I <3 My Twin
"Say Hello to Ashton, Asher. He's your new brother." Sabi ni mama habang hawak-hawak ang kamay ng isang lalaki.
Tinigil ko muna ang pagp-play ng barbie dolls ko at lumapit papunta sa kanila. Nakatitig lang ako dun sa lalake.
Ang ganda ng eyes nya~ Color blue! Tapos yung hair nya naman ay color brown.
"Waah! Totoo po mama? May brother ako?"
"Yup! And he's your twin brother Asher, say hi!"
"Hi Ashton! Ako nga pala si Asher!" Sabi ko habang nakababa ang kamay. Tinitigan nya naman muna iyon ng matagal bago tanggapin.
"Asher, nice to meet you. I'm Ashton. Ashton Rodex."
******
*pok*
Sinamaan ko ng tingin si Azure na nangsapok ng ulo ko habang minamassage ang aking noo. "Ano nanaman bang problema mo bungol?" I asked him. Pero ang gago tumawa lang!
Aiish! Hindi ba nya nakikita na nagd-day dream ako?! Like duhhh! "Sabi ko kasi, panoodin mo yung vid!" Sabi nya at linapit sa mukha ko yung phone nya.
Tinitigan ko naman iyon. He was showing me a video of his team playing basketball.
O eh, ano naman ngayon?
Dahil alam kong mangungulit lang sya at mangungulit, pinanood ko nalang.
Uy! Ka-team nya pala yung crush ng bff ko!
"Si Carl yan diba?" Sabi ko habang nakatitig sa phone nya. "Carl Lastimosa." Bigla naman nya yung linayo.
"Wag na nga! Tss." Sabi nya sabay walkout. Anong nangyari dun?
I snorted. Bahala sya sa buhay nya! Basta ako--I have my life with netflix! Though hindi na naman ako nanonood ng dahil nga sa imagination ko. Hahaha.
Medyo nasanay narin kasi ako sa pagiging moody ng kambal ko. Anyways, medyo lumalayo nga ako sakanya this past few days eh--alam kong bawal ko syang magustuhan, pero heto ako at kinikilig habang iniimagine ang kyuuut nyang naiinis na mukha.
So yun! Bahala na sya! Prevention is better than cure!
****
"Sorry kiddos! Aalis muna ang mama nyo for two weeks! Behave okay?" Kunot-noo at hindi makapaniwalang tiningnan ko si mama na nakasakay ngayon sa kanyang lambo.
"What ma?!" Ulit ko pa. Paano ba naman kasi?! Kami?? As in kami ni Ash?! Iiwan nya kami?!!!!!!!!
"What? Hindi nyo naman ako mami-miss!" Napairap ako. Sadyang hindi ko sya mami-miss! Sya ata ang pinakaaaa makulit na mommy sa buong mundo.
"Hindi naman talaga ah? Sige po. Shupi na!" Pagtataboy ko pa. Momey pouted bago paandarin ang kanyang car. Sanay nanaman kaming madalas wala si mommey sa bahay, dahil artista sya. Hindi naman ako nagaalala dahil may mga bf naman sya.
"Ma'am Asher, si Sir Ashton po, gising na." Sabi saakin ng isa naming maid. Tumango lang naman ako at tiningnan ang aking relos. 12:01pm. Haaay nako! Tulog mantika nanaman ang isang iyon!
Siguro ay nagdota nanaman buong gabi! Though hindi ko sya masisisi! Nakaka-adik naman kasi talaga!
I made my way into the dining room. And again, for the nth time already, nakita ko nanaman syang nakain habang nanonood ng vids.
"Ibaba mo nga yan Ash! Nasa harap ng kainan o!"
"Hmph! Parang nanonood lang!" Sabi nya at binaba na ang phone. Makikinig din naman pala eh!! "Ashteeer?"
"Yes?" Tanong ko habang kumakain. Nakahanda na kasi ang tanghalian, sadyang hinintay ko lang sya na magising.
"Bakit hindi ka pumasok ngayon?" I almost spit the food out of my mouth ng maalala na may pasok nga pala kami! Omg! Monday na ngayyonnn!
"Fvck! Magbibihis lang ako! You should too! Kailangan nating pumasok!"
"Sabay tayo?"
"Fine! Basta bilisan mo!!!" Sigaw ko pa habang naakyat ng hagdan. Agad naman akong pumasok sa walk-in closet ng kwarto ko at naghubad na agad ng damit.
Nakapaligo na naman ako so it's fine. Ang mahalaga, makapasok kami agad-agad!
I was finding my clothes when I heard the door clacked. Nakita ko naman doon si Ashton. "Ano ba? Diba sabi ko magbihis ka na din?!" I shouted. Pero again, ngumiti lang sya! Arrgh! Gusto nya bang bumagsak sa school?!!!
"Wha? I thought sabay tayo?" Tanong nya naman at pinasadahan ako ng tingin. At parang may kakaiba do---
"MANYAK!!!" I shouted sabay bato sakanya ng heels na nadampot ko mula saan! Ughh!!! Maagang mamumuti ang buhok ko ng dahil sa lalaking yun talagaaaa!!!!
"Ahahahahahaha!" Walang katapusan nyang tawa habang nalabas ng kwarto ko! Mabilaukan ka san-- "*cough* haa.. *cough*" Ay nako naman Lordie! Bakit mo po tinotoo?
Agad naman akong pumunta sa kwarto ko at kumuha ng tubig sa ref tsaka yun ibinigay sakanya. "See? Karma is a bitch. Kaya naman magbihis kana!"
"Yes commander!" Sigaw nya ng nakasalute at masayang lumabas ng kwarto ko. Haiist! Ang lalaking yun talaga!!
*****
"Waaah! Ang pogi talaga ni Carl!" Shouted my friend Mave habang nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa mukha. As usual, kinikilig nanaman sa kanyang long time crush.
"Ewan ko sayo! Kung umamin ka na kaya?" Tanong ko pa. Kababae nya kasing tao ayaw pang aminan yung lalake!
Nagpapadala kasi sya ng love-letters dito kuno--and yes, lagi iyong nire-replyan ni Carl. I think nga may gusto na nga din sa kanya si Carl, pero engot lang talaga itong friend ko kaya ganyan!
"Eee! Seryoso ka ba girl? Maybe pag wala na akong pimples!"
"Hoy bruha!" Sabi ko at tinuro ang pimples nya. "Gift from God yan! You should be thankful! Walang maganda kung walang pange--ouch!"
"I hate you na talaga! Ramdam ko yung support ha?" Maarte nyang sabi at nagkunwaring umiiyak. Napairap naman ako. Drama queen talaga! Hayys.
Napatingin nalang ako sa table ng varsity team ng basketball namin. Nakita ko naman si Ashton at nagtama ang tingin namin.
Was he staring at me?
O nagkataon lang?
He smiled at me at kumaway. Ibinalik ko naman yun sakanya. Tapos bigla syang kumindat.
*dug**dug**dug**dug*
Nooo, stop it hearty! Ganyan lang sya sayo dahil he knows na twins kayo. True, true. Never magiging kayo kaya wag kang umasa!
Remember your motto Asher, prevention is better than cure!! Aja!!
"Hoy! Okay ka lang ba bff? Ang pula ng mukha mo?" Nahihiya akong ngumiti kay Mave.
"M-may lagnat ata ako. Oo! Tama! 40 degrees nga yun eh! Sige clinic na ako." Sabi ko at nilikom ang mga gamit ko sabay mabilis lumabas ng canteen.
Omfg. Sorry bessy! Sorry talaga kung kailangan kitang iwan! Kaylangan ko ng fresh air!!!!
*****
"39.06 degrees! Ano ba naman kasi ang trip mo Asher?! Tsk!" Inis at may galit na saad saakin ni Ashton.
Nakahiga ako ngayon sa kama--paano ba naman kasi! Nagpapahangin ako sa garden ng school tapos biglaaaang umulan! What are the odds diba?!
Tapos supeeer akong nabasa kaya naman umuwi nalang ako sa bahay--at heto nga ang namgyari. Nilagnat ako! Kung bakit ba naman kasi pinagpala ang bibig ko! Aiiish!
Pumikit nalang ako imbes na pakinggan ang mga sasabihin pa ni Ash. Ang sakit na kasi ng ulo ko eh. Para bang may bumibiyak?
Isa pa wala akong balak na pakinggan ang maganda nyang boses. Baka matuluyan na akong mapapunta sa heaven ng wala sa oras! Like haler! Ayaw ko pang maging angel.
O kaya naman ay magkatotoo ang pangalan kong Asher at maging abo talaga ako.
Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa pisngi ko. It was blurred but I'm sure it's Ashton. Saulo ko na ata ang lahat-lahat ng traits nya. Mula sa mata, sa ilong at sa labi.
I unknowingly touched his face. Hindi malinaw ang ang itsura nya but I know, na sya talaga iyon.
"Ang pogi mo..." I whispered underneath my breath. Ahahaha, may sakit na ako napapakanta parin ako by myself!
I wonder kung ano ang reaction nya?
"Pfft! Sadyang gwapo ang kambal m---AW!" Inis akong nagtalukbong ng kumot pagkatapos ko syang batuhin ng unan. Putek! Kala ko naman masaya sya! Tapos ganon! Urgh! "Hey dope!" Rinig kong tawag nya pero hindi ko nalang pinansin.
Bahala sya! Letche sya! Putragis!
"I hate youuu!!!" Sigaw ko at niyakap ang katabi kong unan. Well, I love pillows.
"Fine. I'll stop." Napangiti naman ako. Isa yun sa gusto ko sa kanya. Madali syang kausap. "But you should eat and take medicine first Ash. Baka mapaano ka." Seryoso naman nyang dagdag.
"Yesss! Commander!" Masaya ko namang sabi saka umupo. Umupo naman sya sa tabi ko hawak ang isang plato at kutsara. "Wala bang tubig?"
"Ang arte mo Ash. Sige, I'll go get water but promise me you'll eat!"
"Hai! Hai!"
"Good girl." He patted my head before exiting the room. Namula naman ako sa pagiging malambing nya.
Waah! Bakit ba kasi ang sweet nyaaa?! Kainis!
Nangangalahati na ako sa arrozcaldo ng bumalik sya sa kwarto ko. But this time, may patak-patak na sya ng pawis sa noo.
I wonder what happened? Ganto kasi sya kapag kinakabahan or nagaalala.
"Anong nangyari?" I asked him with my sore throat. As in yung pilit talaga. Sobrang sakit na nang lalamunan ko eh.
"A-Angelica..." Angelica? Parang pamilyar yung pangalan..
Angelica.. Angelica Corrine. Yung babaeng kumakalat na girlfriend nya ngayon? Ibig sabihin totoo?
Kaya naman pala. Aiish! Baka ako pa ang maging hadlang sa love story nila.
"Go kapatid. Nandyan nanaman sina manang, kaya ko na dito. You should go see her."
"But Ash..."
"I'm fine. You should go find Angel, kailangan ka nya." He suddenly kissed my cheeks and forehead which made my eyes widened in shock.
"Okay. Thank you. I love you twin! Babawi nalang ako." He hastly said and once again excited my now quiet room.
Ano ba yan! Masakit na nga ulo at lalamunan ko, sumama pa yung hearty ko! Pero bakit sakanilang tatlo, mas masakit yung puso ko?
*****
"Asher! Lumapit ka nga dito!" Rinig kong sigaw ni Ashton. But I just continued walking towards the kitchen. Ayaw ko kasi syang makita eh.
First of all, dahil baka mahalata nyang tuluyan na talaga akong nahulog sakanya.
Secondly, gusto kong maiwala itong bagay na nararamdaman ko ngayon.
May pa-preve-prevention pa akong nalalaman, eh matagal na pala akong nafall! Ayaw ko namang hanapin sa iba yung traits na minahal ko sakanya. Dahil paniguradong magiging rebound ko lang ang taong 'yun!
Hindi naman ganoon kababaw yung nararamdaman ko ano!
I stopped at my tracks ng maramdaman ko ang grip nya sa braso ko. I raised an eyebrow at him. "Ano nanaman?"
"Ilang araw mo na akong iniiwasan. Is there a fvcking problem Ash?!" Ramdam ko ang pagkakahigpit ng hawak nya sa braso ko. But I didn't bother. Para saan pa? Eh sa totoo naman lahat ng katagang nalabas sa mga bibig nya.
"Nope. Nothing at all!" Balik ko nading sigaw. Hindi ako naiinis sakanya, pero mas naiinis ako sa sarili ko. Maybe they're right. Magulong magisip ang mga babae.
He pulled me towards the sofa and locked my sitting by touching my shoulders. Naka-indian sit sya habang nakaharap saakin. Lagi naman kaming ganoon, everytime na may mga bagay na dapat pagusapan.
"Tell me Ash. What's the matter?" Sasabihin ko na ba? Syempre hindi! Mamamatay muna lahat ng ipis bago ako umamin ano!
"Kasi..." Uhm? Ano nga ba ang pwede kong palusot?
Oh! Eto nga pala yung bagay na pinakaaaa bulok ako. Damn!
"Because what?" Waaah! Pinapaisip na nga nya ako ng palusot tapos ini-english pa nya ako? Baka naman tuluyan na akong maubusan ng dugo at maging anemic sa ginagawa nya!!! Kaloka itey!
"Kasi naman! Nakita ko yung brief at boxers mong nakakalat! Kaderders kaya!" Pikit mata kong palusot. "At hindi kita papansinin hanggang sa hindi ka matuto ng proper hygiene and cleanliness!" Dagdag ko pa. I saw his face frozen in shock. Totoo naman kasing laging nakakalat ang mga iyon sa kwarto nya--but seriously though, I'm more than happy to help him clean his room. Na ako lang yung babaeng nakakakita kung gaano sya kakalat.
Somehow it makes me feel like his wife.
"That's all?" Tanong nya ng mahimasmasan sya. I nod at him repeatedly. "Fine! But promise me na hindi mo na yun gagawin okay?"
"Ang alin?" Ang maglinis ba ng room nya o ang magdaydream na asawa nya?
"Ang iwasan ako." I felt my face heating up kaya naman agad akong umiwas ng tingin. Huwaaa, bakit ka ba ganyan saakin?! Huhubels!
"O-okay."
"Great!" Agad syang tumayo sa kanyang kinauupan ng may masayang-masayang ekspresyon sa kanyang mukha. "Let's eat Ash."
Nakanganga nalang akong napatitig sakanya. Ganon nalang yun? Wala man lang thank you for being honest or I love you kambal?
Waaaah!!! Maloloka na talaga akooo!! Ayaw na ng utak ko pero ang puso ko, maka-globe ata at go lang ng go! Puteeek!!!
*****
"Sabay na tayo Asher." Sabi saakin ni Ashton ngunit sinamaan ko lang sya ng tingin. Niyayaya nya kaming sumabay ni Mave sakanya pero hindi ako pumayag. Alam nyo kung bakit? BIRTHDAY KASI NAMIN NGAYON!!!!
At ang hudyo! Hindi man lang ako binabati!
Lampas 20 na nga ata ang naging pagbati ko sakanya. Pero syaaaa? Pero syaaaa? Ni HBD sa chat ni hindi ako binati!!!
Gusto nya bang paulit-ulit kong isapak sakanya ang isang malaking billboard na may nakasulat na:
BIRTHDAY MO! KAMBAL TAYO!!! BIRTHDAY KO DIN KAYA BATIIN MO AKO!!!
At ang masaklap pa? Wala si mommey dahil may work sya at yung bff ko lang talaga ang nakaalala! Ang sakit sa heart buset!
"Mave, sa rooftop nalang tayo?" Sabi ko at lumingon kay Mave na biglang sumimangot. Hindi ko naman sya masisisi. I'm sure gusto nyang sumabay kay Carl na kabarkada ng kapatid ko.
Pero anong magagawa ko??! Sawi ako sa lovelife! Dapat sawi din yung kaibigan kooo! Best friend ko sya kaya dapat damay-damay!
"Walangya ka gurl! Chance ko na yun eh!" Anas nya habang papunta na kami sa rooftop. Napairap naman ako. See? Saulong-saulo ko na ata ang utak ng gagang yan!
"No choice ka, naging BFF kita."
"Yun na nga eh bes! Kung inlab ka sa kambal mo, echos na ako! Gravyyyy! Bakit ba kasi ikaw pa naging bff ko? Haays!" My eyes widened at her statement. Paano nya nalaman? "O ano? Magtataka ka? Para san pa at naging bff mo ako kung hindi ko napansin na like mo pala sy---"
"Shhh!" Sabi ko sabay takip ng bibig nya. Ang ingay naman kasi eh! "Secret lang naman dapa---"
"Ayaw ko nga!" She made face. "Magsi-secret lang ako kung sasabihin mo saakin ang lahat-lahat." Napahinga naman ako. May magagawa pa ba ako?
"Fine... but not here!" Sunod-sunod na tango ang ginawad nya sakin. HInigit ko naman sya pataassa rooftop at ganoon nalang ang gulat ko ng makitang ang dami na doong bulaklak.
Wow! kailan pa naging gubat ito? Anyways, nagkameron din ng bench sa paligid kaya naman doon nalang namin piniling umupo.
"So ano na girl?" She asked. I stare off into nothingness bago magsimulang magkwento.
"Me and Ashton... hindi talaga kami magkapati----"
"WHAAAAAT?!!!!" I nod at her.
"And we're not actually twi----"
"WHHAAAAAAAAAATTTTTT----AROUCH!!!" Sigaw nya ng sapukin ko na sya sa ulo. Grabeng babae toh! ang OA makareact!!! Kitang nagsasalaysay ako ng mala MMK--este wattpad kong storya tapos sunod-sunod ang react nya! Sinong makakatapos ng ganon? Haiist! "Ba't ka ba nang sasapok? Bruha kaaa! sabunutan kaya kita?!" Galit nya pang saad, pero imbes na bawian sya ay umirap nalang ako.
"Eh kung nakikinig ka kasi ng ayos? edi sana wala ka ngayong bukol?"
"Aiish!!! Payn! K. Payn! so ano na nga?"
"so yun nga hindi talaga kami magkapati---"
"Whaaa---" I glared at her. "*ehem* sabi ko nga bessy diba? go na! continue!"
"when I was six, basta nalang sya pinakilala saakin ni Mommey ko."
"Yung mudra mo na gay? Ang bait kaya ni Tita Queen!" Hay nako! ang daldal talaga!
Tumango nalang ako sakanya bilang sagot since magkakilala nanaman kasi sila. Bakla kasi si Mommey, kahit King ang name nya ay mas gusto daw kasi nya ang Queen. MAs maarte pa nga yun saakin eh--Anyways, naging madaldal na din ako. That was too off-topic.
"I knew from the start na ampon nya lang din ako. That I was left in his doorsteps when he was still young, kaya naman alam kong wala akong kapatid--much less kakambal." She nodded as a signal na nakikinig sya sa kwento ko. Nagpatuloy naman ako. "Then, when I was six, nagkakilala kami ni Ashton. He was just a typical boy but there was something familiar about him. super kamukha nya si mommey." I stared at the sky as I reminisce about the past. "That's when I thought.. Siguro sya ang tunay na anak ni mommey. and there I was, trying to go along with the sibling-slash-twins setup. dahil ayaw kong maramdaman nya na hindi sya parte ng pamilya namin."
"That's when I started to think like a teen. As we grew up, we were known as a perfect twin. pero noong mga araw na iyon, I become too keen, conscious, and observant. Mas naging malinaw ang mga mata ko. and slowly, I began to fall.... To fall at him."
"EH BAKIT BA AYAW MONG UMAMIN?" She asked loudly na para bang may gustong parinigan. I just shook the thoughts away, dahil kami lang naman ang nandito sa rooftop. "I'M SURE ALAM DIN NAMAN NYANG HINDI KA NYA KAPATID SINCE WALA NAMAN SYANG AMNESIA?!"
"I'm sure hindi nya alam. I mean, bata pa kaya kami noon ano? siguradong limot na nya. In addition, kapatid lang talaga ang turing nya saakin."
"PAANO MO NAMAN YAN NASABI?"
"First of all, may GF na sya--Si Angelica. Second, may GF na sya. Third, may GF parin sy---"
"I. Clearly. Do. Not. Have. A. Girlfriend." Nang lamig naman ako ng marinig ang boses ni Ashton galing sa likod ko. A-anong ginagawa nya d-dito? s-shit.
"Ha? O-o... ano n-naman ngayon?" Waaah! Bakit parang pusang nagm-meow yung boses ko?"
"You said you liked me." Oh my gosh! Bakit pati yun narinig nya? Dapat talaga sinaksak ko na sya ng ballpen sa tenga para tuluyan na syang nabingi dati eh! pero HUHUHU! Bakit ba ang taas ng railings sa rooftop at hindi ako makatalon pababa?!
"Ha? H-hindi ah!" Deny ko parin. Hindi ako aamin sakanya noh! neknek nya!
"I know when you're lying Ash." sabi nya at kinulong ang pisngi ko sa malalamig nyang palad. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagngisi ni Mave--HUWAAAAH!! MAY KINALAMAN SYA DITO!!! HUHUHU! walanghiyaaaa! ganyan ba ang bestfriend?! nanglalaglag?
Pakyu bes! kukulamin kita to the moon and back! Isusumpa kong hindi kayo magkakatuluyan ng future jowabelles mo!
Nakita ko naman sa malayo si mommey na nakagown from my peripheral view. pati sya may kinalaman dito?!
Tapos sa tabi nya naman ay nandoon si Angelica--Aysht! baka magaway sila gawa ko!
I squirmed at his grip, but I cannot escape. not even a bit. both from his arms and from his stares. Medyo tinulak ko naman sya at binalik nalang ang titig sa magaganda nyang mga mata. Since para syang bato na hindi magalaw-galaw--Wait. ano toh? The man that can't be moved: Physically?
Waaah! masisiraan na tala ako! Kailangan ko nang bumalik sa tama kong pagiisip!
Giving up, I took a deep breath at muling sinalubong ang kanyang kulay asul na mga mata. Mukha namang wala na akong choice kundi ang harapin sya. "Nandyan si Angelica, stop it Ash." suway ko sakanya at tinuro si Angel gamit ang nguso ko. pero ang gago, tinawanan lang naman akong muli! How great! insert sarcasm here okay? Seryoso kaya ako!
"Angel is not my girlfriend." My eyes widened. eh bakit nandito sya kung hindi nya ito GF? So hindi nya ako sasabunutan? kakalmuhin?
"eh ano mo sya?" I asked. Napatawa naman sya ng marinig ang tono ko. Why? I admit. I sounded like a jealous girlfriend! fvck.
"Burger." I processed his words in my mind. nung magets ko naman ang kanyang sinabi ay hindi ko mapigilan na sapukin sya. Powta! seryoso ako dito for the nth time huh?!
"Ano nga kasi?"
"Angel is my real sister. Anak sya ng nakafling ni Mommy Queen." Sabi nya at binaba na ang palad sa aking pisngi. Nagpabalik-balik naman ang tingin ko from him to Angel. Anoooo????
"Yes po Ate! Magkapatid po kami so you don't have to worry about anything!" Sigaw nya mula sa malayo habang nakasuot ng isang simpleng dress. Naigala ko naman ang paningin ko sa paligid only to find out na lahat ng kabarkada nya, si mommey at si Mave ay nakasuot na ng formal na damit ngayon.
"So alam mong hindi tayo magkapatid?" I asked, with my whole face all-heated up. He silently nodded. "At hindi loko yung mga I-love-yous mo?"
"Yes." IS. HE. FRICKIN'. SERIOUS?!
I was about to open my mouth when I was once again shut off ng biglang may humarang na bulaklak sa paningin ko. It was a bouquet of... 1.. 2.. 3.. 16 roses! OMG.
"Yes, Ash. Alam kong wala ng thrill since I've heard your confession, but..." He held my left hand and put the bouquet of red roses there--at the palm of my medium sized hands. "I want to take this chance and ask you to let me court you."
Muli akong napalingon sa mga taong nakapaligid saakin. They are all quietly nodding at me. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
"Yes Ash!!!" Sigaw ko sa isang malakas na boses. Everyone around us clapped their hands--wow! para namang ikakasal na kami ah? but I don't care! all I know is that, masaya ako ngayon!! He was about to hug me ng lumayo ako.
he looked at me with questioning eyes. "W-why? is it too sudden?" He even asked with his puppy eyes on. God knows how much my heart melted from that sight of his!
"NOPE!!! PERO MAY KASALANAN KA!!"
"What?"
"LETCHE KA! HINDI MO MAN LANG AKO BINATI NG HAPPY BIRTHDAY! MAMATAY KA NA GAG----" Napatahimik ako when he suddenly pinched my cheeks and cupped my face.
"Don't worry Ash. I'll promise, babawi ako sayo. Starting today, till death do us part. Happy Birthday and remember okay? I'll always... always, love you."
Napangiti ako at mahigpit na yumakap sakanya. I can't ask for more, because right now, I know, I can die from happiness.
Tama nga siguro sila, there's a right place and time in everything.. Pero kailangan mong sumugal, dahil ang lahat ng bagay hindi basta-basta lang nangyayari. It's about the choices you made at kung paano mo yung isinagawa.
I decided to hide my feelings and I got nothing, perp noong inamin ko na saaking sarili at buong puso iyong tinanggap, I learned that self-acceptance comes first before anything. And here I am. Right now, hugging the man I loved for more than thousands of days!
Love can be formed in many ways, and right now? I do love my heart's twin, till death do us part.
************
A/N: I'm still an amateur writer but, thanks for reading everyone!!! Ginawa ko po ito ng buong puso para sanyooo :3
I dedicate this po sa lahaaaat ng naging friends ko sa watty! Especially po sa mga sumusunod:
First of all ay kay God at sa aking family, dahil po sainyo kung bakit ko ito nagawa ahehehe, kaya naman super thank you, thank you talaga!
Second ay kay, Cormaclaggen, thanks po kuya for inviting me to the book club! Dahil po doon ay nagkaroon ako ng chance na ibahagi ang stories ko! At may bonus pa! Yun po ay friends!
Next naman po ay si SeBarLas, ikaw ang pinakauna kong naging friend at kausap dito sa watty :3 at ang pinaka-unang bumasa ng story ko ehehehe. Thanks for being my bff dito!
Sunod ay si Sweet_Yammie, salamat sissy sa pags-share mo saakin ng mga problema mo! T pagiging kwentuhan ko din ng aking problems!(Nagkaiyakan pa nga tayo eh! Ahahahaha) thanks for supporting my story and me. Always remember na laging may plano para saatin si God! Trust yourself at hayaan mo nalang yung mga taong ini-ichipwera ang beauty mo. I know someday, they will know your worth. You are much more than what you think kapatid, kaya naman go lang ng go sa life! At supeeeer thank you din sa nag-gagandahan mong book cover! (Yup! Kanya din pong work ang cover nito! Galing nya noh? ^^,)
Next naman ay si thefoxkwami, ate thanks po sa pagk-criticize nung Crow Empress! That helped so much po kung ano po ang pwede kong ilagay sa next chapters! Salamat din po dahil binabasa nyo po ang mga stories ko at sa pagiging friend ko. Sorry po kung medyo makulit ako minsan ahehehehe.
Pati din po pala kay kuyang WattisAwards. Lol. Ang dami ko po kasing tanong at lagi nyong sinasagot ahahahhaa! Thanks po dahil hindi kayo nagsasawa sa aking kakulitan! XD
At huling-huli, sa buong WATTPAD communityyy! Founders and readers! Thanks po for creating this app! Dahil po dito ay nailalabas ko po ang mga sinasaloob ko! (Wow! Ang lalim) I'm aloof in real life dahil minsan ay naiisip ng ibang ayaw ko sa kanila kaya naman nilalayuan nila ako, but the truth is sadyang nahihiya lang ako and I'm afraid of rejection. In addition, sadya atang nakatali na sa katauhan ko ang social anxiety :'(
BUT!!!
Through wattpad ay naipapakita at naiilabas ko kung sino ako. So I thank you guys very much. Sa lahat at buong parte ng wattpad, salamat, salamat, AT MARAMING-MARAMI PANG SALAMAAAAT!!!!!
That's all, thank you at *bow*
•Aeronicles•
•Sushi-nii•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top