi na boyfriend mo si Andrew." Sabi niya.

"What the fuck? Yes, boy friend ko siya, he is a boy and he's my friend but I'm not with that kind of relationship with him! Like duuh? Kakakilala pa nga lang namin! Kakilala palang natin sa kanya!" Pabulong kong sigaw.

Ayaw ko kayang mag eskandalo dito sa gitna ng hallway.

"Oo nga no? Ba't ba ako naniwala? Hindi ka naman flirt. Hahaha!" Tawa ni Chloe kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Appearance lang yung nagbago sakin, Chloe. I'm not completely 'new', nandito pa rin kaya ang lumang Debbie." Sabi ko sakanya sabay air quote sa new.

Ngumiti naman nang malaki si Chloe at niyakap ako bigla. Agad nang laki ang aking mga mata sa kanyang ginawa.

"I just miss the old Debbie." Sabi niya habang nakayakap sakin.

Dahan dahan, niyakap ko rin siya pabalik.

"I miss my old self too..."

Kumalas naman kami sa aming yakapan at ngumiti ako sa kanya nang matipid.

"... But I've got to finish what I've started, Chloe. Sana e support mo ako."

Kinakabahan ako sa maging sagot niya, I really don't want to lose my best friend! Matagal na kaming bff! Ayaw kong lumayo siya sakin dahil sa pinagbago ko.

"At bakit naman kita hindi e support? Hello! I'm your best friend! I will always be by your side." Sabi niya at ngumiti.

Thank you God. Thank you so much for giving me a wonderful best friend!

Titigil talaga ako nito kung ang kinalabasan ay magaaway lang pala kami.

I treasure our friendship. Hindi ko ito papakawalan ng basta basta lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top