ILYS 46: Till Next Time
"Dalawang buwan na lang, graduation na." Malungkot na sabi ni Ed. "Ano nang plano niyo sa college?"
"Pumasa kami ni JB sa UPCAT. Mass Communication ang ite-take namin na course." Balita sa'min ni Kae. Inakbayan siya ni JB. Mukhang excited na silang mag-college. Tapos magkasama pa sila! Goals!
"Ikaw, Ed? Anong balak?" Tanong ni JB.
"Ako? Tatambay muna ako sa bahay." Mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Binatukan siya ni JB.
"Seryoso kasi!"
"Seryoso naman ako ah!" Binatukan siya ulit ni JB. Tumawa siya. "Lol. Syempre may pangarap din ako! Mukha lang wala pero may plano naman ako."
"Ano namang plano mo?"
"May lumapit kasi sa'kin isang beses. Kinausap ako. Feeling ko, mga 'tol, siya na ang susi sa pag-asenso ko."
"Aba't sino naman 'yan? Pa'no mo nasabi?" Usisa ni Eros.
"Nakasalubong ko lang siya sa BGC. Maganda yung tindig. Parang 'pag dumikit ako sa kaniya, malalasap ko ang pag-unlad!"
"Oh? Tapos?"
"Tapos tinanong niya 'ko. 'Open-minded ka ba? Yung isang libo mo, pwede nating gawing sampung libo.' Shet guys, I think ito na talaga!!!" Hinampas hampas niya sa braso si JB, parang excited na excited at tuwang tuwa pa sa kinwento niya.
Hindi ko napigilan yung sarili ko. "Asan plano mo 'don?"
"I'll join him, Lee."
"Gago u?"
"'Di naman masyadu." Ewan ko kung seryoso si Ed sa kwento niya. Maloko naman kasi talaga 'tong taeng 'to, este, taong 'to noon pa man. Who knows kung sasali nga talaga siya sa networking.
"Kayo naman, ano balak niyo?" Tanong niya sa'min nina Eros.
"Ipu-push ko yung fashion designing. Pareho kami ni Ella, 'di ba, sis?" Inangkla ni Eros ang braso niya sa braso ni Ella. Hindi ko ma-imagine dati na magiging close silang dalawa. Tumango naman si Ella.
"Cool! Eh ikaw, Lee?"
Ako? Ewan ko.
"Di ko pa alam eh."
"Oks lang 'yan, boy! May two months ka pa para mag-isip!" Pag-comfort naman sa'kin ni Ed. Halata kasi yata sa mukha ko na naguguluhan na 'ko sa kahahantungan ng buhay ko pagkatapos ng high school.
"Ikaw, Neth? Anong plano?" Tanong ni Ed kay Kenneth.
"Business Ad. 'Yon kukunin ko sa college. Para mas matutunan ko pang palaguin yung bistro ko. I might take over my family's company sometime in the future."
"Naks! Bigatin ka, boy! Eh ikaw, Ian?" Tumingin kaming lahat sa kanina pang tahimik na si Ian.
Ilang sandali pa namin siyang hinintay magsalita. Bumubukas pero isasara niya rin ang bibig niya. Para kasing may gusto siyang sabihin pero 'di niya magawa. Hinawakan ko yung kamay niya. Baka kailangan niya ng support. Charot! Duma-da-moves ka lang, Lee eh!
Nginitian ko si Ian. Gusto kong malaman niya na handa kaming makinig sa kaniya. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at saka ngumiti.
"Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin 'to sa inyo. Pero dahil napag-uusapan na rin lang natin, maybe it's time." Lahat kami, naghihintay sa sasabihin niya. Isang nakabibinging katahimakan ang dumaan sa pagitan naming lahat na bigla niyang binasag. "I'm about to move overseas. Sa ibang bansa na 'ko mag-aaral."
After hearing that, may kung anong kumirot sa puso ko. Ewan ko. Nagpatuloy si Ian.
"You know how much I love music. May isang kompaniya sa States na nag-offer sa'kin ng scholarship sa isang conservatory of music. Doon ako mag-aaral, aside sa academics, may free skill trainings din doon. Ayoko sanang tanggapin." Tumingin siya sa'kin. "Because there's someone who's holding me back. Or probably, the other way around. I'm holding on to someone whom I've been wanting for so long. If I'd be choosing between her and music, I'll choose her, even if that means giving up my dream."
No one spoke. Ayoko ng ganito. Ayokong i-sacrifice ni Ian yung offer sa kaniya nang dahil lang sa'kin. After all, wala namang kasiguraduhan yung amin. We aren't officially an item. Not yet.
"Tanggapin mo yung alok sa'yo, Ian. Go for it." Sabi ko, without considering how much I don't like the idea of parting.
"Pero that's just my dream. I can still be whom I wanted to be. I might not need that. Siguro naman may ganong opportunity dito sa bansa natin. I just can't leave you. You're my dream, too."
"Pero sayang yung opportunity. Once in a lifetime lang 'yon. Alam ko kung gaano mo kagustong makilala bilang isang artist. I won't let you lose the chance."
"Pero ayokong iwan ka. And..." Ian looked so unsettled. He's lost for words. Everyone's anticipating what he's going to say. "I haven't heard your answer yet."
"Tinanong mo na ba?" Ed smiled playfully. Tumango lang si Ian. Naaalala ko pa yung tanong niya bago kami umalis ng Batangas. Hindi ko pa siya sinasagot kasi sabi ko, pag-iisipan ko muna. Feeling ko kasi, hindi pa 'ko ready. That'll be my first kung sakali.
***
"Congratulations!"
March.
After ng graduation day, nagpadespedida si Ate Ingrid na ate ni Ian. Tapos na naman ang isang yugto ng buhay namin. And another chapter is about to start.
"Tuloy na tuloy na talaga kayo bukas, boy?" Tanong ni Ed kay Ian. Ian, on the other hand, grips his canned drink tightly and shows no sign of answering. Si Ate Ingrid ang sumagot.
"Oo eh. Hinihintay na kami ng parents namin doon. Naka-book na rin ang flight namin. Unless Ian would want to stay..."
As if on cue, tumingin sa'kin si Ian. "If she would stop me from leaving, hindi ako aalis."
Naramdaman ko ang makahulugang tinginan nina Ed at Ate Ingrid. They probably assumed that we need some time to talk, they excused their selves.
"Paano yung pangarap mo?" Tanong ko sa kay Ian pag-alis nina Ed.
"Paano tayo?"
"Wala pang tayo." I said as a matter of fact.
"I know. Kaya ayokong umalis. Ayokong iwan ka. Gusto kong iparamdam sa'yo na mahal kita. Paano ko magagawa yun 'pag umalis ako?"
"Kung tayo talaga, may panahon para sa'tin, Ian. Your parents are waiting for you. Hindi ko kayang maging hadlang para makita mo sila. Besides, your dream awaits you there. Minsan lang kumatok sa pinto natin ang pagkakataon. Welcome it."
He held my hands. I can clearly see his saddened expression. I had had a conversation with Ate Ingrid some time before our graduation. Nasabi niya sa'kin kung gaano kagusto ni Ian yung offer sa kaniya sa conservatory of music. But his heart can't be uplifted because of his thought of leaving me. I don't like the idea of having him choose between me and his career. After all, ang gusto ko lang naman, maging masaya siya, at matupad niya ang mga pangarap niya. Ian indeed secured his place in my heart.
"Pero, Lee –"
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Ian, follow your dreams. Gaano ka lang ba magtatagal sa States? Two years, three, four? Nagawa mo ngang hintayin 'tong pagkakataon na magkalapit tayo. Kaya ngayon, ako naman. Kahit gaano pa katagal." Niyakap ko siya. "Hihintayin kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top