PUNISHMENT ACCEPTED
CHAPTER 4:
Kinaumagahan, pinuntahan ko si Rihanna umang may makakasama ako sa roof.
Bumungad naman saakin ang mukha ni George nang makapunta na ako sa roof top.
“ Ano kailangan mo?” sigaw ko dito.
Ngumisi siya at tumayo papunta saakin.
“ Ang maldita mo talaga ano, ikaw na nga ’tong Inalagaan tapos ang sungit mo pa saakin,”
Ngumiwi ako at tumalikod. Akmang aalis na sana ako nang bigla niya akong hilain
Nag-abot ang aming mga mata. Putik, ilang araw lang naman akong pumapasok dito tapos nakasalubong na agad ako ng ganito kaepàl. Daig pa iniwan ng girlfriend ng ilang taon.
“ I’ll go first. Ayaw kong tinatalikuran habang kinakausap.” Aniya at madaling bumaba sa hagdan. Hala kinakausap niya pala ako? Akala ko kasi sermon ’yon.
Sinundan ko siya ng tingin habang humakbang pababa. I wonder why he is treating me like that. Until I feeling hungry.
Dali-dali akong bumaba at pumunta sa Canteen.
Matapos akong kumain ay bumalik na ako sa room. Iniisip ko parin kung bakit niya ako pinapunta sa roof top pero wala namang sinabi.
“ Tulala pa, ” nagulat ako nang may biglang nagsalita sa harapan ko. Nasampal ko ito at nang natanggal ang sumbrero nito ay bumungad sa akin ang mukha ni George.
“ F*ck, are you that crazy?” Shouted by Athena. “ Who dare you to do that into my boyfriend?”
Luh? May girlfriend pala ’tong George na’to? Ba’t niya ako ginaganon?
“ I’m sorry... I didn’t mean to hurt him.” Tinitigan ako ni George ngunit dali-dali kung kinuha ang mga gamit ko at umalis.
Hinarangan ako ng mga kaibigan niya at pinaharap kay Athena.
“ Take this, ” She slapped me and I feel that my cheeks is aching.
“ S-top, Athena!” I begged. She just smirked.
“ Nobody’s can hurt my boyfriend,” She said.
Gan’to pala ’tong paaralan na ’to? Parang kasalanan ko pa ah?
Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak.
George is just watching at me. Athena is with him kaya tinitigan niya na lamang ako habang pinipigilan ko ’yong luha na ’di pumatak.
Ang angas kung tingnan noong mga nagdaang araw, pero when it comes to this girl, parang nagsimula na ang lahat.
“ Class, anong katarantaduhan to?” the Professor shouted.
“ Sir, itong si Alexis sinampal ang School leader. Kaya dapat itong parusahan!” They shout together.
Wala akong ibang nagawa. Hindi ako makaboses dahil wala namang kakampi sa akin.
“ Okay, just settle it Class Mayor.” The Professor said and left us.
“ I won’t give any punishment, it’s my fault anyways.” Wika ni George.
“ Ano? Dahil siya ang sumampal sayo, dapat parusahan siya.” sigaw ng mga barkada niya in short, membro ata ng Ozege Gang.
Tumingin si George sa akin at ngumisi.
“ Well, sige. Whole Campus, ikaw ang mamulot ng basura, tsaka ang Cr ay dapat malinis. Every 4 o’clock, bago umuwi ay malinis ang classroom. That’s your punishment within 1 week.” Grabe, papatayin ata ako nitong gagó na ’to.
Natawa si Athena pati ang mga kaibigan niya.
Nawala ang pagka astig ko sa part na ’yon. Hindi ako nagreklamo sa punishment na binigay niya. Halata namang may pagkasirauló ito. Hindi niya man lang inisip kung gaano kahirap ang trabaho na ’yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top