ILYS 49: Reasons

Déjà vu.




Parang nangyari na 'to dati.


Bumalik ako sa pwesto ko, pero iba na ang pakiramdam ko. Parang may kasama ako. May naririnig akong mahinang kaluskos kung saan. Nakarinig ako ng 'creek' sound. Iyong tunog ng pagbukas-sara ng mga antigong pinto.



Nangyari na 'to dati.



Sa naisip kong 'yon, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede. Imposible.


Hindi ako handa. At kahit kailan, hindi yata ako magiging handa na harapin siya.


Tumindig ang mga balahibo ko nang lumakas ang ihip ng hangin. Dammit! Hindi ako naniniwala sa mumu. Mas lalong hindi rin ako naniniwalang babalik pa siya. Kung hindi siya nakalimot, tatawag siya. Susulat. Magcha-chat. I've seen him in some videos online and he's definitely a rising star. At gaya ng mga bituin sa langit, napakahirap na rin niyang abutin.


Napagdesisyonan kong bumalik na lang sa gym.


Nang makalabas ako sa building na 'yon, agad kong t-in-ext si Eros. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Memories flashed inside my head – mga panahong magkausap kami, mga panahong gumagawa kaming dalawa ng mga alaalang pilit ko na lang na iniisip na mga panaginip lang, at yung nararamdaman ko para sa taong 'yon. Kahit kailan, hindi ko nagawang kalimutan siya. I need to go home. This place reminds me so much of him. Maybe sleeping could help me calm my racing heartbeat. Pakiramdam ko, may sumusunod sa akin.


Nilakihan ko ang mga hakbang ko.


Don't look back, Lee.


After all, he hadn't.


I was texting and walking simultaneously nang may bumangga sa akin nung napahinto ako.


Shit, may sumusunod nga sa akin!


It can't be him.


I felt an arm wrapped around my shoulders. Ramdam ko ang paghinga niya sa gilid ng mukha ko. Halo-halong emosyon ang sumakop sa sistema ko sa mga oras na 'yon. Takot, kaba, galit, sakit.


Bumulong siya sa'kin...


"I've missed you."


I am wrapped in a tight embrace. Yakap na akala ko, hindi ko na mararamdaman. Akala ko, hindi na mangyayayari 'to. Nagsalita siya ulit.


"Sorry." Umalpas na naman ang luha ko. He continued, "Sorry. Sorry kung hindi ako nakapagparamdam sa'yo. Sorry kung inakala mong nakalimutan ko na kayo. Alam ng Diyos na kung gaano ko ka-gustong gusto kong makabalik sa'yo, Lee. Sorry –"


"Bakit?" Yun lang ang nasabi ko. Hinihintay ko siyang sumagot. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. Kahit galit ako sa kaniya dahil sa pang-iiwan niya sa akin, God knows how much I've missed this.


"Lee, please. Patawarin mo 'ko. Take me back," he said in between sobs. His presence makes my knees weak. And my heart beats so fast, it's crazy! It has been years since I've felt this kind of feeling. "Mahal na mahal kita." Hindi maampat ang pagluha ko.


"Bakit?" I asked once again. Bakit pa siya bumalik? Okay na 'ko eh. Tanggap ko nang hindi na siya babalik. He's living a wonderful life now. He had gained fame and wealth. He's one of the most influential people in the international scene. Nabuhay naman siya ng wala ako. Why does he have to make my heartbeat deranged again? Bakit ganon? Dapat galit ako. Dapat ipagtulakan ko siya. Dapat hindi ko hinahayaang yakapin niya na lang ako ng basta-basta. Dapat hindi ko ginugustong nasa mga bisig niya 'ko. Why does it feel so right – to be right next to the person who left me hanging? "Bakit?"


I've gathered all the strength that I have to get rid of him. Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. Our eyes met and all of a sudden, the feelings I had compressed for quite some time now resurfaced. I must admit, I missed him.


"Lee," he reached for my hand but I dodged it.


"'Wag mo'kong hawakan."


"Lee, please, pakinggan mo 'ko." Nagsusumamo ang tinig niya. I wanted an answer. I demand an answer. Gusto ko siyang pakinggan pero inuunahan ako ng galit at sakit.


"Leave." I said, indignant.


Sinusubukan niya akong yakapin pero itinutulak ko siya palayo. "Please, Ian. Leave." I pleaded.


"Lee, please, pakinggan mo'ko." We were both crying our hearts out. Sobrang sakit na. All I want is to just end this.


"Tama na, Ian. Almost a decade. We've been apart for almost a decade! No messages, no calls, no communication at all, Ian. Tama na. Wala ka nang babalikan." At that moment, naisip ko, siguro kaya masakit kasi walang closure. Bakit ko pa kailangang tanungin kung bakit niya ko iniwan? We're both living our own lives now. Successful naman na kami pareho – he with his music career, I with my teaching profession. We had to move on now. We really had to. "We're done."


"Wala na ba talaga?" He asked. I know he's been dying to hug me. As much as I want to hug him right now, gusto ko na lang matapos 'tong araw na 'to.


"Ang sakit, Ian. Hanggang ngayon, masakit pa rin. Iniwan mo 'ko sa ere. Tapos ngayon, babalik ka? At ano sa tingin mo, tatanggapin kita agad? T*ngin*mbuhayto! Tapos na tayo. Ayoko na."


"Kung wala na talaga, hindi ka na sana nasasaktan ngayon. I know you still want me. Please, Lee, hear me out. I'm begging you."


"I still want you? Oh come on! Naririnig mo ba 'yang sarili mo? Sa tingin mo, sa ginawa mo, gusto pa rin kita? Ian, gusto ko lang naman na maramdamang akin ka pa rin kahit nasa malayo ka. Yung kahit once in a while, magparamdam ka. Sobra akong nag-aalala sa'yo. Baka may problema ka lang kaya hindi ka tumatawag. O walang internet. O baka nagpalit ka lang ng number. O baka uuwi ka at balak mo 'kong sorpresahin. O baka busy ka lang sa trabaho mo. Ian, inintindi ko yun. Hinintay kita! Pero isang dekada, Ian. Walang ikaw! Hindi mo ba 'yun maintindihan? Simula nang kalimutan mong may ako, wala nang tayo."


I walked away with a heavy heart. Sinundan niya 'ko. Pikit-matang tinatahak ko ang daan palayo sa kaniya.


"Lee, please, listen to me."


Hindi ako kumibo. I continued to walk away as he continued to talk. Ayokong makinig kaya tinakpan ko ang tenga ko ng mga kamay ko. But it doesn't help. Naririnig ko pa rin siya.


"Lee, I'm so sorry. Just please, listen to me."


Sa sobrang inis ko, I stopped on my tracks and faced him. "Ano ba! Ayaw na kitang marinig – o makita! G*go ka ba? Ang kulit mo ha! Just please, leave me alone! I hate you!" He tried to reach for my hand but I resisted. "I said, leave! Iwan mo na 'ko! Tutal dun ka naman magaling! Ang mang-iwan!" Parang tinakasan naman ako ng lakas at tuluyang bumigay ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig. Lumuhod si Ian sa harap ko. His eyes were swollen from crying.


"Nung first year college, hindi ko gustong lumayo sa'yo. I was torn between staying with you and reaching my dream. Sobrang pasasalamat ko sa'yo nang hinayaan mo 'kong tuparin yung pangarap ko. Kahit na yung kapalit no'n yung magkalayo tayo. But the following year, I lost contact with you."


May kung anong nag-uudyok sa aking pakinggan siya. I am anticipating his explanation. May parte sa aking gustong paniwalaan kung ano man yung sasabihin niya. I am so eager to hear his side. After all, I've been waiting for this.


"Lee, I was hospitalized. I was in a car accident. I was on my way to the conservatory when a speeding car beat the red light while I and several other pedestrians were crossing the street. I had a head injury and fell into coma. I've been asleep for almost three years. It was a miracle I recovered full awareness."


No words escaped from my mouth, tears continuously roll down my face, he continued.


"Nang magising ako, my memory had been totally wiped out. I can no longer do the simplest of tasks. I had undergone physical therapies for the next few months. And you know what?"


I waited for him to continue.


"When I was able to recover physically, I went back to the conservatory. Sabi ng parents ko, that was my dream. I continued my studies and trained so hard kahit parang may kulang. I've been dying to know kung ano yung mga bagay na nakalimutan ko. For the next few years, I rose to stardom and I started to think, bakit nga ba nagsusumikap akong sumikat? It was recently that my parents showed me my old phone. Masyado raw silang busy sa pag-aalaga sa'kin that they've forgotten the only cure for me. I had seen our photos. Nang makita kita, yung mga pictures nating dalawa, parang himalang naalala ko lahat. It was crazy!" He laughed at the thought; still, tears were rushing down his face.


"Ian" When he reached for my hand this time, I did not dodged. I did not resist.


"Lee, sapat na ba yung dahilan para tanggapin mo 'ko ulit?" Crying is my only retort. "Alam ko, g*go talaga ako. How could I even forget you?" He laughed bitterly.


"I'm sorry," I blurted.


Niyakap niya 'ko. Instinctively, I hugged him back.


"Ako yung dapat mag-sorry. Ngayon ka lang naalala ng isip ko. Pero Lee, I never stopped loving you. Yung puso ko, ipinaalala ka sa'kin. Sorry kung natagalan. Gusto kong malaman mo na miss na miss kita." Sabi niya. "Sobra." Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Somehow, the grudge that my heart holds for him fades.


My phone rang. Kumalas ako sa yakap ni Ian. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko, tumatawag si Eros.


"Lee," bungad niya nang sagutin ko ang tawag. "Nasa'n ka?"


Suminghot ako. Sinipon ako kakaiyak eh.


"Hala, umiiyak ka ba, bakla? Asan ka, 'teh?"


Inilibot ko ang tingin ko. "Sa grounds."


"Shit, baka nagkita na sila! T*ng'na! World War III 'yon 'pag nagkataon!" Narinig kong sabi ni Edward sa kabilang linya. Siguro kausap niya si Eros.


"May nakita ka ba diyang elemento? Alam mo na? Multo? Ganern?" Tanong ni Eros. I have an idea kung sinong elemento o multo ang tinutukoy nila.


"Multo? Wala naman. What's happening?" Kunyari ay wala akong idea sa sinasabi nila.


"Hintayin mo'ko, pupuntahan ka namin ah!" The call ended.


Ian and I stood up. He wiped off my tears. He then started caressing my face and he planted a kiss my forehead. Nasa ganoon kaming posisyon nang dumating sina Eros, Edward, Kae, JB, Kenneth, at nandoon na rin si Iris.


"Puchanggala! What's the meaning of this?!" Gulat na tanong ni Ed.


Ian held my hand. I am lost for words.


"Welcome back?" Alanganing ngumiti si JB kay Ian.


Nalaman kong kinwento ni Ian sa mga panget ang lahat ng nangyari nung dumating siya kanina. At first, tutol sina Eros na kausapin ako ni Ian dahil alam nilang 'di pa 'ko ready. Pero mukhang may magandang naidulot kay Ian ang head injury niya dahil tumigas ang ulo niya. He insisted to talk to me. Pauwi na sana kami nang bumaba ang isa pang panget mula sa isang kotse sa labas ng gate ng school.


"Bloody hell! Am I late?" Bulalas ng babae na may British accent.


"Unfortunately." Tugon ni Eros. The girl looked fixedly at him. They exchanged glances. The girl's wearing an off-shoulder maxi dress. Sopistikada ang dating nito. Ten years ago, she was so cute and charming. She had absolutely turned into a stunning young lady. Gaya ng dati, I therefore conclude that Eros eyed the girl enviously while the girl certainly eyed Eros with admiration.


Eros is undeniably hot and gorgeous at the same time. Pero hindi hamak na mas malakas ang dating ng dayuhang bumaba mula sa driver's seat ng kotse. Lumapit ito sa'min.


Isa-isa kaming niyakap ni Ella professing how much she'd missed us.


"Mga panget! Meet my man, Eric. Eric, they're my friends." Pakilala sa'min ni Ella sa lalaking kasama niya. "No! Actually, they're my family."


"Nice to meet you," sabi ni Eric. He's tall and has a ginger blonde hair. Kulay dagat ang mga mata nito. Nakabingwit ng Briton ang bestfriend ko!


Eros is now throwing odd looks at the two. Pasimple ko siyang kinalabit nung nagkakamustahan ang lahat ng mga kasama namin. "Huy bakla!"


"Bakit?"


"Dapat kasi niligawan mo na si Ella dati. Tingnan mo yung sinayang mo oh!"


"Gaga! Mas maganda ako sa kaniya!"


"Ahh..."


Mukhang gets ko na. Ang lagkit ng tingin ni Eros kay Eric. Tinawag ko si Ella.


"Bantayan mo 'yang jowa mo, kaps!" Sabi ko.


"Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Kunot-noong tumingin sa'min si Eric, hindi siya marunong umintindi ng Filipino. Kinurot ako sa tagiliran ni Eros. Nagkibit-balikat lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top