ILYS 6: Jail of Hearts

"Geez! It's dripping wet!" Sabi ko.



"And sticky, too!" Dagdag niya.



He paused for a moment and kept me waiting for him to move faster.



"Try harder."



He's really trying hard to do it. "Faster, babe!" I exclaimed.



When I called him babe, he tensed up a bit and do the thing faster as I wished.



"Arggh! It's driving me nuts! That long... hard thing. Oh my God! Faster!"



"Oo na, heto na."



I can't wait. Gusto ko na talagang matikman iyon. Geez, he was making me go insane!



"Arggh! At last!"



I nearly cried laughing nang iabot niya sa akin ang kalahati ng ice pop. Hirap na hirap siyang putulin iyon sa gitna dahil sa matigas na yelo.



"Kalalaking tao mo, ang lamya-lamya naman."



"Don't call me babe ever again!"



"Ikaw naman nagpauso no'n eh. Anong ipinuputok ng butsi mo?"



"Mag-thank you ka naman. Hiyang hiya yung effort kong hatiin 'yang ice pop!"



"Thank you, babe!"



Eros just glared at me.



Kanina pa kami nakatambay ni Eros sa mga bleachers sa gym nang mapagpasiyahan namin na i-try ang lahat ng activity sa bawat booth.



We went to the kiss booth. Piso isang kiss. I thought someone would kiss the one who'll avail that pero stamp mark lang pala iyon. Nagbayad kami ni Eros ng piso. Ipinalagay ko ang kiss mark sa left wrist ko habang yung kay Eros ay nasa leeg niya. He's thinking gross!



Sunod naming pinuntahan ang dedication booth. Agad na dumampot ng kulay pulang papel si Eros mula sa isang kahon. May isinulat siya doon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot kasi bigla na lamang siyang ngumingiti mag-isa.



He made a heart-shaped origami out of that sheet of paper. Pagkatapos, ip-in-ost niya iyon sa freedom wall. Maya-maya lang ay babasahin ng mga organizers ng dedication booth ang mga letters doon dahil kasalukuyan pa lang nilang sine-set up ang sound system.



I wonder. Ano kaya ang sinulat ni bakla doon?



Pagkatapos, hinila ko siya papalapit sa mini stage kung saan naroroon ang harana booth. Five pesos kada isang song request. Nagbayad ako para i-request na kantahin ang kantang It's My Life ni Bon Jovi. Wala lang. Yun kasi ang unang kantang pumasok sa isip ko.



Isang weird na tingin ang nakuha ko mula sa bokalista ng banda. Siguro, inaasahan niya na love song ang ire-request ko kaso dapat hindi siya umasa. Ayan tuloy nasaktan siya. Char!



Bago patugtugin ang request ko, isang kanta muna ang pumailanlang sa gym. Request iyon nung nauna sa'kin sa pila. Students went wild nang patugtugin ng banda ang unang nota. I noticed lovebirds making PDA nang kantahin ng bokalista ang mga linya ng Sa'yo ng Silent Sanctuary. As if on cue, dere-deretso akong pumunta sa booth namin dahil ayokong makakita ng mga in a relationship ngayon. They are acting sweet right in front of my two beautiful, tantalizing eyes! Naiirita ako.



And hell yeah... I never trust my tongue when my heart is bitter.



Pagkarating ko sa booth namin, kasalukuyang may seremonyang nagaganap. Two lovebirds were in front of the altar exchanging vows. Para namang nang-iinis talaga si kapalaran o! Kae were taking pictures for documentation. Isa dapat ako sa mga 'bridesmaid'.



Kay Kimee naka-toka ang lahat ng gamit ng bride at groom - wedding suit and gown, rings, even the bride's boquet of flowers. The rest of our class were merely spectators. Kunwari miyembro ng entourage o kaya'y bisita.



Nasa likuran lang kami ni Eros as if we're listening to their wedding song - Sa'yo. The ambiance was definitely romantic. When the wedding was over, my classmate and acting priest declared the two as husband and wife. The groom kissed his bride on the cheeks.



Kilig na kilig naman ang mga kaklase ko sa eksena ng pekeng kasal at pekeng pirmahan ng marriage contract. Everything was fake pero they were acting as if everything was real.



Maya-maya pa ay lumapit sa'min si Kimee. Wagas kung makangiti ito. It was as if kinikilig ito or she was up to something.



"Guess who'll be the next bride and groom?" Tanong niya sa amin ng may nakakalokong ngiti.



Hinila niya ako papalayo sa pwesto namin leaving Eros behind. Kunot-noong nagpatianod ako sa kaniya. "You'll see." Sabi niya dahil mukhang alam niyang naguguluhan ako sa inaasta niya.



Narating namin ang booth ng Special Science Class. Pero mukhang wala doon ang pakay ni Kimee dahil sumimangot ito.



Hinila niya ako palabas ng gym. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.



"Sigurado akong nandoon siya."



"Ha?"



Sa halip na pansinin ako ay dinala niya ako sa Student Council Room.



"Huli ka balbon!" Bulalas niya. Everyone in the room was shocked. Parang may meeting na nagaganap doon when Kimee and I barged in.



"What was this all about, Miss Layco?" Tanong ni Ma'am Lara, adviser ng SSC at Student Council, kay Kimee.



"Oops, sorry Ma'am. We're looking for JB po kasi. May we excuse him?" Nahihiyang tanong ni Kimee. Astounded dahil tinaasan lang siya ng kilay ni Ma'am Lara.



"How may I help you?" Kalmadong tanong ni JB.



"Come with us." Sabi ni Kimee.



"Wait for me outside, I'll be there. Saglit lang."



Sumunod naman kami ni Kimee. I was still giving her this questioning look pero deadma lang siya hanggang sa lumabas si JB.



"Why are you looking for me?"



Kung ano man ang sagot na hinihingi ni JB ay hindi na niya nakuha pa dahil naglabas ng handcuffs si Kimee saka isinuot iyon kay JB.



"Lee, what's going on?!" Naguguluhang tanong ni JB sa akin.



"Ewan ko." Sagot ko with the same facial expression as his.



Hinila ni Kimee si JB pabalik sa gym. Sumunod lang ako sa kanilang dalawa.



Pagdating namin sa wedding booth, all eyes were on us. Yung mga kaklase ko, mukhang expected nang nandito si JB. Mukha silang excited. I can hear some of them giggled. May iba pang nag-ayieee. When my gaze fell into the altar, nakita ko si Kae. Nakaposas din ang mga kamay nito. She actually looked like she didn't even know what's going on.



Dinala ni Kimee si JB sa altar. She removed their handcuffs. Inilagay ni Kimee ang puting belo sa ulo ni Kae then handed a black coat to JB. Sa una ay parang tatanggi pa ang dalawa subalit nagpatianod na rin sila. I even noticed some faculty members near us watching.



The ceremony started. The kilig factor surrounded the entire gym. Students gathered around the wedding booth. Bakit hindi? Two well-known student leaders were exchanging vows in front of them.



Nakita ko kung paano nangamatis ang pisngi ni Kae. Kahit ang pamumula ng mala-labanos na kutis ni JB ay hindi rin nakalampas sa paningin ko. I don't know kung nahihiya sila o kung kinikilig. Whatever it is, I'm happy for both of them. At totoo 'yon.



Yun nga lang, hindi ako masaya para sa taong kilalang-kilala ko. Naglakad siya paalis.



"Eros!" Tawag ko sa kaniya pero parang hindi niya ako narinig. He hastily walked away and I'm torn between two. Gusto kong makita ang mga susunod na pangyayari sa kasal, after all, JB and Kae are my friends. However, I would regret so much if I weren't there to comfort my bestfriend. I chose the latter.



Sinundan ko si Eros. I followed him until we reached the school's open grounds. Umupo siya sa ilalim ng silong ng punong mangga. He rested his back at the trunk of the tree bago mariing pumikit.



"Bakla." Tawag ko sa kaniya. Hindi niya'ko pinansin.



"Uy." Tinapik ko yung balikat niya pero tinapik rin niya yung kamay ko.



"Eros." He opened his eye bago tuluyang tumitig sa akin. I can see right through him. "Masakit ba?" I know. It was insensitivity. But Eros knew that we both wanted the truth, for always.



He nodded. It only means that he wasn't breaking our bestfriend code: Never lie to nor hide from each other.



"Sabi sa'yo eh! Tayo na lang!" It was actually a joke meant to break the walls of pain starting to build up within him. Binatukan niya 'ko.



"Gaga ka talaga. Hindi nga tayo talo."



"Mas gaga ka. Sa tingin mo, pwede ka'yo? Mas lalong hindi kayo talo, 'no!"



"Alam ko."



"Alam mo naman pala eh. Anong ine-emote-emote mo diyan?"



He didn't answer. Yumuko lang siya habang binubunot ang ilang mga damo sa gilid niya.



Hindi ko man alam ang feeling ng brokenhearted pero alam kong masakit 'yon. Hindi ko alam kung paano ito lalagpasan ni Eros pero kailangan.



"Alam mo kung ano yung sinulat ko sa dedication booth kanina?" He asked out of the blue.



"Hindi. Hindi mo naman kasi pinakita."



"Wag kang nambabara! Nag-e-emote ako!" Sigaw niya. Medyo natakot ako kasi dinaan niya ko sa lalim ng boses niya kaya hindi na'ko kumibo.



"I asked him to never search for me. I was just someone who is fond of origamis. Nothing more, nothing less. I asked him to be happy and ..." Gumaralgal ang boses niya. "I said I don't like him the way he thinks I do. I like him as a friend..."



"And?"



"That's it. Planado na yung wedding nila ni Kae kagabi. I might as well stop sending him those origamis, those crafts, este, craps! Tutal, gusto naman nila yung isa't isa. Kahit hindi nila sabihin, their actions speak for them."



Hindi ako umimik kaya't nagpatuloy siya.



"I was jailed. I was stucked at the idea na pwede kami. It wouldn't happen. I know it wouldn't be possible. I should have to release myself. I need to be free from this shitty thing I'm feeling. Nai-stress ang beauty ko!"



Tumango-tango ako. Mabilis na pinahid ni Eros ang luhang nakatakas kahit pinipigil niya. "What now?" Tanong ko.



"I'm moving on!" He smiled. Halatang pinilit.



"Nosebleed! Wag ka na nga mag-emote diyan, drama queen! Gusto mo bang may maka-bisto sa top secret mo?" Umiling lang siya.



Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa paligid. I took the chance para hagurin ng tingin si Eros.



It's impossible for anyone to know that Eros is actually girl-at-heart.



Nang unang magtama ang tingin namin kanina, my jaw almost dropped when I saw him.



He was wearing a crisp black three-piece suit. Pormal na pormal ang dating, parang tagapagmana ng isang malaking kompaniya animo'y CEO. But wait, there's more!



His hair was parted to the side. He's a neat-looking guy, any sane lady could actually fall for. His smile was the sweetest. Ang kaso, nabura ang lahat ng paghanga ko sa manly features niya nang dumako ang tingin ko sa bagay na nasa likuran niya.



He was wearing wings! Kabog!



Sabi nina Kae kanina, he's playing Cupid - ang Roman counterpart ng Greek god of love na si Eros. I bursted out laughing when I saw him.



Yung pakpak talaga ang nagdala!



"Nung nalaman kong gaganap kang Cupid, akala ko yung chubby renaissance baby with the bow and arrow."



"But I'm actually Eros." Sabi niya. "Eros, in Greek poetry and art was depicted as an adult male who embodies sexual power. Ain't it obvious?" Humangin. Medyo nahimasmasan na yata siya.



"Epekto ba 'yan ng pusong sawi? Tara sa canteen! Ililibre kita ng ice pop!"



Iyon ang alamat ng ice pop na hinati ni Eros sa dalawa. Kulang kasi yung pera ko kaya isa lang yung nakayanan kong bilhin. Ayoko pa naman ng may ka-share sa kahit anong bagay.



As we were eating the ice pop we bought, narinig namin ang kantang ni-request ko sa harana booth kanina. The sound system was loud enough para narinig kahit nasa labas ng gym. It's My Life.



Kasabay ng pagpapatugtog niyon ay ang paglapit ng dalawang estudyanteng babae at pinosasan ako.



"You're under arrest!"



"What?!"



"Lahat ng naka-pearl accessories ay dapat ikulong."



"Are you serious? What the hell?!"



Sumingit naman sa pagitan namin si Eros. "They must be from the jail booth." The girls nodded.



All I can say was "Bitch please."



I found myself inside the jail booth holding the cold metal bars in front of me. Can someone pay the bail for me?



Kung si Eros, nakulong sa pag-iisip na pwede sila ni JB, ako naman, literal na nakulong. Kainis!



Pero hindi ako nag-iisa. I saw someone inside this jail. But wait! Ang alam ko, SSC ang organizers ng jail booth. He is one of them. Hindi ba na-e-exempt ang organizers sa hulihan?



Naguguluhan man, the question easily poured out of my mouth.



"Bakitnandito ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top