ILYS 35: Heart to heart

"Sorry, Lee. Hindi ko sinabi."



Gusto kong alisin yung kakaibang ambiance dito sa kwarto. Masyadong mabigat sa pakiramdam.



"Gaga ka, talaga! Alam mo namang walang lihim na hindi nabubunyag."



"Oo, tama ka. Gaga talaga 'ko. Pagpasensiyahan mo na 'tong kaibigan mo ha?"



"Nakakainis ka!"



"Bakit?" Ewan ko ba, naiyak ako. Iyak tawa kaming dalawa.



"Naiinggit ako sa'yo. Nanjan si Ed sa labas, ngawa ng ngawa. Huhuhuhu kailan kaya ako magkaka-jowa?"



"Bruha ka talaga, nakuha mo pang isingit 'yan ah. Pero malay mo malapit na."



"Oo, malapit na. Malapit na kitang sabunutan! Ba't kasi hindi mo sinasabi?" Wala na. Kahit iliko ko pa yung usapan, naiiyak na talaga 'ko.



"Lee." Hinawakan niya yung kamay ko. "Tutal alam mo na naman, sasabihin ko na lahat. Sabi mo nga, walang lihim na hindi nabubunyag."



"Anong sasabihin mo? Pwede bang good news na lang sabihin mo? Utang na loob at labas."



Umiling siya. "Lee. Sorry. Hindi ko nasabi sa'yo. Natakot kasi ako eh. Sobrang saya 'ko. Natin, bilang magkaibigan. Tapos dumating pa si Ed sa buhay ko. Kaso nung nalaman kong posibleng matuldukan 'yon, natakot ako. Hindi ko nasabi sa inyo kasi alam kong ayaw niyong mangyari 'yon. Hindi ko rin makuha yung point kung ba't hindi ko nasabi sa inyo. Pero, Lee. Feeling ko ready na 'ko."



Hinawakan ko nang mahigpit yung kamay niya gamit yung dalawang kamay ko. Tapos nagsalita siya ulit. "Lee, simula nung naaksidente ako dati, akala ko, okay na 'ko. Malakas ako. Nakarecover ako. Halata naman 'di ba? Nakakarampa ako kahit six inches yung heels ko. Pero lately, humina yung puso ko. Trauma daw yun galing dun sa aksidente. Marami nang bawal sa'kin. Pero, bes! You only live once. Yung extreme na saya, nakakasama na pala sa akin. Pati stress. Pero Lee, yung nangyari kahapon, wala yun. Handa akong mamatay, maiganti lang kita."



"Hindi naman kailangan ih."



"Oo nga, pero kasi, gusto kong tigilan ka na niya."



"Kimee."



"Lee, my heart's getting weaker day by day. Swerte ko nga, nakalabas pa 'ko sa ICU eh. Kapag may iniinda ako, madalas tinatago ko sa inyo. Nagpupunta ako sa cr kapag naninikip yung dibdib ko."



"Kaya pala wala akong idea kung anong meron sa'yo."



"Ayoko kasing makitang nag-aalala kayo sa'kin. Pumapangit kayo eh."



"Gaga talaga 'to." Nakuha niya pa talagang manglait.



"Lee, gusto ko lang malaman mo na masaya akong naging kaibigan kita. Masaya akong nakilala ko si Ed at naranasan yung pagmamahal niya at mahalin siya kahit saglit. Masaya akong meron akong squad na hindi ako iiwan. Masaya ako na meron akong Ate na mahal na mahal ako at pamilyang susuporta sa'kin. Pero Lee, yung sobrang saya na yun, hindi na kaya ng puso ko."



"Kimee."



"Lee. Kaya siguro ako nakalabas ng ICU para makapag-moment tayo ng ganito. Minsan lang 'to eh."



"Bwisit ka, ba't ang drama mo!"



"Lee, naiganti na kita kay Iris. Alam kong hindi ka naman marunong magtanim ng galit. Mabuti 'yon. Patawarin mo siya. Toxic lang yun sa buhay mo eh."



"Oo. Toxic 'yon sa'kin. Pati sa'yo. Pa'no mo nalaman na siya may gawa nung mga 'yun?"



"Gut feel. Basta 'wag mo na siyang intindihin. Hindi ka na gagalawin no'n. I'm sure of that."



"Sana nga."



"Saka, balita ko, kilala mo na si Gab."



"Oo. Si Kenneth si Gab."



"Lee. Sigurado akong darating yung oras na magmamahal ka. Baka nga malapit na eh. O baka sa mga oras na 'to, may nagpapatibok na ng puso mo. Sinasabi ko sa'yo, makinig ka sa puso mo. Kasi nung nakinig ako sa tibok ng puso ko, sumaya ako. Yung sayang walang katulad. Nakamamatay nga lang – sa 'kin. Pero, Lee. 'Pag sinunod mo yung puso mo, 'wag mong kakalimutang may utak ka. Gamitin mo para 'di ka masaktan. Pambalanse. Ako kasi, hindi ko nagamit yung utak ko. Inunahan ako ng emosyon, kung sana naisip kong wag maglihim sa inyo, edi sana, hindi nasayang yung panahon na sana, kasama ko siya nung mga panahong wala ako."



"Ano ba 'yan, Kimeeee! Ba't ang drama mo!!!"



"'Wag kang panira ng moment. Pepektusan kita!"



"Eh ikaw kasi eh."



"Si Kenneth ba talaga si Gab?"



"Oo."



"Masaya ka ba? Kilala mo na si Gab. 'Di ba crush mo yung stalker mo na 'yon?"



"Pinagsasabi mo?!"



"Alam ko lahat ng tungkol sa'yo. Nababasa ko mga blog mong bruha ka!"



"Ewan ko. 'Di ko alam."



"Si Kenneth, si Gab, o si Ian? Sino man sa kanilang piliin at gustuhin mo, susuportahan kita. 'pag sinaktan ka nila, ako resbak mo, okay?"



"Napaka-chismosa mo! Ba't mo ba kasi binabasa yung blog ko?"



"Hindi ka kasi ma-chika tungkol sa mga crushes mo sa personal eh. At least doon, nakikilala kita ng bonggang bongga!"



"Echoserang froglet."



"Hot si Kenneth ah, in fairness. Pogi. Ang tangos ng ilong. Kaya lang ang tangkad masyado eh. Mukha kayong mag-kuya. Hahahaha chos!"



"So?"



"Si Ian naman, cutie. Chinito. Tsaka pa-misteryoso. Kahit sino pang piliin mo sa kanila, wala kang lugi. Hahahaha! 'Di ko nga alam kung ba't naiinggit ka sa'kin. May boyfriend akong unggoy na baduy pumorma. Tapos ikaw, pinaliligiran ng mga naggagwapuhang nilalang."



"Sumbong kaya kita kay Ed? Pinagpapantasyahan mo mga tropa niya."



"Joke lang. 'To naman. Mahal ko yung unggoy na 'yun ah. 'Di ko pagpapalit 'yun. Pero, Lee. Ikaw na bahala sa kaniya 'pag wala ako ah. Okay lang na magka-girlfriend siya ng iba. Pero habang buhay pa'ko, subukan niya lang na maghanap ng iba, maghahalo ang balat sa tinalupan!"



"Hindi maghahanap ng iba yun. Lakas ng tama sa'yo nun eh."



"Mahal na mahal ko siya. Pakisabi."



"Makakarating."



Tapos tinitigan ako ni Kimee. Ngumiti siya sa'kin. May luha na naman na pumatak na dumaloy sa pisngi niya.



"Lee, pwede mo ba 'kong ikuha ng tubig?"



"Tubig? Sige. Sa'n ba? Wala akong alam dito sa ospital."



"Sa lobby, 'wag pala tubig. Gusto ko coke. In can. May vending machine sa lobby."



"Pwede ka na bang mag-coke? Lol"



"Lol ka din. Hindi naman bawal 'yon eh. Sige na, please. Hanap ka na rin ng Spanish bread. Mahilig ka din dun 'di ba?"



"Oo. Eh saan naman ako hahanap no'n?"



"'Di ko alam. Eh nagc-crave kasi ako eh. Please."



"Okay, sige."



Tumayo na 'ko. Akmang aalis na 'ko pero pinigilan niya 'ko. Humawak siya sa wrist ko.



"Lee."



"Bakit? May gusto ka pang kainin?"



"Ah. Wala na. Thank you, Lee. Thank you sa lahat." Tapos bumitaw na siya.



Iniwan ko na siya sa loob tapos nagpaalam ako kina Ate Lisa na maghahanap ng Spanish bread sa labas. Sinamahan naman ako ni Eros.



Hindi ko na nakwento kay Eros yung mga napag-usapan namin kasi nagmamadali kaming humanap ng Spanish bread sa labas. Baka kasi gustong gusto nang kumain ni Kimee. Mukhang gutom na siya kasi ang alam ko, hindi pa yun kumakain simula nang magising siya kanina.



Sa labas pa ng ospital kami nakahanap ng bakery. Nang makabili na kami, bumalik kami kaagad ni Eros. Kainis lang dahil under maintenance yung elevator kaya nag-hagdan kami. Nasa fourth floor lang naman yung kwarto ni Kimee pero keri lang.



Pagdating namin sa fourth floor, nakita namin si Ate Lisa na pilit pinapakalma ni Ella. Umiiyak siya ngayon sa labas ng kwarto ni Ella.



"Anong nangyayari?" Nasa labas din sina Ed. Nakasalampak siya sa sahig tapos magkasalikop yung mga kamay. Nakayuko siya. Naririnig ko yung mga hikbi niya. Si JB at Ian, nasa labas ng pinto ng kwarto at nakasilip sa maliit na glass window ng pinto.



Nakisilip din ako. May mga nakita akong mga nurse at doctor na nakapalibot kay Kimee.



Nagsalita si JB. "Nire-revive nila si Kimee."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top