ILYS 5: Heart's Day

Dressed in white pajamas with Pikachu prints, pumasok ako sa See You Latte – ang coffee shop na kaibayo ng bahay namin. Ito ang lugar kung saan madalas akong tumatambay kapag wala ako sa mood.



The sweet aroma of the coffee and the warm smiles of the servers welcomed me. Mukha namang wala silang balak pansinin ang napakagulo kong buhok. Obvious na hindi pa ito nadadampian ng suklay simula nang magising ako kanina.



Hindi pa rin umuuwi si Kuya. Hindi ko alam kung bakit, pero sana, ayos lang siya. Hindi ko rin alam kung kasama pa rin niya si Lavinia o kung may milagro na silang ginagawa. Who the hell knows?



"Good morning, Lee!" masiglang bati ni Thally na nasa likod ng counter. Si Thally ang may-ari ng coffeeshop na ito. Isa rin siya sa mga malalapit na kaibigan ko.



"Good morning din, Thally!" gumanti rin ako ng ngiti. "One café vanilla please." Sabi ko na ang tinutukoy ay ang inuming madalas na dinadayo ko rito.



"Alright, then. One moment please."



Mabilis na inasikaso ni Thally ang order ko. Pumwesto ako sa dulong bahagi ng shop na katabi ang glass wall. Nakatunghay iyon sa tahimik na lansangan.



Alas-otso na. Wala akong balak mag-ayos ng sarili kahit 9 am ang call time ni Kae para sa pag-oorganisa ng booth namin ngayon. Tinatamad ako. Mas mabuti pang maburyo ako sa bahay kaysa mag-aksaya ng oras sa mga fund-raising activities ng school.



Sa gilid, nakakita ako ng dalawang lovebirds sipping their drink using two straws in a single container. Sweet...



Mukhang naramdaman nila ang tinging ipinukol ko sa kanila. Tinaasan ko lang sila ng kilay bago nag-iwas ng tingin. Araw nga pala ng mga puso. Nabi-bitter tuloy ako.



"Lee, here's your café vanilla."



Paglingon ko sa nagsalita, nakita ko ang nakangiting si Thally kasama ang gwapong assistant at co-owner niya na si Christian na yakap ang cute na alagang maltipoo – half Maltese, half poodle.



"Bakit kayo ang umasikaso niyan?" Binalingan ni Thally ang counter. Sinundan ko ang kaniyang tingin. I saw a cute-looking guy sa counter na nagtatanong ng order sa dalawang dilag na mala-kiti-kiti sa likot. Mukhang kilig na kilig ito sa killer smile na iginagawad sa kanila ng lalaki sa counter. "Nandiyan kasi si Kenneth," tugon ni Thally.



"Good morning, Lee." Bati ni Christian. "Di ba may activity sa school niyo ngayon? Bakit wala ka do'n?"



"Hindi naman ako kailangan doon eh."



Kinuha ko mula kay Christian ang Maltipoo. I touched its fluffy fur. "Bakit nandito ka pa?" Tanong ni Thally. "Dapat papunta ka na ngayon sa school niyo."



"Boring naman doon eh. Sino pala yung Kenneth na 'yon?" Lumingon ako sa counter upang imwestra sa kaniya kung sino ang tinutukoy ko.



"Ah, si Kenneth Gavino. Bago naming crew. Actually, transferee raw siya sa school niyo. Ka-batch mo nga siya eh. Haven't heard of him yet?"



"Oh, I see. Hindi ko pa naman siya nakikita sa school." I took a sip from my drink.



Narinig ko ang tunog na nagmumula sa wind chimes na nakasabit sa pintuan. Hudyat iyon na may bagong dating sa shop. Para namang itinulos sa kinauupuan si Christian nang dumako ang tingin niya sa bagong dating.



"M-mimi, my labs!" Nauutal na sigaw niya. Sinulyapan namin ni Thally ang babaeng tinitingnan ngayon ni Christian. The girl just crossed her arms habang nakaarko ang kilay. Matalim ang tinging ipinukol nito kay Christian.



Muling nagbalik sa hwisyo si Christian saka tumakbo papalapit kay Mimi. Christian hugged her.



"Kainis ka! Ni anino mo, hindi ko nakita kahapon! Lumayo ka nga sa'kin!" Sabi nito pero hindi naman nagtangkang kumalas mula sa pagkakayakap ni Christian. Mukhang nagga-galit-galitan lang ito.



Lumingon sa direksiyon namin si Christian. "Bye, girls! May date kami ni Mimi ngayon." Hinawakan ni Christian ang kamay ni Mimi bago hinila palabas ng coffeeshop.



"Saan mo 'ko dadalhin? Galit pa 'ko sa'yo!" Sigaw ni Mimi. Christian just answered with a wink.



They've just made a scene. Pigil ang tawang nagkatitigan kami ni Thally.



"Good luck kay Christian. It ain't easy to handle someone throwing tantrums."



Narinig kong tumunog ulit ang wind chimes.



"Bumalik sina Christian? May naiwan ba siya?"



Just when Thally was about to answer, lumingon ako sa kung sino mang tumawag sa'kin.



"JB?"



"Lee, ikaw nga! Bakit nandito ka?" Sabi niya habang papalapit sa pwesto namin.



"Yun din ang gusto kong itanong sa'yo. Dapat nasa school na kayo." Sinulyapan ko ang mga kasama niya. There stood Edward and Ian.



"May susunduin kasi kami rito. Anyway, galing na kami sa school. We forgot to drop by here bago pumasok kaya nandito kami ngayon. Kae's looking for you. Pumunta ka na."



"You must be here because of Kenneth." It wasn't a question from Thally. It was actually a statement.



JB nodded.



"I'll just call him so you guys may go."



"Thank you," ani JB.



Maya-maya pa ay nasa harapan na namin si Kenneth. Kenneth greeted them with a fist bump and a pat in the back.



"Come on, guys. Sorry, nagpasundo pa 'ko. Daan muna tayo sa bahay bago pumunta sa school. May nakalimutan ako eh." Sabi ni Kenneth sa tatlo, unaware sa presensiya ko.



Lumingon sa akin si JB.



"Lee, si Kenneth nga pala. Transferee siya sa school. Classmate namin siya." Pakilala ni JB kay Kenneth.



"Hi." Sabi ko.



"Kenneth, siya naman si Jonna Lee. She's from section B."



"I know." Tugon ng lalaking perpektong representation ng tall, dark, and handsome. He flashed his sweetest smile.



"Paano mo nakilala si Lee?" Tanong ni Edward kay Kenneth.



"I've just heard about her." He said.



"Kunsabagay. Peymus kasi 'tong batang 'to eh. Ito pa naman yung pinakamabait sa section B." Sabi ni Edward.



Sinimangutan ko siya. "Hindi ako bata. At mabait talaga ako. 'Wag kang sarcastic, boy!"



"Mabait daw. Mabait na pala ngayon ang batang laging nagka-cutting classes at bagsak sa test." He mocked. Aba! Tumawa pa ang loko.



"Bakit ka ganiyan sa 'kin ngayon, Ed? Hindi ako si Kimee, FYI. Siya na lang asarin mo, wag ako."



Natahimik ang matabil na dila ni Edward. Natawa naman sina JB, Kenneth, at Ian. Sinamaan sila ng tingin ni Edward.



Si Kimee lang naman makakapagpatiklop diyan eh. *evil grin*



"We need to go, guys. Bigla tayong nawala sa event. You surely don't wanna make Ma'am Lara go crazy kakahanap sa'tin." Sabi ni Ed.



"Oo nga pala. Nakakatakot pa naman 'pag nagalit yung adviser niyo. Sige na, tsupi!" Pagtataboy ko sa kanila.



"Hindi ka ba sasabay sa'min papunta?" Tanong ni JB.



"Hindi ako pupunta." I said with finality.

Mukhang wala naman silang balak na kontrahin ako nang magsalitang muli si Ian.



"We'd be glad kung pupunta ka. Masaya dun." He assured me, poker faced. They bid their goodbyes and left me here with the cute Maltipoo.



Masaya dun.



That line echoed through my mind hanggang nakaalis silang apat.



Bakit ba kasi ayaw kong pumunta sa school?



I pondered at the thoughts invading my head.



Una, hinihintay ko ang pagdating ni Kuya. What took him so long at bakit mukhang ayaw niyang magparamdam sa akin? Pangalawa, ayokong isuot ang dress na binili ni Kimee kahapon. It's too girly. I'm a laid-back t-shirt-jeans kind-of-girl! Tapos magsusuot ako ng dress? Que horror! Pangatlo, valentine's day ngayon.



Pang-apat, masyado akong bitter para makihalubilo sa mga kakilala ko na in a relationship. Pang-lima, marami pa akong dahilan na gustong idahilan kasi ayoko talagang pumunta.



Hindi ba't 'pag ayaw, maraming dahilan? 'Pag gusto, go lang! I obviously belong to the former rather than the latter.



Isang sigaw ang pumukaw sa naglalakbay kong isip.



"There you are, kiddo! Kanina pa kita hinahanap. May nag-tip sa 'kin na nandito ka."



Kunot-noo kong nilingon ang hysterical na si Kimee.



"I'm so excited to see you wear the dress kaso wala ka pa. What the hell were you thinking? There's no way I will let you stay here. Come with me whether you like it or not!"



Napansin kong lumapit sa amin si Thally.



"Ah... Miss. I'm sorry... If you don't mind, kindly tone down your voice. The customers were a bit alarmed." Nag-aalangang paki-usap ni Thally kay Kimee.



"Oops, sorry. I should get going. Tara na, Lee. Sorry talaga, miss. I was out of line." Hinging paumanhin ni Kimee.



"It's alright."



"Paano mo pala nalaman na si Kenneth ang pakay nung tatlo kanina?" Tanong ko kay Thally.



"Sinabi ni Kenneth na may tatlong gwapo raw na darating para sunduin siya. Hindi naman sinabi ni Kenneth na tatlong Greek gods pala. Ang ga-gwapo ng tropa mo, Lee."



"Hindi ko sila ka-tropa, no!"



"Kay Kenneth ko rin nalaman yung tungkol sa event niyo."



"Ah, Thally! Oo nga pala. Alis na ko. Ito kasing babaeng 'to. Baka magwala ulit 'pag hindi pa 'ko sumama." Iniabot ko sa kaniya ang Maltipoo. "Ang cute niyang aso ni Christian."



"Indeed. Kenshin nga pala ang pangalan niya."



"Nice name for a dog. It reminds me of a certain film e. What was it again?" Mukhang hinahagilap ni Kimee ang sagot sa tanong niya dahil sa pagkalukot ng noo nito.



"It's Rurouni Kenshin."



"Oh! That! Naalala ko tuloy si Shishio sa Kyoto Inferno. Shet! Parang si Edward! Nakakainis!" Kimee was over-the-top eager to talk about Rurouni Kenshin pero natigilan siya sa huling nasabi.



"I didn't mean anything about that." Depensa ni Kimee dahil batid niyang hindi benta sa'kin ang pagtatanggi niya.



"Edward pala ha? Ayiee..."



Hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita ulit dahil hinila na niya ako palabas ng See You Latte. I just waved my hand at Thally.





***





Pabalik-balik ang tingin ko sa full-length mirror at kay Kimee. Suot ko ngayon ang red dress na pinili nila para sa akin. I frowned.



"Ang ganda mo talaga. Nakakainis. Hahaha."



My hair was done up to give emphasis to my 'lovely' face ayon kay Kimee. She let me wear her pearl earrings and necklace that make me look fab. Sh*t lang.



Pagkatapos niya akong ayusan, iginiya na niya ako papunta sa gym kung nasaan ang mga kaklase namin. She won't let go of me.



The booths were already set. May jail booth. May kiss booth. May dedication booth. May harana booth. Mawawala ba naman ang wedding booth?



Lumapit sa kinatatayuan namin si Kae nang dumako ang paningin niya sa amin.



"Where have you been Kim – Lee?! What the?! Statue?"



"Statue?"



"In Tagalog, ikaw ba 'yan?"



Pigil ang tawa ko nang mapa-facepalm si Kimee.



"Nakaka-starstruck ka kasi ngayon, Lee."



"Oh really?"



"Bakla!" Narinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Agad akong lumingon sa pinanggalingan niyon.



My jaw almost drop nang magtama ang tingin namin ng engkanto, este, ni Kupido, este, ni...



"Eros?"



It's gonna be a long day. And definitely, it's gonna be one of my remarkable Heart's Day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top