Chapter 7
2 weeks
Nakatulog pala ako noong gabi na iyon na yakap yakap iyon. Marahil sa pagod sa kakaiyak hindi ko namalayan.
Naramdama ko na lang na may humahamplos ng pisngi ko. Doon ako naalimpungatan.
Tumambad sa akin ang kalmadong ngiti ni Mama. Katulad pa rin ng dati, walang kupas.
Saka ko lang nakita ang sarili ko sa sahig na nakatulog. Kinuha niya sa akin ang scrabble at nilapag iyon sa kama ko.
Umupo siya sa sahig ng tahimik at sumandal sa gilid ng kama ko. Ibinuka niya ang kamay niya para anyayahan akong yakapin siya.
Mabilis akong gumapang sa kanya at mahiglit siyang yumakap sa akin.
Pinigilan ko naman na umiyak dahil sagad na sagad na ako. Hindi ko na kaya pang umiyak ngayon. Nakahilig ako sa dibdib ni Mama para akong bumalik sa pagkabata.
It's still not sinking it in my head. Parang ang bilis bilis ng pangyayari. Parang kailan lang kami muling nagkita matapos namin lumipat at nanatili sa Manila. Kung saan handa na akong harapin ang kinakatakutan ko.
"I still can absorb it, Mama," I whimed as I grip on her shirt. I stare blanky at her clothes. "If this was a dream?"I sneak to peak on her.
"Can you wake me up?"
She let a deep long sign and pull me closer to her. To give a quick kiss forehead.
"If only I could do, I will."
"But..." she started to comb my hair. "That's a life, sweetie. Whether you like or not. Things will never change," she stop.
"The only thing you could do, is the art of acceptance."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. At nakipagtitigan. Mom has been aged. It's clear on the white hair that mix on his jet black shoulder length hair.
"How?"
Those question luring on my head, that make is spin in 360⁰. I am laying on my bed for the afternoon. Hugging my knee, processing how I could do my version of acceptance? When I can't even understand what it's context?
Napabangon ang ulo ng may marinig akong tunog ng papel. I see how the wind push the paper to change it page. Making like his flipping it for me.
In my angle, I just realized how it's thick his dairy is. For the common 80 leaves of paper? I think he added it. That make it thicker than the ordinary notebook.
When it's stop, I decide to pick it and check the page.
Dinama ko iyon ang sulat kamay niya. Habang nakapikit na inaalala kung anong pangyayari ang naroon.
April 11, 2001
Yow! Diary,
Magandang araw, sa iyo diary. Muli na naman kitang nasulatan. Hay! ang saya kasi muli kaming nakapaglaro ni Azelline.
Alam mo ba, Diary. Level up siya. Alam mo...pwede pala siyang maglaro? pero with limit. Kasi puro kami board game, na-bo-bored na kami. Joke lang pero true naman.
Actually, siya ang nag suggest. Sa una syempre hindi kami pumayag pero mula na mismo sa magulang niya. At from Doc. Zyle since siya ang nakapag check up kay Azelline at siya lang ang nakontak namin.
He also gave permission. Kahit ganoon, naging maingat pa rin kami. Hindi kami pwedeng makampanti. Delikado pa rin siya, lalo pa at hindi pa siya nakakapag pa-opera. Kailanga pa rin sabi ni Doc.
Kaya ayon... ang hirap mag isip.
Ilang minuto na kaming nakalumbaba habang nakatingin sa snake n lader na nilalaro namin. Kanina pa kami dito sa garden nila kung saan kami madalas maglaro.
Okay lang naman sa akin pero...
"Nakakasawa."
We both said then look each other. A long silent between us before we also break it, with a laugh.
"Jinxs!" I slap his arms. He stiff and tilt his head, furrowered brow and flat line lips. Saka ko lang naalala. Baka hindi niya alam iyong ganoon.
"You don't know how jinxs are done?"
He shrug his shoulder and answered, "No."
"Seriously?"
He nod multiply times. Eh? Bumagsak ang balikat ko. Okay! I explain to him.
"Jinxs are done, if only you and your company, said the same words." I started. "And that's when you hit your opponent. Like what I'm done."
Tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Napabuga ako ng hininga.
"Parang pendong lang yan."
Doon siya natawa. Ayon ang alam niya. Napakamot ako ng ulo.
"Sosyal na way ng pendong pala," he said between his laugh. Napa face palm na lang ako. Nako! makapag laro na lang nga kami baka kung saan pa umabot to.
"Anong lalaruin natin?"
Natahimik kaming dalawa at napaisip. Since I got permission to play. It's up on us, what's we gonna play.
"Ano? Nakaisip ka na?"
Suko ako dahil maliban sa board game, wala na akong ibang laruin. Bihira lang din ako lumabas ng bahay dati. It's risky for me to expose outside of our side. Where in city, a lot of people, noise, polluted air and not healthy environment for children like me who had a medical condition.
That's why they decide to move here. As I got age and they want me to live like a normal kid. Like how they usually spend their time. Playing and messing around with their mates.
Nakanguso akong humarap sa kanya.
"Ano bang madalas niyong nilalaro dito? Nang mga kalaro mo?"
May kung anong dumaan na expression sa mukha niya na hindi ko mawari. Mabilis kasing naalis sa mukha niya. Tumayo siya, bahagyang humakbang ng limang beses palayo sa kinaroroonan namin.
"Patentero?" he guessed but not looking at me. I tilt my head. He look without himself? What is happening?
"Hide and seek."
Doon lang siya lumingon sa akin. May kakaiba sa kanya. Pero hindi ko na pinansin iyon dahil inaya na niya akong maglaro na. Dalawa lang kami. Mas maganda sana kung marami. Kaso wala na sila Ate Noimee dito. Sayang bumalik na sila sa Maynila.
Siya ang taya, ako ang hahanapin. Their house are huge. Too many places to hide. But the thing is, some of their household decor are antique. Natatakot akong may mabasag. Kaya, kung saan ako kasya doon na lang.
"Ready or not," I heard him shouted. Am I in the sala. In the huge size jar. I think this is safe. Seen it's not antique like others. It's a ceramics mixed with plastic. But sooner the game is intense. How I can get out of this jar?
Ayan na naman ako sa biglaang desisyon hindi iniisip ang kinahinatnan. Nako naman!
Antayin ko na lang siyang magsabi ng, "Come out! come out whenever you are!"
Napatakip at nanlaki ang mata ko nang may marinig na nagsalita sa gilid ng banga na kinalalagyan ko.
"Nasaan kaya siya nagtago? Ang galing naman niya!"
I can imagine his grumpy face. Looking for me inside the whole house. I stayed for an hour, until he say those words.
"Hoy! Azelline labas na!" he called me out, but I can't. I used chair to fill in this jar, and now I can't reach even the top!
I blow some hair strand blocking my face in frustration, and call him, "I'm here."
"Where?" he asked. I hear his foot step. "Where you are?"
"Here!" I waved my hand even he can't see it. "Inside the jar!"
Walang sumagot sa akin kaya kinabahan na ako. Saka ko naalala ang daming jar dito sa bahay nila. Ano ba kasing pumasok sa isip ko!
"There you are!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses niya sa itaas. Salubong ang kikay niyang nakatingin sa akin. Nakalumbaba siyang nakatanaw sa akin mula sa bunganga ng banga. Hindi natutuwa sa kinalalagyan ko.
"How did you manage to get inside? And yet you can even move out," he shrieked, before extend his hand to reach me. "Hold tight."
"Thank you!" I mumbled after he lift me up. Hindi ko siya matignan ng deretso dahil sa hiya.
Ginulo na lang niya ang buhok ko saka bumaba sa upuan.
"Tara na," he invited me. "Merienda is serve. I'm starving, I bet you too."
Naiwan lang akong nakatanaw sa kanya palabas ng labas. Naabutan ko siyang nakaupo at naiinip na nag iintay sa akin sa may garden kung saan lagi kaming naglalaro.
"Ang tagal mo naman. Kanina pa nagrereklamo mga alaga ko sa tyan." Nakanguso niyang reklamo sa akin. Hindi ko mapigilan matawa ng mahina sa itsura niya.
Lumapit ako sa kanya saka inangat ang dalawang kamay bago, "Ang kyut mooo!" nanggigil kung kurot sa pisngi niya.
"Arayyyy!" daing niya. "Azelline bitiwan mo pisngi ko...masakit."
"Ops sorry... kagigil kasi pisngi mo." Tinuro ko pa ang pisngi niyang namumula na.
"Oo nga...hindi halata," madiin niyang paratang. "Gigil na gigil ang hawak mo eh."
"Sorry na nga."
Tumabi ako sa kanya pero umusog siya palayo. Tila nagtatampo sa ginawa ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Napatingin ako sa lamesa saka kumuha ng cookies.
Kinuha ko ang chocolate cookies saka inabot sa kanya. "Oh!"
Sa halip na kunin. Tinitigan lang niya iyon ng masama. Hmm! Problema nito? Napakamatampuhin.
"Ayaw mo?" Inalok ko pa sa kanya pero matibay siya. "Okay...akin na lang."
Kumain na lang ako kisa sabayan pa siya sa pagtatampo niya. Kalaunan ay kumain din siya. Kakain din pala eh. Tsk!
"Aray!" daing ko, nang tampalin niya ang kamay kung kukuha ng crinkles. "Damot!"
Inirapan ko siya saka inubos ang orange juice na nasa baso ko.
"Aba! Mukhang may ayaw ah," puna ni Kuya Dwyer na kakarating galing plaza. Naglaro ng basketball kasama ang tropa niya.
"Sinong sinisilip mo sa likod ko?"
Napabalik ako ng tingin kay Kuya Dwyer ng tanungin niya iyon. Nakatayo siya sa harapan namin ni Drik. Habang nasa side niya ang bola na ginamit nila.
"Ah... wala," iling kong sagot. Ramdam ko ang masamang titig nitong katabi ko. Lilingon sana ako kaso, humalakhak ng malakas si Kuya Dwyer na para bang may iniinsulto.
"Kaya pala..." patangu tango nitong saad. Saka pinasadahan ng tingin ang katabi kong nagmamaktol.
"Nako! Azelline..." kamot niya ng batok niya saka nilapag ang bola sa gilid. Umupo siya sa harap namin saka sinaluhan kaming mag meryenda. "Sa susunod isasama ko na sila dito para mag meryenda."
Kasabay non ang isang ngisi. Hindi ko lang alam kung para sa akin ba o hindi. Ang weird ni Kuya Dwyer ha!
"Tsk..." rinig kong hasik niya saka padabog na umalis sa tabi ko.
"Huh?"
Malakas ang binitawang tawa ni Kuya Dwyer. Tawa pa rin siya ng tawa. Habang ako takang taka sa kinikilos nilang magkapatid.
"Nako..." pigil tawang niyang sabi. "Hayaan mo na ang isang iyon." aniya.
May binulong pa siya na hindi ko na nasundan, dahil ang mas pinagtuunan ko ng pansin ang papalayong imahe niya. Nakapasok na siya sa loob ng bahay nila ng magsalita muli si Kuya Dywer.
"Nako! masama lang timpla ng gising non. Hayaan mo bukas... okay na iyon."
Napakunot ako ng noo ng marinig ang tono ang boses niya. Kanina ang gaan at mapagbiro, ngayon sobrang seryoso.
"Una na ako..." paalam niya na may kagat sa bibig na tinapay. "Magyiyihis ng kawan."
Paalam niya na halos hindi ko maintindihan dahil sa tinapay na nasa bibig niya. Mauing iyon kasi sumasabay sa pagsasalita niya. Naiwan akong napapakamot ng batok dito. Ang gulo nila ha!
Hindi na bumaba sa taas si Drik. At ang Mama niya ang nakausap ko dahil sinusundo na ako ni Papa.
Nasa gate si Papa ng sabihin ng taga silbi nila na sinusundo na ako ni Papa. Gusto ko sanang magpaalam mismo sa kanya pero...
"Nako! Azelline..." pilit na ngiting pinakita sa akin ni Tita. Lumuhod siya para maka-level ako. Saka hinawakan sa magkabilang braso. "Nakatulog na si Drik. Napagod sa laro niyo. Ako na lang ang magsasabi sa kanya mamaya kapag nagising siya, na sinundo ka na ng Papa. Ayos lang ba?"
Bigla akong tinamaan ng hiya dahil sa tanong ni Tita. Kaagad akong tumango saka sumagot, "Ayos lang po. Hmm... mauna na po ako."
Sinamahan niya ako hanggang sa may bukana ng pinto ng bahay nila. Ilang metro ang layo sa mismong gate ng bahay nila. Doon ko natanaw si Papa na nag iintay sa akin. Tinaas niya ang kamay...pansin ko rin ang pagtaas ng kamay ni Tita.
"Tara na?" Papa asked me.
"Opo."
Hinawakan ni Papa ang kamay ko habang sabay kaming naglakad pauwe. Nakaabang na sa amin si Mama sa labas. May nakahandang towel, pamunas sa akin.
"Ayos ka lang ba? Walang kang kakaibang nararamdaman?" Sunod sunod niyang tanong sa akin, habang pinupunasan ang likod ko.
Humarap ako kay Mama saka siya binigyan ng ngiti. "Okay lang po ako, Mama. Wala po akong kakaibang nararamdaman."
Kita ko ang pagkalma sa mukha ni Mama. Habang si Papa tahimik sa gilid, pinapanood kami ni Mama. Pansin ko ang tinginan nila Mama.
Kaya hindi ko na mapigilan na magtanong.
Binaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor saka sila tinanong, "Bakit po? May problema ba?"
Natigilan silang lahat sa tanong ko. Natigil sa pagkain si Mama saka lumingon kay Papa. Saka naman lumingon kila Lola. Ano ba iyon?
"Mabuti pang sabihin niyo na sa bata," mabagal na utos ni Lola. "Kayo ang magulang, desisyon niyo yan."
Naguguluhan akong tumingin kila Mama. Anong sinasabi ni Lola?
"Mama?... Papa?"
Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama. Bago siya huminga ng malalim.
"Alam mo naman ang kondisyon mo diba?" Mama asked me first. "Kaya..." napalingon siya kay Papa.
"Napagdesisyonan namin ng Mama mo na... lumuwas ng maynila. Para sa gagawing surgery na kailangan para sa kalusugan mo." Mahigpit na hinawakan ni Papa ang kamay ko. "Para sa iyo ito anak. Kaya sana maintindihan mo ang biglaang desisyon. Habang palaki ka ng palaki... nagiging delikado ang lagay mo."
"Kaya hangga't maaga pa. Mabuting mag undergo kana. Iyon din ang sinabi ng mga doctor na tumingin sa iyo. Nagpa-consult kami and they say, 'the best thing to do is to have your surgery before worst case happen."
Saglit akong natigilan sa sinabi nila Papa. Alam ko para sa akin ito. Pero...
"Hanggang ilang araw po tayo doon?"
"Baka abutan tayo ng 2 weeks. Since may aasikasuhin din kami ng Mama mo."
2 weeks matagal... paano na si Drik?
"Huwag kang mag alala. Maiintindihan nila tayo." Si Mama. "Alam nila na kailangan mo iyon." Lumitaw ang kalmado niyang ngiti.
Tumango ako sa sinabi ni Mama. Kaagad akong pinatulog. Hindi ko alam kung kaba o takot itong nararamdaman ko. Alam ko kailangan ko iyon dahil sinabi din ni Doc. Zyle iyon.
Naalala ko ang hindi magandang pagtapos ng usapan namin ni Drik kanina. Pakiramdam ko nagtatampo iyon. Lalo na aalis pa ako, at matatagalan kami. Pero para sa kalusugan iyon.
Kailangan ko ng matulog. Maaga pa ang byahe namin bukas.
Nakatanaw na lang ako sa binitana ng madaan ang bahay nila Drik. Bukang liwayway pa lang ng umalis kami. Hindi na ako direktang nakapag paalam sa kanya.
Napababa na lang ako ng tingin at nanahimik sa buong byahe. Tanaw ang pagbabago ng paligid... mula sa malalagong kulay berdeng paligid hanggang sa mapalitan ng matatayog na gusali.
Maingay na paligid ang sumalubong sa amin. Nakarating na kami sa dati naming bahay. Ang pamilyar na amoy ng hangin.
"Bukas pa tayo pupunta sa children hospital. Kung saan ka mag u-undergo ng surgery. Pahinga ka muna," payo ni Mama.
Sinunod ko naman kaagad dahil kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Gaya ng sabi ni Mama. Hindi ako pinakain kinagabihan para sa gagawin bukas.
"Ready ka na ba? Relax ka lang... magiging okay ka rin." kausap sa akin ng nurse habang papunta kami sa operating room.
Ito na... nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa akin. Mga Doctor at nurse na nag uusap sa paligid. Tila naghahanda. Hindi ko sila maintindihan. Hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang kakaibang hila ng antok.
"Relax hon!" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Kaya ng anak natin yan. Mana sa iyo. Palaban yan," pagpapanatag niya sa akin.
Alam ko iyon... pero kahit na ganoon hindi maalis sa akin bilang ina na mag alala. Natatakot ako sa magiging resulta. Ang gusto ko lang mabigyan ng normal na buhay ang anak ko.
'Lumaban ka anak! Lumaban ka.'
Bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Para akong galing sa mahabang pagtulog. Dahan dahan kong ginalaw ang kamay ko. Ilang ingay ng tao sa paligid ang narinig ko.
"Tawagin mo si Doc."
"Hey, baby..." Boses ni Mama iyon. Pero nasaan siya. Maliwanag ang sakit sa mata. "Calm down baby, take it slowly."
Unti unting nasanay ang mata ko sa liwanag ng paligid. Kasabay ng Doctor na pamilyar sa akin.
"Check the vital sign..." marami siyang inutos sa nurse. May iba pang doctor na dumating. Hindi ko na nasundan pa ang ilang pangyayari. Hanggang sa iniwan na nila kami dito nila Mama.
"Are you okay? How is your feeling? Better?" Mom fired up question on me. Huminga ako ng malalim saka pinakiramdaman ang sarili.
Sa ngayon wala naman. "Wala naman po akong kakaibang naramdaman."
Lumaki ang kalmadong ngiti sa labi ni Mama. Habang si Papa nasa gilid niya tahimik na nagmamasid.
Patuloy ang ginagawang follow up checked up sa akin. Hanggang sa tuluyan na kaming pinauwe. Kasabay ng paulit ulit na paala sa mga dapat kung gawin at inumin na gamot.
Isang linggo na ang nakalipas mula ng umalis kami sa probinsya. May isang linggo pa akong kailangan palipasin para makauwe kami. Ngayon tapos na ang surgery. Rinig ko kay Doc. Maari ko ng gawin ang mga gawain ng normal na bata.
Bigla akong na-excited dahil mas marami ba kaming malalaro ni Drik. Hindi na kailangan pang alalahanin na baka atakihin ako. Excited na akong umuwe. Kailangan ko magpalakas para kapag nakabalik na kami. Malakas na ako.
Nakapag laro nga kami, Diary pero... hindi man lang siya nagpaalam sa akin na aalis sila. Alam ko para sa kanya iyon. Pero...
Aish! ano pa nga ba ang magagawa ko diary. Ang magagawa ko lang ay abangan ang pag uwe nila pagkatapos ng dalawang linggo.
Aaminin ko diary... kinakabahan ako para sa kanya. Ito lang ang hiling ko... sana malagpasan na iyon at kayanin. Gusto ko pa siyang makasama. Araw araw ko siyang pagdarasal na sana at gumaling na siya. Para makapaglaro na kami muli.
Gusto ko ng matapos itong dalawang linggo para makasama ko na siya. Na-mi-miss ko na siya. Lalo na kapag, naguguluhan siya. Hahahaha. Pero naiinis ako kay Kuya dahil balak niya talagang gawin iyong sinabi niya kay Azelline. Dadalhin niya iyong tropa niya dito. Subukan lang talaga ni Kuya. Tatawag ako ng rescue.
Naiinis na nagtatampo, na medyo kinakabahan din ng kunti,
Didrik
Napailing na lang ako ng maalala ang panahon na iyon. Talagang ginawa ni Kuya Dwyer ang sinabi niya. Dinala niya sila Kuya Jayrome at iba pa niya kaibigan non.
At gaya din ng sinabi ni Drik... may rescue siya. At iyon nga may isang babae na. Kakaiba ang tindig, tila isang barako kung kumilos. Makinis ang kutis niyang mala-porselana. Balingkinitan na katawan, maliit na mukha... makikita mo ang kaastigan nito sa tindig at kilos niya. Sa buhok niyang blonde na kulot. Animoy may lahi.
Masamang titig kaagad ang pinukol niya kay Kuya Dwyer. Kita ko ang tensyon sa mga kaibigan niya. Tila natutuwa sa mga nangyayari.
Mukhang may alitan ang dalawa. Na kaagad kung nakuha ang sagot. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago iyon.
"Azelline... tanghalian na." Papa called me. Napababa siya ng tingin sa hawak ko. "Kailangan mong kumain. Baka mapano ka."
Ramdam ko ang pag aalala ni Papa. Kita sa pag iba ng itsura niya. Sa paglipas ang panahon, ramdam ko ang ilang pagbabago.
Nilagyan ko ng palatandaan ang pahina na iyon. Saka sumabay kay Papa sa paglabas para kumain ng tanghalian. Kailangan kung alagaan ang sarili ko. Dahil nasa akin na ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon.
Dinugtungan niya ang buhay ko. Dapat kong pahalagahan iyon. Minsan lang ang buhay... para sayangin sa walang kwentang bagay.
°°°°
Thank you for ready. I love to read your thoughts here. Comment down. Thank u again.
PrincessNalics
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top