ILYS 38: Face Your Fear
"Dun tayo!"
Niyaya ko si Ian sa horror house kasi napuntahan na namin halos lahat ng rides. Pero mukhang ayaw niya kasi hindi siya kumikibo.
"Ayaw mo?" Tanong ko.
"Gusto."
"Ayun naman pala eh. Tara na!" Pero hindi siya kumikilos.
"Lee. Seryoso ka ba? Hindi ka natatakot?"
Umiling ako. "Bakit? Natatakot ka ba?"
Umiling din siya. "Hindi rin. Hindi ako takot."
"Weh?"
"Hindi nga!" Todo-tanggi siya na hindi siya takot. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Basta kapag natatakot ka, 'wag kang bibitaw sa'kin. Akong bahala sa'yo, Lee." Sa wakas, kumilos din siya. Hinatak na niya 'ko papasok sa horror house.
Pagpasok namin, madilim. Yung mga dim lights yung nagpa-creepy sa loob. Tapos narinig ko yung tunog ng parang antigong pinto na nagsara.
Lumakad kami. May kasabay kaming mga babae. Siguro mga kaedad lang namin. Grupo sila. Ang iingay nila kasi umpisa pa lang, hiyaw na sila ng hiyaw.
Sa paligid namin, may mga kalansay. May mga nakita rin akong putol na kamay at paa kung saan-saan. Puro spider webs din yung mga dingding.
So far, wala pa naman kaming nakakasalubong na multo. Hindi naman ako natatakot sa mga mumu sa horror house. Alam ko kasing naka-costume lang yung mga nananakot at prosthetics lang ang nagpabago sa hitsura nila. At isa pa, lagi naman akong may kasama kapag pumapasok ako sa gantong lugar. Dati, si kuya Marc o kaya si Papa. Ngayon naman si Ian.
Speaking of Ian, hawak niya pa rin yung kamay ko. Mas humigpit yung hawak niya sa kamay ko nung may madaanan kaming pugot na ulo.
"Lee, ayos ka lang?" Tanong niya sa'kin. Nasa harapan ko siya. Siya yung nangunguna sa'ming dalawa.
"Oo. Ayos lang ako."
"Boo!" May gumulantang sa'min na multo! Nakatapat yung flashlight sa duguan niyang mukha! Pero hindi ako nagulat sa multo. Nagulat ako kasi sumigaw si Ian!
Kumaripas kami ng takbo papalayo dun sa multo. Nung pakiramdam namin, hindi na sumusunod yung mumu, tumigil kami.
"Hindi pala takot ah." Ang lamig ng kamay niya hahahahaha takot pala siya sa mumu. Kaya pala ayaw niyang pumasok dito kanina. Nakakatuwa siyang asarin.
"H-hindi nga. Nagulat lang ako!" Aba't sinungitan ako! Defensive hahahahaha
"Tara! Dito tayo!" sabi ko. May dalawang tunnel kasi. Yung isang tunnel, may parang rehas na harang. May box sa labas tapos kakapain dun yung susi. Yun yung ti-nry nung mga babaeng kasama namin kanina. Kailangan kong iiwas si Ian sa kanila kasi kanina pa sila pasulyap-sulyap kay Ian. Parang kiti-kiti naman yung isa, kung maka-kindat kay Ian, wagas!
"Bakit? Dun na tayo sumabay sa kanila. Para madami tayo."
"Ayoko! Dun tayong dalawa sa kabila." Hindi ako pumayag. Kanina pa 'ko nabibingi sa mga hiyaw nung mga babaeng 'yon. Kung natatakot ba sila o kinikilig, 'di ko alam. Basta kailangan na naming makalabas dito.
Ako ang nauna. Sumusunod lang sa'kin si Ian. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.
Papasok na kami sa isang tunnel nang naramdaman kong may kumapit sa binti ko.
"Lee." Tawag ni Ian sa'kin. "Nararamdaman mo ba 'yon?"
Yumuko ako. Nakita kong may zombie na nakakapit sa binti naming dalawa.
"Aaaaaaaah!!!" Tumakbo kaming dalawa habang sumisigaw. Nabitawan na kami nung zombie. Alam ko namang 'di yun susunod kasi may mga station naman yung mga mumu sa horror house.
Sa loob ng tunnel na pinasukan namin, parang kulungan siya. Tapos may mga mumu sa loob tapos pilit nila kaming inaabot ni Ian. Makitid pa naman yung daanan. Aaminin ko, creepy talaga yung mga mukha nila. Ang galing ng prosthetics kasi parang totoo. Kung hindi ko lang iniisip na props and costumes lang ang lahat, baka kanina pa 'ko lumabas sa entrance.
May sumusunod na lalaki samin. May karit siyang dala.
Dali-dali kaming naglakad palabas ng tunnel.
"Lee." Hawak-hawak pa rin ni Ian yung kamay ko. Gusto ko na talagang bumitaw kasi pinagpapawisan na yung kamay ko. Nakakahiya. Pasmado ako eh. Pero ayaw niyang bitawan. "Malayo pa ba tayo?"
"Malapit na yata." May natatanaw na 'kong liwanag. Mukhang malapit na yung exit.
Naglakad lang kami at umaasang matatapos din 'tong pinasok namin. Hindi ko akalain na mas takot pa si Ian kaysa sa'kin. Hindi lang niya hawak yung kamay ko. Yakap yakap na niya yung braso ko.
Kung hindi lang ako naiinitan, kikiligin ako eh. Kainis naman eh. Pwede bang paglabas na lang namin ng horror house saka niya gawin yan? Char!
So akala ko, matatapos na nang matiwasay ang paglalakbay namin. Mali pala ako.
Sa exit kasi, may nakasabit na voodoo doll. Kailangan mo ring lagpasan yung mumu na nagbabantay. Eh yung mumu mukhang life-sized na Chaka doll.
Hindi ako takot sa white lady, aswang, manananggal, mangkukulam, mambabarang, grim reaper, at kung ano-ano pa pero sa mga manyika...
Naaalala ko yung voodoo doll sa locker ko. At si Iris na mukhang manyika – plastik..
Inalis ko yung pagkakayakap ni Ian sa braso ko tapos lumipat ako sa likuran niya. Nakakapit ako sa damit niya at hindi ko nililingon si Chuckie. Isinubsob ko yung ulo ko sa likod ni Ian. Bakit ba kasi may manikaaaa!!!
"Lee?" Pilit akong hinarap ni Ian. "Bakit? Ngayon ka pa ba matatakot kung kelan malapit na tayo?"
"Ang chaka kasi e"
"Naalala mo ba yung sinabi ko kanina?"
"Ha?"
"Sabi ko, akong bahala sa'yo 'pag natakot ka."
"Eh ikaw yung natakot eh. Paano na tayo? Pareho na tayong natatakot ngayon? Makakalabas pa ba tayo?" Nag-aalala kong tanong. Halaaaa gusto ko nang lumabas!!!!!
"Lahat ng takot ko, haharapin ko, para sa'yo."
Tapos inakbayan ako ni Ian.
Napayakap ako sa kaniya habang nakatakip yung isa niyang kamay sa mata ko. Dire-diretso kami palabas ng horror house. Nakikipag-patintero pa si Chuckie pero nakalabas din kami. Lumiwanag ang paligid.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong niya nang sa wakas ay nakalabas na kami. Kumalas ako sa yakap ko sa kaniya. Kung nandito si Eros, baka sabihan ako nun ng ang harot harot ko. Hahahahaha
"Oo. Nag-enjoy ako. 'Di ka pala takot ah! Hahahahahaha"
"Hindi naman talaga! Nagugulat lang ako!"
"Sus! Halata kaya!" Nakangiti na rin kami ngayon. Hays. Grabe. Ang sarap ng simoy ng hangin sa labas! "Eh ikaw? Nag-enjoy ka ba?"
"Oo. Nag-enjoy ako." Ginulo niya yung buhok ko. "Sobra."
"Kunsabagay. Mag-eenjoy ka talaga. Eh kung maka-flirt yung mga babae sa'yo kanina, parang wala kang kasama eh."
"Nagseselos ka?"
"Hindi no." Hindi kaya. Hindi ah. Hindi talaga.
"Sus! Halata kaya!"
"Hindi nga ako nagseselos. Assuming ka."
Umakto naman siyang nasaktan. May pahawak pa sa puso niya kunwari. Ang corny. Yikes! Hahahahaha Pero ang cute sheeeewt!
"Tigil mo nga 'yan! Di ka pwedeng artista!" Sabi ko. Natawa siya.
"Pero seryoso, nag-enjoy nga talaga ako."
"Hmm?"
"Kasi nagenjoy ka. Ibig sabihin, successful yung regalo ko sa'yo na mapasaya ka." Tapos kinuha niya yung kamay ko. Ano baaaa kanina pa magkahawak 'tong kamay namin ah! Ito ba yung sinasabi ni Ella na 'skinship' daw. Hahahahahaha lol. Tapos may nilagay siya na maliit na box sa kamay ko. "Buksan mo."
Sinunod ko siya. Kwintas yung laman niyon. Isang silver princess crown pendant ang bumungad sa'kin. Kinuha niya 'yon tapos isinuot niya sa'kin.
"Nagustuhan mo ba?" Tumango ako. Mukha namang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Ngumiti siya sa'kin. "Mabuti naman nagustuhan mo." Hinawakan ko yung pendant na nakasabit sa leeg ko. "Ingatan mo 'yan, Lee, ah!"
"Oo naman. Iingatan ko 'to. Salamat."
"Habang nasa'yo 'yan, maniniwala akong may katuparan ang mga pangarap."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top