ILYS 36: White
"Bumitaw na siya. Iniwan na niya 'ko."
'Yan yung mga salitang nagpabigat nang sobra sa damdamin 'ko. Hindi na maawat si Ed sa kakaiyak niya. Nasa parking area kami ng ospital, balak na kasing iuwi nina JB si Ed. Pero ayaw ni Ed. Pumipiglas siya. Gusto niyang bumalik sa loob ng ospital pero hindi na siya pinapayagan ni JB. Masyadong mabigat yung ambiance sa loob ng ospital.
"Si Ate Lisa na raw yung bahala. Nandoon naman yung parents nila. Sila na raw mag-aasikaso. Uwi na daw muna tayo." Sabi ni Eros.
It was a sudden death for Kimee.
Nung umalis kami ni Eros para bilhan siya ng tinapay, na-cardiac arrest siya.
"Sana hindi ko siya sinunod. Sana 'di ko siya iniwan. Hanggang sa huli, hindi niya hinayaang makita kong nahihirapan na siya." Napaupo ako sa sahig. Nasa labas pa rin kami ng van at walang gustong sumakay. Tulala si Ella. Busy si JB na pakalmahin si Ed. Si Eros din, tulala na. Lumuhod sa harapan ko si Ian.
Tumingin ako sa mata niya. Hindi ko pa siya naririnig na magsalita sa araw na ito. Hindi man niya sabihin kung anong nararamdaman niya, feeling ko, shocked din siya sa nangyari.
Siguro, nag-aalala rin siya para kay Ed. Ngayon lang kasi nagpakita ng sobra-sobrang emosyon yung kaibigan niya. It's his and JB's first time handling a situation like this.
Habang nakatingin ako sa kaniya, hindi ko napigilang ibuhos lahat ng natitirang luha sa mata ko.
"Iniwan ko si Kimee. Dapat hindi. Dapat nandun lang ako. Dapat hindi ko siya iniwan. Dapat kasama niya 'ko. Sana hindi ko siya sinunod. Naisahan na naman niya 'ko. Dapat hindi ako nagpalinlang. Dapat hindi pa siya bumitaw. Dapat kumapit siya. Dapat –"
Niyakap ako ni Ian. Hindi siya nagsasalita pero pakiramdam ko, pinapakalma niya 'ko. Niyakap ko siya pabalik. Hindi ko kaya. Sobrang lungkot. Iniwan na kami ni Kimee. Ang sakit mawalan ng kaibigan. Sobra.
"Masamang damo kaya yung bruhang 'yon. Ba't kinuha na siya ni Lord?" Sabi ko. Mami-miss ko si Kimee. Kahit marami kaming kalokohang taglay sa katawan, mami-miss ko siya.
Kumalas sa yakap si Ian tapos itinayo niya 'ko. Pumasok na kaming lahat sa van. Magkatabi kami ni Ian sa likod. Naririnig ko yung iyak ni Ed hanggang ngayon. Si Ella, umiiyak na rin. Sa sandaling panahon na naging magkaibigan sila, I'm sure, Kimee found her way in Ella's heart. Si Eros naman, pinapatahan siya. Even Eros is crying his heart out.
Uso naman ang heart transplant, pero sa sitwasyon ni Kimee, naging biglaan ang lahat at hindi 'yon naging posible. Hindi pa rin ako makapaniwala. Wala na siya. Ang bilis. Ang sakit.
Hinawakan ni Ian yung kamay ko. Alam kong gusto niya lang akong damayan. Pero sa ginawa niya, mas lalo akong naiyak. Tiningnan ko siya.
"Gusto mong sumandal?" Tinuro niya yung kaliwang balikat niya. Nasa kaliwa niya 'ko. Napatango ako.
Humilig ako sa kaniya.Hawak-hawak niya pa rin yung kamay ko. "Iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Okay lang na maging mahina sa ngayon. Pwede ka namang sumandal sa'kin kahit kelan. Basta ipangako mo sa'kin, Lee. Ngingiti ka ulit." Hindi ko inasahan na ihihilig niya yung ulo niya sa ulo ko.
Buong biyahe kaming nasa ganong posisyon. Mabuti na lang, nakatulog si Ed. Kanina pa kasi siya walang tigil sa pag-iyak. Nakapagpahinga rin kahit papaano si JB na maghapon ding dinamayan si Ed.
"Nandito na tayo." Nagsalita si Ian. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay ko.
Binuhat ni Eros papasok sa loob ng bahay si Ella kasi natutulog na rin siya. Ayaw na namin siyang gisingin dahil baka pagod na rin si Ella. Lumabas na rin ako mula sa van. Pati rin si Ian. Pero bago ako sumunod sa kanila papasok ng bahay, nagpaalam muna ako kina Ian at JB.
"Salamat." Sabi ko kay Ian.
"Wala 'yon, Lee." He let out a small smile.
"Ingat kayo pauwi." Kumaway din ako kay JB na hindi na bumaba sa sasakyan.
Ibinalik ko naman yung tingin ko kay Ian. Nakatingin din siya sa'kin. Walang salita. Tunog lang ng makina ng sasakyan ang naririnig namin. Lalong hindi ako nakaimik kasi hinawakan niya yung mga kamay ko.
"Mahal ka ni Kimee. Ayaw niyang nasasaktan ka."
Napayuko ako. Sa pagyuko ko, bumuhos na naman yung mga luha ko. Hinatak ako ni Ian papalapit sa kaniya. Niyakap niya ko. "Basta ako, hindi ako mawawala, Lee. Kung kailangan mo 'ko, magsabi ka lang." Hindi pa rin ako nagsasalita. Iyak ko yung naging sagot ko sa mga sinabi niya. Tapos kumalas siya sa yakap. "Sige na, pumasok ka na."
Siya na yung nagbukas ng pinto ng bahay namin para sa'kin. Pero nanatili lang akong nakatayo. Hindi ako makakilos. Gusto kong umiyak lang nang umiyak. "Lee, matulog ka na. Magpahinga ka. Sige na. Aalis na kami." Narinig ko siya pero parang wala akong maintindihan. Hindi ko siya sinunod.
Ilang segundo yata ang lumipas nang magpasiya siyang lumapit ulit sa'kin.
Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko. Hinalikan niya yung noo ko. "Kung ako si Kimee, hindi ko magugustuhang nasasaktan ka at umiiyak. Tahan na, Lee... Please?"
Tumango ako.
"Sige, alis na 'ko, Lee." Tapos sinenyasan niya 'kong pumasok na sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Sinunod ko na lang yung utos niya. Sumakay lang siya sa van nang nasiguro niyang nasa loob na 'ko ng bahay. Tapos maya-maya, narinig kong umalis na yung sasakyan nila.
Sinalubong ako ni Eros. And all we did was cry our hearts out all night long.
***
Sa sumunod na linggo, apat na araw akong hindi pumasok at lumabas ng bahay. Pinipilit ako nina Eros at Ella na pumasok pero ayaw ko. Hanggang ngayon kasi, pakiramdam ko, may parte akong nagawa sa pagkamatay ng kaibigan ko. Kahit ilang beses nilang sabihin sa'kin na wala akong kasalanan at nasa ayos na ang lagay ni Kimee ngayon, sobrang apektado pa rin ako.
Kapag tapos na ang klase, dumederetso ang squad sa burol ni Kimee. Si Ed, gaya ko, hindi rin pumapasok. Tumutulong daw siya kay Ate Lisa sa pag-aasikaso ng burol ni Kimee. Si Kenneth, dinadalaw niya ko 'pag uwian nila. Pero kahit siya, hindi niya 'ko makumbinsing 'wag magmukmok.
"Bukas, pumunta ka." Bilin sa 'kin ni Eros. Sabado ngayon at huling gabi na ng burol ni Kimee. "Gusto mo bang ma-disappoint si Kimeedora? Bakla ka, sensitive yung babaitang 'yon. Sige ka!"
"Pag-iisipan ko."
"Basta pumunta ka. Last day mo nang masisilayan yung katawang lupa niya." Tapos pinisil ni Eros yung kamay ko. "Pumunta ka ha? 'Wag mo siyang injanin. Magtatampo sa'yo yun. Uuwi si Kuya Marc bukas. Nag-text siya sa 'kin. Naka-off daw yung phone mo. Nag-aalala na din yun sa'yo."
Kinabukasan, naunang pumunta sa memorial park sina Eros at Ella. Sabi ko kasi sa kanila, ako na lang pupunta mag-isa kasi may dadaanan pa 'ko.
Dumaan ako sa simbahan.
Nagpasalamat ako sa lahat ng biyayang natanggap ko. Nakalipat ako sa SSC. Nakilala ko yung mga apat at lumawak ang social circle ko. At kung ano-ano pa.
Pero hindi ko rin napigilang itanong kung bakit Niya kinuha agad si Kimee. Nagdasal ako na sana, Siya na ang bahala kay Kimee at sa mga naiwan niyang nagmamahal sa kaniya dito.
Sa totoo lang, ngayon lang ako nakipag-heart to heart talk sa Kaniya. Siguro kaya may mga pagsubok na dumadating sa buhay ko ay dahil tinuturuan Niya ako kung paano magtiwala sa Kaniya.
Dumeretso ako sa memorial park pagkagaling ko sa simbahan. Napapaligiran ng puti ang paligid. Naabutan kong ibinabaon na sa lupa yung coffin ni Kimee. Tapos nagpalipad din sila ng mga lobong puti.
Kung nasaan man si Kimee ngayon, alam ko, masaya na siya. At nangangako ako na simula sa araw na 'to, hindi ko sasayangin yung ginawa niyang pagsasakripisyo ng buhay para sa'kin.
May tumabi sa'kin. Nang lingunin ko siya, nakangiti siyang bumati sa'kin. "Happy birthday, Lee."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top