ILYS 34: Tears
Pinatawag ng guidance counselor yung mga magulang namin. Dahil wala namang pupunta na guardian o magulang sa'kin, pinayagan muna akong sumunod sa ospital para makita si Kimee. Sinamahan ako nina Eros, Kenneth, at Ian.
Ilang oras din yung lumipas, nasa ICU na si Kimee. Immediate family lang ang pwedeng makapasok. Naghihintay lang kami ng balita kung ano nang lagay ni Kimee. Nahimatay lang siya. Pero bakit nasa ICU siya ngayon?
Maya-maya pa, lumabas si Ate Lisa galing sa ICU. Lumapit kami agad sa kaniya.
"Ate, kamusta po si Kimee?" Tanong ko sa kaniya.
Nagulat ako kasi niyakap ako ni Ate Lisa.
"Lee." Umiiyak siya. Bakit naiiyak din ako?
"Ate, bakit po?" Kinakabahan ako. Ano bang nangyayari? Umalis siya sa pagkakayakap ko tapos nagsalita siya. Hinawakan niya yung mga kamay ko.
"May blunt chest trauma si Kimee. Naalala mo nung naaksidente siya dati?" Three years ago, nabundol si Kimee ng motor habang naglalakad kami pauwi. Naka-recover naman siya noon. Nagka-injuries pero naghilom din yung mga 'yon over time.
"Opo, ate."
"Since then, akala namin, okay siya. Not until lately, napansin namin na napapadalas sumasakit yung dibdib niya and then she'll collapse. Nagpa-check up siya. Nalaman namin yung totoong condition niya. Her heart became weak, Lee."
Kaya ba siya absent ng isang buwan?
"Lee, she's suffering. P-pero tinatago niya... Ayaw niya kaming m-mag-alala... Pero bakit ganon?" pinupunasan niya yung luha niya pero hindi maampat. "Mas lalo niya kaming pinag-aalala. H-hindi siya pwedeng ma-stress..."
Tapos lumakas na yung tunog ng iyak niya. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kaniya. Hindi ko na rin kayang pigilan yung luha ko.
"She needs to avoid strenuous activities. Dahil kung hindi, pwede siyang ma-cardiac arrest."
Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko na sana sinulat sa blog yung ginawa sa'kin nina Iris, hindi malalagay sa alanganin yung buhay ni Kimee.
Nakita ko si Ed, umiiyak siya. Nakasalampak siya sa hallway sa labas ng ICU. Pinipilit siyang itayo nina JB at Ian pero pumipiglas siya. Tumayo siya mag-isa tapos nakiusap siya sa nurse sa labas ng ICU kung pwedeng pumasok. Hindi naman siya pinayagan kaya sinuntok niya yung dingding. Pinipigilan siya nina JB at Ian. Gustong gusto ko siyang lapitan. I-comfort. Pero hindi ko magawa. Kasalanan ko kung bakit nasa ICU si Kimee.
"Lee, 'wag mong sisisihin yung sarili mo. Naiintindihan ko si Kimee kung ba't niya ginawa 'yon. Kinwento sa'kin ni Ed yung mga nangyari kanina. Normal lang na ipagtanggol ka niya. Kaibigan ka niya. Pamilya. Magdasal na lang tayo na sana, 'wag siyang bibitaw kasi hindi ko kaya."
Gabi na pero nasa ospital pa rin kami. Nagpapahinga raw si Kimee. Si Ate Lisa yung bantay niya. Kami nasa labas lang kami ng ICU, nakaupo at nag-aabang kung kelan ililipat sa ward si Kimee para makita na namin siya.
Nagpaalam sa'kin si Ella na uuwi na dahil hinahanap na siya ng daddy niya. Sinamahan siya ni Eros pauwi.
Lumabas is Ate Lisa para kausapin kami.
"Uwi muna kayo. Babalitaan ko na lang kayo kung ano nang lagay ni Kimee. Baka hinahanap na kayo sa inyo." Sabi niya sa'min.
"Hindi po ako uuwi." Desididong sabi ni Edward. "Saglit ko pa lang siya nakakasama. Ayokong mahiwalay sa kaniya." Tapos umiyak na naman siya. Ngayon ko lang nakita si Ed na umiiyak. Siya yung tipong akala mo, malakas. Laging masaya. Pero ngayon, ibang iba.
"Lee, sige na. Kailangan mo ring magpahinga." Lumingon si Ate kina JB, Kenneth, at Ed. "Sige na, kayo rin. Umuwi na kayo. Magpahinga na kayo. Gabi na. Baka nag-aalala na mga magulang niyo."
"Dito po muna ako, Ate. Sasamahan ko po si Ed. Nagtext na rin po ako sa parents ko kanina. Kaya okay lang po." Sabi ni JB. Mukhang pagod na rin si JB. Kanina pa niya binabantayan yung bawat galaw ni Ed. Nag-aalala rin siya.
"Ihahatid na kita, Lee." Suhestiyon ni Kenneth. "Magpahinga ka muna. Pwede naman tayong bumalik bukas."
Wala na rin akong nagawa dahil yun yung gusto ni Ate Lisa. Hinatid nga ako ni Kenneth sa'min. Nagpaiwan din si Ian para samahan sina JB at Ed.
"'Wag ka nang malungkot. Matapang si Kimee. Walang inuurungan 'yon. Makakaya niyang lagpasan kahit ano. Gagaling siya." Nasa labas na kami ng bahay. Pero bago ako iwan dito ni Kenneth, sinabi niya 'yon sa'kin.
"Oo. Tama ka." Niyakap niya 'ko habang hinahaplos yung buhok ko.
"Tahan na." Sabi niya. Pero nang sabihin niya 'yon, naiyak lang ako lalo. "Lee, hindi ko kayang makitang umiiyak ka. Nalulungkot ako."
***
Kinabukasan, nag-text si Ate Lisa na nailipat na sa regular na kwarto si Kimee. Gising na rin siya. Walang pasok ngayon dahil weekend na. Sabay-sabay kami nina Eros at Ella na nagpunta sa ospital. Hindi naman daw makakarating si Kenneth kasi maysakit yung mama niya. Nandoon pa rin sina Ed, JB, at Ian. Nasa labas sila ng kwarto ni Kimee. Si Ate Lisa naman, nasa loob.
Si Ed naman, namumugto pa rin yung mata. Nilapitan ko siya. Nakaupo siya sa isa sa mga bench sa hallway.
"Ed. Sabi na eh. Malakas si Kimee. Nakalabas siya ng ICU. Gagaling siya." Pilit kong pinapaniwala yung sarili ko na gagaling si Kimee. Kasi totoo naman. Pinapalakas ko rin yung loob ni Ed. Hindi ako sanay na wala siyang imik.
"Lee. Bakit siya naglihim? Ba't hindi niya sinabi?" Umiiyak na naman siya.
Inakbayan ko siya tapos sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko. "Kasi ayaw niya tayong mag-alala. Lalo ka na. Gusto niyang isipin natin na wala tayong dapat ipag-alala."
"Kung sinabi niya, edi sana, hindi nasayang yung isang buwan na hindi kami magkasama. Sana nadamayan ko siya. Saglit pa lang yung relasyon namin ni Kimee. Gusto ko, habang tumatagal, lagi kaming nasa tabi ng isa't isa. Gusto ko kasama ko siya. Pero naglihim siya, Lee. Hindi niya ba naisip na mas nag-aalala ako sa nangyayari sa kaniya ngayon?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Mahal na mahal ni Ed si Kimee. Matagal na rin niyang ginustong magkalapit sila ni Kimee. Tapos ganito pa yung nangyari. Kaya umaasa akong gumaling si Kimee para maging possible yung mga gusto ni Ed.
"Ed, gusto kang makita ni Kimee." Sabi ni Ate Lisa.
Pumasok naman sa loob ng kwarto si Ed. Halos isang oras din silang nag-usap. Paglabas ni Ed, blangko lang yung mukha niya. Tapos lumapit siya sa'kin. Tumayo ako para mapantayan ko siya.
Biglang umiyak si Ed.
"Bakit, boy?"
"Boy. Gusto ka niyang kausapin."
"Bat ka umiiyak?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Basta boy, kahit anong sabihin niya, pigilan mo siya. Pigilan mo siya, please. Hindi ko kaya." Napaluhod na siya sa harap ko. Nilapitan naman siya nina JB, at Ian para alalayan. Si Ate Lisa naman, napatakip sa bibig niya tapos umiiyak na rin siya. Mabigat man yung pakiramdam ko sa ngayon, nilakasan ko yung loob ko na pumasok sa loob ng kwarto ni Kimee.
Nakangiti si Kimee sa'kin pagkapasok ko. Sinarado ko yung pinto tapos sinenyasan niya 'kong maupo sa tabi niya.
Hindi ko ipinakitang naiiyak ako ngayon. Nginitian ko rin siya.
"Gusto mo, tawagin ko sina Eros at Ella? Nanjan din sila sa labas." Sabi ko sa kaniya.
"Sige. Pero mamaya na." Ang lamlam ng mata niya. "Iha-heart to heart talk muna kita."
"Naks! May pa-heart to heart talk ka pang nalalaman jan!" Biro ko. Tapos tumawa siya ng bahagya.
"Alam mo na 'di ba." Hindi yung tanong pero parang tanong.
"Oo."
"Sorry, Lee." Then a teardrop rolled on her smiling face.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top