ILYS 42: Gloom
"Nakatakas si Owen. Bullsht!" Nagtatagis ang bagang na sabi ni Iris. Nasa labas kami ng ER at naghihintay sa balita ng mga doktor. Ako, si Eros, at si Kuya, nakaupo kami sa waiting area habang palakad-lakad si Iris. "Hindi pwedeng makatakas si Owen! Kailangang magbayad siya sa ginawa niya kay Lavinia!" Ramdam ko ang galit ni Iris dahil sa nakakuyom niyang kamao.
Hinuli ng mga pulis yung mga kasama ni Owen na nabugbog nina Kuya at Iris. Unfortunately, nakatakas si Owen.
"Iris, umupo ka na nga, nahihilo ako sa ginagawa mo eh!" Sabi ni Eros at iminwestra ang bakanteng upuan sa tabi niya.
"Hindi ako si Iris na masyadong mahina! If she only knows how to handle pain or mental stress, wala sana ako dito."
"Ixea?" I tried to perceive. I have a hard-time dealing with Iris. Sunod-sunod na nagpakita ang mga identities niya.
"Ixea? That spoiled little brat! Akala niya, lahat ng gusto niya, makukuha niya. Masyadong matigas ang ulo!"
"So sino ka? Imposibleng ikaw si Jia!"
"Ako si Ayame."
Hilong-hilo na 'ko sa takbo ng mga pangyayari. At first, 'di ako naniniwalang may DID si Iris. It's rare to encounter instances gaya nito. Tapos, si Owen pala si 'The Rock' – yung kinukwento ni Kuya na number two ni Lavinia. Ang liit nga naman ng mundo! Kasama si Owen sa frat ni Kenneth noon. Tapos muntik nang malagay sa alanganin si Kuya dahil sa Own na 'yon!
Maya-maya, lumabas na yung isang doktor mula sa ER. Hinanap agad nito ang pamilya ni Lavinia. The doctor then turned to Iris – or Ayame – to drop the news.
"I'm sorry, she didn't make it."
Sa hinaba ng sinabi ng doktor, 'yan lang yung tumatak sa isip ko. Hawak ko ang kamay ni Kuya. Kahit nagalit ako kay Lavinia, napupuno ng sakit ang puso ko. Alam kong mahal ni Kuya si Lavinia. If he doesn't, hindi ko makikitang umiiyak nang ganito si Kuya.
Napatingin ako kay Ayame na poker-faced lang. If she's sad, or breaking, no one knows. Parang may sariling buhay ang mga paa ko, lumapit ako to console her leaving Kuya crying his heart out.
"Ayame."
"Fck my alter egos! Bakit hindi sila lumalabas ngayon! They should've been dealing with this crap! Wealklings!" Nanatili siyang nakatayo. She had this strong aura and a fiery rage. Hinawakan ko ang kamay niyang nanginginig sa galit. "Ano sa tingin nila? Kaya kong maging okay kahit hindi? Na kaya ko ang sarili ko at ako ang haharap sa problema nila? Ang hihina nila!"
"Ayame."
"Tang*na! Iris lumabas ka!!!" Lumapit si Eros para tulungan akong pigilin si Ayame na nagwawala na ngayon. Sinusuntok niya ang sarili. Nang hawakan namin siya ni Eros, nagpupumiglas siya.
"Ayame, tama na please!" Sabi ko, pero hindi siya nakikinig. Sinasaktan niya ang sarili niya.
"Kung hindi sila mahina, natulungan sana nila si Lavinia. Wala sanang ako! Hindi ko sana nararamdaman 'to! Ako ang sumasalo sa mga problema nila. Sa tuwing malulungkot si Iris, sa tuwing hindi nakukuha ni Ixea yung gusto niya, pinapalabas nila 'ko! Jia's not even helping! Pagod na 'ko! Ayoko na!" Sinasabunutan niya na rin ang sarili niya. The doctor called out a nurse. May nilabas na syringe yung nurse at itinusok kay Ayame. Ilang saglit pa, her movements were lessened at nawalan siya ng malay.
***
"Puntahan natin si Iris. Nag-aalala ako sa kaniya eh." Sabi ko sa squad kinabukasan. Kakatapos lang ng klase. Ikinwento ko sa kanila ang kondisyon ni Iris at ang nangyari kay Lavinia kahapon. Laking pasasalamat ko nang maunawaan nila ang gusto ko. Hindi na ko galit kay Iris dahil wala siyang kasalanan sa'kin o kay Kimee. It was Ixea all along. At hindi na rin ako namumuhi kay Lavinia. Ngayong alam ko na kung ano talaga si Kuya para sa kaniya, pinapatawad ko na siya. Sana lang, mapatawad niya rin ako.
"Ikaw? Ayos ka lang ba? Nag-alala din ako sa'yo." Sabi ni Kenneth sa'kin. Umakbay sa kaniya si Edward.
"Eh kayo? Ayos na ba kayo? Halos magsuntukan na kayo kahapon sa harap ko eh. Akala ko magka-galit kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ayos na kami, boy! May misunderstanding lang, pero okay na kami. 'Di ba, lover boy?" Ginulo ni Ed yung buhok ni Kenneth.
"'Wag mo na isipin 'yon, Lee. Ano? Punta tayo mamaya kay Iris?" Tanong ni Kenneth sa iba pa naming kasama. Sumang-ayon naman sila.
***
Naabutan namin si Iris na natutulog sa private ward na may isang babaeng nakaupo sa gilid ng kama niya. Nakatunghay kay Iris ang babaeng feeling ko ay nasa late forties. May basket ng prutas sa bedside table. Naramdaman siguro ng babae ang presensiya namin kaya hinarap niya kami. Sa paglingon niya, nakita kong pinahid niya ang luha sa mukha niya.
"Anong kailangan niyo?" Malumanay na tanong ng ginang.
"Mga kaklase po kami ni Iris. Bibisitahin lang po namin siya." Sabi ko. Tumango naman ang babae. Pinaupo niya kami sa sofa. "Magandang araw po. Sino po pala kayo? Kamag-anak niyo po ba si Iris?"
Mukhang nag-alinlangan ang babae kung sasagutin ako o hindi. Umawang ang bibig nito pero itinikom ulit. Tapos, may luha ulit na umalpas sa mata niya.
"Okay lang po kayo, Ma'am?" Lumapit si Ella sa babae at inabutan ito ng panyo.
"A-ako ang mama ni Iris."
Buong akala ko, wala nang magulang si Iris at Lavinia. Lagi kasing sila ang magkasama. Nung magnobyo pa kasi si Kuya at Lavinia, never daw siyang pinakilala sa parents nito. Ni wala raw family picture sa bahay nito.
"Kasalanan ko 'to." Patuloy sa paghikbi ang ginang. Hindi namin alam ang gagawin. Nanatili kaming nakatitig sa babae at palipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa natutulog na si Iris.
Maya-maya pa, ang babae na ang bumasag sa katahimikan.
"Iniwan ko sila ng Ate niya. Walong taong gulang si Iris no'n. Sumama ako sa ibang lalaki. Nagpatukso ako. Nagkamali ako. Hindi ko akalaing ikamamatay 'yon ng tatay nila." Pinunasan muna niya yung luha niya bago siya nagpatuloy. "Nagkaroon ng DID si Iris. Nagalit sa akin si Lavinia. Nung gusto ko nang balikan silang dalawa, lumayo na ang loob sa akin ng panganay ko, inilalayo na niya sa'kin si Iris. Nakita ko silang lumaki pero hindi ako makalapit.
Nagmana siguro sa'kin si Lavinia. Madali siyang matukso." Tumawa ito nang mahina pero agad ding napawi 'yon. "Yung isang pagkatao ni Iris, si Jia. Pakiramdam ko, ginawa siya ng utak ni Iris para alalahanin yung masaya niyang kabataan. Yung pagkataong hindi alam kung gaano kasakit yung sinapit niya. Si Ixea, 'pag may gusto siya, gusto niyang makuha. Sasabihin niya kung anong nasa isip niya. Ibang-iba sila ni Iris dahil hindi kaya ni Iris 'yon. Nasasaktan na siya pero itinatago pa rin niya. Ayaw niyang maging pabigat sa Ate niya."
Hindi namin alam ang dapat maramdaman sa mga oras na 'yon. Tahimik lang kaming nakikinig sa mama ni Iris. Ngumingiti siya sa amin pero yung ngiting alam mong pilit. Nagpatuloy siya.
"At si Ayame. Ang tapang tapang niya. Kung naging persona siya ni Iris, alam ko - naniniwala ako, hindi mahina ang anak ko. May tapang sa kaibuturan niya. Gagaling siya." Hinawakan niya ang kamay ni Iris saka 'yon hinalikan.
Noong araw na nakausap ko ang guidance counselor namin, sinabi niyang ang kawalan ng magulang ni Iris at prolonged periods of isolation due to illness ang sinisising dahilan sa pagkakaroon nito ng DID. Walang ibang naging kaibigan si Iris bukod kay Lavinia. Yung mga babaeng kasama niyang pagtulungan ako sa cr noon, I don't think they're her friends. Pawang mga fans lang talaga sila nina JB, Ian, Ed, at Kenneth na nakipagsanib-pwersa kay Ixea.
"'Wag po kayong mag-alala, tutulungan po namin si Iris." Sabi ko. "Hindi po siya mag-iisa. Dadamayan namin siya. Tama po kayo. Gagaling po siya."
Ilang minuto pa, gumising na si Iris. Akmang tatayo na sana ang mama niya pero hinawakan ni Iris ang kamay nito. "Mama."
"Iris." Kasabay ng pag-iyak ni Iris ang paghikbi ng nanay niya.
"Ma, 'wag mo 'kong iwan, Ma. 'Wag mo na 'kong iwan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top