ILYS 7: The Aftermath

"Bakit nandito ka?"



Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nakipag-fistbump lang siya sa'kin.



"Ka-kosa!" Sigaw niya. "Tara! Kain tayo." Iniabot niya sa akin ang isang pack ng Nagaraya. Adobo flavor.



"Pasensiya na ha? May cost cutting dito sa Bilibid. 'Yan lang ang nakayanan nila." Sabi niya. Natawa naman ako sa kaniya.



Tinapik niya ang sahig sa tabi niya. Sinenyasan niya ako na umupo doon. Lumapit ako sa pwesto niya pero sa halip na umupo't maki-indian sit doon ay hinila ko ang monoblock chair palapit sa kaniya saka ako prenteng umupo.



"Bakit nandito ka?" Ulit ko sa tanong ko. "'Di ba sa SSC 'tong booth? Ba't hinuli ka nila? Anong kaso mo, boy?" Pagsakay ko sa trip niya.



"Wala naman. Mas gusto ko kasi dito e. Kapag nasa labas ako, para rin akong nakakulong." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nagpatuloy lang siya sa paglantak sa Nagaraya.



"Bakit ayaw mo sa labas?" Tanong ko.



"Nakaka-suffocate sa labas. Love is in the air daw, sabi ng mga tao do'n! Anong ka-bobo-han 'yon? Oxygen, carbon dioxide at nitrogen ang nasa air! Basic!" Aniya sa tono na inis na inis.



So, hindi lang ako ang bitter sa Valentines?



Kahit bitter din ako kagaya niya, ayoko pa rin dito sa kulungan. Gusto ko sa labas. Boring dito eh. Ite-text ko sana si Eros para piyansahan niya ko pero wala akong load.



"Ed, may load ka? pa-text naman." Sabi ko kay Edward na hanggang ngayon ay sarap na sarap sa mani.



"Wala akong dalang cellphone, Lee."



Kung bakit kasi hindi ako sinundan ni Eros dito para mag-piyansa ng sampung piso ay hindi ko alam. Malamang ay magmumukmok 'yon. Itutuloy niya siguro yung pag-e-emote niya kanina na naudlot dahil sa 'kin. He pours his heart out kapag wala ako sa tabi niya.



"Nakakainis naman 'yong Eros na 'yon oh! Na-brokenhearted lang, kinalimutan na'ko!" Inis na sabi ko.



"Talaga? Si Eros, brokenhearted? May pinopormahan pala 'yon. Sino naman?" Usisa ni Ed.



Si JB. Gusto ko sanang sabihin 'yon kaso baka mabuko ang lihim ni bakla. Hindi na kailangang malaman ni Ed. Baka masapak ako ni Eros 'pag nagkataon.



"Wala. Joke lang 'yon. Hahahaha."



Mukhang wala naman talagang paki si Ed sa sinabi ko dahil binalingan niyang muli ang Nagaraya. Panonoorin ko na lang ba siyang ubusin 'yon? Shet, gusto ko nang lumabas!



"Bawal piyansahan ang sarili. Gusto mo na bang lumabas?" Parang nabasa ni Ed ang tumatakbo sa utak ko.



"Oo naman. Kainis naman kasi si Eros eh. Nawala na lang bigla."



Mabilis ang naging takbo ng oras dahil halos isang oras na ay wala pa ring nagbabayad ng piyansa ko. Kinalimutan na siguro ni Eros na nandito ako. Tubuan sana ng tigyawat yung baklang 'yon! Maraming maraming tigyawat para makaganti man lang ako sa pang-iiwan niya sa 'kin dito!



"Shet, ang sakit! Nagka-stiff neck yata ako!" Hinawakan niya yung leeg niya at hinimas-himas. "Pero mas masakit pa rin talaga na hindi ako crush ng crush ko."



"Hugot ah!" Natawa ako. Pero seryoso siya. Aba, iba 'to.



"Bakit kaya hindi ako gusto ni crush? Sa gwapo kong 'to? Tsk!"



Ang hangin, mga besh.



"Hindi naman sa nagyayabang ako pero sa totoo lang a? Nililigawan nga ako ni Gigi Hadid at ni Kendall Jenner kaso may three-month rule pa kami ni Cara Delevigne . Alam mo na, respeto na lang sa ex 'di ba?"



Akala ko seryoso na siya kanina nung nag-e-emote siya. Akala ko lang pala.



"Pero kahit maraming nagkakandarapa para maging girlfriend ko, hindi pa rin ako nagugustuhan ng crush ko. Oh, bakit?" Tanong niya bago marahas na sinuklay ang buhok.



"Si Kimee ba?"



Tumango lang siya.



"Paano mo naman nalaman na wala siyang gusto sa'yo? Tinanong mo na ba siya?"



"Hindi. Kaso 'di ba, action speaks louder than words? Kumukulo yung dugo niya sa 'kin. Ano pa bang ibig sabihin no'n?"



"The more you hate, the more you love."



"Kaso iba si Kimee, the more she hates you, she hates you forever."



"Suko ka na agad? Paano mo malalaman kung ayaw nga niya sa'yo eh hindi mo pa naman siya tinatanong?"



"Ang totoo kasi niyan, Lee, ang mga gwapong katulad ko, may kinatatakutan din."



Conceited siya masyado, ano? Natawa ako. "Talaga? Ano naman 'yon?"



"Takot kaming ma-reject. Siyempre, sa gwapo naming 'to, i-rereject pa kami? Asan hustisya do'n?"



"Torpe ka lang kasi!"



"Oy, Jonna Lee! Hindi ako torpe! Gwapo ako, oo, pero hindi ako torpe!"



"Edward!" Narinig kong may tumawag kay Ed. Kaklase niya iyon at may kasama. Bagong detainee siguro. "Nandito ka lang pala! Lumabas ka na diyan, oy! Tumakas ka na naman. Isusumbong kita kay JB, sige ka!"



"Oo na, lalabas na. Kapag ako, isinumbong mo, ikaw ikukulong ko rito!" Pagbabanta niya.



"Oy, Ed! Teka! Iiwan mo 'ko rito? Sama mo na 'ko." Sabi ko kay Edward. There's no way na hahayaan ko silang abandonahin pa ako rito.



"Sorry, Lee. Wala akong pampiyansa sa 'yo. Tatawag na lang ako ng ibang magbabayad no'n para sa 'yo." He winked at me. Dali-dali itong lumabas at ini-lock ang pinto. "Bye, Lee!" Ngumiti pa itong parang nang-iinis. Badtrip naman oh! Ayoko na rito eh.



"Iiwan mo talaga ako rito?" Agad naman siyang kumaripas ng takbo.



Inabala ko na lang ang sarili sa paglalaro ng Clash of Clans. Ngayon ko lang tuloy nalaman ang kahalagahan ng free data sa buhay ko. Cellphone ko na lang yata ang hindi nang-iiwan.



Parami na ng parami ang nahuhuli ng mga SSC students kaya medyo nagiging crowded na sa jail booth. Nasaan na ba kasi ang tagapagbayad ng piyansa ko?



Maya-maya pa ay lumapit ang tagabantay ng jail booth at tinawag ako.



"Laya ka na." Sabi nito.



"Oh, shet! Talaga?!" Para namang biglang nagningning ang paligid.



Dali-dali akong lumabas nang binuksan ng bantay yung pinto.



Nilingon ko yung bantay saka ko itinanong kung sino ang nagbayad ng piyansa ko. Itinuro naman niya ang lalaking naglalakad papalayo. Agad ko siyang sinundan nang mapagtanto ko kung sino siya.



"Ian!" He looked back as he heard his name.



"Lee." Ngumiti siya.



"Ikaw ang nagpiyansa sa akin?" Tumango siya. "Salamat ha?"



"No problem." Ian's smile is such a fixture. His bright disposition is a welcome breeze. Lalo tuloy akong natuwa sa ideyang nakalaya na 'ko.



"Sinabi ba sa 'yo ni Ed na nandito ako?"



"Ah. Oo."



"Yung mokong na 'yon. Pwede namang si Eros na lang ang hanapin eh, inabala ka pa. Sorry ha?"



"Ayos lang. Don't mention it." He assured me.



Nag-iisip pa ako ng susunod na sasabihin to keep the conversation going. Napansin kong may dala siyang guitar case. "Marunong kang mag-gitara?"



"Oo." Ang tipid talaga niya sumagot.



Saglit akong nag-isip kung ano ang tamang reaksiyon sa nalaman ko. I never knew Ian so well kaya hindi ko alam kung paano siya kakausapin. He's an introvert for me. And I never interacted with one. All I knew was he's the first.



"Wow! Astig mo naman!" Those words came out with amusement. He gently caressed his nape na parang nahihiya. Cute.



"Hindi naman ako masyadong magaling mag-gitara."



Tumago-tango ako. Hindi ko na alam ang kung ano ang susunod kong sasabihin e. I run out of words. Nawala ang pagka-biba ko. First time 'to!



"I need to go. I still have things to attend to." Basag niya sa katahimikang namamayani sa pagitan namin.



"Aalis ka na agad? Hindi pa naman tapos ang event. Sa'n ka pupunta?" Hindi ko na dapat iyon itinanong pero nasabi ko na. Hindi ko na mabawi.



"May gig pa kasi akong pupuntahan. Bye, Lee." He had turned his back and took a step forward nang lumingon siyang muli.



"Oo nga pala. Nakalimutan ko." He handed a paper bag to me. Pula at napalilibutan ng mga puso.



"Ano 'to, Ian? Para sa'n?" Nagtataka ako habang kinuha ko 'yon mula sa kaniya.



"Ah, kase, a-ano..." He suddenly stuttered.



"Ha?" Kunot-noong usal ko.



"M-may nagpapabigay! O-oo! Pinapabigay!" His stance became rigid. He utterly turned pale.



"Gano'n ba? Pakisabi, thank you."



"Sure! Makakarating. Alis na 'ko."



"Sige." I smiled then waved at him. He went off afterwards.



Binuksan ko ang paper bag na iniabot sa akin ni Ian. When I saw what's inside, I can't help but smile. Inilabas ko mula sa lalagyan ang isang Pikachu na stuffed toy. I instantly fell in love with it. Saka ko lang napansin ang card na kasama niyon.



I opened the card and read the hand-written letter only to feel anxious about the gift.




My princess,

Happy Valentines! You love Pikachu, right? It could be as sweet as chocolates and as romantic as flowers. I really hope you like my gift. :)

P.S.: Ang stalker, para lang sa mga panget yun! Ang mga cute na kagaya ko, ang tawag sa amin, admirer. <3

-Your Prince




Saglit na nag-isip ako kung bakit si Ian ang nag-abot sa akin ng regalo na ito. Does this mean na kilala niya si Prince? Posible bang kilala ko rin si Prince? Nasa paligid lang kaya siya? I'm sure that I'll get to talk with Ian again.



Pre-occupied ako nang makabalik ako sa booth namin. I saw Eros with Kae and Kimee. I was about to brag Eros for forgetting me a while ago but I can't seem to muster the words to say.





***





When I got home, I heard sobs.



Agad akong lumapit sa pinagmumulan niyon. Nang marating ko ang kwarto ni kuya, the lights were on. Nakauwi na siya?



Sumilip ako sa nakaawang na pinto. I can still hear someone crying out loud. Tuluyan akong pumasok sa kwarto.



"Kuya! Anong nangyari?!" Tumakbo ako palapit sa kaniya nang makita ko siya. I've never seen him as miserable as this. "Kuya, huy! Natatakot ako sa 'yo."



Nakaupo siya sa sulok while hugging his legs. Nakasubsob ang ulo niya sa mga tuhod niya.



"Kuya, magsalita ka naman oh!" Pakiusap ko sa kaniya.



Nag-angat siya ng ulo and I saw his eyes, swollen. Pakiramdam ko'y kanina pa siya umiiyak. His eyes were puffy. I don't know if things could have gotten worse kung hindi pa ako nakauwi.



"Lili..." Kuya said in between sobs. He looked intently at me.



"Kuya, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Hinila ko siya patayo at pinaupo sa kama niya. Tumabi ako sa kaniya. He rested his head on my shoulder and his tears fell like a waterfall.



"Lili, wala na kami." He dropped those words like a bomb.



If Kuya Marc is not in his tear-jerking situation, I would be so ecstatic by his news. All I can feel was his resentment and grief. Hindi ko magawang magbunyi.



Realization kicked in. Napansin ko lang, bakit lapitin yata ako ngayon ng mga pusong sawi? Una, si Eros. Tapos, si Edward. Tapos ngayon naman, si Kuya. Was fate playing games on me?



That's when the aftermath of Valentine's Day dawned on me.



Evenwhen you're single, in a relationship, or having a messy break-up, everything'scomplicated. Pain is inevitable. Happiness is a choice. If you choose to lookat the other side of your forlorn feelings, love is supreme.    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top