ILYS 39: Ixea

"Lee, pinapatawag ka sa guidance office."



Ilang araw na rin ang lumipas mula nang mailibing si Kimee. Nakabalik na rin ako sa school dahil sapilitan. Absent si Eros. Hindi ko alam kung bakit. Walang paramdam si bakla magmula kahapon. Si Ella naman daw, miss na daw niya kong kopyahan ng assignment sa Math.



Pumunta ako sa guidance office na nagtataka kung bakit ako pinapatawag ng counselor.



"Have a seat, Jonna Lee." Sabi sa 'kin nung counselor. Itinuro niya yung bakanteng upuan na katapat si ... "Iris, what will you say to her?" Tanong nung counselor sa nakayukong babae sa harap ko.



Naririnig ko yung paghikbi niya. Ano kayang sasabihin niya? Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ngayong kaharap ko siya. Hindi ko kayang magalit o manumbat o manisi. Ayoko sana siyang makita kaso hindi ko naman maiiwasan yung pagkakataong makaharap siya.



"Iris, hija? Say it." Sabi sa kaniya nung counselor sa malumanay na boses. Kinukumbinsi niya si Iris na magsalita.



"S-sorry." Sabi ni Iris na umiiyak pa rin. Nakayuko siya at hindi inaangat ang kaniyang paningin. Kasama sina Staycee at yung iba pang nanakit sa akin.



"Why don't you face your classmate?" Sabi ng counselor kay Iris.



Sa pagkakataong iyon, tiningnan niya 'ko. Namumugto na yung mata niya kakaiyak. Hindi 'yon yung hitsura ng Iris na nanakit sa'kin. Sobrang iba siya dun sa Iris na nanlilisik yung mata at malaki yung galit sa'kin.



"Sorry, Lee. Sorry. 'Di ko sinasadya." Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi niya. Mukha siyang nakakaawa.



Pero hindi ko alam kung anong ire-react ko.



Nagsorry din sa'kin sina Staycee. Hindi ko rin alam kung anong ire-react ko sa kanila. Maya-maya, nakiusap yung counselor na lumabas muna sina Staycee. May pag-uusapan daw kami.



"Lee, hindi ko alam kung anong nangyari. Nalulungkot ako sa nangyari kay Kimee. Hindi ko alam... Sorry. Kung may kasalanan man akong nagawa, sorry talaga. Hindi ko alam kung anong nagawa ko... Sorry, Lee. Sorry..." Patuloy na umiiyak si Iris sa harapan ko.



"Hindi mo alam kung anong ginawa mo?!" May tunog na pang-uuyam yung boses ko. "Baka nakakalimutan mo lahat ng ginawa mo sa'kin, Iris. Kung hindi nalaman ni Kimee lahat ng ginawa mo, hindi ka niya susugurin."



"Lee, maniwala ka. Kung may ginawa man ako, hindi ko yun sinasadya. Hindi ako yun. Lee..." Lumuhod siya sa harap ko. Sinubukan niyang hawakan yung kamay ko pero iniwas ko. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ganito siya ngayon? Nagpapaawa ba siya para hindi siya ma-expel? "Yung nanakit sa'yo, hindi ako yun, Lee. Yung kasama nina Staycee, yung naglagay ng death note sa notebook mo, yung nanggulo sa locker mo, lahat yun, hindi ako."



Paano ko siya papaniwalaan? Inamin niya na siya ang may gawa ng mga yo'n nung araw na kinompronta siya ni Kimee. Hindi ko namalayan, napupuno ako ng galit sa katawan ko. Gusto kong manakit pero hindi ako makagalaw. Parang hindi ko kaya.



"Lee, sa maniwala ka man o sa hindi, itinuring kitang kaibigan. Gustong gusto kong maging kaibigan mo, pero si Ixea kasi..."



"Ixea?"



"Si Ixea, yung isang personality ko, galit siya sa'yo, Lee. Sinubukan ko namang i-control siya, Lee. Maniwala ka. Pero hindi ko kaya. Naging mahina ako, Lee..."



"Ano?"



Mukhang napansin naman ng guidance counselor na mukhang naguguluhan ako sa pinagsasabi ni Iris. Siya na ang nagpaliwanag sa'kin.



"Si Ixea yung isang personality ni Iris. Iris suffers from DID. Meaning, may Dissociative Identity Disorder o multiple personalities siya na lumalabas at random times once na may trigger na nag-stimulate. Apparently, Ixea is the most spiteful one at ang sabi ng psychiatrist ni Iris, Ixea's drive is overpowering for Iris. Hindi alam ni Iris lahat ng nangyayari kapag present si Ixea."



Nagsalita ulit si Iris. "Lee, si Ixea. Gusto niya si Ian. And she despises the fact na malapit ka sa kaniya. I'm sorry, hindi kita nabalaan. Hindi ko alam na aabot sa ganito. Nadamay kayo ni Kimee sa kalagayan ko." Dagdag ni Iris. "Lee, totoo. gusto kitang maging kaibigan. Sana mapatawad mo 'ko – at si Ixea. Pero sa tingin ko, kailangan ko nang lumayo sa inyo..."



Pabalik ako sa classroom namin na tulala. Parang ayoko munang pumasok. Imbes na sa classroom ako tumuloy, nagpunta ako sa rooftop ng building ng seniors. Magka-cutting ako.



Si Iris, may DID.



Nung una ko siyang makita, ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Pero at times, parang hindi maganda ang awra niya. Yun pala, may alter ego siya. Hindi ko in-expect 'yon.



Hays. Enough with Iris.



Sa rooftop, kitang kita ko yung malawak na landscape ng school namin. Ilang buwan na lang, aalis na kami dito sa school na 'to.



Sa loob ng halos apat na taon na inilagi ko sa eskwelahang ito, iniisip ko kung may natutunan ba 'ko.



Natuto akong hindi grades ang katumbas ng talino ko. May mga taong sadyang biniyayaan ng talino at may ibang kabaligtaran. Lugi kaming di nabiyayaan. Pero minsan, grades ang sumusukat sa effort ng mag-aaral. Kahit hindi matalino kagaya ko, kayang-kayang makipagsabayan. Kaya nga siguro ako nakasama sa SSC.



Natuto rin akong magtimpi. Oo, galit ako kay Iris. Pero hindi ko kayang gumanti. Dahil ang mali ay hindi dapat suklian ng isa pang mali. Hindi matatapos 'yon.



Natuto akong maging responsable at nabawasan na ang pag-cutting classes ko. Ngayon ko lang ulit 'to nagawa. Last school year pa yung huli e.



Rule breaker ako noon nung nasa Section B pa 'ko. Pero kahit pasaway, tamad, kopyador, buraot ng papel, suki sa listahan ng Noisy, may palakol sa card, at marami pang iba, nagbago ako. Natutunan kong baguhin ang sarili ko. Salamat sa mga kaibigan ko at sa mga guro kong sinuportahan ako.



Lahat ng hiniling ko na mangyari ngayong high school ako, natupad. Sabi kasi nila, high school stage ang pinaka-masayang parte ng kabataan ng isang tao. Hiniling ko noon na sana, maging maganda rin yung mga memories ko sa high school. Natupad naman 'yon. Nakilala ko si Eros. Pati sina Kimee, Kae, Ed, JB, Ian, at Kenneth. Parang nagkaroon ako ng extended family. Naging magandang alaala sila ng high school life ko.



Isa na lang talaga yung kulang. Actually, daig pa ko nung mga kakilala kong nasa elementary pa lang. Sila, luma-lovelife, tapos ako, heto. Sa teleserye lang may nagpapakilig sa'kin. Eh sabi pa naman ng iba, ito talaga yung highlight ng high school life ng isang teenager. Hays.



"Ay palakang kokak!" Bulalas ko nang may humawak sa balikat ko.



"Ay sorry, nagulat ba kita?"



"Hindi ba obvious?" Hinarap ko siya.



"Anong ginagawa mo dito?"



"Wala. Cutting. Ayoko pumasok. Ikaw? Ba't andito ka?"



"Cutting din."



"Ahh."



"Lee."



"Hmm?"



"May sasabihin sana ako sa'yo eh."



"Ano 'yon, Kenneth?"



"Kasi –"



Naputol yung sasabihin sana ni Kenneth dahil biglang dumating si Ella.



"Kaps? Ba't nandito ka? May klase 'di ba?" Mukhang tumakbo si Ella papunta rito. Parang mahalaga yung pakay niya.



"Tama ako. Nandito ka nga kaps. Ano kasi eh. Si Eros."



"Bakit? Anong meron kay Eros?" Bigla akong kinabahan.



"Kaps, puntahan natin siya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top