ILYS 45: The One

Ilang linggo na ang lumipas simula nang aminin ni Ian na siya nga talaga si Gab. Naalala ko pa noong ipagtapat niya sa'kin ang lahat.






"Ako nga."


Sinasabi ko na nga, tama ang hinala ko.


"Bakit hindi mo sinabi agad? Ba't sabi ni Kenneth, siya si Gab?"


"Noong nasa Azotea tayo, dapat aamin na 'ko. Nagulat ako nang sabihin sa'yo ni Kenneth na siya si Gab. Ang totoo, simula no'n, nagalit kami sa kaniya."


Tandang tanda ko pa noong hindi nila pansinin si Kenneth simula noong sinabi niyang siya si Gab. Kaya pala.


"Alam kasi nilang lahat na ako si Gab. Yung mga ginagawa kong pagpaparamdam sa'yo bilang si Gab, alam nila." Dugtong pa ni Ian.


Kaya siguro nang hingan ko ng ebidensiya si Kenneth kung siya nga talaga si Gab, alam na alam niya.


"Hindi ko inasahan na gagawin 'yon ni Kenneth. Pero nalaman 'din namin na kaya niya ginawa 'yon eh para hamunin akong magtapat sa'yo. Kung hindi niya ginawa 'yon, siguro naduduwag pa rin akong harapin ka. At umamin sa'yo. Nung akala ko makukuha ka na niya sa 'kin, naalarma ako."





Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa mga oras na 'yon. Sobrang nakakapanglambot ng tuhod.


Sembreak ngayon, papunta kaming magkakaibigan sa Batangas para magbakasyon. Kasama namin si Kuya Marc at si Tita Erika na magsisilbi naming guardians doon.


Si Ella, si Eros, ako, at si Ian ang magkakatabi sa sasakyan. Kasama namin si Iris sa lakad ng barkada. Napag-alaman namin na si Iris pala ang babaeng tinutukoy ni Owen na gusto ni Kenneth.


"Paano mo nakilala si Iris?" Napunta ang usapan namin kay Kenneth. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Akala ko, seryoso siya sa'kin. Ayoko talaga kasing makasakit. Pero nung nalaman naming iba pala ang gusto niya, nabunutan ako ng tinik at nakahinga nang maluwag.


"May interschool contest kasing sinalihan si Iris nung first year tayo. Doon sa school namin ginanap yung contest. Ewan ko ba. Na-crush at first sight ako."


Naghiyawan ang mga mokong kong kaibigan. Nasa likuran namin sina Kae at Iris. Dinig na dinig ko ang pangangantyaw ni Kae ng 'ayieee' kay Iris.


"Yun yung panahon na ginusto ko nang kumalas sa grupo namin nina Owen. 'Di na rin kasi masayang makipag-basag ulo. Iniisip ko, napaka-immature ko noon at para may maipagmalaki naman ako kung sakaling lapitan ko si Iris, kailangan kong magbagong-buhay," patuloy ni Kenneth.


"Nag-transfer ako. Nakilala ko kayo. At nakita ko yung sarili ko kay Ian. Nakakatorpe pala talaga kapag nakikita mo na yung taong gusto mo nang malapitan. Yung parang gusto mo na lang siyang titigan. Tumitigil yung mundo mo. Pero hindi pala sapat yun. Kung gusto mo, ipaglalaban mo. Kasi hindi naman siya mapapasayo kung wala ka namang ginagawa."


"Yieeeeee! Landi mo, Kenneth!" Sigaw ng balahurang si Edward na ngumunguya pa ng chichirya. Nasa harapan namin siya nakaupo pero nakuha niya pang lumingon sa'min.


"Kadiri ka, boy!" Sabi ko. Nagtataklsikan kasi yung nginunguya niya.


"Sus! Inggit ka lang, Lee-it! Palibhasa, nuknukan ng torpe yang stalker mo. Nasabi na't lahat lahat na siya si Gab, hindi pa rin dumada-moves!" Sabi ni Ed.


Yun ang akala ni Ed. Kapag kasi kaming dalawa lang ni Ian, napaka-vocal niya sa pagsasabing gusto niya 'ko. Isang buwan na rin siyang nanliligaw. Pero dahil ang "easy to get ay easy to let go", papahirapan ko muna siya. Mwahahahaha Lowkey lover boy lang 'tong si Ian. Naiintindihan ko naman 'yon. Hindi kasi showy si Ian. Pero nararamdaman ko naman ang sinseridad niya.






***





"Nandito na tayo!" Sabi ni Kuya Marc. Siya ang nag-drive. Mukhang pagod na siya dahil halos walong oras ang itinagal ng biyahe namin. Pero alam ko namang mawawala rin ang pagod niya dahil sa sumalubong sa amin.


Maganda ang panahon ngayon. Hindi mainit at walang senyales na uulan. Masarap ang simoy ng hangin. Babati sa 'yo ang kulay asul na kalangitan at karagatan. Parang nakatingin ka sa isang painting.

Hindi uso ang pahinga sa amin. Pagkaayos namin ng mga dala-dala namin sa resort na tinutuluyan namin, deretso kami sa dagat. Water sports agad ang inatupag ng lahat.


Sumakay kami sa banana boat. Lagi akong nalalaglag. Pero hindi ako natatakot kasi hindi ako pinapabayaan ni Ian. Sa tuwing malalaglag ako, tatalon siya mula sa banana boat at sasagipin ako.


Na-enjoy din ng squad ang boat ride. Dinala kami sa laot para mag-snorkeling. Sobrang ganda sa ilalim ng dagat. Napakaraming klase ng isda at nakakamangha ang mga coral formations. Sana manatiling kaakit-akit ang mga dagat sa habang panahon. Sana matuto ang mga tao na ingatan ang kalikasan para makita pa ng susunod na henerasyon ang gandang namamalas natin ngayon.


Island hopping ang ginawa namin nung hapon. Pagkabalik namin sa resort, nagpasiya akong maglakad sa dalampasigan. Gusto kong makakita ng sunset dito sa beach. Nagpaalam ako kay Kuya. Gusto niya 'kong samahan kaso busy siyang mag-asikaso ng hapunan kasama si Tita Erika.


"Papasamahan kita kay Eros. Teka, tatawagin ko." Pinigilan ko si Kuya.


"'Di na, Kuya. Kaya ko naman mag-isa."


"Sigurado ka?" Simula kasi nang magkagulo dahil kay Owen, naging overprotective pa lalo si Kuya. Hindi ko naman siya masisisi. Walang kapatid si Kuya. Kahit ako man. Kaya kahit magpinsan kami, magkapatid na ang turingan namin dahil kami na ang magkasama noon pa man. Alam niyang lagot siya kay Papa 'pag may nangyari sa'kin.


"Ano ka ba, Kuya! Nakakulong na si Owen. At jan lang ako sa malapit. 'Di ako lalayo, promise!"


"Pero –"


Aangal pa sana si Kuya nang biglang magsalita si Ian.


"Ako na lang po sasama kay, Lee. Babantayan ko siya." Mukhang nakampante naman si Kuya at bumuntong-hininga.


"Sige. Ingatan mo si Lili." Tinapik ni Kuya ang balikat ni Ian bago bumalik sa kaniyang ginagawa.






***






"Malapit nang mag-sunset. Dito tayo." Sabi ko sa kaniya. Umupo kami sa dalampasigan at nakatunghay sa kalangitan. Habang naghihintay kaming lumubog ang araw, pinapanood ko si Ian na may ginuguhit sa buhangin.

"Ikaw yan." Tinuro ni Ian yung babaeng na-drawing niya. "Tayong dalawa."


Parang biglang uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko, tumakbo ako nang kilo-kilometro dahil ang bilis ng tibok ng puso ko nang sabihin niya yung 'tayong dalawa'.






***






"Ayan na!" Papalubog na ang araw. Naghahalo ang kahel at asul sa kalangitan. "Ang ganda!"


Kumuha ako ng mga litrato. Buti na lang, nadala ko yung cellphone ko.


Ilang saglit pa, napagpasiyahan na naming bumalik sa resort. Walang salita. Naglakad kami na walang umiimik. Nakakabingi ang katahimikan. Pero sa mga sandaling 'yon, parang naghuhumiyaw ang puso ko. Naramdaman ko kasi ang paglapat ng mga kamay niya sa kamay ko. He held my hand. He intertwined his hand with mine.


I was lost.


I can go on like this for life.


It was as if I'm holding on to something that once it's gone, I'd be better gone as well.


At sa mga oras na 'yon, pakiramdam ko, siya na talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top