ILYS 48: The Decade After
"Lee-leepad! Tara na! Male-late na tayo!" Tawag ni Eros sa'kin na nagmamadaling sumakay sa kulay asul na kotse na nakaparada sa labas ng bahay. Si Edward ang nasa driver's seat. Pumwesto si Eros sa harapan kaya dumeretso na ko sa backseat.
"Wag mo nga akong tawaging Lee-leepad. Pektusan kita jan eh!" Banta ko kay Eros. "Bakit ka ba nagmamadali? Like hello? You were never punctual!"
"Hayaan mo na, Lee-bag! Excited lang 'yan! It's been ten years!" Sabat naman ni Ed.
"Exactly!" Pagsang-ayon naman ni Eros. Pinaandar na ni Ed ang sasakyan.
***
"It's been ten years! Ang bilis ng panahon, hindi ba?" Panimula ni Ma'am Lara na adviser ng Special Science Class. Naaalala ko pa dati, napaka-strikto niya. Pero sa kabila ng hitsura niyang parang bubuga ng apoy parati, naging ina siya sa amin. Siya ang naging inspirasyon ko para tahakin yung landas na pinili ko. Sumunod ako sa yapak niya.
"I know, mga anak, you're already successful. And I'm so thankful that despite the successes that you have achieved, you attended this event. Na sa kabila ng narating niyo sa buhay, pinili niyong balikan yung lugar na naging parte ng mga buhay niyo – ang lugar kung saan kayo nahubog ng karanasan, natutong makisalamuha, bumuo ng mga relasyon at mga pangarap at kung ano-ano pa. Sa mga hindi nakarating, maaaring may mga sapat silang dahilan. Nonetheless, I still thank them for making memories with us – good or bad – that we continuously cherish up to this day! Welcome and enjoy the night, dear alumni!"
Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa maikling speech ni Ma'am Lara. Same old faces. Same old place. Nasa gymnasium kami ng alma mater namin kung saan kasalukuyang ginaganap ang high school reunion namin. It's been ten years since we graduated at parang kailan lang nangyari ang lahat.
"Nakita niyo na ba si Kae at JB?" Tanong ni Edward sa'min ni Eros. Kasalukuyang may nag-iintermission number pero wala doon ang atensiyon namin. Busy kami sa paglinga-linga, umaasang makikita ang mga hinahanap namin.
"Nagtext si Kae sa'kin. Nandito na raw sila." Tugon naman ni Eros na nakatuon ang pansin sa cellphone. "Wait lang, mga panget. Kausapin ko lang yung secretary ko." Paalam niya sa'min nang sagutin niya yung tawag.
Inihatid ko ng tingin si Eros na papalabas ng gym. Kahit girl-at-heart si Eros, he never crossdressed. By the way, tanggap na ng daddy niya na beki siya. Kahit halos ipagtulakan na siya nito noon at i-disown, alam kong hindi siya matitiis nito.
After all, ganon naman talaga ang mga magulang 'di ba? They'll voice out their opinions kung tumataliwas ka na sa tamang daan. Pero eventually, hahayaan ka nilang tahakin ang daang gusto mo. Kapag naligaw ka, magsisilbi silang navigator para sa'yo. Pero syempre, kahit saan ka pa dumaan, iisa lang naman ang destinasyon nating lahat. And we've still got a long way ahead of us.
Tita Erika defended him from his dad. Na wala namang masama sa pagiging gay as long as wala kang natatapakang ibang tao. It was not so much of a disgrace sa tatay niyang pulis because Eros did his best para maging proud ang pamilya niya sa kaniya.
I think, na-realize na ng daddy niya yung mga effort niya para matanggap siya nito. Kahit kailan, hindi naging pabaya si Eros sa pag-aaral. Nakapagtapos siya ng kolehiyo and finally owns a clothing line company. Beauty vlogger na rin si Eros and is currently taking a hiatus on Youtube kasi busy naman siya ngayon sa bago niyang business. He's into the cosmetics industry this time.
"Lee!" Pukaw ng pamilyar na nilalang sa atensiyon ko. Si Kae. Kasama niya ngayon si JB.
"Ed." Nakipagfist bump si JB kay Ed. "Na-miss kita, bro!"
"Sh!t bro, na-miss din kita!" Parang naluluhang ewan si Ed na niyakap si JB. Nagyayakapan silang dalawa na akala mo'y mag-jowang ngayon lang ulit nagkita.
Natatawang umiiling lang si Kae sa bromance nung dalawa. "So how's the honeymoon?" Tanong ko kay Kae. Itinaas-baba ko ang kilay ko, a mischievous smile plastered on my face. Kae blushed. "You don't have to answer it. Some things should be kept private." Tinapik niya ang braso ko. Hanggang ngayon, mahiyain pa rin siya.
Kae and JB got married three weeks ago. They flew to New Jersey for their honeymoon. They've just arrived two days ago. Things are getting great between these two. I'm so happy for them. Parang kailan lang, they were high school sweethearts. Now, they're starting to build a family, and within themselves, they found home.
As for Edward, hayun, pinanindigan ang pagiging "hot bachelor" daw niya. I've never seen him flirts anyone. O baka hindi ko lang siya nahuhuli pero I highly doubt it. He's been loyal with his memories with Kimee. Sabi niya, naka-move on na raw siya. But his actions seem otherwise.
Tuwing birthday at death anniversary ni Kimee, pumupunta kami sa puntod niya. Kinakausap ni Edward si Kimee telling her how his days went and how his love for her never vanishes. I told him that Kimee told me that it's okay kung magkakagirlfriend siya ng iba pero he just shrugged the idea off.
Minsan, iniiwan namin siya sa puntod ni Kimee. 'Pag naramdaman niyang nakalayo na kami, iiyak siya. He badly misses her. Nasasaktan ako para sa kanila. Wasn't it heartbreaking na makita mo't makasama yung mahal mo sa sandaling panahon lang? Ed regrets the fact that he suppressed his feelings for Kimee for so long before confessing his love to her.
"Earth to Lee! Are you listening?!"
"Ha?" Nagcross-arms si Kae sa harap ko.
"Anong iniisip mo?"
"Wala naman."
"Nakita mo na ba siya?"
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa tanong na 'yon. "S-sino?"
"I know, alam mo kung sino ang tinutukoy ko," Kae said in a serious tone. She's fishing out for answers. "Have you been in touch with him since he left?"
Umiling ako bago pilit na ngumiti. "Nung umalis siya, nakakausap ko pa naman siya. It lasted for a year. After no'n, hindi na. 'Wag na natin pag-usapan." I eagerly dismissed the topic.
"Paano kung makita mo siya dito?"
"I doubt it."
"Paano nga lang." Pangungulit ni Kae. Sumenyas si JB na lalabas lang sila ni Ed. Nag-okay sign si Kae.
"Hindi yun pupunta. Tinalikuran na niya tayo – ako. Kinalimutan niya na lahat. Hindi na siya babalik. Simula nang putulin niya yung ugnayan niya sa'tin, hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman 'pag nagpakita pa siya ulit. Hindi ko na alam, Kae."
"I understand, Lee. Kung ako ang nasa posisyon mo, I'd feel the same way."
"Yung maiwan sa ere, sakit nun ah! Gago siya hahahahaha," Kae threw a sympathetic look. She reached for my hand. "Okay lang ako! Ano ka ba!" I continued laughing. Pero may kumawalang luha sa mata ko.
I felt someone's hand on my shoulder. Nang lingunin ko kung sino ang may-ari niyon...
"Uy! Kenneth! Long time no see!" Bati ni Kae sa bagong dating.
"Missed me?" Tanong ni Kenneth sa'min ni Kae.
"Why would I? Last week lang naman yung huli nating pagkikita." Bumitaw ako kay Kae at agad kong pinahid yung luha sa mukha ko. Inakbayan ko si Kenneth. "So how's Iris?"
"She's fine. Nag-i-improve na raw ang kondisyon niya sabi ng psychiatrist niya. Hindi na nagpapakita yung ibang personalities niya. Hopefully, tuloy tuloy na."
"That's good news!" It's been a year since Kenneth started dating Iris. Simula non, tinuloy-tuloy ni Iris ang treatment niya. Kenneth's with her during her toughest battle. She really wants to get rid of her alter egos. Kenneth wants what's best for her. After all, that's what she needs – emotional support. Despite the hardships she's overcoming, isang taong masasandalan lang ang kailangan niya. Luckily, she'd found love. Kenneth and Iris deserve the best.
"Bakit di mo siya kasama ngayon?" Tanong ni Kae kay Kenneth.
"Susunod na lang daw siya. Pupunta daw muna siya sa memorial park. Death anniversary kasi ng ate niya. Sasamahan ko sana siya kaso she insisted na siya na lang muna. I guess, she needs an alone time with her sister."
Lavinia. That witch-looking-ex-girlfriend of my dearest Kuya Marc. Akalain mo nga naman. Kung sino yung taong kinaiinisan ko, siya pang magliligtas sa buhay ng kuya ko. Although siya rin naman ang dahilan kung bakit nasa delikadong sitwasyon si kuya noon. Alam kong hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kaniya. Sana mapatawad niya 'ko.
Hindi ko alam na totoong mahal niya pala ang Kuya ko. Lavinia is known to be a certified gold digger. Akala ko, gusto niya lang huthutan ang kuya ko. But I never thought that my Kuya is actually the gold. Siya ang kayamanan ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kung wala si Kuya Marc. At sobra akong nagpapasalamat sa pagmamahal ni Lavinia sa Kuya ko. Ito ang nagligtas kay Kuya.
Nang makabalik sina Eros, Ed, at JB sa table namin, nag-start na ang mga parlor games. At ang mga panget, game na game! Nakaupo lang ako habang pinapanood sila. Wala ako sa mood makipaglaro. They're like kids! And I've been dealing with kids sa prep school kung saan ako nagtuturo. It's fun yet tiring. Gusto ko na lang silang panoorin ngayon.
"Hindi ka ba sasali? Pangit mo! Party-pooper!" Aba't! Lokong Edward 'to! Umupo siya sa tabi ko.
"Ayoko sumali. I'm wearing heels! Try mo mag-trip to Jerusalem nang naka-ganito!"
"Sino ba kasing nagsabing mag-heels ka? Killjoy mo naman, Lee-bag!"
I hissed.
"Nakapunta ka na ba sa rooftop?" Tanong ni Ed.
"Rooftop?"
"Yung tambayan niyo ni Eros dati."
"Ah! 'Yon! Hindi pa. Bakit?"
"May binoculars na do'n. Try mo."
"Talaga? Wow. Asensado na ang school ah!"
Lumabas ako para tingnan kung totoo yung sinasabi ni Ed. Tutal wala naman akong balak sumali sa games nila. Walang taong pakalat-kalat sa labas ng gym. Ayos. Solo ko ang katihimikan. Pagkarating ko sa rooftop, agad kong nilasap ang simoy ng hangin. Pakiramdam ko'y abot ko ang langit. Nakabibingi ang katahimikan. Ayos. Walang magulo. Perpekto.
Totoo yung sinasabi ni Ed. May binoculars nga! Agad akong lumapit para tingnan 'yon. The night is perfect for stargazing. Walang masyadong ulap kaya't kitang kita sa binoculars ang mga bituin.
Kasalukuyan akong namamangha sa ganda ng langit nang nakarinig ako ng mga yabag sa staircase na papunta dito sa rooftop. Sobrang lapit lang ng tunog.
Oops! Don't panic. Walang mumu, okay? Pagkausap ko sa sarili ko.
Sinipat sipat ko ang paligid. Pero wala akong nakitang kahit ano. Baka pusa lang iyon. Pero saan manggagaling ang pusa? Hindi 'yon papapasukin ni Manong guard sa building.
Déjà vu.
Parang nangyari na 'to dati.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top