Chapter 10
Goodbye kiss
The sun had already set when I rose from my bed. I woke up late. That's new. I am always a morning person, so I will avoid them. That's what I did after we moved out here. My rebellion started. It's this rebellion that led to the pain I've experienced currently. I totally regret that.
The box is on my side table. I folded my left leg and let my chin rest on it. I am thinking about how I will show it to them without those feelings.
Masyadong malalim ang naging sugat sa akin ng lahat. Naging sing tayog ang pader na namagitan sa amin. Hindi ko alam kung paano iyon aalisin ng walang nasasaktan sa amin. Naging masyadong masakit ang lahat ng ito para sa amin. Ang gusto ko lang ay maiayos ito at maging payapa na.
"Ate."
Napa angat ang ulo ko ng marinig ang boses ng nakakabatang kapatid ko. Maliit lang ang siwang ng pinto ng buksan niya. Tanging kalahati ng mukha niya ang nakikita. Ngunit sapat na para maaninag ko ang pagsisi nito sa mata niya.
"Halika," masuyo kong tawag sa kanya. Kita ko ang pag aalinlangan niya sa sinabi ko. Umayos ako ng upo at binaba ang kumot na nakabalot sa akin. Tinapik ko ang gilid ng kama kung saan ako nakaupo. "Dito ka." Sinundan ko iyon ng kalmadong ngiti.
Kita ko ang gulat sa mata niya. Panigurado ay nagulat dahil sa pag ngiti ko. Sa loob ng sampung taon na iyon. Ni minsan hindi ko na nagawa pang ngumiti ng tunay. Sa lahat ng napagdaanan ko hindi ko namalayan maging ang mga ngiti ko ay nawala na rin sa mga panahong iyon.
Nakatayo pa rin siya sa may pinto. Nanlalaki pa rin ang mga mata. Ang bibig nito napanganga. Habang ang pagkakahawak niya sa pinto ay bumaba. Ganoon ba talaga kalaki ang pinagbago ko?
May kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Hindi dahil sa transplant na nangari kung hindi sa mga maling desisyon ko na ngayon ko lang napagtanto. Ilang taon ang nasayang dahil sa sarili kong kagustuhan. Sa sariling desisyon ko na nagtulak ng ganitong kalayo sa kanila. Ang tangin kagustuhan ko lang ay mabigyan ako ng pansin at mahalin na hindi ko naramdaman habang lumalaki ako.
"Ayvi?" tinawag ko muli siya dahil lumipas na ang ilang minutong hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.
Mabilis siya napakurap dahil sa pagtawag ko sa kanya. Pinanood ko lang siya tahimik na pumasok sa loob ng kwarto ko. Pansin ako ang kamay nitong nakayukom sa dulo ng damit niya. Nagalit ako sa sarili dahil alam ko ang nararamdaman ng kapatid ko. Wala siyang kasalanan. Sa aming lahat kami iyon at labas siya sa kung anomang mangyari sa amin nila Mama.
Lumubog ang parte ng higaan kung saan siya umupo. Umayos ako ng pagkasandal sa may uluhan ng kama ko at hinila siya palapit sa akin. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. We never closed like this. I never hugged her after that incident. Reason for both of us to be so close yet so far from a relationship.
Nabura sa isipan ko iyon ng maramdaman kung unti unti niyang pinulupot ang kamay sa baywang ko. Siniksik niya na rin ang ulo sa may dibdib ko. Damn it! This feeling.
"I'm sorry, ate," she whispered.
Hindi ako umimik. Tangin pagsuklay sa buhok niya gamit ang kamay ko ang tangin ginawa ko. Nasa loob ng nakalipas na sampung taon na hindi ko nagawa dahil busy ako sa sarili ko. Na nakalimutan ko na ang ibang bagay na dapat gawin ko bilang nakakatanda niyang kapatid. Dahil ang nasa isip ko non, andyan sila Mama hindi na niya ako kailangan. Kayang kaya na nilang gawin iyon. Pero mukhang mali ako.
May bagay na tangin ako lang ang makakagawa. Tangin magkakapatid ang magkakaintindihan. I wonder how much event on her life I was not there? Kailan ako umattend ng party niya? Ang tanging naalala ko lang ay iyong isang taon niya. Ang iba ay naging malabo na.
"Galit ka ba sa akin?"
Sa tanong niyang iyon doon ko napagtanto na kailangan ko ng ayusin ito. Ayokong iyon ang isipin niya.
Sumilip ako sa kanya. Natigilan ako ng magkasalubong ang mata namin. Umiiling ako at sinabing, "Hindi. Hindi ako galit sa iyo. Galit ako sa sarili ko. Kaya wala ka dapat ikahingi ng tawad sa akin." I pinched her chin and kiss her forehead.
"I'm the one who needs to say those words, not you."
"But—your hurt. Your feelings are valid, Ate. Nong simula ng dumating ako naagaw ko ang atensyon nila mama sa iyo. Na..." napahinto siya at napaiwas ng tingin. Napatiim bagang ako sa narinig kung dahilan niya. Aminin iyon talaga ang una kong dahilan. "Dapat ay nasa iyo dahil sa kalagayan mo."
I gritted my teeth at the last statement she said. All of it is true. My main reason for my rebellion and how does it look from her point of view? I try to calm myself. Maybe it's the right time to clean it up.
"Oo tama ka simula nang dumating nagbago ang lahat sa akin." Wala akong intensyon siya na saktan sa salita kong iyon pero mas gusto ko ng klaruhin ito. Hindi maiiwasan pero kailangan. "Naging malala ang lahat. Pero hindi ibig sabihin non kasalanan mo. Sa lahat ng nangyayari sa atin hanggang ngayon. Tandaan mo wala kang kinalaman doon." Inangat ko ang baba niya para tignan ko. Ayokong sinisisi niya ang sarili dahil sa kalasanan namin.
"Kami ang may kasalanan. Kami. Kami."
"Tama ang kapatid mo Ayvi."
Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon. Unti unti kong sinundan kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Napalunok ako ng makitang nakatayo sila Mama sa may pintuan ko. Ang luha sa mata ng aming Ina ang patunay na kanina pa nila kami pinapakinggan. Sa mga mata nilang umiiwas sa tingin dadaan ko ng titig.
Biglang umurong ang tapang ko na ayusin ito. Hindi ko ata kaya.
Nanatili kami ni Ayvi sa higaan ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harap ko sila. Si Mama, Papa, at maging sina Lola at Lolo. Na nasa likod nila Mama.
Napahawak si Mama sa dibdib niya habang humugot ng malalim na hininga. Ang kamay ni Papa na nakapulot sa baywang niya. Hindi sila umalis sa may pintuan ko. Naging tahimik ang kwarto matapos niyang sabihin iyon. Maging ako natigil. Nanuyo ang lalamunan ko dahil unti unting naglaho ang mga salitang dapat na sasabihin ko.
Pinanood ko kung paano sila magtinginan. Ang kamay ni Papa sa baywang ni Mama ay unti unting bumaba. Isang tango niya kay Mama at nagsimula itong lumapit sa amin. Maliit lang ang kama ko. Sa kaliwang bahagi siya nagtungo.
Lumubog din ang parte kung saan siya umupo. Ang mga titig niyang nangungusap kung maari akong yakapin. Hindi na ako nagdalawang isip pa.
In my arms, my mother broke down. She burst into tears while I was hugging her. Ever since, everything is fucked up. I never experienced her embraced. This is new. And this is how it felt.
"I'm sorry..." she apologized between her sob.
"I'm sorry too, Ma." Hindi ko na kinaya. I hoarded this feeling for over a decade. I had too much. And this feeling is overwhelming. So raw and natural. "I'm sorry..." I whimpered.
Kinalas ni Mama ang pagkakayap sa amin. Mariin niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kanya. "Tignan mo ako." Utos niya sa akin. Hindi ko sinunod dahil natatakot ako. Natatakot sa mangyayari.
"Azelline... anak..." pumiyok si Mama ng sabihin iyon. "Please," she plead. I hear her enhale. "Look at me," her voice stuttered. She begin to trembled again. I close my eyes as I hear her cry.
Slowly, I turn my head up. When our eyes meet. Regret and sorrow welcome me. My father was near by on her side, holding her shoulder.
Kagat niya ang ibabang labi niya saka napayuko. Nagpakawala siya ng hinga saka ako muling tinitigan. "Look... no one," she said to me, then to Ayvi, who was hugging me from behind. "No one from either of you is to blame for our demise. Or what ever happened in our family? The one who is to blame is us." Lumingon siya kila Lola matapos tumingala din siya kay Papa na tahimik na nakatayo sa tabi niya.
"We are the root of this misfortune in our family. And both of you are the collateral damage of our mistake." Regret is strong in her tone while explaining. I lost all of my words. I don't know how to respond to this situation. "It's okay. I knew what you were feeling inside. And it's normal. I understand."
Pinunasan niya ang luhang patuloy na dumadaloy galing sa mata ko. Kahit nanginginig pa rin ang labi niya galing sa pag iyak. Nakuha pa rin ni Mama na ngumiti. Ang kalmado niyang ngiti.
Mom hugs us tight and showers us with kisses. My gaze lands on my father, silently watching us. I stretched my hand over him. His eyes were wide when looking at my hand. Reaching him. My lips stretched for a moment, then he took my hand. Then he joined us.
Damn it! This is what I've been longing for. The embrace, attention, and love that I have looked for all these years. It's here already. I'm just busy buying myself a way to feel validated and belong. After all, I did. The place where my feelings are validated and where I belong is here, in my family. That is why I never found it. And I caused so much trouble along the way by searching for the thing I started to look for.
Now it's my cue. Natigilan silang lahat ng kumalas ako sa yakap nila. Hindi sila nagsalita habang pinapanood akong umalis sa higaan ko. Matagal na dapat ito pero ngayon ko lang bibitawan.
I kneel in front of the box. I notice how my heavy heart lights up whenever I look at it. And now I know. I'm ready for this. The first step in my own version of acceptance.
Natigil ako sa paglakad ng nasa pintuan pa rin sila Lola. Nagtulakan pa sila ni Lolo para gumilid. Alam kung kahit wala akong sabihin alam na nila ang nais kung ipahiwatig. Pumuwesto ako sa gitna ng sala nakaharap sa may lamesita. Katabi ang kahon na baon ang kahapon.
Nang makumpleto na sila sa harap ko. Isa isa kung nilabas ang mga award na nakuha ko mula ng grade 3 ako. Una kong ipinakita ang medalyang nakuha bilang kasama sa top 10. Nostalgia is the word that first comes to my mind. The bitter-sweet memoir of my childhood experience. One of the roots of my pain yesterday was driver of my rebellious spirit into the unknown feeling of belonging .
"It's your award that you shared with me back then, right?" My father asked. Natigilan ako saglit dahil sa tanong niya. Unti unti ako napaangat ng ulo sa sinabi ni Papa. "I'm sorry." Those to words trigger my tears.
I swallowed hard as I chuckled. I gently wiped my own tears and shook my head. "It's okay, Papa. It has been—"
"No."
Natigil ako ng mariin niyang pigilan ang nais kong sabihin. Kita ko ang pag igting ng panga niya. Habang seryoso itong nakatingin sa akin. Deretso sa mata. Pagsisi. Ang tangin nababasa ko doon.
"It's not okay, Azelline. It's not just your recognition that we forgot," he firmly opposed my supposed statement. Napaiwas ako ng tingin ng maging si Mama napatingin sa akin. "I'm truly sorry..." hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagpiyok ng boses ni Papa. The last time I saw him cry was when Mama announced that she was carrying Ayvi.
"Sa kagustuhan namin na maalagaan ka ng maayos. Naging babad kami sa pagta-trabaho ng hindi namamalayan. Hindi materyal na bagay ang nais mo mula sa amin." Napahinto si Papa at napahugot ng hininga. Pinunasan ang ilang ulang natira sa pisngi bago siya nagpatuloy habang sinisikap na huwag muling pumiyok. "Atensyon at pagmamahal mula sa amin. Na hindi namin naibigay habang lumalaki ka."
"Kaya..." napasinghap si Papa bago umalis sa kinauupuan niya. Kinapos ako ng hininga ng makitang unti unting lumuhod sa harap ko si Papa. "Alam kong huli na pero... sana mapatawad mo ako... kami sa kakulangan namin sa iyo."
"Hindi lang ang Papa mo ang dapat na humingi ng kapatawaran mula sa iyo."
Nanlaki ang mata ko ng marinig si Lola sa gilid ko na nagsalita. Pamilyar pa rin ang sarili ko sa kanya. Ang unti unti takot, at pag nginig ng kalamnan ko ang tanda ng takot ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na may humawak ng kamay ko.
Si Lola hawak ang kamay ko. Gaya ni Papa nakaluhod sa harap ko. Sa oras na nagdesisyon akong titigan siya. Iyon ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mata. Mariin itong napapikit saka unti unting inangat ang kamay ko patungo sa kanyang labi. Gustuhin ko man magsalita. Ngunit sa oras na buksan ko ang bibig ko. Ni isang salita walang lumalabas.
"It's okay, Azelline. You don't have to say anything. We understand." Mama interrupted me in the middle of my shocked state. Yakap sa likod mula sa kapatid ko ang nagpagising sa nawiwindang kong sarili.
Binawi ko kay Lola ang kamay ko at pinagpatuloy ang ginawa. Tahimik ngunit unti unit iyong nababalot saya at galak sa tuwing may ilalabas ako. Nawawala na rin ang mabigat na pakiramdam kapag magkakasama kami sa iisang lugar na hindi ko lubos isipin na isang araw ay mawawala iyon.
Nailabas ako na ang ilang importanteng award na nakuha ko. Masaya nila iyong tinignan at nalulungkot sa pagsising hindi nila nagawang dumalo ng makuha ko iyon.
"Ate..." napahinto ako sa panonood kila mama kung paano iaayos iyon sa may pader para I display.
"Hmm."
"Here." Nilapag niya sa palad ko ang isang bagay na hindi inaasahan.
Napatitig ako sa kanya. Saan niya nakuha ito?
"Nasa kahon yan Ate. Hindi mo napansin. Nasa pinakagilid." Ramdam ko ang pang aasar sa tono niya. Sa laki ng ngisi sa labi niya alam ko ang tinutukoy nito. Sumama ang tingin ko sa kanya. Ilang at mahinang mapang asar na tawa ang sinagot nito sa matalim kong tingin.
"Sayang lang hindi ko man lang siya nakasama ng matagal," nanghihinayang niyang sabi. Umirap ito ng marinig ang pag ismid ko. "Tsk! Pati sarili niyang kapatid pagseselosan. Nako talaga ate."
Umalis ito sa tabi ko ay nakigulo kila Mama sa pag aayos ng mga award ko. Napatingin ako sa diary. May sumagi sa isip ko. Napangang ako ng makita ang page kung saan sakto ang date na nakalagay sa likod ng larawang hawak ko.
April 19, 2005
Hi! Diary,
Hindi ako makapaniwala. Hanggang sinusulatan pa rin kita. Siguro ay nasanay na akong ikaw ang kakwentuhan tungkol sa amin dalawa ni Azelline.
Alam mo ba? Bukas lalabas kaming dalawa. Inaya ko siya dahil may bagong bukas na kainan sa bayan. Well, na-miss ko din siya. Simula noong tumungtong ako sa highschool bihira na kaming maglaro. Maging ang magkita kaya hindi ko na pinalagpas ang oras at tinanong kung pwede ba siya bukas. Ayon buti na lang pwede siya. Pinaalam ko na rin siya kila Tito.
Kinakabahan ako ng todo ako ko hindi papayag. Nakahinga ako ng maayos ng pumayag siya kaya. Matutulog na ako. Actually kinakabahan ako ng todo. Huwag lang sana ako pumalpak bukas. Ipagpanalangin mo ako diary.
Nangilid agad ang luha ko sa nasaba. Unang beses na lumabas kami. Tandang tanda ko pa iyon.
Hindi gaya nong nasa elemetary pa kaming dalawa madalas kaming magkita sa kanila at maglaro. Pero nong tumuntong siya ng highschool. Nagbago ang lahat. Naging madalang ang pagkikita namin. Sa tuwing maaga ang uwian ko. Pagkauwe sa bahay. Magpapaalam tapos deretso sa kanila.
Minsan swerte na madatnan ko siyang kakauwe lang kaya nakikipaglaro pa siya sa akin. Pero madalas pagka uwe niya. Minsan hindi na niya ako pinapansin deretso siya sa kwarto niya. Noong una hindi ko siya ma gets. Akala ko ayaw na niya sa akin. Pero sabi ni Kuya Dwyer.
"Hayaan mo pagod lang iyon. Alam mo na iba ang pag aaral sa elementary kisa sa highschool."
Hindi na lang ako umimik at mas piniling intindihin si Drik. Kaya madalas si Kuya Dwyer ang kasama ko kapag nasa bahay nila ako. Pero minsan pinipili ko na lang na manatili sa bahay. Bantayan mula sa malayo si Ayvi at gumawa ng takdang aralin.
Nasa honor roll pa rin ako kaya kailangan pa din mag aral ng maayos. Laging ganon ang sitwasyon namin dalawa. Oo. Na-mi-miss ko siya. Minsan. Madalas. Pero busy siya at minsan pa niya akong pinauwe ng nasa bahay nila iyong ibang mga kaklase niya. Doon ko napagtanto iyong sinabi ni Kuya Dwyer.
"Baka nahihiya na siyang makipaglaro sa iyo. Nagbibinata na rin."
Wala akong nagawa non kaya umuwe na lang ako. Kaya laking gulat ko ng bigla siyang lumitaw sa harap ko habang nakatambay ako sa may sanga ng punong laking kong inuupuan noon. Mula sa suot niya. Kita ko ang pagkakaiba namin dalawa. Ang dating makulay na damit. Napalitan ng plain halos wala na rin design ang ibang damit niya. Maging ang short nito nagbago na rin. Na dating mga pag basketball ngayon maong o kaya iyong tinatawag nilang khaki short.
Maging ang pisikal nitong itsura nagbago na rin. Ang dating payat ngayon unti unting nagiging matikas. Tumagkad din siya ng kaunti. Ang buhok nito na walang ayos dati. Buhaghag na medyo kulot na mahaba. Ngayon malinis na ang pagkakagupit. Mas lalong nadepina ang mukha niya. Lumabas ang natatagong ganda ng pagiging lalaki niya.
Mas nadepina ang panga niya kisa sa pingi nito. Matulis na baba at may kalapadan na noo. Mas lumalabas ang pagigising maamo ng mukha niya kisa sa kuya nito. Na mas nakakatakot ngayong nagbinata na. Mas lumabas ang pagiging matangos ng ilong niya ng magupitan ang buhok. Gayon din ang labi nitong manipis at kulay rosas lalo na kapag nasisinagan ng araw. Ang kutis nitong sa pagitang ng maputi at maitim. May tawag dyan eh... olive ata yun?
Nagtagal ang pagtitig ko sa kabuuan niya. Ibang iba na siya sa batang Drik noon. His dark brown eyes were resolute while watching me sitting in front of him. He was not saying anything. Just standing in front of me.
"Bakit?" mahinahon kong tanong. Binaba ko na ang titig ko sa paa ko dahil hindi ko na makaya ang titig niya. Para niya akong pinag aaralan sa tahimik na paraan. Medyo natatakot ako. Hindi na sanay sa ganitong ugali niya. I missed the talkative side of him. The one who always asks me about my day. How I spent my time and what I did on that day. Of course, our play time.
"Uhmm..." he said, scratching the back of his neck. His eyes bewildered, he licked his rosy lips and then faced the other direction. His body moves incoherently. I can infer his nervousness from it. I also noticed how multiple times his adams apple moved after snatching a glimpse of me, then looked away again. Hindi siya mapakali talaga.
Binaba ko ang paa ko saka umayos ng upo. Hinarap ko ng maayos saka tinanong, "ayos ka lang ba?" mahina ang boses ko dahil sa pagkagulat pa rin. I tilted my head while watching him battle silent of himself. Pansin ko ang paggalaw ng labi niya. May binubulong siya sa sarili niya. Mas mahina nga lang tipong siya lang ang nakakarinig.
"Azelline!"
A loud, strong, muscular voice called my name from afar. It's my father. Saglit akong napatingin doon bago siya binalingan ng tingin.
"Tinatawag na ako."
Isang nanlalamig na kamay ang humawak sa braso sa banta ko ng pag alis. Medyo mahigpit iyon. At ng huminto ako saka niya niluwagan.
"Saglit lang." Mabilis niya binawi ang kamay sa braso ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita. "Free ka ba bukas?" Pinigilan kong mapanganga sa sinabi niya.
Instead, I pretended to be unaware of his inquiry. "Huh?" I blink again. I absorbed his words. Understanding it and analyzing it. I looked at him stunned. "Oh! Bukas?" I asked again. My breath skips. As I waited for his answer.
"Yes," he answered in a low baritone. His meek-eyed glance at me. While I am having a debate with my inner self. "Uhm... may bagong bukas kasi na café shop sa bayan. Binigyan ako ng coupon ng isa kong kaklase." May dinukot siya sa bulsa niya at pinakita iyon sa akin. "Kaya kong hindi ka busy. Ikaw ang isasama ko."
It's quite tempting to say yes. But I should also consider my parents' permission if they will allow me.
"Uhmm... para sa akin okay lang pero...uhm. Kailangan kong magpaalam muna kila Mama."
He bites his rosy lips and slowly nods. "I see. Well, pupunta ako sa inyo mamaya ipagpapaalam kita. Okay lang ba? " He asked me worriedly.
I nod. "Oo okay lang naman."
"Azelline!"
That one sound warning. I have to go. Tumingin ako sa kanya. Kahit walang banggiting tumango siya. Tipid akong ngumiti bago siya tuluyan iwan doon.
"Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot. Saan ka ba nanggaling bata ka?" Ito kaagad ang bumungad sa akin. Napatitig lang ako kay Papa dahil sa hindi inaasahang pagtaas ng boses nito sa akin. Like he's always calm and collective when talking to me, but right now it's different. "Tsk!" Papa hissed before turning back on me.
I left it doubtful at that time. Suddenly, Drik's voice comes into my head. I wonder if he is still continuing his offer?
Three knocks on my door brought me back to reality. Mom's head peeked at my door. 'May I enter?' I nod in silence as she comes near to me. She dragged the chair near to my bed. And smile before announcing her reason for visiting me at this late hour.
"Uh..." Mama started and held my hand. "Drik visited here a while ago. He asked our consent to bring you into town." She paused and signed. "Well, your Father agreed. And I don't mind since you're a great daughter. I guess you deserved it. Just make sure of one thing." Mama looked at me with a trusting look. "Be careful, hm?"
"Yes, Ma. I will." I give her an assuring smile.
"Okay then, go to sleep. You have an errand tomorrow."
A kiss on my forehead, then she switches off the light. Before I dripped to sleep. A genuine smile forms on my lips.
This is the fourth time I have checked my reflection in the mirror. I keep looking at my features. That I attribute almost to my father's looks. From my diamond shaped face, thick eyebrows, and eyelashes a little bit curly. My almond hazel eyes, my narrow nose, and berry bow-shaped lips. My hair is the same as my mother's black bouncy straight mid-back length. I decorated it with my bee hairpin to keep my hair tucked. I didn't apply any make-up. I think there's no reason to put it on. I was content with my resemblance to my father's mid-dark features.
He was already waiting for me when I left my room. I slow down when I see his casual clothing style. A Hawaiian polo shirt and tailored shorts are paired with white sneakers. It's suited to him.
He smiled as he noticed my gaze. His only one deep dimple showed. Kaharap niya sila Mama. Naagaw ko lahat ng atensyon nila. Casual lang din ang suot ko. Fitted emerald green tank tops with denim jacket, short black pleated skirt paired with white converse shoes. Partnet with my sling bag.
"You look great, sweety." Mama praised me. I just answered her with a smile. While Papa is silently watching me. "Alright, it's already eight. You two should go. Baka maubusan na kayo ng pwesto." Mama pushed us. I just waved goodbye to them. I see how big Mama's smile is. More excited than ever before. Nako talaga.
"You okay?" he asked me.
I nod.
"You sure?"
"Yep, just a little bit nervous hehe."
His lips curved into a smile, and then later on, he chuckled in awe. What's funny? His head was turned in the opposite direction, back on me. Then he chuckled again.
"Don't worry, it's normal. Every person feels the same way as you." He said. "Breathe." Huling sabi niya bago humilig sa backrest. Saka ko lang napansin ang pagpigil ng hininga ko.
Sa loob ng ilang oras na byahe tanging pag hinga lang namin ang maririnig. Sobrang tahimik. Hindi ako sanay gusto ko siyang kausapn pero tungkol saan naman?
Binaba na kami sa gilid ng café dahil sa sobrang daming tao sa harap non. Mabilis siyang pinalibutan ng mga kaklase niya. Masaya silang nagkamustahan habang tahimik ako sa gilid. Kung hindi pa natapakan ang sapatos ko hindi ako mapapansin.
"Oh! May kasama ka pala?" A guy in white shirt asked Drik. Maging ang apat nitong kasama napatingin sa akin. Binalutan tuloy ako ng hiya.
"Pakilala mo naman dude." Hirit ng isang naka ball cap.
"Tsk bro! Hands off." Banta ng isa.
"Nako miss. Huwag mo silang pansinin. Mga tarantado yan." Banat ng isa saka humalakhak.
Hindi ko talaga naman sila papansin. Kay Drik ako nakatingin. Kaagad siyang nag iwas tingin ng magtagpo ang mga titig namin. Maikling pakilala ang ginawa niya sa akin sa kaibigan niya bago tumulak sa loob ng kumunti ang tao. Nakahanap kami ng magandang pwesto. Tabi ng window glass. Tanaw ang labas.
Maingay ang grupo. Tangin ako lang ang hindi makasabay. Hindi ko masunday ang mga pinag uusapan nila. Iba iba at medyo magulo. Saka lang tumahimik ng dumating ang order namin. Ice coffee at chocolate cake ang inorder ko. Habang hindi ko alam kung ano iyong sa kanila.
Umingay uli ang grupo ng may dumating na mga babae. Pamilyar sila. Tama sila iyong mga babae na nadatnan ko sa bahay nila nong isang araw. Mariin ang titig ko sa kanila. Highschool pa lang pero mukha na silang mature sa edad nila. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Mukha akong bata sa style ko. Hindi ko alam kung bakit pumait ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko tuloy hindi ako kasama dito.
Buong maghapon nanood at nakinig lang ako sa kanila. Minsan napapansin pero madalas binabaliwala. Ngayon ramdam ko ang paglayo ng agwat namin.
"Ano ka ba 'di mo ba nakikita may kasama siya." Doon napabalik ang wisyo ko. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Lumingon ang babae sa akin.
"Sorry miss. Ito kasi."
Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya dahil hindi ko na nasundan pa iyon. Kaya kay Drik ako tumingin. Medyo napaatras ako ng nakatitig din pala sa akin. Palitan lipat ako ng tingin sa kanila.
"It's about our activities. Role playing. It's just an act. I assure you," he explained.
His gaze is fixed on me. He scanned my expression as time passed. I don't know how to react based on his explanation. I don't get it all anyway. So I nod at him.
He released a heavy signed. "Excuse us." Saka niya hinawakan ang kamay ko. Nagpahila lang ako sa kanya palayo sa mga kaibigan niya. "I'm sorry." Kaagad na salitang binitawan niya. Hindi iyon ang nasa isip ko. Kung hindi ang kamay namin na magkahawak habang naglalakad.
"I'm sorry kung hindi kita kinakausap kanina. Hindi kita dinala dito para mapag iwanan. Ang buong akala ko tayo lang. Tsk! May mga asungot pucha!"
"Galit ka ba? Ang tahimik mo."
"Huh," napalingon ako sa kanya ng huminto kami. Medyo malayo na kami sa café. Umiling ako. "Hindi. Hindi ako galit."
"Kaya kita inaya dahil gusto kong bumawi sa iyo. Bihira na tayong magkita." Tinignan niya ako sa mata. "Ngayon lang uli kita nakasama. Nakakapanibago ang lahat. Hayaan mo sana akong makabawi."
Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may kung ano sa tyan ko. Unti unting uminit ang pisngi ko kaya kailanagan kung tumingin sa ibang direksyon. Parang nawala lahat ng inis kanila. Inantay kong bumalik ang temperatura ng pisngi ko bago siya binalingan ng tingin.
"Okay." Nakangiti kong sagot sa kanya. Lumabas muli ang isa niyang dimple. Umangat ang gilid ng labi niya bago ako hinila sa kabilang side ng kalsada. Natakot ako dahil sa hindi tawiran kami dumaan. Tumawid kami sa katapat na mall. Hindi na kami bumalik pa doon sa café.
Hindi niya binitawan ang kamay ko. Nag windon shopping kami. Pumasok sa mga clothing store at lumabas ng walang binili ni isa. Hanggang sa napadpad kami sa timezone. Doon kami nagpalipas ng oras. Nag ipon ng ticket pamalit sa isang teddy bear na kulay green.
Bago kami tuluyang lumabas. Napadaan kami sa photo booth. Syempre hindi niya pinalagpas iyon. Bago pa huminto sa harap ng bahay. Hinati na niya iyong litrato. Apat iyon tig dalawa kami.
"Thank you." I smiled at him.
"I should be the one who said that."
He took a step forward, towering over me. I felt his hand at my back. I am pushing towards him. I suddenly felt his lips against my forehead. It's warm and calm. It's last minute. His lips were puffy as mamon. Matapos ang halik. Pinagdikit niya ang noo namin.
"Thank you so much for this day."Humakbang siya patalikod. Muli akong tinignan ng may ngiti sa labi. "Goodnight."
Hindi ko alam kung paano ako nakaabot sa kwarto ng hindi nahimatay. Nanlambot ang tuhod ko sa ginawa niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko.
"Andito ka na." Si Papa nakadungaw sa may pinto. Mariin ang titig nito. "Kumain ka na." Pagkasabi niyang iyon umalis din siya.
Napahawak ako sa noo ko. I traced where he kissed me. Didrik. What did you do to me?
Nakakainis diary. Alam mo iyon. Akala ko masosolo ko siya. Gago ng mga kaklase ko. Pumunta rin. Hindi ko siya tuloy makausap. Lagi nila akong sinasama sa usapan. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Lalo na ng mapansin ko ang pag higpit ng hawak niya sa inumin niya. Nasaktan ko siya. Mas nasasaktan ako kapag nasasaktan siya.
Kabanas talaga hindi ako makabwelo. Hindi ko alam gagawin ko. Akala ko tuluyan ng hindi matutuloy ang plano ko pagbawi sa kanya. Alam ko miss na rin niya ako. Ako rin naman. Marami na akong utang sa kanya. Naitaboy ko pa nong isang araw. Pinagalitan tuloy ako ni Kuya Dwyer.
Grabe galit ni kuya sa akin non. Para akong bubugahan ng apoy. Sinabi ko naman siya kanya ang rason pero galit pa rin. Nakakapagtaka. Anyway, diary kahit papaano nakabawi ako sa kanya. Pero kulang pa iyon. Sa lahat ng nagawa ko. Kulang pa.
Gustuhin ko man pahabain ang araw. May pinag usapan kami ng Papa niyang oras. Bitin. Kaya uhm... goodbye kiss na pinangpuno ko. Okay lang kaya yun diary? Baka mas lalong nadagdagan ang utang ko sa kanya. Hala hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Sana hindi siya galit.
Kinakabahan ng todo,
Didrik
Loko ka talaga Drik. Hindi ako nagalit non. Bawing bawi ka nga sayang lang at hindi na nasundan non.
"Ate, tapos na."
Napatingin ako sa pader kung saan nila kinabit iyon. Muli akong napaluha. Drik, sana nakikita mo ito. Kung nasaan ka man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top