ILYS 4: Creeper
"Kuya, Greenwich! Pizza lang sapat na!"
Mamumuti muna yata ang uwak at ang eyeballs ko bago kami kumain. Kasalukuyan kaming nasa mall ni Kuya Marc dahil magkikita sila ni Lavinia, yung original mean girl galing sa Princess Sarah. Joke! Siya ang girlfriend ni Kuya. Pero hindi ko siya gusto para sa pinsan ko. Basta!
"Sabi na nga ba, dapat kumain ako bago tayo umalis ng bahay e. Kung gagawin mo akong chaperone, sana huwag mo naman akong gutumin, kuya," naghihinagpis na sabi ko kay Kuya Marc. Aba! Mokong na 'to! Poker face lang ang sagot sa akin. Hindi marunong maawa.
"Ayun! McDo. Okay na sa 'kin yung one-piece chicken, isang large fries, spaghetti, isang hot fudge sundae at isang napakalamig na coke, kuya. Samahan mo na rin ng chicken burger, kuya, take-out please." Nagpuppy eyes ako, umaasa akong madadaan ko siya sa charm ko kaso wala e. Manhid siya.
Nasa foodcourt kami ngayon, nakatambay. Dito pa talaga! Kumakalam na talaga yung sikmura ko tapos dito pa talaga?!
"Kuya, ayun! Yellow cab! Masarap yaaaaa-" fading away ang boses ko dahil fading away na rin si Kuya. Palibhasa, nakita na niya si Lavinia kaya agad niyang nilapitan yung bruha, este, yung chaka, este, basta! Sumunod naman ako.
"Oh," hinablot ni kuya yung kamay ko at may kung ano siyang nilagay sa palad ko. "Ayan, isang libo. Bumili ka ng pagkain mo. Tapos umuwi ka na."
"I'll keep the change, kuya ha?" Ganito na lang parati. Kapag kasama na niya si Lavinia, gusto na ni kuya na mawala na 'ko sa eksena.
Nakita kong umangkla ang braso ni Lavinia sa braso ni Kuya. Parang linta kung makakapit. Nakangiti pa nang nakakaloko.
Laging nagpapasama sa akin si Kuya kasi ayaw na ayaw niyang maghintay nang mag-isa para kung mainip man siya, may karamay siya. Tapos, kapag dumating na si Lavinia, isang wicked smile lang nito sa kaniya, parang gusto na niya akong i-echapwera.
Ayoko pang umalis. Nakipagtitigan ako ng masama kay Kuya. Badtrip ako. Naiinis talaga ako kay Lavinia. Nakakunot na ang noo nito sa akin. Nanlilisik ang mga mata na para bang sinasabi sa akin na 'Shoo! Your Kuya's mine now so back off'. Sarap lang sabunutan.
"Honey, tara, let's go na. Tell that kiddo to go home na," pa-bebe na sabi ng babaeng kinapos sa tela ang suot. Naka-tube ito, red, at may kapares iyon na short shorts. Over sa pagka-daring ang outfit ni Lavinia, halos ibandera na ang kaluluwa, tapos pa-bebe? Sarap ipalapa sa bulldog.
Nilingon naman ni Kuya si Lavinia. Nag-eye to eye contact sila. Jusko. Mukhang masama ituuu!
"Umalis ka na, Lee. May lakad pa kami ni Lavinia." Hindi pa rin napuputol ang eye contact nilang dalawa. Parang nahihipnotismo si Kuya. Sobrang badtrip talaga. Paano na 'ko? Ako na lang mag-isa?
"Ok. Alis na 'ko. Ingat ka, kuya. Makamandag 'yan. Armado pa ng gayuma." Sinamaan ko ng tingin si Lavinia. Naningkit naman ang mga mata niya. Halata namang inis siya sa presensiya ko dahil masyado rin naman akong vocal sa disgusto ko sa kaniya.
Ganoon nga ba talaga ako ka-selfish? Alam kong gusto siya ni Kuya pero parang may mali. Para na-gayuma si Kuya. Uso pa ba 'yon?
Naglakad-lakad na lang ako palayo sa kanila. Ano nang gagawin ko ngayon? Ayoko namang umuwi na lang agad. Sayang ang effort ko sa pagpunta rito.
Linggo ngayon at sa halip na siesta ang inaatupag ko ay naririto ako sa mall at mag-isang nagwi-window shopping.
Kung hindi lang ako kuya's girl, hindi talaga ako sasama sa kaniya kanina eh.
Napagdesiyunan kong magpunta sa movie house. Habang naglalakad ako patungo sa aking next destination, may kamay na biglang lumapat sa braso ko. Napamulagat ako!
"Lee."
"Kimee!"
"Sa'n ka punta? Sama ako! Wala akong kasama eh..."
Para namang gustong pumalakpak ng tainga ko sa narinig. Sa wakas ay may nagkusa na ring dumamay sa pag-iisa ko.
"Nga pala! Bumili ako ng dress kanina para sa event bukas sa school. May susuotin ka na ba bukas, girl?" Tanong ni Kimee.
"Marami naman akong damit. Pipili na lang ako sa mga 'yon. Hindi ko na kailangang bumili pa ng bago."
"Anong marami? E, mini-mix and match mo lang naman ang mga damit mo sabi ni Eros. Most of it, antigo na nga yata eh," sabi nito. "Grabe ka, Lee! To think na... you're friends with certified fashionistas?!" anito na ang tinutukoy ay ang sarili at si Eros.
"Mahirap lang ako. Kailangan kong magtipid," katwiran ko.
"Mayaman naman pamilya mo."
"Sila 'yon, hindi ako."
It's not that wala akong pambili ng mga damit, hindi lang ako fashionista. Fashionistas go after the trend. Alam kong magastos iyon. Kung ano lamang ang mga damit na mayroon ako, sapat na iyon. Bibili lang ako kung talagang kailangan.
Isa pa, hindi naman ako kagaya ni Kimee at ni Eros na die-hard fan ng mga kolorete sa mukha at magagarang damit. I'm Lee at naniniwala ako sa kasabihang simplicity is beauty. Mark that!
"Bakit ba ayaw mong bumili kahit isa lang? Magpakasaya ka naman kahit minsan lang."
"Kimee, mahirap kitain ang pera. I-try mo kaya minsan, for experience."
Kimee rolled her eyes then chuckled.
Dahil minana ko ang pagiging kuripot mula sa mga magulang – ayon kay Eros – "praktikal" ang paborito kong salita. Praktikal kasi ang magtipid para sa hinaharap. Tama naman ang pilosopiya ng mga magulang ko. Know your main concern. Learn to prioritize.
Sa huli, pumayag akong samahan niya 'kong bumili ng susuotin ko para sa event bukas. I decided to just go with the flow. Hinayaan kong si Kimee ang mamili ng bagay sa'kin.
Hindi maikakaila na maganda ang taste nito sa pananamit. Hinila niya ako papunta sa isang pamosong boutique nang may makita raw siyang damit na babagay sa akin.
Iniabot sa akin ni Kimee ang isang red lacy strapless dress na knee-length ang haba. Naghuhumiyaw ang tingkad ng kulay niyon kaya't todo iling ako.
Pero dahil kinaladkad niya 'ko papasok sa fitting room, I was left with no other choice. When the dress perfectly fit in, she bought it for me. The rest of the day was history.
***
Pagkauwi ko sa mansiyon, este sa bahay, wala pa si Kuya Marc. Malamang ay kapiling pa rin niya si Lavinia sa mga oras na ito. Curse that wicked witch! Inaagaw niya ang atensiyon ni Kuya mula sa akin.
Agad kong hinarap ang cellphone ko. My stress reliever...
Nag-online ako para kamustahin si Ella pero hindi na naman siya online. I sent her a message and told her to just reply if she happens to log in.
Habang busy ako sa pag-scroll down sa news feed, someone messaged me. Nagmamadali kong binuksan iyon, hoping it was Ella, only to find out that the creeper is online again.
Gosh.Siya na naman. Ang sarap talagang i-block nitong tae na 'to.
Prince
My princess!
Kamusta? Missed me?
Jonna Leeeeeee
Alam kong online ka. At alam kong alam mo rin kung gaano kasakit ma-seen Y_Y
Jonns
Jonnq
Jonnz*
JONNA*!!!!11!!!@
Pag sineen mo pa ko ulit, ibig sabihin, crush mo na ko
Jonna Leeeeee
Lee
37OHSSV O773H
Prince
It's not the proper way to say hi ヽ('Д')ノ
(╬ ಠ益ಠ)
Lee
Galit ka na?
Prince
Hindi ko kayang magalit sayo
(^_^;)
Ang saya saya ko nga eh
Kasi pinansin mo ko
Thanks, Lee! :)
Lee
:)
Prince
Sh1t
Smiley ba yaaaaaan
I'VE BEEN DYING TO SEE YOU SMILE
BECAUSE OF ME
FINALLY
Lee
Ariel happened to me..
Prince
Ang gaan sa bulsa 'coz it's just seben pipti ! ~~
Lee
Hahaha
Prince
Is this real? Is this real?
Did you just laugh? O_O
Lee
Hindi ah. Kakaiyak ko lang
Prince
Drop the sarcasm, baby :)
Lee
Anong tinawag mo sakin?!
Prince
Baby?
Baby :)
Lee
\|  ̄ヘ ̄|/_______θ☆( *o*)/
Prince
╰[✖Ĺ̯ಠ]╯
Aww
Grabe ang sakit
Lee
Ayaw kita kausap ngayon
And please, stop creeping out, you! Stalker!
Prince
I'm not a stalker, btw.
Hindi ko naman sinasadyang nandoon ako kung nasaan ka. Coincidence?
Or should I say...
Destiny?
Hindi ko na ulit siya ni-reply-an. Hindi masyadong naging maganda ang araw ko and it would be stupidity kung papatulan ko pa 'tong estrangherong ito.
Dahil alas-onse na at wala pa rin ang taga-kanta ko ng lullaby ko, nalulungkot ako. Ilang minuto na lang, hatinggabi na, pero wala pa rin si Kuya Marc. Ako lang ang nandito sa bahay. And knowing that it would be Valentine's Day tomorrow, it saddens me even more. Mas lalo ko tuloy nararamdaman na mag-isa ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig ko ang notification alert mula sa cellphone ko.
A message was sent to me. Dahil medyo groggy na ako, I opened one eye.
Prince
Lee!
Akala ko sabay nating hihintayin tong araw na to. It's exactly twelve midnight!
I bet you're sleeping now :(
Pero ayos lang.
Just wanna be the first to greet you
Lee, masaya ako na nakilala kita. Sana tuloy tuloy na to
Happy Valentine's Day, my princess
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top