Chapter 9
Last two days
Nanatili ako dito sa may tree house naming hanggang sa mag dapit hapon. Ang sinag ng araw na lumalabas sa espasyo nagbibigay ng liwanag sa loob. Sinara ko ang diary niya at nagsimulang maglakad patungo sa bintana kung saan nagmula ang sinag galing sa palubog na araw.
Tahimik kong dinama ang sinag ng araw sa mukha ko. Bago ko hinarang ang kamay para matanaw ang araw na palubog na. Patapos na naman ang araw. Panibagong bukas ang haharapin. Sa mundong puno ng pagsubok, ang pananatiling lumaban ang siyang gagawin.
You gave your heart to me. You see me the way I can't see myself. Lost in envy, fuelled by insecurities, driven by lack of attention, resulting in the wrong decisions I've made. All I have to do is...to take care of this. The part of you that now belongs to me. We may not be physical together but we're inside one body.
Wala man ang physical mong katawan kasama mo. Ang puso at pagmamahal mo ang naiwan sa akin.
Bumalik ako sa bahay. Papasok pa lang ako, may narinig na akong mga boses. Pagpasok ko sa sala. Ang kita ko silang lahat nasa may sala. Natigilan ako sa isang bagay na nasa gitna nilang lahat. Paanong? Paano nila nakita yan? Matagal ko ng tinago yan sa kanila.
"Saan niyo kinuha yan?'' Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o hindi. I already made my decision by that time. To hide all my achievements from them. The first time I got an award was from recognition when I was a grade 3 student. I clearly remember how excited I was to tell them I made it to the top 10. They promise to be there, but no shadow of them on that night.
I was proud of myself that time, I managed to stand prim and still smile. The master of ceremony called my parents multiple times but still. Thanks to Tita Daneiris. For being there for me, when my family forgot me.
Lahat ng tingin napunta sa akin. Pinaghalong gulat at tuwa ang nakikita ko sa mga mata nila. Ayvi stood up and walked to me with a smile on her lips. "I was looking for you earlier," she explained. "I came to your room but you're not there. I am about to leave when I see that box. Beside your bed," she pointed to the box in the center. "I peek at all of your things. I got an extreme feeling so I told it to our parents," her voice became low at the last word of her sentence. "That's why it's here."
Nawala ang ngiti sa labi niya matapos magpaliwanag. Alam niya na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong pinakiki alamanan ang gamit ko. Lumagpas ang tingin ko sa kanya kila Mama. Naninimbang sa akin. Maging sina Lolo at Lola, halatang hindi gusto ang tension sa paligid naming.
Nalampasan ko si Ayvi ng walang sinasabi. Gulat pa rin ako. Ayoko kong magsalita, natatakot ako para sa mga salitang mabibitawan ko. Huminto ako sa harap ng kahon, kung nasaan ang lahat ng nakuha noon sa elementary. Isa isa ko iyong binalik sa kahon. Hindi nila ako pinigilan.
Tahimik akong bumalik sa kwarto ko bitbit ang kahon. Ang kahon na may lamang masasakit na alaala noong kabataan ko. Na pilit kong iwan dito ngunit ito na naman bumalik sa akin ang lahat. Matapos kong isara ang pinto, hindi ko napigilang mapadaosdos sa likod ng pinto.
I hug the box and start crying like a little child. Lost and nowhere to belong. My whole body trembles, my lips shaking, tears sliding through my eyes down to my chin, droplets on the award I had. I try not to sob for them not to hear, I am breaking down again. But not that reason I lost someone I loved but the reason that has deep cut on my person I am now. The damage I try to cover through my rebellion, starting to turn down revealing its naked scar.
Natigilan ako sa pag iyak ng biglang nahulog mula sa kamay ko ang diary. Bumukas ito sa isang pahinang hindi ko inaasahan. Drik!
March 26, 2002
That day, it was the day where the recognition night was. The one who broke my fragile heart. The night where my happiness snatched from me. The day I killed the word happy. And the same time again and again... my special day was forgotten.
Hey! Diary,
Alam mo ba kung anong meron sa araw na ito?
Iyong recognition at birthday niya. Oh! Akala mo nakalimutan ko? Hindi ah. Nakabilog na iyon sa kalendaryo ko. Actually, may problema tungkol dyan.
Wala akong regalo sa kanya T T. Ang hirap mamili ng pang regalo sa kanya, diary. Kaya nagpatulong na ako kay Mama. Buti na lang marunong si Mama tungkol doon.
Excited na ako kasi pagkatapos ng recognition ko ibibigay iyon. At alam mo bang nasa top 10 siya? Oh diba ang galing niya. Ako rin nasa top 10. Pangalawa ako, nga pala grade 5 na ako. Grade six na sa susunod. Malapit na pala akong mag graduate sa elementary. Luh... tapos siya mag ga-grade 4 pa lang T T.
Na-mi-miss ko siya. Bihira na kaming makapaglaro non. Hay! Any way I looking forward on this night. I'm super proud on her.
Mapait akong napangiti ng maalala ang mga panahon na iyon.
Tahimik akong nakaupo sa assigned chair ko. Habang magulo ang ilang kaklase ko. Nagkukwentuhan at tawanan sila. Nang biglang pumasok ang teacher namin. Wala ng klase kasi tapos na. Natahimik ang lahat at bumalik sa kanya kanyang upuan.
"Ngayon ko i-announce kung sinu sino ang kasama sa ating Top 10. Na dapat um-attend sa recognition kasabay ng graduation ng mga grade 6. Naintindihan ba?"
"Yes! Ma'am," sabay sabay naming sagot.
"Hula ko kasama ka dyan, Aze," bulong ni Karolina na katabi ko. Gulat akong napatingin sa kanya. Bakit kaya niya nasabi iyon? "Ano ka ba. Ang galing mo kaya."
Tanging ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Hindi ako sanay makakuha ng ganoong puri sa ibang tao. Bihira lang ako makipag salamuha.
Bahagya akong natulala sa sinabi niya. Nong niyugyog niya ako doon lang ako natauhan. Malaki ang ngiti niya ng ituro ang blackboard sa harapan. Nakasulat doon ang mga nasa top 10.
Binasa ko hanggang sa Top 4.
4. Hayes, Azelline Vaia C.
Napanganga ako sa nabasa ko. Totoo ba ito? Kasama ako? Napayakap ako ng mahigpit kay Karolina. Mahigpit din niya akong niyakap. Impit ang tili ko dahil nasa loob pa rin kami ng room.
"So, Ito ang ating Top 10 sa klase. Inaasahan ko ang pag attend niya para makuha ang award na ibibigay sa inyo. And congrats to all of you doing your best. Especially the Top 10. Great job children. Ipagpatuloy nyo yan."
Simula non naging malapit kami ni Karolina. Matapos ang araw na iyon. Pag kauwe ko kaagad kong hinanap sina Mama, Papa at Ayvi. Nanganak na si Mama. Ang pangalan ng kapatid ko ay Ayaan Vihaan C. Hayes. Babae ang kapatid ko. Hindi tulad ko, normal ang puso ng kapatid kong babae.
Kaagad akong sunuway si Lola pagkapasok ko sa bahay. Tulog ang kapatid ko. Kaya tahimik akong nagtungo sa kwarto nila Mama. Ngunit tulog sila ng naabutan ko. Sinilip ko na lang sila at hindi na ginising pa.
"Mamaya ko na lang sabihin. Sa sabado pa naman iyon."
Nagpalit ako ng pang bahay at nagpaalam kay Lola na pupunta kila Drik. Kahit hindi niya ako sinagot alam kung narinig niya iyon.
"Wow! Ang galing mo," nakangiting sabi ni Drik ng ibahagi ko sa kanya na kasama ako sa Top 10. "Pagbutihan mo pa." Sabay gulo niya ng buhok ko.
Kaagad kong tinaboy ang kamay niya. "Ano ba!" inis kong sabi sa kanya. Tanging tawa ang sinagot niya. Hindi ko mapigilan mapanguso. "Ang hirap mag ayos ng buhok eh."
"Ito naman. Ako na."
Inagaw niya sa akin ang panali sa kamay. Umikot siya sa likod ko. Nakaupo kami sa may sahig ng sala nila, nanonood. Maayos niyang binalik sa pagkakatali ang buhok ko. Medyo nababanat lang niya ng kunti.
"Ayan," sabi niya ng matapos itali. Bumalik siya sa tabi ko kung saan siya nakaupo. "Okay na." Nag thumbs up pa siya.
"Thank you," mahinang sagot ko. "Nga pala ikaw? Kasama ka rin ba?"
"Ako?" sabay turo sa sarili niya. Tumango naman ako. "Oo kasama ako."
"Pang ilan?"
Sumandal siya sa may sofa bago sumagot. "Top 2."
Pumapalakpak ako sa tuwa ng sabihin niya iyon. "Wow! Ang galing mo din!" Abot tenga ang ngiti ko ng sabihin iyon. Habang siya parang nahihiya pa.
Hinampas ko siya sa balikat na ikinagulat niya. "Ano ka ba. Huwag kang mahiya no. Dapat proud ka kasi nagbunga iyong paghihirap mo sa pag aaral."
May munting ngiti sa labi niya matapos kong sabihin iyon. "Syempre—"napahinto siya ng muntik niya uling guluhin ang buhok ko. Napahawak na lang siya sa batok ay tinuloy ang sasabihin. "Syempre proud ako no. Pa-humble lang para hindi mukhang mayabang." Sabay kindat niya sa akin.
Natigilan ako doon at napaiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Napahawak pa ako doon.
"Ayos ka lang?" nag aalala niyang tanong. Napansin niya pala ang kilos ko. Tumingin ako sa kanya tapos tumango. "Sure ka? Ang pula mo." Naninigurado niya saka nilagay ang palad sa noo ko. Mas lalo akong pinag iinitan ng pisngi. Ano bang nangyari sa akin.
"Oh! Anong nangyayari dito?" Tanong ni Kuya Dwyer matapos kaming naabutan sa ganoong pwesto.
"Wala kuya." Binaba niya na ang palad niya. Saka humarap kay Kuya Dwyer. Nagkatingin kami ni Kuya Dwyer. Nanlaki ang mata ko saka umiwas ng tingin. Baka mahalata niya ang pagpula ng pisngi ko. "Ing check ko lang kung ayos siya. Namumula siya eh."
Kita ko sa gilid ng mata ko ang paglaki ng ngiti ko Kuya Dwyer. Na parang alam ang nangyayari. Hindi niya maitago iyon. "Nako Drik! Normal lang yan," natatawa niyang sabi saka ako sinilip. "Diba, Azelline?"
Tulad ni Drik. Kumindat din ito sa akin. Ngunit walang ganoong reaksyon ang katawan ko nong si Drik ang gumawa.
"Oo..." napaiwas uli ako ng tingin kay Kuya Dwyer. Malakas siyang napa halakhak.
"Anong nangyayari sayo Kuya?" taking tanong ni Drik. "Baliw na," bulong nito saka bumaling sa akin.
Natigilan pa ako bago umayos. Baka Makita niya na naman pumula ang pisngi ko.
"Oh siya! Iwan ko muna kayo dyan."
Pabalik balik ang tingin sa akin ni Drik habang nanonood ng tom and jerry na movie. Napa buntong hininga lang ako. "Ano ka ba Drik. Ayos lang ako." Humarap ako sa side niya matapos kung sabihin iyon. Para mapanatag na siya.
Rinig ko ang pag buntong hininga niya. "Okay. Basta magsabi ka kung may kakaiba kang nararamdaman ha!" bilin niya sa akin. Tumango lang ako. Natapos ang araw na iyon ng hindi ko nasasabi kila Mama na kasama ako sa Top 10.
Hanggang ngayon araw. Mamayang gabi na iyon pero hindi ko pa rin nanasabi. Kung masabi ko man hindi natatapos dahil maya't maya may istorbo. Kaya ito ngayon susubukan ko uli.
"Papa!" I called him. Nasa may sofa siya nakaupo. Bumaling ang atensyon niya sa akin. Naglahad siya ng kamay sa akin. Lumapit ako saka inupo niya sa may hita niya. "Uhm..." nagdadalawang isip kong sabihin sa kanya.
"Ano iyon Azelline?" tanong nito ng mapansing pinaglalaruan ko ang kamay ko.
"Uhmm... kasi po..."natitigilan kong sabihin. Buo ang atensyon sa akin ni Papa. Napakagat ako ng labi saka nagdesisyon sabihin na. "Kasama po ako sa Top 10. At mamaya na po iyong recognition. Sabi ni Teacher kailangan pong um-attend." Napatitig ako kay Papa matapos sabihin iyon. Ilang minute pa bago niya maintindihan.
Isang halik sa noo ang binigay niya sa akin saka sinabing. "Congrats anak. Ang galing mo. Hayaan mo pupunta kami ng Mama mo. Susunod kami doon," pangako niya sa akin. Abot langit ang ngiti ko ng sabihin iyon. Kaya hanggang sa pagpunta kila Drik kitang kita iyon.
Masaya kong kinuwento sa kanya iyon habang nanonood kami ng Disney movie. Ang lawak din ng ngiti niya nong kinuwento ko. Kasi nong tinanong niya ako kung nasabi ko na. Nalungkot siya ng hindi ko pa nasasabi. Pero ngayon tulad ko masaya din siya. Ipinagpatuloy namin ang panonood hanggang sa tinigil na para makapag ayos para sa magaganap mamaya.
Magsisimula iyon ng 5pm hanggang gabi na. Kaya dapat ng magpahinga at mag ayos. Kumaway ako sa kanya uli bago nag lakad palayo. Siguro naman gising na sila Mama. Tulog sila ng umalis ako. Alam nila na 5 ang simula non.
Mauuna ako sa kanila. Buti na lang din naayusan na ako ni Tita Daneiris. May damit naman ako na isusuot para sa araw na ito. Nakapa especial ng araw na ito sa akin. Recognition at Birthday ko.
Nagsimula na ang program pero hanggang ngayon wala pa rin sila mama. Kanina pa ako hindi mapakali. Balak kung umuwi para tingnan sila pero sabi ni Teacher huwag nang umalis.
"Kalma lang," pagkakalma sa akin ni Drik. Magkasama kami ngayon sa may bench. Nanonood ng program. Mamaya kasi umpisa na ng recognition. Nag martsa muna iyong mga gagraduate. "Darating din sila. Baka may inaayos lang." Pilit niya akong pinapakalma pero hindi pa rin maalis sa akin na mag alala.
Nagsimula na ang recognition sa grade 1. Wala pa rin. Kanina pa ako pasulyap sulyap sa may gate pero ni anino nila wala pa rin. Unti unti na akong nawalan ng pag asang a-attend pa sila. Mapakla akong napangiti. Oo nga pala. Madalas nila akong makalimutan, ang mga bagay tungkol sa akin. Pinaglaruan ko ang paa ko habang naghihintay na matawag.
Sa amin na. Napatingin ako kay Drik ng tanungin niya ako. Ngumiti na lang ako dahil nanghihina ako sa lungkot.
"Top 4. Hayes, Azelline Vaia C." tinawag na ang pangalan ko. Pilit kong tinatagan ang loob para maglakad ng tuwid. Tipi dang ngiti ko ng umakyat sa stage. Mag isa lang ako kaya nagtaka iyong teacher ko. "Uhmm... parents or guardian po ni Azelline?" tawag niya sa magulang ko. Pilit kong inayos ang sarili ko sa harap ng lahat.
Maging ang ilan nagtataka. Tumingin din sila sa may likod para tignan ang magulang ko pero ilang minuto na wala pa rin. Hanggang sa nakita kong paakyat si Tita Daneiris.
"Pasensya na po. Wala pa iyong magulang niya. Ako na muna."
"Okay lang," ngiting sagot ng teacher ko. Inabot ni Tita iyong medal saka maingat na sinabit sa leeg ko. Saka kami nag pa-picture. Iniwan ko ni Tita sa gitna para antayin ang ibang Top 10. Kita ko si Drik sa gilid ng stage. Sumenyas ito na ngumiti ako. Tumabi sa kanya sila Tita. Doon ako napangiti.
Sabay sabay kaming nag bow saka sunod sunod na bumaba. Akala ko doon na tapos iyon. Hindi pa pala. May mga best at most pang award. Nakailang akyat din kami ni Tita. Minsan naman ay si Tito ang mag aakyat sa akin. Hanggang sa natapos na sa grade level namin. Wala pa rin sila.
Isa lang ibig sabihin non. Nakalimutan nila.
"Hey, ang galing mo talaga," ngiting puri sa akin ni Karolina na may most diligent na nakuhang award. "Tabi tayo uli next school year huh," sabi niya. Nakangiti lang akong tumango sa kanya. Iniwan niya ako ng tinawag na siya ng parents niya. Binati pa nila ako.
"Naks, daming award," biro ni Kuya Dwyer sa akin.
"Si Kuya Dwyer naman," nahihiya kong sabi. Napakamot ako ng batok ko. "Bakit nga pala nandito ka? Diba bawal kayong umalis sa pwesto niyo?" Graduating si Kuya Dwyer. Dapat last year kaso may bagsak kaya umulit.
"Oo nga. Kaso sakit sa pwet umupo ng matagal," reklamo niya. Bumalik ako sa bench kung nasaan kami kanina. Umalis sila Drik. Umabante sa harap dahil tinawag sila ng teacher nila. Malapit na kasi sila. "Pero... okay ka lang ba?" ramdam ko ang pag aalala doon.
"Ang totoo kuya Dwyer. Sanay na ako," nakayuko kong sagot. Ayaw kong salubungin ang tingin niya baka bumigay ako. "Pero bakit ganoon... masakit pa rin." Napahawak ako sa dibdib ko. At pinigilan umiyak. Dapat masaya ako ngayon. Kasi may masayang nangyari sa buhay ko pero bakit ang hirap hirap?
"I just want to be happy? It is that bad to wish. Kuya Dwyer?" Doon ko lang siya binalingan ng tingin. May mga umaabang luha sa mata ko ng titigan siya. Kaya naging malabo ang mukha niya sa akin. Hindi ko nakita ang reaksyon niya. "That is all I want. To feel happy for once in my life. How I wish it granted." I whispered the last sentence to the moon who is the one with me for once again.
"Hindi—"hindi natapos ni Kuya Dwyer ang sasabihin dahil nasa kanila na. Nagdadalawang isip pa itong umalis. Kaya...
"Okay lang. Babalik naman si Drik dito mamaya."
Napabuntong hininga siya saka tumango bago tumalikod sa akin. Pinanood ko ng masayang naglalakad ang pamilya ni Drik pabalik dito sa pwesto ko. Napapangiti na lang ako sa kanila. How I wish my family is kind like of that.
Madami din siyang nakuha. Tumutunog iyon habang naglalakad siya. Bago siya makarating sa akin. Naharang muna siya ng mga kaibigan niya. Isa doon si Gaster. Pinsan ko. Gaya namin nandito siya. Magkaibigan pala sila ni Drik. Umalis dahil nagtatrabaho sa ibang lugar ang parents niya at sinama siya. Ngayon kasama namin siya sa bahay.
"Tara sa bahay naghanda kami," anyaya sa amin ni Tita Daneiris. Nagkatinginan muna kami ni Kuya Gaster.
"Sige po," si Kuya na ang sumagot. Napansin ko ang pag angat ng kamao ni Drik pababa iyon. Mabilis naman niyang binaba na parang walang ginawa.
Sabay sabay kaming naglalakad patungo sa kanila. May ilang kaklase din silang kasama. Maingay kami sa daan. Maraming handa sila Tita. Marami din ang bisita. Ang saya sa bahay nila.
"Ah... Aze..." napatingin ako kay Drik. Nasa likod niya ang dalawang kamay nito. Hindi makatingin sa akin ng maayos.
"Ano yun?" Napayakap ako sa sarili ko ng biglang humangin. Malamig iyon, nasa labas kasi kami.
Bigla niyang iniharap ang kamay niya na may hawak na box. Sa una hindi ko maintindihan pero ng Makita ko ang card na nakalagay doon. Unti unti kong naintindihan iyon. Naalala niya.
"Drik!" mahinang tawag ko sa kanya. Malawak ang ngiti niya sa akin. Hindi ko maiwasang maiyak. Kahit papaano may isang nakaalala. "Thank you," lumuluha sa tuwa kong sambit sa kanya.
Isang kwintas na silver ang binigay niya sa akin. May pendant iyon na buwan at bituin. "Thank you," masuyo kong sabi sa kanya at niyakap niya.
"Ay hindi pwede yan," biglang singit ni Kuya Dwyer sa akin. Rinig ko kaagad ang reklamo ni Drik. "Mayroon din ako no." saka niya hiningi ang kamay ko. Katulad ng kay Drik silver din pero bracelet. Simple lang walang magarbong design.
"Thank you," sabi ko at niyakao din siya. Kaagad naman pumagitna si Drik. Na ikinatawa ni Kuya Dwyer. Naglabanan pa ng titig ang dalawa.
"Thank you muli." Pauwi na kami ni Kuya Gaster.
"Wala yun," kalmado nitong saad at bumaling kay Gaster na tahimik sa gilid ko. "Ingatan mo brad!" may diin nitong saad.
"Oo naman kahit hindi mo sabihin."
"Sige."
Tahimik kaming nakauwe. Sarado na ang ilaw ng makarating kami. Tangin ang ilaw sa sala ang bukas. Nakita kami ni Lolo. Siya pala ang natitirang gising.
"Oh siya! Magpahinga na kayo. Kanina pa sila tulog." Sa sinabi ng iyon ni Lolo napatunay kong talagang nakalimutan nila kung anong meron sa araw na ito. Maingat kong tinanggal ang medal sa leeg ko. Para hindi makagawa ng ingay.
Nakakita ako ng kahon at doon iyon nilagay. Maging iyong mga picture. Tinago ko iyon sa ilalim ng kama ko at nag desisyon huwag ng ipakita kila Mama. Kinabukasan katulad ng nagdaang araw normal lang. Hindi na ako umimik tungkol sa birthday ko. At sa mga nakuha ko kagabi.
Buong hapon akong pinanood ni Kuya Gaster. Siguro inaabangan na sabihin ko iyon kila Mama pero tapos na ang araw hindi ko na binalak. Kaya nilapitan niya na ako.
Kumatok siya sa pinto ko. Pinapasok ko siya. Nakatayo siya malapit sa pinto habang ako naghahanda para matulog.
"Bakit hindi mo sinabi?" iyon kaagad ang lumabas sa bibig ni Kuya. Natigilan ako sa ginagawa ko. Mariin ang titig nito sa akin. Na para bang pinag aralan ang bawat kilos ko.
"Wala... hindi na rin naman nila naalala. Kaya bakit pa?"
"Kahit na. Sana sinabi mo pa rin." Pilit niya sa akin.
"Wala din naman magbabago. Saka sanay na ako Kuya." Doon siya natigilan. Last year ko lang siya nakasama kaya wala siyang alam. May sasabihin pa siya pero wala siyang sinabi pa. Nagpaalam na matutulog na siya.
Sinubukan ko iyong bago mag dalawang araw bago iyong araw na iyon. Nang nasabi ko naman walang nangyari kaya bakit pa. I try to relay to them but it seem not remarkable to them.
Nakakalungkot alam mo ba yun diary? Kasi matyagang nag antay si Azelline sa magulang niya pero hindi sumipot. Naalala ko kung paano siya kasaya ng maisabi ni sa Papa niya iyon kaso. Agad din nabawi, walang sumipot kaya si Mama at Papa na ang sumama sa kanya sa stage.
Kitang kita ko sa mga mata niya diary ang lungkot. Sino ba naman kasing hindi. Especial na araw iyon tapos makakalimutan kung ako rin malungkot din ako. Pero buti na lang sumama sila sa bahay. Kahit paano nabawi ng pagbibigay ko ng regalo ang lungkot na nararamdaman niya.
Kaso may epal si Kuya. Akalain mo yun diary. Ang tukmol na iyon naalala din ang birthday ni Azelline at may regalo pa. Hindi ko nga din alam kung bakit ang tindi ng inis ko kay kuya non. Parang bigla akong sinaniban ng galit. Ewan alam mo ba kung ano iyon, diary? Bulong mo naman. Jk baka mag salita ko. Mag isa pa naman ako sa kwarto.
Ang hiling ko ngayon sa birthday niya ay ang kaligayahan niya. Narinig ko sila ni Kuya kanina nag uusap tungkol doon. Sana maramdaman niya iyon. Iyon lang. Matutulog na ako. Goodnight, Diary.
Hindi alam kung bakit nagalit,
Drik.
Natigil ako sa pag iyak ng mabasa ang huling sulat niya. Nako Drik! You're slowly falling in love with me. Without you knowing it. And I hope I realized it too before I break your heart.
Mula non hindi ko sinabi kila Mama ang mga bagay na nakukuha ko. Itinatago ko lang dahil na sobrang sanay na ako. May excitement man maramdaman pero kaagad din nawawala. Naiinggit ako sa ilang kaklase ko na naka-display ang mga award sa may sala. Iyon award na nakuha ko nong grade 6 ako ang alam nila at itong mga ito nanatiling sekreto.
Napahinga ako ng malalim. Maybe it's time for it to be recognized? It's been a long time for me to do my art of acceptance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top