ILYS 47: Letters

September 22

Gab,

Ano ba kasing trip mo ha? Uso naman Facebook ngayon. May Viber din ako. Pati Messenger. Uso na din Skype. Pero bakit mas gusto mo ng snailmail? Nakakatamad kaya magsulat.

Anyways, miss na kita. (blushes) Alam kong miss mo na din ako. (Hihihihi)

Wag kang titingin sa ibang babae jan ha? Pepektusan kita pag-uwi mo 'pag pinapalit mo'ko sa tisay. Tandaan mo, wala nang mas gaganda pa sa dyosang katulad ko. 'Pag pinagpalit mo'ko, isa akong malaking kawalan mwahahahaha

Promise, ikaw lang. Di ako manlalalaki dito. (Si Eros lang ganon hahahahaha)

Goodluck sa first month natin sa college! Tutuparin natin mga pangarap natin! Ikaw, malapit ka nang maging sikat na music artist! Ako, ewan ko. Bahala na! (LOL joke lang). Magiging teacher din ako balang araw. Hahahahaha

Ingat ka diyan! Saka may gusto akong sabihin.

Yung tanong mo bago ka umalis, may sagot na ko.

Oo.

Nagmamaganda, este, Nagmamahal,

Lee










October 22

My Princess,

Happy Monthsary! Pasensya na kung ngayon mo lang mababasa 'tong sulat ko. Ang tagal kasing dumating yung sulat mo. Kung online mo sinabi yung nasa sulat mo, matagal ko na sanang nalaman na mahal mo din ako. Pero alam mo ba kung bakit mas gusto ko ang snail mail?

Mas heartfelt. Hindi madadaan sa emoji ang lahat ng gusto kong iparating sa'yo. Gusto kong malaman mo na sa bawat letrang isinusulat ko mismo, napaparamdam ko sa'yo yung effort, yung sincerity. Na sa bawat mababasa mong sulat galing sa'kin, alam mong sa akin mismo yun nanggaling. At saka diba, hopeless romantic ka? Gusto ko lang kiligin ka. Kinikilig ang mga babae dati sa love letter diba? Suggestion 'to ni Edward. Unless may pagka-millenial ka na memes lang, sapat na.

Isa pa, mas madaldal ako sa sulat kesa sa personal. Pakiramdam ko, mas kaya kong ilabas lahat ng nararamdaman ko dito nang hindi mo nakikita kung paano ako mamula ang pisngi ko. Baka sabihin mo, nababakla na 'ko na parang si Eros.

At hindi kita ipagpapalit. Tandaan mo 'yan.

Mahal na mahal kita,

Gab











November 22,

GABRIEEEEEEEEEEEEEL,

Madaya! Ang tagal mong mag-reply sa una 'kong sulat kaya gagantihan kita! HAHAHAHAHA

Happy Monthsary, Ian! Alam kong 'di mo'ko matiis. Nag-pm ka sa messenger! Hahahahaha you broke our rule. Hahahahaha sige gan'to na lang. Pwede nang mag-usap through chat sa mssgr. Basta may snailmail pa rin. Hahahaha mokong na Edward 'yon. Sabi na nga ba, siya may pakana ng ka-korni-han na 'to. Pero ewan ko ba, ihi ka ba? Kasi kinikilig ako sa'yo.

Kamusta na? Fall na raw jan? Gusto kong maka-experience ng apat na season. Sana ganyan din sa Pinas no?

Alam mo ba? May Field Study kami. Yung mag-oobserve kami ng mga klase sa public o private school. Tapos yung cooperating teacher na assigned sa'kin, Ian yung pangalan. Naalala kita. Bigla kitang na-miss. Gwapo din yung si Sir Ian. Pero wag ka mag-alala. Kahit gwapo yun, di kita pagpapalit 'di ba? Beki si Sir Ian. Or should I call him, Ma'am Ianna? Hahahaha

Ingat ka parati. Kain tayo marami. Ang payat pa naman natin pareho. 'Wag ka masyado magpupuyat. Alam ko namang iniisip mo ko araw araw at gabi gabi pero hindi ko naman gustong maging dahilan ng eye bags mo. Ingatan mo yung sarili mo kagaya ng kagustuhan kong ingatan ka. Kasi mahalaga ka na sa'kin.

Nakalunok ng keso,

Lee










December 22

My Princess,

Ito yung pinakamasayang pasko so far. Kahit malayo ka sa'kin, masaya pa rin ako kasi alam kong mahal mo din ako. That's the best Christmas gift I've ever received.

May pinadala akong regalo sa'yo. One of these days, one of my cousins will send it to you. Sana magustuhan mo.

Gustong gusto na kitang yakapin. Ilang buwan pa lang yung lumilipas, feeling ko, taon na 'yon. Ganito ako kasabik na makasama ka.

I love you, Lee. Mag-iingat ka lagi.

Wait for me.

Gab











January 22

Gabriel,

Ang cute ni Pocho!

Thanks for sending him to me. Sabi ng pinsan mo, anak si Pocho ng namatay mong alaga noon. And Pocho really reminds you of its mother kaya hindi mo siya pinamigay. Sobrang miss ka na namin ni Pocho. Thank you so much. At least, may kasama na 'kong maghihintay sa'yo.

Nagustuhan mo ba yung regalo ko sa'yo nung Pasko? Dahil alam kong malamig jan, I bought you a scarf. Kaya kahit malamig, you'll always feel the warmth of my love. Yikes! Keso hahahaha

Ingat ka lagi. Mahal kita.

Lee










February 22

Prinsesa ko!

How I wish you celebrated Valentine's Day with me. Hearts are all over the place kaya hindi ko mapigilan yung sarili ko na ma-miss ka. I wore your Christmas present hoping to reduce my longingness. Pero iba pa rin 'pag kasama ka.

Miss ko na kayo ni Pocho. Sana hindi ka niya kinukulit masyado. Final exams niyo na. Goodluck, Lee. You're almost done with your first year in college. Way to go!

As for me, okay naman kami rito. I made song covers kasama ng mga kaklase ko .Nasa youtube.It's overwhelming that people actually care to listen! :D And there's one song that I came up with habang iniisip kita. I'll sing it for you. Wait for my call!

I miss you so much!

I love you to the stars and back,

Gab











March 22

Gabriel kong mahal!

First year in college is over!!! Bakasyon na namin next week! Puntahan na ba kita jan? Char lang! Hindi ko maiwan si Pocho. Gustong gusto niyang pinapasyal ko siya sa Plaza. Ang dami kasing dog owners doon na pinapasyal yung mga alaga nila 'pag umaga. Ang dami na tuloy mga friends ni Pocho! Kahit mga pusa, kinakaibigan niya!

Bumabalik-balik din ako sa tindahan ng isaw sa tapat ng school natin noon. Hindi na lang isaw ang tinda nila.

Alam mo pa ba ang lasa ng manggang hilaw? 'Pag umuwi ka na, lilibre kita niyan. Tapos hindi lang 'yan. Ito pa.

Wala nang pumipigil sa'king kumain nang marami. Hhuhuhuhu ang sarap naman kasi! Busy na lahat ng mga tropapips natin sa studies nila. Ako na lang tuloy kumakain mag-isa ng streetfoods. Damayan mo'ko 'pag uwi mo ha?

Kumakain ka naman ba ng wasto jan? Huwag mong gugutumin yung sarili mo ha? Kain kain din 'pag may time. Ingatan mo yung sarili mo. Magfu-foodtrip pa tayo kaya hihintayin kita.

Miss na miss na rin kita, Gabriel!

Lee










April 22

Lili ko,

Hinay hinay lang sa pagkain ng streetfoods ha? Wala pa naman ako jan para awatin ka. Wag mo namang i-spoil yung mga bulate mo sa tiyan. Pinapataba mo pa ba lalo sila?

Pag-uwi ko, pakakainin kita ng masusustansiyang pagkain. Hintayin mo 'ko.

Kamusta ang bakasyon? Balita ko, umuwi daw kayo sa Romblon nina Kuya Marc. Sana dumating yung panahon na makasama ako sa'yo sa province niyo. I miss you so bad. Gustong gusto na kitang yakapin, makasama, makita, if I could only teleport right now.

Nagustuhan mo ba yung kantang ginawa ko para sa'yo? Kapag naging recording artist na 'ko, I'll produce songs about you and dedicated to you. I'll let the whole world recognize how deep my love is for you.

Yours truly,

Gab










May 22

Gabriel,

I'm streaming your songs on Soundcloud. Goosebumps, sheeeet! Do you know how much I'm lucky to have you? You've got a long way ahead of you and I'm sure, you'll achieve your heart's desire of becoming big in the music industry. I am really proud of you! Ako ang number 1 fan mo ha!

Enrollment na para sa second year. New friends, new professors, new subjects, ang daming magbabago. Pero yung pagmamahal ko sa'yo, hindi.

Miss na miss na kita. Can't wait to see you! I love you!

Lee











June 22

Prinsesa ko,

Second semester's finally over! Vacation na namin next month.Pasukan niyo na siguro. Goodluck sa second year mo sa college. Alam kong kaya mo 'yan, soon-to-be Ma'am Jonna Lee. You'll be a great teacher. I swear. You taught me how perseverance can change my life for the better. I get to experience bliss when I followed you. You're such a blessing, Lee.

I saw your Field Study pics on Facebook. You look good in your uniform. Are you teasing me? Hahaha I wish I could take a photo with you right now. We still don't have a picture of us being officially together. I hope to get to see you shortly.

Mahal na mahal kita, Lee. Please wait for me. It may take a while, but I'll be coming back for sure.

Only yours,

Gab












July 22

IAN GABRIEEEEEEEEEL!

BAKIT MAY BABAE KANG KASAMA SA MV PROJECT NIYO? ACTING LANG BA 'YOOOON??? BAKEEEEET???? HUHUHUHUHUHU ANG GALING MO NAMANG ARTISTA. PINAGPALIT MO NA 'KO SA TISAY. HUHUHUHUHU YOU WARNED ME NAMAN NA MAGKAKAROON KA NG KASAMANG BABAE SA MUSIC VID PERO SHEET NA MALAGKIT BAKIT KA NIYA INAAKIT DON? HUHUHUHUHU

SIGURADUHIN MO LANG TALAGANG PROJECT LANG 'YON KASI KUNG HINDI, LILIPAD AKO PAPUNTA JAN TAS YAYAKAPIN KITA NANG MAHIGPIT. YUNG SOBRANG HIGPIT. SA LEEG. GAMIT LUBID.

I'm just channeling my inner selosang jowa character.

Never make music videos na may ka-partner kang iba. Last mo na 'yon.

Huhuhuhu come back home, baby.

Lee











August 22

Lee,

I'm so sorry. I only had to do it merely because of our damn school project. My classmates asked me to. Since I had no skills in directing, or film editing, I had to play the role. Besides, I was the one who wrote and sang the song. Patawarin mo 'ko. I'll never do that again. Or should I say, gagawin ko lang yun ulit 'pag ikaw na yung kasama ko?

I miss you so bad. Kung pwede lang hatakin ang panahon para mapabilis ang paghihintay nating dalawa nang makasama na kita, gagawin ko. Please, Lee, be strong enough to wait for me. 'Wag kang bibitaw, kasi ako, I'll never lose you. I just want you to know that even though we're miles apart, you're here in my heart. We might not see each other nor talk too often, I can't forget you.

Advance happy anniversary, prinsesa ko. Mahal na mahal na mahal kita.

Gab












September 22

HAPPY ANNIVERSARY!

I MADE A VIDEO GREETING. PANOORIN MO LANG 'YON KAPAG NAMIMISS MO'KO OR WHENEVER YOU LIKE. I'M MISSING YOU LIKE CRAZY, IAN GABRIEL.

Always and Forever,

Lee










November 22

Gabriel,

I hadn't received any letter from you last month. Wala ring chat o tawag. May nangyari ba? Chat me, call me, and just contact me if you find time. Nag-aalala kasi ako sa'yo. Okay lang naman ako dito. Still waiting. Take care always, love.

Lee










December 22

Gab,

It's Christmas time! I miss you so much. Why hadn't you contacted me? I miss your letters, your chat, your call, your voice... you...

What happened? Hindi ko rin ma-contact si Ate Ingrid at parents mo. Hindi ka naman nag-deactivate sa mga SNS mo. Wala pa naman akong kilala sa mga classmates mo diyan. Hindi ko na alam kung sinong pagtatanungan kung anong nangyayari sa'yo. Nag-aalala na rin yung squad natin, Ian. Please, magparamdam ka.

That would be the most beautiful Christmas gift that I could get. I love you.

Lee










January 22

Happy New Year, Ian! Miss na miss na kita. Kailan ka ba magpaparamdam? Nagtatampo na 'ko sa'yo. Sabi mo, maghintay ako. Pero 'wag naman sana yung ganito na walang paramdam. Nag-aalala na kasi talaga ako. Mahal na mahal kita kaya hihintayin kita.

Lee











September 22

Isang taon, Ian. Isang taon na. Pero wala ka pa ring paramdam. Bakit? May problema ba tayo? May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa'kin kung may dinaramdam ka. Iintindihin ko 'yon kasi mahal kita. May nakita ka na bang ipapalit mo sa'kin? Sabihin mo lang. Closure lang naman gusto ko. O may sakit ka ba? Sabihin mo sa'kin. Pupuntahan talaga kita para alagaan ka. May problema ba sa'kin? Nagsasawa ka na ba? Tell me what to do, Ian. Nababaliw na 'ko. Ayoko ng ganito. I'll be waiting. Like what I promised. Just please, come back to me.

Happy 2nd Anniversary!

Lee











Two years, three, four... I waited. I continuously wrote letters to that same address he gave me but there are no replies. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa amin. I grew tired. The things that made my heart flutter suddenly vanished. The love that made our long distance relationship work suddenly faded. He was just only in my mind now. His image starts to become a blur. Our feelings start to become just memories. And the longing that I experience seems never-ending. Then I stopped expecting, waiting, wanting... For almost a decade, I'm lost, trying to figure out what's wrong. Is this how our story ends?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top