ILYS 37: Birthday Gift

"Happy Birthday, Lee."



Birthday ko pala. Anong date nga ba ngayon? Hindi ko na alam.



"Paano mo nalamang birthday ko?"



"Sinabi ni Eros." Sagot sa'kin ni Ian. Nagsi-alisan na rin yung mga tao sa libing ni Kimee. Ang natira na lang ay yung malalapit na kamag-anak tapos kaming magkakaibigan. Lumapit sila sa'min. Isa-isa nila akong niyakap tapos binati ng happy birthday.



"Thank you po. Birthday ko pala."



"I-celebrate natin 'yan!" Masayang sabi ni Eros.


Nakangiti silang lahat sa'kin. Masaya. Pero alam ko, nagpapanggap lang sila.



"'Wag na. 'Di naman kailangan." Sabi ko. Isa pa, dapat nagluluksa ako. Kakalibing pa lang ni Kimee. Wala ako sa mood mag-celebrate. Lumapit sa'kin si Ate Lisa tapos may pinahawak siya sa'king paper bag.



"Lee, may nagpapabigay sa'yo."



Tiningnan ko yung tag na nasa paper bag. Gift tag yun na may nakasulat.





To: My ultimate girl crush ^_^v

Happiest birthday, Lee-bag! Hahaha jokez lang! I love you!

From: Kimee Layco <3




"Matagal na niyang hinanda 'yang regalo niya sa'yo. I-suot mo daw sa birthday mo. Ibig sabihin, isusuot mo 'yan ngayon, kasi magpa-party tayo!" Sabi ni Ate Lisa. Kung may pinakanalulungkot sa aming lahat sa pagkawala ni Kimee, si Ate Lisa 'yon. Siya kasi yung pinaka-close kay Kimee. Kahit namumugto yung mga mata niya, ngumingiti pa rin si Ate Lisa at tina-try niyang maging masaya. "Kung nandito si Kimee, hindi papayag 'yon na magmumukmok lang tayo kung may okasyong dapat sine-celebrate!"



Tapos lumapit sa'kin si Ed at inakbayan ako.



"Kung 'di ka lang babae, magseselos ako eh." Ginulo niya yung buhok ko. Tumingin siya kay Ate Lisa. "Ate, sa'kin po ba, wala?" Tanong niya. Naiinggit daw siya kung bakit ako lang yung may regalo. Isang linggong hindi ko nakita yung ganitong Ed. Pareho sila ni Ate Lisa na namumugto yung mata pero pinipilit maging masaya. Bubbly na siya ulit.



"Meron."



"Yown!!!" Tapos niyugyog ni Ed yung balikat ko. Para siyang batang excited na maambunan ng aguinaldo. "Asan po?"



"Yung puso niya. Iniwan niya sa'yo. Sayong sayo lang daw 'yon."



Nawala naman yung ngiti ni Ed. Tapos inalis niya rin yung pagkaka-akbay niya sa'kin. Tumahimik din yung iba.



Hays. Mukhang ang hirap magpanggap na masaya sa ganitong panahon. Pero kahit anong mangyari, iisipin ko na lang yung gustong mangyari ni Kimee. Nang sa ganon, hindi na siya mag-alala kung nasaan man siya ngayon.



Inakbayan ko si Ed.



"Akala ko ba, dapat magse-celebrate tayo, boy? Ba't pang-Semana Santa 'yang mukha mo?" Sa unang pagkakataon sa linggong 'to, ngumiti ako.



Mukhang may virus ata yung ngiti ko kasi lahat sila, ngumiti din.





***





Niyaya kami ni Ate Lisa na kumain. Nagpa-reserve daw siya sa isang restaurant.



Kinantahan din ako ng Happy Birthday nung mga crew doon. Tapos binilhan ako ng cake ni Ella. Isa-isa din silang nagbigay ng regalo sa'kin. Si Eros, binigyan ako ng liquid lipstick. Dark yung kulay no'n.



"Simula ngayon, dapat magmukha ka nang fierce! Dapat, hitsura pa lang, sindakin mo na yung mga insekyorang palaka sa school." Sabi niya. Sina Iris daw yung tinutukoy niya.



Si JB at Kae, niregaluhan nila ako ng isang Pikachu na neck pillow. Alam nilang antukin ako.



Suot ko yung regalo ni Kimee. Si Ate Lisa pala ang nag-design nito.



Si Edward, to follow na lang daw yung totoong regalo niya. Binigyan niya lang ako ng isang ticket sa amusement park. Hindi ko alam kung bakit yun yung binigay niya. Wala ako sa mood na mag-amusement park eh.



Si Kenneth, binigyan niya 'ko ng stuffed toy na Pikachu. Yung life-sized.



Pagkatapos naming kumain, nagpasiya kaming magpunta sa mall. Lumapit sa'kin si Ian.



"Lee." Hinintay ko yung sunod niyang sasabihin. Nakatingin naman yung iba sa'min. Parang may dumaang anghel kasi bigla silang tumahimik. "Hindi ko pa nabibigay yung regalo ko. Pwede ka bang sumama sa'kin?"



"Ha? Saan?" Nagtatakang tanong ko. Ano ba yung regalo niya.



Nakita ko namang nakatingin din sa'min si Kenneth. Sa 'kin. Yung tingin niya, parang nagseselos? "Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Kenneth kay Ian.



Inakbayan ni Ed si Kenneth. "Hayaan muna natin sila. Sige na, Lee. Sumama ka na." Inalis ni Kenneth yung kamay ni Ed na nakaakbay sa kaniya. Nagkatinginan sila nang masama kaya pinaghiwalay sila ni JB. Magkaka-away ba sila?



Nakita kong ngumiti sa'kin si Ate Lisa tapos tumango siya sa'kin.



"Naipaalam na kita sa kanila. Ano? Tara?" Nilahad niya yung kamay niya sa harap ko. Nagdadalawang isip pa 'ko kung sasama ba 'ko. Nagulat ako nang hawakan ni Eros yung kamay ko tapos binigay niya dun sa kamay ni Ian. 'Di pa nakuntento. Pinagsalikop niya pa yung kamay namin.



"Arte arte. Dali na. Alam din ni Kuya Marc kung saan kayo pupunta. Nagpaalam na si Ian. Hatid-sundo ka niyan!"



Nakita kong lalapit sa'min si Kenneth para pigilan kami pero hinatak lang siya ni JB pabalik sa pwesto.



Sa huli, napapayag din nila ako. Saan ba kami pupunta?





***





"Theme park?" Tanong ko. Malapit lang 'tong theme park na 'to sa amin. Gusto kong pumunta dito kaya lang wala akong kasama. Hindi kasi mahilig yung mga best friends ko sa ganitong lugar. Mas gusto nila mag-shopping eh. "Anong gagawin natin dito?" Pinakita ni Ian yung ticket na kagaya ng regalo sa'kin ni Ed.



"Tara?" Hindi na niya 'ko hinintay makasagot dahil hinila na niya ako papunta sa entrance ng amusement park. "Saan mo gusto pumunta?"



"Doon!" Tinuro ko yung Galleon. Yun yung malaking barko na ride. Pumayag naman siya. Napansin ko, pareho kami ni Ian na mahilig sa extreme rides. Nag-roller coaster kami pagkatapos.

Naalala ko yung nasa EK kami. Sumakay kasi kami ulit ng Ferris Wheel.



"Lee." Lumingon ako kay Ian. Busy kasi akong nakatingin sa labas ng gondola.



"Bakit?"



"Smile." Hindi ko napansin na may hawak pala siyang camera. Tapos narinig ko yung shutter.



"Tekaaa! Baka pangit ako diyan, ulitin mo!" Na-delay yung ngiti ko. Nag-loading pa kasi sa utak ko kung bakit niya 'ko pinapa-smile. Nilabas ko yung mala-Colgate smile kong pwede sa commercial ng toothpaste. Tapos nag-peace sign ako. "Patingin." Kinuha ko kay Ian yung phone niya. Okay naman yung kuha.



"Naalala mo? Nung naka-sakay tayo sa Ferris Wheel noon?" Tanong niya.



"Oo naman!" Paano ko naman makakalimutan 'yon? Dun kami naging 'close' ni Ian. Kung close na nga ba kaming maituturing ngayon xD



Kinuha niya yung phone niya sa'kin tapos nilagay niya sa selfie mode. "Remembrance." 

Inakbayan niya 'ko. Tapos nag-selfie kami.



Dug dug. Dug dug.



Ba't gan'to yung puso ko ngayon? Oh c'mon!



Nang makababa kami sa Ferris Wheel, hinawakan niya yung kamay ko. Sumakay din kami sa carousel. Promise ko kasi sa kaniya noon na sasamahan ko siya mag-merry-go-round kapag nakapunta kami ulit sa amusement park. Ngayon, papunta kami sa food stalls kasi sabi ko sa kaniya bago kami bumaba, gutom na 'ko.


HHWW kami kyaaaaah!!!



"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.



"Ikaw." Tiningnan niya lang ako. 'Di siya nag-react. Tinatanong niya kasi ako kung anong gusto kong kainin. Eh sa sobrang dami ng choices, 'di ko alam kung anong gusto ko kaya aalamin ko na lang kung anong gusto niyang kainin para gagayahin ko na lang.



"Huy. Sabi ko, ikaw." Inulit ko pa yung sinabi ko. Tapos hindi ko alam kung bakit hindi siya nagsasalita...



Sht. Mali ata yung sinabi ko. No. OMG Why? Mali mali mali!!! Maling mali!!! Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.



"Ha?" Kunot-noong tanong niya sa'kin. Pero nangingiti siyang parang ewan. Nakakaloko. Narinig niya ba yung sinabi ko? Shems. Sana hindi. Pero imposible. Bakit kasi hindi patanong yung sinabi kong 'ikaw'?



Tapos may nakita akong nag-iihaw. "A-ano. Ibig kong sabihin? Ikaw? Ano gusto mo kainin? G-gusto ko kasi, i-isaw! Sabi ko, isaw. Gusto ko, isaw."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top