ILYS 44: Save Me

"Tell me what happened, kaps!" Pangungulit sa'kin ni Ella kinabukasan.


Hindi kasi kami nakapag-usap man lang bago umuwi. Nauna kasi ako sa kaniya dahil kasabay niya sina Eros at Tita Erika kagabi.


"Wala naman nangyari. Nag-usap lang kami."


"Yun lang?" Mukhang 'di siya nakuntento sa nakuhang sagot.


"Hinatid niya 'ko pauwi."


"Yun lang?"


"Bakit ba, kaps?" Tanong ko na nagtataka kung bakit para siyang interrogator ngayon at parang nasa hot seat naman ako.


"Akala ko pa naman, sinabi na..." Naputol ang sinasabi ni Ella nang dumating si Eros.


"Ella! May Book Fair sa mall malapit sa'tin mamaya! Punta tayo? Tapos coffee na rin tayo after!" Eros said cheerfully as if his eyes were smiling as well. At hindi ako in-invite ni Bakla. May bago na ba siyang best friend or...


"Magde-date kayo?!" Bulalas ko! Kinurot ako ni Ella sa tagiliran. "Wushuuu! Kilig ka lang eh!"


"Lili!" Duet pa sila sa pagsigaw ng palayaw ko. May something fishy sa dalawang 'to.


"Oo na. Shut up na 'ko!"


"Balita ko, olats na sa'yo si Kenneth ah?" Pag-iiba ni Eros sa usapan.


"Kinuwento niya?"


"Gusto mo talaga si Ian?" Tanong ni Ella. "Tama hinala ko!"


"Ano nang balak mo, Lee?" Tanong ni Eros.


"Wala." Wala naman talaga. Bukod sa pag-amin ko sa sarili kong gusto ko si Ian, wala naman akong balak gawin. O aminin.





***





Hindi nga talaga ako sinama nina Eros sa Book Signing pagkatapos ng klase. Inaya naman nila ako pero ayokong ma-OP. Hindi na rin nila ako pinilit. Alam kasi nilang allergic ako sa libro.


Nagpunta na lang ako sa convenience store malapit sa school para bumili ng snacks. Magmu-movie marathon na lang ako mag-isa sa bahay. Sanay naman akong mag-isa...


Busy sina JB, Ian, Ed, at Kenneth sa training nila sa basketball. Si Kae naman, magre-review daw siya para sa UPCAT. Malapit na kasi ang mga college entrance exams kaya heto ako, walang pakialam at hindi na alam kung saan ako pupulutin pagka-graduate ko ng high school.


Mukhang mali yata na umuwi ako nang mag-isa. Paglabas ko sa convenience store, may isang pamilyar na lalaki ang sumalubong sa'kin.


"Jonna Lee." Bigkas ng lalaking mukhang hoodlum sa pangalan ko, a smirk plastered on his lips.


"I-ikaw? A-anong kailangan mo sa'kin?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong tumakbo pero parang tinakasan ako ng lakas.


"Wala naman. Gusto ko lang maglaro, Lee. Pero wala kasi akong kalaro eh. Pwede bang ikaw na lang?" Humakbang siya papalapit sa'kin. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Naunahan ako ng takot.


"Lumayo ka sa'kin! 'Wag kang lalapit!" Napahigpit ang hawak ko sa bag ko habang inililibot ang tingin sa lugar. Tahimik, walang tao, walang pakalat-kalat. Kailangan kong tumakbo. Yun lang ang paraan dahil mukhang wala akong mahihingan ng tulong.


I heard Owen chuckle. "'Wag kang matakot. Magkwentuhan muna tayo." Humahakbang siya palapit sa'kin habang umaatras ako. "Si Kenneth. Umalis siya sa grupo kasi may nagugustuhan siyang babae du'n sa school niyo. Gustong magpaka-prinsipe. Hayun! Iniwan kaming tropa niya na ang hilig lang daw sa buhay ay 'basag-ulo'. Gag*ng 'yon! Walang kwentang leader! Iniwan kami sa ere para sa babae!" Patuloy pa din siya sa paglapit sa'kin. Naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan 'yon.


"Ikaw ba yung babaeng 'yon, Lee?" Scared is an understatement. This is a life and death situation! Naiinis ako kapag nakakapanood ako ng ganitong mga eksena sa TV. Yung tipong nasa panganib na yung bida pero ayaw pa ring tumakbo! Pero sheet lang kasi 'pag ikaw na pala yung nasa sitwasyon, hindi ka makakatakbo agad dahil maghahalo-halo muna ang takot, kaba, gimbal at kung ano-ano pa!


"Ewan ko!" Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob saka tuluyang tumakbo. Hindi pa man ako nakakalayo pero naabutan ako ni Owen. Nahawakan niya ang braso ko.


"Teka! Sa'n ka pupunta, Lee? 'Di pa tayo tapos!" nagpupumiglas ako pero malakas siya. "Siguro nga, ikaw 'yon! Ilang taon na niyang gusto yung babaeng 'yon. 'Di ko rin siya masisisi kung bakit tinalikuran niya yung grupo. Pero meron 'pang mas nakakainis do'n, Lee. Alam mo ba kung ano?"


Wala akong pakialam, Owen! Juice colored! Someone, please save me!!!


"Yung kuya mo! Inagaw niya sa'kin si Lavinia! At kung meron man akong gustong burahin sa mundo, hindi si Lavinia 'yon!" His touch was unwelcome. Nakangisi siya at hindi ko gusto ang tingin niya. "Si Marc." Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "At ikaw."


Sinampal ko nang malakas si Owen. "Bitawan mo'ko!" utos ko sa nagbabantang boses habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko.


"C'mon, Lee! Bago kita iligpit, maglaro muna tayo!" Bigla na lang niya akong hinapit sa baywang. Kinuha ko ang pagkakataong 'yon para sipain ang alaga niya. "P*ta!" Sigaw niya na namimilipit sa sakit. That's my cue! Tumakbo ako!


Lumiko ako sa isang eskinita para magtago. "Lee, kalma! Mag-isip ka!" Pagkausap ko sa sarili ko. Kailangang makabalik ako sa tamang huwisyo. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Eros. Pero cannot be reached. Ganundin si Ella. Wala sa ulirat na tinawagan ko ang numero ni Gab.


Nag-crossfingers pa 'ko, umaasang sasagutin niya. "H-hello?" Sabi ko sa kabilang linya. "Gab? Tulong! Please! Tulungan mo 'ko."


Ewan ko. Hindi ko alam kung mabubwisit ako kasi hindi nagsasalita si Gab sa kabilang linya o kung kakabahan ako na baka mahanap ako ni Owen. "Gab? Kenneth? Kung sino ka mang kausap ko ngayon, please, tulungan mo'ko." Pagmamakaawa ko.


"Nasa'n ka?" Tanong ng taong kausap ko. For the first time, I heard Gab's voice! At kung tatanungin kung kamusta ako ngayon? Mindblown!


Sinabi ko kung nasaan ako. He didn't end the call but he never spoke again.


"Nandito ka lang pala! 'Wag ka nang pakipot." Inilang hakbang lang ni Owen ang pagitan namin. Nakangisi si Owen at parang walang bakas na nasaktan kanina. Hindi ko talaga gusto ang paraan ng pagtingin niya sa'kin. Hinapit niya ulit ako sa baywang. He suddenly became touchy-feely, sobrang lakas na ng tibok ng puso ko, I can almost hear it!


Nagpumiglas ako. Malakas si Owen. Obviously. Member ng frat 'to eh! Nang lumapat ang kamay niya sa braso ko, kinagat ko ang braso niya. Nakatakas ako ulit! Tumakbo ako! Ngayon, na-realize ko na ang kahalagahan ng exercise araw-araw at ng Track and Field sa P.E. subject namin. Kung hindi ko lang kinatamaran 'yon dati, edi sana, malayo na ang agwat ko kay Owen ngayon. Malayo-layo na rin ang tinakbo ko – feeling ko lang. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naabutan na naman niya 'ko!!!


"Hard to get. Gusto ko 'yan!" He drew closer to me. Akmang hahalikan ako ni Owen nang may humila ng kwelyo ng suot niya palayo sa'kin.


Nang makita ko siya, the fear that I felt earlier was washed away. Medyo na-shock lang ako sa kaseryosohan ng mukha niya at walang dudang galit. I've never seen him like this before. Hinihingal din siya, mukhang tumakbo siya papunta rito.


"Layuan mo si Lee." Sabi ni Ian sa mapanganib at malamig na tinig. Parang nagbabanta.


Nanlaban si Owen kaya nakawala siya sa pagkakahawak ni Ian. "G*go ka ah! Sino ka ba?"


"Ako?" Humakbang papalapit kay Owen si Ian. "Ang bangungot mo." Walang kasere-seremonyang lumapat ang kamao ni Ian sa mukha ni Owen.


Bumagsak si Owen na duguan ang ilong. "T*rantad* ka!" Tinangkang tumayo ni Owen pero may kung sino nang sumipa rito dahilan para bumagsak ulit.


"Ako nang bahala dito, Ian," it was Kenneth. "Iuwi mo na si Lee."


"Sigurado ka?"


"Oo naman. Saka may dapat ka pang sabihin sa kaniya 'di ba?" Kenneth winked at me. "Ipaubaya mo na sa'kin 'tong isang 'to. May atraso pa 'to sa'kin," ani Kenneth na tinutukoy si Owen. "Parating na rin naman yung mga pulis."


Tumango lang si Ian, hinawakan ako sa braso, at tahimik na inilayo ako sa lugar. Nang makarating kami sa bahay ko, iniharap niya 'ko sa kaniya.


"May masakit ba sa'yo? Sinaktan ka ba niya? Ayos k–"


Pinutol ko ang sinasabi ni Ian. "O-okay lang ako. Salamat."


"Nag-alala ako sa'yo." Nawala na ang galit na nakita ko sa mukha niya kanina. I will not forget the gentleness that I see right now in his eyes.


"Yung sumagot sa tawag ko..." I looked intently at his eyes. Gusto kong malinawan. "Bakit boses mo yung narinig ko?"


"Lee,"


"Hawak mo lang ba yung phone ni Gab, I mean, ni Kenneth kanina?" ewan ko. Pero bakit mas kinakabahan ako ngayon kesa kanina? Lee, maraming nabibiktima ang maling akala. Protect your heart. "O baka naman –"


Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.


At the moment he finished my statement, I froze on my tracks.


"Dapat sinabi ko na 'to sa'yo noon pa. Akala ko kanina, hindi na kita maaabutan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo o kapag nawala ka sa'kin. Sana nasabi ko na sa'yo noon pa."


"Ian."


"Lee." He reached for my hand. "Mahal kita. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung mawala ka sa'kin." A tear fell from his eyes.


"Gab." I said. I wasn't asking if he's Gab. It's a statement.



To confirm my intuition, nagsalita siya...






"Ako nga."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top