ILYS 43: Honestly
"Summer has come and passed. The innocent can never last. Wake me up when September ends." Naririnig namin ang wala sa tonong pagkanta ni Ed habang nagbubura ng mga nakasulat sa blackboard.
"Eduardo!" Sabay-sabay na sigaw ng squad kay Ed. Nakaka-damage ng eardrums kasi yung boses niya.
Sinamaan niya kami ng tingin at nagsalubong ang kilay. Ayaw na ayaw niyang tinatawag sa totoong pangalan. Okay na raw kasi siya sa Ed o Edward.
"Ber months na! Ang bilis!" Sabi ni JB na nag-aayos ng mga arm chairs. Busy naman kami nina Ella at Kae sa pagwawalis. Cleaners kami ngayon.
Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang yumao si Lavinia. Hindi na rin pumasok si Iris simula no'n kaya binibisita na lang namin siya sa bahay nila paminsan-minsan. Kasama na niya ang mama niya pero lumalabas pa rin ang mga identities niya. Hindi pa kasi siya nakukumbinsing magpa-treatment dahil apektado pa rin siya ng pagkawala ng Ate niya.
"Malapit na birthday ni Eros. Anong balak natin?" Tanong ni Kae.
"Malapit na rin birthday ni Ella. Si Eros sa 12, si Ella sa 21. Uuuy magka-birthmonth!" Panunukso ko kay Kaps. Noon pa kasi niya ipinipilit na meant to be sila ni Eros dahil sa birthdays nila.
"Tara! Mag-drawing na tayo! Basta ba, kukulayan niyo ha!" Sabi naman ni Ed.
Pagkatapos naming maglinis, dumeretso na kami sa court. May Science Fair ngayon. Nasa booth na nila sina Eros, Ian, at Kenneth. Ang daming mga estudyante sa exhibits. Lahat kasi ng year levels, kasali.
"Lee! Dito!" Narinig kong tawag ni Eros. Nilapitan namin siya.
"Ano 'yan?" Turo ko sa science experiment ni Eros.
"Ito? Elephant toothpaste."
It looks like toothpaste coming out of a tube pero ito, sobrang laki. Gawa iyon sa hydrogen peroxide liquid, dry yeast, warm water, liquid dish washing soap, at food coloring.
Naglibot-libot pa kami sa exhibit. Yung kay Kenneth naman, parang diorama. Pinapakita naman niyon yung volcanic eruption. Gawa sa paper mache yung bulkan. Gawa sa food coloring, suka, baking soda, at liquid dish washing soap yung lava.
"Tapos mo na ba yung worksheet sa Math?" Tanong sa'kin ni Kenneth. Wala pa namang estudyante sa booth niya kaya dito muna ako tumambay habang naglilibot-libot yung ibang squad. Ang dami kasing tao kaya tinatamad akong maglakad.
"Oo. Nakakopya na 'ko kay Eros."
Ginulo niya yung buhok ko saka tumawa. "Huwarang bata!"
"Idol kaya kita! Nangongopya ka rin naman sa'kin eh!"
"'Di naman lagi."
"Sus! Ewan ko sa'yo!" Tumawa din ako. Napadako yung tingin ko sa booth ni Ian.
May mga babae sa booth nina Ian. For sure, si Ian ang pakay nung mga 'yon at hindi yung science experiment. May paghawi pa ng buhok at pagkindat yung mga babaeng pinaglihi yata sa kiti-kiti.
Manghang-mangha naman yung mga babae sa rapid color changing chemistry experiment ni Ian.
"Ang galing galing mo talaga, Ian!" Pumapalakpak na sabi ng isa.
"Ang galing mo na, ang gwapo mo pa!" Sabi nung isa.
"Halata namang nagpapa-cute yung mga 'yon. Anong magaling do'n? Eh parang nagsalin lang si Ian ng tubig sa baso? Magaling na agad? Tss!" Nasabi ko yata kung ano yung tumatakbo sa isip ko. Nagsalita si Kenneth.
"Selos ka?"
"H-hindi ah!" Todo iling ako.
"I knew it!"
"Hindi nga!"
"Alam kong nararamdaman mo, Lee. Gusto mo siya."
"Wala kang alam, Kenneth. Hindi gano'n yo'n."
"Ouch." Umakto siyang nasaktan sa sinabi ko. Nakatapat ang kamay niya sa dibdib at kunyari'y namimilipit sa sakit.
"Ang arte!" Ngumiti siya. Pero bigla siyang nagseryoso tapos tumingin sa'kin.
"Ako ba talaga? O baka ikaw ang walang alam?" Tumayo si Kenneth, akmang aalis, at iiwan ako.
"Huy! Sa'n ka punta?!" Tanong ko sa kaniya.
"Sa tabi-tabi. Ikaw na muna magbantay diyan ah!" Umalis na siya nang tuluyan. At talagang iniwan ako! His question boggles my mind the rest of the day.
***
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday... happy birthday to you!"
Nasa Las Piedras Events Place kami para sa birthday ni Eros. Nakulayan ang drawing namin! Sinagot ni Tita Erika ang expenses. Kumpleto ang squad. Hindi nakasama si Kuya dahil may pinuntahan siyang convention. Nandito si Tita Erika at ang Ate ni Eros. Hindi dumalo si Tito Rey dahil galit pa rin daw ito sa kaniya. Dumating din si Iris at ang mama niya.
Nang mag-umpisang tumugtog ang slow music, unti-unting napuno ng mga couples ang dance floor. Maraming bisita si Eros. After all, he's been very friendly and amiable to his family and friends.
Nakaupo lang ako habang pinanonood ang mga nagsasayaw. Nakita ko si Kae at JB sa dance floor. I even saw Ed with one of our classmates. Ella's dancing with Eros. Mukhang hindi na allergic si Eros sa girls ah! Hahahaha
Pero sa isang bulto talaga napako ang atensyon ko. May kasayaw si Ian. Isa rin sa mga kaklase namin. They're slow dancing.
Sana ako na lang.
Erase. Erase. Erase. Ano ba 'tong iniisip ko. Hahaha
In denial ka pa rin ba, Lee?
My mind's tormenting me. Parang gusto kong palitan yung kasayaw ni Ian ngayon.
May kamay na nakalahad sa harapan ko. It was Kenneth's. "Shall we dance?"
Tumango ako. Dinala ako ni Kenneth sa dance floor. At parang sinadya niya rin na malapit kami sa pwesto nina Ian.
Pasimple akong sumulyap sa kaniya at sa kasayaw niya. The girl's enjoying it! She's close to hugging Ian. And that smile of hers! Mukhang hindi niya bibitawan si Ian.
I noticed Ian threw glances at me. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. We locked gazes for a moment. Hindi ko siya mabasa.
"Ako ang kasayaw mo pero iba ang nasa isip mo." Sabi ni Kenneth. Na-guilty naman ako. Hindi ko kasi namalayan na may sinasabi pala siya.
"Sorry. Ano nga yun?"
"Kanina mo pa siya tinitingnan. Paano naman ako, Lee? Kailan ka magkakaroon ng pagtingin sa'kin?"
"Kenneth..."
"'Wag mo nang sagutin." Ngumiti siya sa'kin. "I'm so glad, I met you, Lee. You're captivating that I actually took the free fall. But I don't think you can love me back." Kenneth's a precious guy. He could spellbind and charm any girl out there. To think, he's Gab! Gab's bubbly; he's nice. Gab made me feel special. So did Kenneth. Pero if Kenneth is Gab or if Ian were Gab, wala na 'kong pakialam. Nagustuhan ko si Gab, thinking all along that he's Ian. Ang tagal kong naguluhan kung sino ba talaga sa kanila ang nagustuhan ko. Now, I think I've learned who made my heart pound like crazy.
"Kenneth, I'm sorry." Kenneth hugged me. He caressed my head then softly muttered.
"I know. But don't worry." Tumigil ang tugtog. We stood apart looking intently at each other's eyes. "You just broke my heart, Lee." Tumawa siya.
"Kenneth, sorry. I just can't..." I really feel sorry for Kenneth. I know how greatly he vocally expresses his love for me. Pero hindi ko siya kayang mahalin sa paraang gusto niya. Maybe I can love him – as a friend, nothing more, nothing less.
His face turned serious. "Ganun naman talaga ang buhay. Some things are meant to fall apart in order for better things to fall into its rightful places. Alam ko namang hindi mo gustong saktan ako. In the first place, ako lang naman ang mapilit. Just go after what your heart truly says. I'll be happy with just that."
"Sorry." That's what all I can say. Ewan. Parang nagi-guilty ako. Kenneth's been good to me ever since. He doesn't deserve this. He deserves what's best.
"You're not hard to read." Hinawakan ni Kenneth ang kamay ko – mahigpit – as if assuring me. "Okay lang ako, Lee. I'll get over this. You should, too. Wala lang 'to." Tapos ginulo niya yung buhok ko habang nakangiti. Parang hindi na-basted.
Another song came up in the air. Lumapit sa'min si Ian at yung babaeng kasayaw niya. Ian looked at me and lends me his hand.
"May I?" He asked.
Lumingon muna ako kay Kenneth. He nodded as if approving, then smiled at me. "Let's be true to ourselves." He turned his gaze from me to Ian, then, I reached for Ian's hand.
Nagsalita ulit si Kenneth, "When you love someone, it can be felt through actions. But saying how you really feel won't hurt you. Words without actions are useless. But remember, actions without words can be confusing."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top