ILYS 9: She's Curious

Pagkapasok ko sa loob ng classroom, agad akong umupo sa armchair na katabi ng kay Eros. Minamasdan ko siya habang indulged siya sa pagbabasa ng isang magazine.



Nangalumbaba ako habang nakatunghay pa rin sa kaniya. Muli na namang sumagi sa isipan ko si Prince. What the hell? Anong problema ng utak ko at bakit hindi siya mawala sa isip ko?



Save by the bell si Ian. Pero it's not easy for me to just drop the urge to know who's the guy behind Prince, The Stalker. I'll ask him again.



Tumikhim si Eros.



"Lee," tawag nito sa boses na malalim.



"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.



"Sinong iniisip mo? 'Wag kang magkakamaling sabihin na akong iniisip mo kasi ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yong 'di tayo talo."



"Gaga ka. Ba't naman kita iisipin? Lol."



"Eh ba't tulala ka riyan? Nabighani ka na naman sa kagandahan ko, ano?"



"Conceited."



"I'm just stating a fact here."



"K. Fine. May assignment ka na sa Chemistry?" Sabi ko sa malambing na tinig.



"Meron."



"Patingin naman ako, iko-compare ko lang kung tama ba yung sagot ko. Gusto kong malaman kung tutugma ang sagot ko sa sagot ng isang henyo." Mas lalo ko pang pinalambing ang tono ko.



Nagsalubong ang mga kilay ni Eros. "Iko-compare mo o kokopyahin mo?"



Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis.



"Lalo mo lang pinatutunayan kung gaano ka katalino, Eros. Sige na, pakopya na, dali!"



Iiling-iling na inilabas niya ang Chemistry notebook niya. Masiglang kinuha ko iyon.



Time rushed by quickly. Nang break time na ay agad na nagpaalam ako kay Eros na pupunta ako sa canteen. Eros went to the library. Hindi pa naman daw kasi siya nagugutom.



Nang marating ko ang canteen ay dali-dali akong pumila sa counter. Natuon ang pansin ko sa mga chichirya kaya agad ko iyong pinuntirya. Bumili ako niyon at ng isang softdrink bago naghanap ng bakanteng pwesto. Pumwesto ako sa bahaging malapit sa glass walls. Nakatunghay iyon sa malawak na school field. The scene was just breathtaking kaya ganado akong kumain.



My Iphone buzzed inside my uniform's pocket. Agad ko iyong kinuha. Someone messaged me on Facebook. I almost jumped in surprise when I glanced on my cellphone's screen.



The freak.



I ignored it the moment I read it. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.



Hindi niya talaga kayang tantanan ako e.


Prince

Leeeeeeeeee

Yuhuuuuuuuu

Will you please drop that junk food you're eating?

Hindi ka lulusog diyan!

Lee

Naknam!

ASAN KA???

Prince

Curious ka na naman :)

Lee

Ipapa-blotter na talaga kita!!!!

Prince

Grabe ka naman!

Hindi ako nangangagat o nangangain o kung ano mang iniisip mong masama na gagawin ko sayo

Di naman kita sasaktan e!

Pag nasaktan ka, masasaktan din ako </3

Lee

Bat mo ba kasi ako sinusundan? Wala ka namang mapapala sakin! Hindi ako mayaman. Isa akong dukha!!!

Prince

Hindi naman yun yung habol ko sayo

Lee

Stop stalking

Prince

You call this stalking. I prefer long distance relationship. ❤

Lee

Shuttap!

Stalker!






Sinulyapan ko agad ang chichiryang hawak-hawak ko. Kinilabutan ako.

Agad na lumipad ang tingin ko papunta sa kinakain ko. Binitawan ko iyon. Alam kong nasa paligid lang siya. I must be shaking in fear right at the moment pero I remained composed. Hindi ko dapat ipahalata sa kaniya na natatakot ako. He must've known na kaya ko siyang labanan if ever.






Lee

Hindi mo talaga kayang tigilan ako no?

Prince

If I can, I still won't stop

Lee

Ilang taon ka na?

Prince

I'm younger than you

Why?

Lee

Wala

Prince

ows?

Lee

Gusto kong malaman baka kasi isa kang matandang hukluban. Dapat mag-hire na ko ng mga body guards

Prince

Grabe ka talaga! T_T Wag ka mag-alala, you're actually months older than me

Does it matter?

July 11, birthday mo. Malapit lang bahay mo kina Eros. Mahilig ka sa isaw and other sorts of unhealthy foods (tigilan mo na to please T_T)

You wanted to play the guitar; you know how to pero you can't finish playing one song

Hindi ka girly pero you're whimsically waiting for your prince

You have a lot of crushes even your friends haven't been aware of

You love class suspensions but easily get bored at home

What else? hmmm

Muntik nang humalik ang panga ko sa sahig. How on Earth did he know all that?

Lee

Wadapackingtape!

STALKEEEEEERRRRR!!!!!!1!!!!!21@

Prince

I'm not. That's investigative research

Lee

Hindi stalker??? WOW. Bat moko finloodlikes sa FB? Ni-like mo nga yung picture ko two years ago

Prince

Hindi nga ako stalker Leeeeeee

Mas appropriate yung admirer

^-~

Lee





I shoved my phone inside my pocket and resumed eating. Sino kaya siya? I'm starting to think that he may be a madman. He bluntly says that he likes me. Kailangan ko bang ma-flatter? I'm scared, honestly. Paano kung miyembro siya ng mga masasamang loob? Pero what if hindi naman pala? Why doesn't he just show himself and stop being a chicken? Kunsabagay, I'm not ready to face him. I don't even think I'd be ready to face him.



There's something inside me that tells me that I'm not going to get away with this so easily.



May umubo sa tabi ko obviously trying to get my attention pero hindi ko iyon inintindi. I'm really preoccupied with the creeper. The junk food was taken away from my hand in an instant.



"Ano ba?!" Asik ko bago ako lumingon sa nang-agaw ng pagkain ko. "Eros."



"Tara na po. Gusto mo pa talaga sinusundo ka e. VIP lang, 'te? Male-late na po tayo, prinsesa."



Prinsesa...



I shook my head to get rid of what's bothering me. Nagtaka naman si Eros sa ginawa ko but I hastily stand up and drag him. I just wanted to keep some things to myself. Eros would probably freak out if he finds out that someone's bugging me. He would definitely call the elite forces to ensure my security. Mas OA pa kasi siya kaysa sa Kuya ko.



Two hours na lang at makakauwi na 'ko. Last two classes. Matatapos na rin ang pag-aalala kong nasa paligid lang si Prince. I just hope na hindi siya gagawa ng maling hakbang. He wouldn't want the elite forces hunting him for sure.





***





Bago umuwi, dumaan kami ni Eros sa mall. Niyaya niya 'kong manood ng sine, libre niya. Siya kasi ang highest sa summative test namin sa Geometry. Kailangan daw mag-celebrate.



Nang matapos kaming manood ng pelikula, niyaya niya 'kong kumain sa isang fast food chain.



Ipinagtabuyan ko si Eros. Nakita kong mahaba yung pila kaya nagpumilit ako na siya na lang ang bumili ng pagkain namin. Naghanap ako ng bakanteng pwesto. Pagkaupo ko, kinuha ko ang Iphone ko mula sa bulsa ko. Nag-log in ako sa Facebook.



Naisipan kong i-message si Ella. Ilang araw na rin kasi siyang walang paramdam. Hinanap ko ang pangalan niya sa messages. Magko-compose na sana ako ng message nang may nakita akong nakasulat sa ibaba ng screen.




You can't reply to this conversation.




Nagtaka ako. Bakit? It's either she deactivated her account or she blocked me. Bakit naman 'yon gagawin ni Ella?



Habang busy ako kakaisip kung bakit hindi ko siya ma-contact, someone messaged me. I was expecting to see Ella's name pero na-dissapoint lang ako.



It's him again.



Prince

My princess!!!!!

Lee

?

Prince

What are you doing?

Lee

Himala?! Hindi mo yata alam

Prince

You went with Eros after class. That's all I know. May tinapos pa kasi akong project. Hindi kita nasundan T_T

Lee

Kahit tagalan mo pang gumawa ng project, okay lang

Prince

Ayaw mo ba talaga sakin??? T_T

Lee

Stalker ka kasi

Prince

Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako stalker? Hindi ako stalker. Walang stalker na ganito ka-gwapo

Lee

Hindi ako naniniwala. Wala ka ngang picture sa FB mo. Kahit isa

Prince

Now, you're the one who's stalking :)

Lee

wtf?

Prince

Hulaan ko, gusto mong malaman kung ano talaga hitsura ko no?

Lee

Matangkad kaba?

Prince

Hahahahahaha I guess tama ako!!!

Well, I'm a man. We're on the same age bracket. I'm a hundred percent sure that I'm taller than you.

Do you wanna know how I look like?

Lee

yes

Prince

Why? :)

Lee

Para maipaalam ko sa pulis tapos ipapahuli kita! Huwag kang feeling!

Prince

I'm the most gorgeous man you'll ever meet, Princess. And it would be so nice if you would take me rather than send me to jail and let the cold metal bars take all of me.

Lee

hindi ko tinanong kung pangit ka o kung gorgeous ka! Bakit ang dami mong arte? I just wanted to see you to put a face to the blank inside my head kapag kausap kita!

Prince

You're curious! Should I be glad now? This is 'getting to know each other' stage ❤

Gottago, my princess. I'm in trouble. Talk to you, later.    





What the hell? Does he think I care?



"Oh! Anong mukha 'yan? Bakit lukot na lukot?" Sabi ni Eros na dala ang tray ng mga pagkain namin. Agad akong dumampot ng french fries mula doon.



"Wala. May asungot lang kasing nangungulit sa 'kin sa Facebook."



"Edi, i-block mo. Easy."



"Eh."



"Eh gusto mo rin yatang kinukulit ka e. Magtiis ka."



Eros and I went home pagkatapos naming kumain. Hindi pa nakakauwi si Kuya at si Papa kaya nagpasiya ako na ako muna ang magluluto. When I finished all the chores, pumasok ako sa kwarto ko then I turned on my PC. It's already seven o'clock in the evening. I prefer surfing the internet rather than watching telenovelas that have the cliche plots.



The sound of the notification alert from messenger caught my attention.



Prince

My Princess!

I'm back!

Lee

The hell I care

Prince

It's amazing that we actually spend the whole day chatting with each other.

What are you doing?

Lee

hindi tayo close

Prince

Wow. Fan ka ng Westlife???

Ako rin eh. (ノ◕ヮ◕)ノ*:・゚✧

Halaaaaaaaa

Mahilig ka talaga sa Pokemon?

You're my spirit animal!!!

Lee

Leave my timeline, stalker!

Prince

HAHAHAHAHAHAHA

NANONOOD KA NG CATDOG????

HAHAHAHAHAHAHA ANG CUTE!!! SHEEEET ^m^

Pero may tanong ako...

Lee

(-‸ლ)

GUSTO MO, SUNTUKAN NA LANG O

Prince

Magkikita na tayo? O_O

ヽ(^o^)丿

Lee

eschew you!

Prince

eschew? what?

Lee

Di mo gets?

Prince

Hindi T_T

Lee

gmg

Prince

gmg?

Lee

Google mo, gagi

Prince

459

Lee

?

Prince:

┐('~';)┌

para quits!

hehehehe

Lee

Pwede magtanong?

Prince

Nagtatanong ka na

Lee

Tangina

Prince

Language!

Lee

Sorry

Ikaw kasi eh!!!

Prince

Ano ba yung tanong mo?

Lee

Anong pangalan mo?

Prince

Prince

Lee

Yung totoong pangalan?

Prince

Why do you wanna know, baby?

Lee

щ(゚Д゚щ)

Baby? Dahek

Prince

I bet you like it.

Lee

Ano nga kasiiii

Prince

Bat gusto mo malaman?

Lee

Alright, I'm out of here. Bye!






Bago pa man ako nakapag-log out, nagreply agad siya.






Prince

I'm Gab. Goodnight, Jonna Lee. ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top