Chapter 11
Promised
Ang sarap magising ng hindi mabigat ang pakiramdam. Ang gaan sa puso. Ibang iba kumpara noon. Hirap na hirap akong bumangon dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ngayon wala na.
Namamangha pa rin ako habang pinagmamasdan ang mga karangalan na natanggap ko noon. Hanggang noong nag highschool ako. Nitong college lang ang hindi ko pa naiuwe dito dahil bihira na lang akong makauwe noon.
"Ang dami mong nakuhang award, Ate." Singit ni Ayvi sa gilid ko. Napalingon ako sa kanya. Kumikinang ang kislap ng mata nito habang pinagmamasdan ang naka-display sa may pader sa sala.
"Isa ka sa dahilan nan." Napayuko ako saka umiling.
"Talaga?"
Naka-cross ang braso ko sa may dibdib ko ng harapin siya. Tumango ako. Isa siguro ito sa mga magandang bagay na dulot ng ginawa ko. Nag umpisa ako sa mali. Sa tama ko ito wawakasan.
"Paano?"
"Antayin mo ako dito. May kukunin lang ako saglit."
Binalikan ko sa kwarto ang diary niya. Panigurado meron siyang sulat tungkol sa una kung nakuhang award noong nag highschool. Inalalayan ko siyang umakyat sa may tree house. Muli akong binalikan ng takot nong minsan siyang nahulog sa hagdan dahil hindi ko siya nabantayan ng maayos.
"Okay ka lang, Ate?" Natauhan ako sa tanong ni Ayvi. Ilang beses akong napakurap habang nakatitig sa kanya bago tahimik na tumango. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. "Talaga? Kung ganoon bakit ang putla mo, Ate?"
"Huh? Ano... basta." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Okay lang ako. Sige umakyat ka na." Hindi ko na muli siyang binalikan ng tingin. Ngayon ko lang na-realized andito pa rin pala ang takot na iyon.
Ramdam ko pa rin ang mapanuri niyang titig. Ang mga mata nitong napupuno ng kuryuso dahil sa naging reaksyon ko kanina. Dikit na labi nitong nagpipigil na magtanong. Mga dariling npinaglalaruan sa ibabaw ng hita niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagdesisyong sabihin na sa kanya.
"When you're younger, about one year old." I started looking straight in the head. "You're involved in an incident caused by me. You have accidentally fallen on the stairs because I haven't watched you carefully." I explained while reminiscing how it happened in the blink of an eye. If I haven't heard her cry, I won't bother looking at what's fallen on the stairs. "I've heard a loud thug near the stairs, but did not realize it was you until I heard you crying." Pinanlamigan ako ng todo noon. Lalo na ng dumating sila Mama.
"They're all blaming me for that."
"That was the reason for your being far from me."
Tumango ako saka siya nilingon. Hindi ko makita kung anong reaskyon niya. Kaya minabuti ko na lang na lumapit sa kanya. "Look at me." I demand on her. Pero hindi niya sinunod. Napabuntong hininga ako. "Bata ka pa noon. Walang muwang. Ako nasa edad na kung saan alam na ang tama sa mali. Kaya sa atin dalawa. Ako ang may kasalanan non. Sa mura kung edad non at sa sinabi nila Mama na nagpatakot sa akin na lumapit sa iyo. Gustuhin ko man. Takot ang mas nangingibabaw sa akin. Kaya kung ano man yan nasa isip mo. Kung sinisisi mo ang sarili mo. Itigil mo yan dahil hindi kita sinisisi doon, hm." Sa haba ng paliwanag ko hindi pa rin siya umimik. Hindi ko na rin pinilit. Hindi ko hawak ang isip at damdamin niya para pakialamanan pa ng todo.
Sa gitna ng katahimikan sa pagitan namin. Gumapang ang kamay niya patungo sa akin. Hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon at hawakan ng mahigpit. Dahan dahan siyang sumandal sa akin. Mas pinili kong manahimik muna. Total maaga pa.
Umusog ako sa dulo ng maliit na sofang andito sa tree house. Ginawa niyang unang ang hita ko kaya umayos ako. Ang paa nitong nakapatong sa may pader. Tahimik kong sinuklay ang mahaba niyang buhok. Pareho kaming nagmana kay Mama. Iyong kay Papa kasi medyo kulot.
"So, how did I become the reason for your first high school award, Ate?" she started the conversation.
I smiled when I started to recollect how I got my first award in journalism. I joined the journalism club back when I was in high school. Well, my first choice is the dance club, but it's already occupied and there's no vacant for newcomers. So, I joined the other available club, and that was the Journalism Club.
"As you enter into high school, one of their policies is to join any club for your extra-curricular activities. Kasama iyon sa computation ng grade. Sa totoo lang hindi journalism ang first choice ko." Simula ko sa pagsariwa ng highschool life ko. Nakakatawa non dahil hindi ako marunong sa ni isang gawain bilang journalist. Mababa ako sa mga pa essay. Hindi ako marunong makihalubilo. At wala rin akong alam sa pag drawing at pagkuha ng larawan kaya 'bahala na si batman' ang motto ko non.
"Kung ganoon ang iyong first choice mo, Ate?" Curious niyang tanong.
"Dance club."
Napabangon siya ng ibunyag ko iyon. Uminit ang pisngi ko sa naging reaksyon niya. Hindi naman ako literal na magaling. Marunong lang. Napapasama kasi ako sa mga intermession number kapag may program sa school nong elementary pa lang ako kaya nahasa ako.
Nangnining ning ang mata nito ng tumingin sa akin. Ang ngiti nito na umaabot sa magkabilang tainga niya at kamay na magkasaklob na parang nagdadasal sa harap ko.
"Talaga, Ate?"
Mas lalo akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang mas lalong pag init ng mukha ko. Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanya.
"Wahhh! Paturo ate sige na." Niyuyog yog niya ako habang nakikiusap sa akin. "Ate, please. Dance club din ang gusto kong salihan. Paturo naman." Pangungulit niya. Nakanguso pa nga.
"Oo na. Oo na."
"Yes!" Napasuntok siya sa hangin ng sabihin iyon. "Walang bawian ha!"
Napailing na lang ako sa kakulitan niya.
"So paano ka nanalo sa editorial writing ate?" balik tanong niya sa award ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala non. Kung ako mahina doon pa ako nanalo. Napunta ako sa editorial writing. Kasi iyon na lang ang bakante at napili din ako noong nag pa audition sila. Gulat ako dahil noong lumabas ang resulta isa iyong papel ko sa napili.
"Well, hindi naman talaga ako magaling dyan. Sinunod ko lang iyong payo nong adviser ng club. Na gumamit ng ilang matalinghagang salita. Sabi niya okay iyong way of writing ko. Coherent bawat paragraph at may laman. Iyon lang talaga para maging catchy iyong sa akin sa mga judge."
Paliwanag ko sa kanya. Habang inaalala iyong mga payo ni Ma'am Jen. Balak ko pang magback out non. Kaso malaking hatak sa grade ko ang extracurricular activities.
"Woah! Parang gusto ko rin maging katulad mo, Ate."
Natawa ako sa sinabi niya. Alam ko na-o-overwhelm siya sa akin. Pero mas maganda kong susundin niya ang gusto ng puso niya. Mas masaya sa feeling iyon. Kisa tumulad at sa huli ay magsisi sa daan na tinahak.
"Nako, akala ko ba gusto turuan kitang sumayaw?"
Napaisip siya sa sinabi ko. Napailing ako. "Bata ka pa. Malalaman mo din kalaunan kong ano ang gusto mo."
Hindi na siya umimik at sumang ayon na lang.
"Ay teka!" Joke lang pala. Bumuwelta.
"Saan doon iyong part na dahilan ako ng pagkapanalo mo?" Hindi ko pa ba nasabi?
"Oh! Syempre noong lumipat tayo. Ikaw na ang lagi niyang binabantayan na dati ako. Hindi ko man gustuhin pero doon nagsimula akong makaradam ng inggit. Alam mo naman na diba?" Tanong ko sa kanya. "Well, dapat initindi ko iyon pero mas pinagmulan pa ng inggit ko. Kaya isa rin sa kadahilan na pinagpatuloy ko para kapag may award ako. Baka sakaling... baka sakaling pansinin nila ako." Humina ang boses ko sa last part. Hindi ako tumigil noon hanggang sa pagiging rebelde na.
Hindi ko namalayan sa sobrang kagustuhan ko nagiging ibang tao na ako. Pareho kaming natahimik ni Ayvi. I don't want to sound sarcastic or mad. I just want her to know where I came from in that moment of my life.
"Ang inggit mula sa iyo ang naging apoy para makamit ko iyon pero iyong apoy na pala na iyon ang unti unting tutupok sa akin."
Napapikit ako habang unti unting bumabalik sa akin ang ilang alaalang kailangan ko pang apulahin.
"Ate..."
"Okay lang. Pinili ko ito. Dapat kong harapin."
Naiwan ako sa may tree house ng tawagin siya sa loob nila Mama. Napahiga ako sa may sofa habang yakap yakap ang diary niya sa tapat ng dibdib ko. Nag iba ako ng pwesto. Habang nakadapa sa may sofa. Binuklat ko ang huling page kung saan ko binasa. Hanggang sa narating ko ang hinahanap ko.
April 10, 2006
Dear Diary,
Hindi pa rin kita malimutan. Tagal na napahon na rin hawak kita. Siguro nga ay nasanay na ako sa iyo. Ikaw ang isa sa mga napapagsabihan ko ng damdamin ko. Hindi man na naulit ang date namin ni Azelline. Pero bumawi naman ako sa oras na kinulang ko sa kanya. Pero madalas na sila ni Kuya ang magkasama. Medyo na-i-inggit na ako. Lalo na kapag inihatid siya ni Kuya sa bahay nila. Rinig ko pa na madalas silang pagkamalan na magjowa. Nasaktan ako doon diary. Kaya kailangan kong bumawi pero ayon.
Pagtungtong niya ng high school lumipat na sila. Nakakapanhinayang at nakakapansisi. Ngunit dahil sa sinabi niyang tuwing summer uuwe siya. Medyo nabuhayan ako. At ngayon nga andito siya. May bitbit na award. Muli kong nasilayan ang ngiti niya. Ngiti niyang mala anghel. Ang kislap ng matang puno ng pangarap.
Ngayon sigurado na ako diary. Hindi lang paghanga ito. Malala na ata ako. Sa tingin mo?
Sinara ko ang diary niya at tinakip sa mukha ko saka napabuntong hininga. Drik... sa mga panahong nahuhulog ka na. Doon ako nagsimulang magbago.
Ilang araw matapos ang date na iyon. Muli siyang nagtungo sa bahay para anyayahan ako sa kanila.
"Azelline," magiliw na tawag sa akin ni Tita. Saka mahigpit na niyakap. Kita ko sa likod niya si Kuya Dwyer. Sa tabi ko naman si Drik. Ang kambal malaki na. Makulit na rin.
"Dating gawi?" tanong niya sa gilid ko. Doon ko lang siya binalingan ng tingin. Bago tumango.
Bago kami makarating sa may garden. Nakipag-high five ako kay Kuya Dwyer. Madalas ko siyang kalaro kapag busy si Drik. Hindi tulad ng lagi naming nilalaro. Physical sport naman ang ginagawa namin. Minsan basketball. Meron silang half court dito bagong gawa. Minsan naman badminton. Dahil successful ang surgery. Magiging normal na ang kilos ko. Unlike before.
"Mukhang close na kayo ni Kuya ah," puna niya sa akin bago kami umupo. May napansin ako sa tono ng boses niya.
"Nagseselos ka ba sa amin ng Kuya mo?"
Natigilan siya sa tanong ko. Kaunting nanlaki ang mata saka masungit na nag iwas ng tingin. Cross his arm as he continued to ignore me. I found him amusing. I shift my position to catch his eyes. I tilt my head as I look at him. Mockery in my face.
We are now facing each other in the opposite position. His brow furrowed, jaw tightened, and sharp eyes were fixed on something. And if their maid hadn't interrupted the staring contest that we started. He was the first to break contact and chose to gaze at the game board that his maid dropped in front of us.
"Chess?" This is new. Well, I don't know how this game plays. My head can't comprehend what the rules are when moving the chess piece. One of my classmates loves playing chess. That's when he plays over the higher years ahead of us. I just can't help but be amazed at him. He is capable of defeating our seniors.
"Hmm..." he silently replied as he placed the chess piece into each assigned place. Dama was all I knew. Not this one. Shems. I should have asked Kuya Dwyer to teach me. I can feel he knew how this game played.
"Do you know this one?"
I suddenly sat properly on his question. I crossed my legs and looked at him with confidence before answering him. "No."
His lips arc and he glances at me with amusement in his eyes. Then he chuckled until he turned to laugh. What's funny?
"You look at me with so much confidence and it turns out you..." He did not finish his statement and continued it with laughter. I watched him hold his tummy when his laugh became a guffaw. I remained silent as he continued to laugh. I shook my head at his reaction.
Humanda ka. Sa oras na makuha ko kung paano laruin ito. Tignan natin kung makakatawa ka pa.
"Anong nangyayari sa kanya?" A rough, deep voice whispered in my right ear, sending me chills from my spin down to my feet. I managed not to peak at him because I knew once I turned around our faces would collide. "Mukha siyang nasisiraan ng bait." Ramdam ko ang pag iling niya dahil sa hangin sa pagitan namin.
"He was mocking me for not knowing how to play chess." I lean sideward to have enough space to look at him at my side. "Can you teach me how?" I asked him with a hint of pleading. His signature evil smirk with dimples showed as he nodded.
"Ahem!" A strong, annoyed voice tries to steal our attention.
Sabay kaming napatingin sa kanya. Nawala na ang kaninang saya niya. Muling bumalik sa pagiging iritado sa amin. Umupo si Kuya Dwyer sa gilid ko. Mahabang upuan na gawa sa kahoy ang inuupuan ko. Habang bilog ang kay Drik.
"Well, hindi ko alam kung paano mag laro nito. Pwede akong magpaturo diba?" mataray kong tanong sa kanya. Muli kong pinag-cross ang braso sa tapat ng dibdib ko. "May anggal ka?" pahabol kong tanong. Umirap lang siya saka unang tumira.
Iyong pawn ang una niyang ginalaw. Napatingin ako sa gilid ko. Naghihintay ng salita niya.
"Sa dulo, abante katulad ng ginawa niya."
Gaya ng gusto niya. Iyong pawn sa opposite side ng tinira niya ang inabante ko paharap. Ramdam ko ang tensyon sa laro na ito. Naalala ko sabi nong kaklase kong mamaw dito. Mind game ito. Kailangan ng matinding tactics at concentration para matalo ang kalaban.
Dumaan ang oras at marami na siyang nakakain sa part ko. Ang kaninang iritado ngayon ay naging mayabang. Tumataas pa ang parehong kilay nito ng muling makain ang pawn ko. Ito ang huling pawn ko.
"Relax, kaya natin siyang talunin. Trust me," he whispered, right enough for him to hear it. He snorted and tsked.
In response to his brother's rudeness, Kuya Dwyer simply chuckled. Minutes passed, the table had turned. I ate his pawn until I got to his rook. And his face darkens as I eat his bishop. It's my turn to smirk at him.
Hanggang sa natalo na nga namin siya. "Checkmate." Kuya Dwyer announced. And his let out a long signed. Ginulo niya ang buhok niya saka biglang tumayo. "Hindi pa tayo tapos." Sabay turo sa akin. "Magtutuus muli tayo." Huling saad nito bago nag martsang umalis sa harap namin ni Kuya Dwyer.
Nagkatingin kaming dalawa bago sabay na tumawa. Napasandal ako sa balikat niya saka tumawa nang tumawa.
'It's already dawn," he announced firmly. Only I notice the sunlight passing through our place. It's a pale tint of orange, with the mixture of dark hues submerging the light from the setting sun, even though it's not clearly seen here. "I'll walk you home," he insisted.
Pareho kaming nagpaalam sa magulang niya. Katulad ng dati nasa kwarto niya siya.
"Dwyer," nagbabantang tawag sa kanya ni Tita. "Make sure she gets home safely."
"Yes, Ma."
Tita turned her gaze on me beside Kuya Dwyer. She gave me a weak smile. That's new. "Go." She only said. Hindi na ako nakaimik pa ng alalayan na ako ni Kuya Dwyer palabas.
"Drik is tired," he said matter-of-factly. Like always. I didn't say anything. It's nothing new to me. Mapalit lang ang bahay pero bakit sa tuwing magkasama kami parang ang layo. Ramdam ko tuloy ang pagod sa laro namin. "Tired as well," is not a question. It's more of a statement. Hindi ko namalayan na nakakapit na pala ako sa braso niya.
I looked him up. I can feel my eyes slowly dripping away. Water gathered in my eyelids as I squeezed my eyes. I felt myself floating. A strong arm was below my knee and behind my back as he carried me to the bridal lift. I didn't complain either because I could feel myself falling into dream land.
"Sleep," he commands as I completely take off to dream land.
Nagising na lang ako sa sarili kong higaan kinabukasan. At gaya ng plano ko. Nagpaturo ako sa kanya. Minsan umaalis sila Drik kasama sila Tita. Tangin kami nila Dmytro ang naiiwan. Kapag andyan naman siya lagi kaming naglalaro. Unti unti ko ng natutunan iyong chess. Syempre magaling taga turo ko hahaha.
"Yes!" I punched the air as I defeated him again. This time Kuya Dwyer is not here by my side.Kasama niya mga tropa niya nasa plaza. "Hah! Akala mo ha." Mayabang kong duro sa kanya. He just make face and hissed again.
"Nga pala may sasabihin ako sa iyo." Mabagal kong sabi. Kinausap ako nila Mama kagabi. At hindi ko iyon inaasahan. Akala ko pa naman magtatagal na kami dito. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Humugot ako ng malalim na hinga saka sinabi ang napag usapan kagabi. "Babalik na kami ng Maynila sa susunod na linggo. Doon na ko mag aaral ng highschool."
Kitang kita ang gulat sa mata nito. Ang bibig na napabuka sa gulat. Natigilan din siya.
"Tama ba narinig ko?"
Ako naman ang nagulat ng marinig ang boses na iyon. Kita ko tulad ni Drik gulat din ito. Mabagal akong tumango sa kanya. Saka binalik ang tingin kay Drik. "Huwag kang mag alala. Pinayagan naman nila akong umuwe dito tuwing summer."
Pagtigil pa lang ng trycicle kaagad akong bumaba para supresahin si Drik sa pagbalik ko dito kila Lola. Gaya ng pangako. Hindi ko pa napipindot ang door bell ng may yumakap sa likod ko. Ang ulo nitong nakapatong sa ulo ko. Kilala ko na kaagad. Kaunti lang agwat ng tangkad namin ni Drik.
"Kuya Dwyer," natatawa kong tawag sa kanya.
"I miss you."
Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin. Humarap ako sa kanya saka sinagot iyon. "I miss you too."
His thin-lined lips curved into a smile. Ginulo nito ang buhok ko bago inanyayahan sa loob. Nasa loob si Drik sabi niya. "Drik!" I shouted as I ran into him. Huminto ako sa harap niya saka pinakita ang dala ko.
"Look." I showed him my award in the journalism contest. "I won in the category of editorial writing champions from all year levels. And look here, sa DSPC naman pang third ako."
Masaya kong pinakita sa kanya inyo. Hindi ito umimik tahimik lang akong pinagmamasdan. Tila namamangha pa sa akin. "Okay ka lang?" hindi ko maiwasan na maitanong.
"Nako gulat lang yan, Az." Sabat ni Kuya Dwyer saka niyakap si Drik. Doon siya natauhan. Niyakap niya ako saglit at muling binalik sa award ko ang tingin.
Masaya din siya para sa akin. Sana ganoon din sila Mama. Tahimik kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko ng itago ito kasama ang ilang award na hindi nila kailan man nalaman. Sa ilalim ng buwan. Ako at ang nag nining ning na mga tala ang magkasama.
Tinupad niya talaga ang pangako niya. Habang ako hindi ko magawa. Naiinis ako sa sarili ko. Alam mo ba diary. Sa kabila ng emosyon non. Feeling ko may nagkukubling iba pang emosyon. Malakas ang pakiramdam ko pero hindi ko na sinubukan pang itanong.
Sana lang talaga maayos siya doon sa maynila. Hindi kami nagkakausap sa cellphone. Wala pa rin kasi din siyang cellphone kaya wala kaming komunikasyon. Hindi ko inaasahan ang pag uwe niya. Sana naging handa ako.
Sa susuno talaga diary. I promised I will give her the time she deserved.
Nangangako,
Drik
My eyes began to sting once more. Because that promise of his was never fulfilled as I never came back. I'm sorry, Drik. I'm too broken, hurt and lost. If I could only go back in time. I just spend my summer days here.
If I could.
But... I know I couldn't.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top