ILYS 8: Get Over

"Kuya, relax! It's just pag-ibig!"



Kung sa ibang pagkakataon siguro ito ay nabulyawan na niya ako. Siya kasi yung tipo ng tao na bilib na bilib sa hiwaga ng pag-ibig. Kahit gaano siguro kasakit ang idulot nito sa kaniya, he would still believe in butterflies and sparks.



"Get over it, kuya! Magkaka-wrinkles ako nito dahil sa 'yo eh!" Parang batang inagawan ng lollipop si Kuya Marc dahil ayaw maampat ng mga luha niya. Sa inis ko, kinotongan ko siya.



Hindi siya natinag. Ni hindi man lang nagalit. Hindi gumanti.



"Kuya naman eh. Iyak ka ng iyak diyan. Parang 'di ka lalaki eh. Na-bakla ka na ba? Ang tindi naman ng virus ni Eros!"



Humiga siya sa kama niya bago tinakpan ng unan ang mukha.



"Kuya, ang arte-arte mo naman! Tahan na oh! Pag 'di ka pa tumigil kakaiyak, papangit ka! Gusto mo ba 'yon?" Humihikbi pa rin siya. "Ay! Pangit ka na nga pala talaga. Hahahaha." Hinila ko yung unan na ipinangtakip niya sa mukha niya. Nagpupumiglas siya pero dahil na rin siguro sa pagod ay hindi niya ako nagawang pigilan.



"Kuya..."



Tinitigan niya ako. Mas nakakatakot ang mga titig na iyon kaysa 'pag galit siya sa tuwing gumagawa ako ng kalokohan. The look he has now sent shivers to my skin. Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Kuya.



"Lili, may iba siya."



Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o kung tama bang sagutin iyon. Ang alam ko lang, he needs comfort at assurance na he'll get over it.



"Di ko maintindihan, Lili. I had to let go on something I had for so long." Dagdag pa niya. Awang-awa ako kay Kuya. Ang bangis talaga ng gayuma ni Lavinia!



"Mahal ka ba niya, Kuya?"



"Noon, oo. Ngayon, hindi na ako sigurado. May iba siya. Hindi ko na alam kung ano ako sa buhay niya."



"See? It doesn't make sense to still hold on if there's nothing there. Ikaw na rin ang nagsabi, she has someone else at 'di ka na sigurado sa pagmamahal niya. Magkaiba rin kasi yung mahal mo siya at mahal niyo ang isa't isa. How could a relationship work kung isa na lang yung nakakapit?" Kung saan ko hinugot 'yon ay hindi ko alam. Desidido talaga akong patahanin si Kuya and if this is what it takes to shut him up, fine!



"Mahal ko pa rin siya... Umaasa pa rin ako na maaayos kami kahit may iba na siya. Umaasa ako."



"Sabi nga ni pareng William Shakespeare, expectation is the root of all heartache. Tama na ang kakaasa kuya, masokista ka ba?"



"Hindi ka naman nakakatulong, Lee eh." Naglalandas pa rin sa pisngi nito ang mga luhang hindi mapigilan. Napakaiyakin naman ni damulag!



"Teka! teka nga! Ano ba kasing problema niyo ni Lavinia, Kuya?" Sorry na. 'Di talaga uso sa 'kin na tawagin siyang ate.



"May mukhang hoodlum siyang kinakalantaryo!" Bigla siyang bumangon. Sapo ng kaliwang palad ang kanang kamao, nagtagis ang mga bagang niya.



"Ano?"



"Nagpunta ako sa condo niya."



"Tapos?"



"May nahuli akong lalaki na nagtatago sa cabinet niya!"



"Lalaki? May lalaki si Lavinia sa cabinet? Aba'y matinde!"



"Hindi lang 'yon. Naka-boxers lang ang hinayupak! Sa tingin mo, anong tatakbo sa utak ko kapag gano'n?"



"May milagro sa condo!"



"Mismo! Buti sana kung kasing gwapo ko yung kutong-lupa na lalaking 'yon kaso pucha naman! Si The Rock 'ata 'yon, Lee! Ipinagpalit niya ko sa mukhang wrestler!"



Humagalpak ang halakhak ko. Syempre, anong panama ni Kuya kay The Rock?! Maton 'yon!



"Paano niya nagawa 'yon sa'kin? Anong kulang sa'kin para maghanap siya ng iba? Sabihin mo sa 'kin, Lee." Napahinto ako sa pagtawa.



"Kuya, wala. Di siya deserving para sa'yo. Di ka niya deserved. Hindi ka nagkulang. Hindi lang siya nakuntento." It was definitely a fact. Hindi ko iyon inimbento bilang pampalubag-loob kay Kuya. Kuya Marc is one heck of a lover! Sana nga may lalaki pang katulad niya kaso Lavinia took him for granted! That ruthless woman!



"Hindi ko siya kayang kalimutan. Kahit..." Lumakas na naman ang mga hikbing pinipigilan niya dahil sa utos ko.



"Kuya naman, hayaan mo na siya sa The Rock na 'yon! Hindi siya kawalan! Swear!"



"Natakot lang daw siya sa iisipin ko kaya pinagtago niya raw 'yon sa cabinet nung nalaman niyang paparating ako."



Talaga lang ha? "Una sa lahat, bakit nandoon sa condo niya si The Rock? Kaano-ano niya 'yon?"



"Sa maintenance daw. May nasira daw na socket sa condo niya."



"Bakit naka-boxers?"



"Nainitan daw sa cabinet eh."



"Naniwala ka naman?" Bilib na talaga ako sa lakas ng tama ng gayuma ni Lavinia! Ibang klase!



"Kailangan. Mahal ko eh. Binigay ko lahat - pagmamahal, jewelries, bags, designer clothes, lahat! Hindi ko lang alam kung ano pang kulang. Sana sinabi man lang niya sa 'kin para naibigay ko. Hindi yung maghahanap pa siya ng kapalit ko."



What the?! Ginagawa niyang supplier si Kuya!



"Tama na, Kuya. Hindi pagmamahal 'yan. Katangahan na 'yan. You're used and abused, Kuya! Gumising ka nga!"



"Paano? Hindi ko alam kung paano. Sana sinusulat na lang ang pagmamahal ko sa kaniya para madaling burahin."



"May nabasa ako sa twitter, ang sabi, cry yourself a river, build yourself a bridge and get over it. Kasama mo lang ako lagi, Kuya. You'll get over it."



"Salamat, Lili."



Niyakap ko si kuya nang mahigpit. I patted his back like he's some kid longing for affection. I was about to break free from the hug when someone entered the room.



"Surprise!" Sabay kaming lumingon sa may-ari ng boses na iyon.



"Papa?"



"Lee, 'nak! Na-miss kita!"



"Papa! Na-miss din kita!" I ran towards him with open arms. Binuhat niya ko habang nakayakap ako sa kaniya at inikot-ikot niya ko. I missed this. So much.



"Welcome back, tito." Bati ni Kuya kay Papa.



"Umiiyak ka ba, Marc?"



"Oo, Pa! Nababading na kasi si Kuya." I received a deadly glare from him.



"May pasalubong ako sa 'yo, Li." Iniabot sa akin ni Papa ang isang plastic bag. Dali-dali ko iyong binuksan.



"Omg! Isaaaaaaaw! Salamat, Pa!" Abot hanggang langit ang ngiti ko dahil sa isaw. Anghel talaga si Papa sa past life niya.



"Le, 'nak, labas ka muna. Doon mo na lang sa kusina kainin 'yan. Mag-uusap lang kami ng Kuya mo."





"Roger that, Sir!"





***





Hawak-hawak ko si Pikachu habang walang humpay ko siyang tinititigan. Palaisipan pa rin sa akin kung kanino ito galing at kung sino ba talaga si Prince. Kahapon pa ako curious sa koneksiyon niya kay Ian.



Pangit kaya siya kaya ayaw niyang magpakita? Baka masamang tao siya at may masamang balak kaya ayaw magpakilala? Serial killer kaya siya? Diyos kong mahabagin, 'wag naman po sana. Marami pa 'kong pangarap.



Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili dahil papasok na ako sa eskwela. Hinihintay ko lang matapos magluto si Papa. Ngayon na lang ako ulit makakatikim ng totoong pagkain. Sinanay kasi ako ni Kuya sa buhay-instant.



Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng dresser ko at agad binasa ang text message. Walang pangalan ang sender pero tiyak kong sa kaniya iyon galing.




How's Pika, my Princess? I really hope you like it. Can't wait to see you to tell you how I really feel.




Prince. Kailan ba ako tatantanan ni Prince? Paano niya nalaman ang number ko? Napaisip ako sa 'can't wait to see you'. Makikipagkita siya? I winced. Masyadong creepy 'to.



"Lee." Kumatok si Kuya sa pinto ng kwarto ko.



"Pasok, Kuya."



"Ang sarap talaga ng luto ni Tito."



"What?! Kumurot ka na naman sa omelet, ano? Atat na atat lang kumain, Kuya?"



"Nagugutom na 'ko eh." Napatingin siya sa cellphone ko. "Ano ba 'yan? Ba't nakabusangot ka dyan?"



Lumapit siya sa 'kin at binasa ang text message.



"Shit! May boyfriend ka na? My princess pa talaga ang tawag sa 'yo?! Sino 'yang isdang 'yan at kakaliskisan ko!"



"Kuya, wala akong boyfriend. Hindi ko nga 'to kilala eh."



"Eh ba't my princess tawag sa 'yo? Nako, Lee! Naglilihim ka na."



"Wala akong nililihim, Kuya. Hindi ko talaga 'to kilala."



"Sus. Eh sino ba kasi 'yan?"



"Admirer daw. Pero Kuya, creeper siya!"



"Pabasa nga ulit!" Hinablot ni Kuya mula sa akin ang cellphone ko.



Tumunog ulit 'yon pero hindi ibinalik ni Kuya sa akin ang cellphone. Ni-recite niya ang text message na natanggap niyon.



"You left the school at exactly 7:14 PM. You took a taxi to your home with your bestfriend. Plus, you're red dress perfectly suited you. You're beyond perfect, my princess."



"Paano niya nalaman pati iyon?"



"Sinusundan ka niya."



Inagaw ko mula kay Kuya ang cellphone ko. Iniisip ko kung buburahin ko ba ang text o ise-save. "Medyo nakakatakot 'to, Kuya. Alam niya lahat ng ginagawa ko."



"G*g* talaga 'yan ah. Naghahanap siguro ng sakit ng katawan. Sino kaya 'yan? Iuuntog ko sa abs ko para matauhan!"



Hindi ko pinansin ang lakas ng hangin ni Kuya.



"Huwag na natin pansinin. Matutuwa lang lalo 'to 'pag pinansin siya eh."



"Hindi naman pwedeng nanakot siya." Inagaw niya ulit sa akin ang cellphone at id-in-ial ang numero ng nagtext.



"Ang kulit mo, Kuya! Hayaan mo na lang 'yan."



"Loko 'to ah. Ayaw sagutin."



"Gusto lang niya magpapansin, Kuya. KSP 'yan kaya ganiyan."



"Ihahatid kita. Lagi. 'Wag kang uuwi na hindi kasama si Eros. Kahit malamya minsan 'yon, mas maraming abs 'yon kesa sa 'kin. 'Wag kang aalis mag-isa."



"Para kang si Papa, Kuya."



"Mas mainam na 'yung nag-iingat. Baka kung ano pang gawin nung sira-ulong 'yon. Stalker."



"Hanggang text lang naman 'to eh. At chat."



"Magpalit ka ng SIM. I-block mo na rin sa Facebook."



"Ayoko." Hindi ko gusto ang magpalit-palit ng number. Hassle mag-memorize.



"Para hindi ka na ma-contact niyang stalker mo. Gusto mo rin yata eh."



Partly, totoo ang bintang sa akin ni Kuya. Natutuwa ako kahit paano sa pangungulit ni Prince. Minsan lang kasi magkaroon ng tao na nagpapahayag ng interes at paghanga sa akin. Sa tanang buhay ko, si Prince pa lang ang naglakas loob na sabihing gusto niya akong maging prinsesa. Ang kaso lang, mas nangingibabaw pa rin ang takot na mayroon ako para sa kaniya. Hindi madaling ibigay ang tiwala. He has to do a big effort para patunayang karapat-dapat siya para sa tiwala ko.



"Bahala na, Kuya." Iyon lang ang tanging naisagot ko.



Alam ko namang kahit anong mangyari, hindi hahayaan ni Kuya na may mangyaring hindi maganda sa akin. Sa pagkakataong ito, magtitiwala muna ako sa gut feel ko.



Inihatid nga ako ni Kuya sa school. Pagkadating namin ay agad niyang hinanap si Eros para ipagbilin ako.



"Ikaw na bahala sa kaniya, Eris."



"Kuya naman, ang OA mo. Hindi na 'ko bata." Pagmamaktol ko.



"At hindi Eris ang pangalan ko." Giit ni Eros.



"Osiya, alis na 'ko." Kapagkuwan ay sabi ni Kuya.



"Mabuti pa nga." Eros and I said in chorus.



Pagkaalis ni Kuya, kinurot lang naman ako ni Eros sa tagiliran.



"Aray ko, bakit?!"



"Anong drama ni Kuya Marc? Ano ka, baby? Baby Damulag."



Gumanti ako. Kinurot ko rin siya sa tagiliran. Napapiksi siya.



"May stalker kasi ako, bakla!"



"Ano?! Ikaw? May stalker?! Ba't di mo sinabi sa 'kin?" Rumehistro ang gulat sa mukha niya.



"Kaka-emote mo dahil kay JB, nakalimutan mo na 'ko." May himig na nagtatampo kong sabi.



"Sorry na, bakla. Sino ba 'yang stalker mo? Gulpihin ko na ba?"



"Hindi ko nga kilala eh."



Napagpasyahan namin ni Eros na sa canteen muna dumeretso. Pagkarating namin doon ay nahagip ng mata ko ang taong pakay ko. Kailangan kong malaman kung sino ang stalker ko.



Lumapit ako sa pwesto nila habang hila ko si Eros.



"Ian!"



Nang makita niya ako, he's wearing his prominent poker face until it broke into a little smile.



"Lee." He said. Kasama niya si JB, si Edward, at ang transfer student na nakalimutan ko ang pangalan.



"Pwedeng magtanong?" I asked. Naramdaman kong nais bawiin ni Eros ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Lumingon ako sa kaniya.



Pilit niyang iniiwas ang tingin sa mga taong kaharap namin ngayon. Then I realized that it was a bad idea to drag him here.



"Una na 'ko sa classroom, Lee. Just text me kapag may kailangan ka."



I nodded. Ibinalik ko ang tingin kay Ian.



"Ahm, Ian k-kasi... a-ano..." Oh, shemay! Nasaan ang dila ko? Iniwanan na rin ako.



Hindi ko alan kung tamang alamin sa kaniya kung sino si Prince. Tiyak akong matutuwa si Prince na malaman na curious ako kung sino siya. Curious lang naman kasi akong malaman kung sino ang ipapa-blotter ni Kuya kung sakali.



Ian gave me a confused look. Ganoon din ang ginawa nung tatlo niyang kasama.



"Magtatapat 'ata ng pag-ibig si Lee. Ayieeeee." Sinamaan ko ng tingin si Edward.



Arrrrghh! Naalala ko na naman yung ginawa niyang pang-iiwan sa 'kin sa jail booth.



"Shut the hell up, Ed!" Inis kong sabi.



"Chill. Yung tungkol sa kahapon, sorry na. Dumating naman si Ian eh, 'di ba? Napag-utusan lang ako, Lee."



"Napag-utusang ano? Iwan ako do'n?"



I noticed JB threw an odd look to Ed. May itinatago ba sila? Talk about girls' instinct.



"N-apag-utusan lang ako na, na ano. Na umalis doon! Oo! Oo! Si JB kasi eh. Di ba nga, baka magalit siya kapag 'di pa ko lumabas do'n. Sakto namang wala akong pera pampiyansa sa 'yo."



Hindi ko na lang siya pinansin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ian na naghihintay ng ano mang sasabihin ko.



"Sino yung nagpabigay?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang paper bag na iniabot ni Ian kahapon.



Ian was about to answer nang mag-ring na ang bell. It's time to go to our respective classrooms. Ed dragged Ian and JB away. Nasa likuran lang nila yung transferee.



"Tara na, boy! Baka ma-late tayo!" Sabi ni Ed.



Myquestion was left hanging. Pero hindi ko hahayaan na wala iyong makuhang sagot.    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top