Prologue
Sa dinami-rami ng tao sa Earth, paano mo malalaman kung nahanap mo na yung taong nakalaan para sa 'yo?
Isa lang 'yan sa mga tanong ng mga hopeless romantics na gaya ko. Naniniwala kasi ako sa destiny. Umaasa kasi ako na darating din yung taong I'm fated to love eternally at fated to love me. Ang kailangan ko lang gawin ay maghintay.
Pero nababagot na'ko.
Hindi ko alam kung kailan darating ang prinsipe ko. Sa tuwing iniisip ko na kailangan ko lang maghintay at huwag mainip, minsan sumagi sa isip ko na dapat yata, umaksiyon na 'ko. Kailangan ko na siyang hanapin.
Paano pala kung na-trap siya sa palasyo niya o 'di kaya'y nagta-tantrums pa rin yung puting kabayo niya?
Paano kung hinarang siya ng isang salbaheng bruha o 'di kaya'y naipit siya sa trapik sa EDSA?
Habang on the way ako sa search and rescue operation para sa nawawalang prinsipe, nanatili pa rin akong namumuhay bilang isang tipikal na nilalang. May sariling buhay, maraming pinagkakaabalahan.
Twelve years na akong laman ng eskwelahan. Minsan nga, umasa akong dito ko makikita yung hinahanap ko. Lagi akong teachers' enemy dahil lagi akong nabibistong nangongopya at nagpapakopya. Atat ako sa recess at laging nagka-cutting classes.
Naranasan ko na rin na mag-vandal sa mga upuan at sa CR, kabahan 'pag tinatawag sa recitation, takasan ang mga kapwa cleaners 'pag uwian, nagsulat sa slumbook ng mga kaklase, um-aabsent tapos gagawa ng pekeng excuse letter, at nangarap na maging teacher.
Hindi ako iba sa lahat. Stereotype. Twelve years, still counting. Marami pa akong bigas na kakainin, kalokohang gagawin, at oras na sasayangin. Hindi naman kasi sa lahat ng oras, produktibo ako at gumagawa ng tama. Madalas nga akong tanungin kung may natututunan pa raw ba ako sa eskwela.
Madalas kasi akong bagsak sa periodical test at laman ng canteen kahit hindi pa recess. Ganunpaman, hindi naman ako pabaya sa buhay ko. May pangarap naman ako. At may mga natutunan naman ako kahit papaano. Mas gaganahan lang ako siguro kapag nahanap ko na yung hinahanap ko.
Pero paano ko malalaman kung nahanap ko na ang prinsipe ko?
I have no idea kung sino siya, o kung ano ang hitsura niya o kahit isang sign man lang na makapagsasabi kung sino nga ba talaga si 'the one'.
Ang alam ko lang, there would be sparks that fly and a lot of butterflies kapag nagkadaupang palad kami.
Paano kung nakita ko na pala siya sa jeep pero pumara ako?
Paano kung paakyat ako sa escalator habang pababa siya para tumungo sa exit ng mall?
Paano kung nag eye to eye contact na pala kami pero lumingon ako para tingnan ang hudyat ng traffic enforcer?
Swerte lang ng iba na nahanap na nila yung taong nakalaan para sa kanila. Hindi naman sa nagmamadali ako. Malayo pa ang lalakbayin ko. Gusto ko lang na hanggang maaga pa, makita ko na siya para mas matagal kaming magkakasama.
Pero paano kung... kung saan-saan ako naghahanap, nasa tabi ko lang pala siya?
Paano kung naghahanapan lang pala kaming dalawa?
O 'di kaya, paano kung sinusundan niya lang pala ako all the time habang busy ako sa paghahanap sa kaniya? Yung tipong kung saan-saan ako naghahanap, nasa likod ko lang pala siya.
No one knows.
Sa dami ng tanong ko, hindi ko alam kung saan pupulot ng sagot.
Hindi ko alam kung saan siya hahagilapin.
Hindi ko alam kung magtatagpo nga ba ang mga landas namin.
Ano kayang pinagkakaabalahan niya sa ngayon?
DoTA? Clash of Clans? Walking Dead Series? Panonood ng PBA? Frat wars?
Pag-aaral? Pag-iipon ng medalya? Pamilya? O paghahanap din sa prinsesa niya?
Sa paglipas ng panahon, hindi ko inakala na hindi ko naman pala talaga kailangang hanapin pa siya.
Hindi ko inakala na habang busy ako sa pag-iisip kung sino siya, nariyan lang pala siya at nagmamasid.
All this time, alam niya na ako ang prinsesa niya.
All this time, palaisipan sa akin kung sino siya.
All this time, yung stalker ko, secret admirer ko pala...
Yung stalker ko... Yung prinsipe ko...
Iisa lang pala.
At bago ko pa 'yun nalaman...
Gustong gusto ko na siya.
★·.·'¯'·.·★ ɪ ʟᴏᴠᴇ ʏᴏᴜ, sᴛᴀʟᴋᴇʀ! ★·.·'¯'·.·★
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author.
© 2015-2018 Caramelize All Rights Reserved
---
Cover Design Image Source:
https://kyrlu.deviantart.com/art/Ao-Haru-Ride-5-36-471831013
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top