ILYS 33: Revenge
Pagkapasok ko kinabukasan, sinalubong ako agad nina Ed. Nakakamiss talaga sila. Kinamusta din ako nung iba pa naming mga kaklase. Pinahiram rin nila ako ng notes nila para makahabol ako sa mga na-miss ko.
Nakita ko si Kenneth. Kinindatan niya 'ko.
Tapos nagawi yung tingin ko kay Ian. Nakangiti siya sa'kin. Ngumiti din ako.
May tumawag sa'kin.
"Lee!!!" Hindi ko inaasahang sa pagbalik ko, babalik din siya!
"Kimee!!!" Tumakbo agad ako papunta sa kaniya. Niyakap niya 'ko.
"Na-miss kita!!!"
"Ako rin!!! Miss na miss kita! Sa'n ka ba kasi nagpunta?"
"Secret. Basta ang mahalaga, nagkita na tayo ulit."
Naudlot yung kamustahan namin kasi dumating na yung teacher namin. To be continued mamayang recess.
So nung break time na, kumpleto na naman kaming dumayo sa canteen.
"Naks! Kumpleto ang squad!" Sabi ni Kae. Naghanap na rin kami ng bakanteng pwesto. Pansin ko lang, lagi nang bakante yung pwesto sa tabi ng glass window. Alam na yata ng mga schoolmates namin na dun lagi ang 'squad' namin pumepwesto.
Tumabi sa'kin si Kimee. Yung mga boys yung um-order ng pagkain namin, except kay Eros at Kenneth. Pansin ko lang, kanina pa walang imik 'tong si Kenneth. Hindi naman siya pinapansin ni Eros kasi si Ella at Kae ang kausap ni dyosang Eris.
Hinawakan ni Kimee yung kamay ko. "Lee. Nabasa ko yung blog mo kagabi."
Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko walang nagbabasa nun eh.
"Lagi kong binabasa yung blog mo simula nung um-absent ako. Doon ako nakikibalita kung anong nangyayari sa inyo dito. Pero nung nabasa ko yung blog mo kagabi, totoo yung mga hinala 'ko."
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ko.
"Lee, 'wag mo sana akong pipigilan ha? Pero hindi ko kasi maatim yung mga ginagawa niya eh."
"Anong binabalak mo?"
"Basta, Lee. Para sa'yo 'to. Resbak mo 'ko." Binitiwan ni Kimee yung kamay ko. Tapos kinuha niya yung bote ng ketchup sa table. "Watch. Makinig ka na rin."
Naglakad siya palayo tapos sinundan ko siya. Pero ang lalaki ng mga hakbang niya. Mabilis siyang nakarating sa destinasyon niya kaya kinabahan ako. May apat na babaeng nakaupo habang masayang kumakain at nagkkwentuhan. Bakit ang sama ng pakiramdam ko?
"May tanong ako sa'yo, santa-santita." Nginitian niya yung kinakausap niya. Nginitian din naman siya pabalik.
"Ano 'yon?" Tanong kay Kimee nung nilapitan niya.
"Yung naglagay ng rag doll sa locker ni Lee. Ikaw yun 'di ba?"
Nawala yung ngiti sa mukha nung tinanong ni Kimee. Tinaasan siya ng kilay nito.
"Pati yung nagsulat ng death threat sa notebook niya, ikaw din ba 'yun?" Dagdag pa ni Kimee.
Tumayo yung kausap ni Kimee. Magkapantay na sila ngayon. Tapos nag-cross arms pa. Hindi maganda yung kutob ko.
"Yung birthday ni Ed. May sinabi ka raw kay Ella. Marunong siyang umintindi ng Korean. Bakit mo sinabi 'yon?" Tanong pa ulit ni Kimee. "'You hate her.' 'Yan yung sinabi mo. 'Go to hell'? Hah! Sino ka para sabihin 'yon? Anong kasalanan niya sa'yo?"
Tapos tinulak nung babae si Kimee. "Anong paki mo? Pakialamera ka!"
"Aba't sumosobra ka na!" Tinulak siya pabalik ni Kimee. Tumayo na rin yung tatlo pang babaeng kasama nung kausap ni Kimee. Sila yung nanakit sa'kin sa cr. "So totoo nga lahat ng hinala ko. Hindi ka man lang nag-deny eh. Walangya ka! Bakit mo sinaktan si Lee, psychopath?!"
"Psychopath? Sino kayang susugod-sugod dito, e nananahimik kami rito! Warfreak!"
"Warfreak???! Demonyita ka talaga!" Binuhos ni Kimee sa babaeng kausap niya yung ketchup. Tinaktak niya talaga sa ulo nung babae yung ketchup hanggang sa masaid yung bote. Gulat naman yung mga babaeng nasa likuran. "Kulang pa 'yan. Kapalit ng kabaliwan at ka-gaga-hang ginawa niyo kay Lee!"
"I hate you!" Sasampalin sana niya si Kimee pero hindi niya natuloy kasi naagapan ni Kimee yung kamay niya.
"You hate me? I hate you more! Napaka-demonyita mo! Mukha ka lang palang santa-santita pero nakakasulasok yang baho ng ugali mo, Iris! Plastik ka! Ano bang ginawa ni Lee sa'yo para saktan mo siya ng gano'n? naghanap ka pa ng karamay mo para saktan siya! Bakit? Hindi mo ba kayang mag-isa? Kung may ayaw ka sa isang tao, sabihin mo nang harapan. 'Wag kang pabebe. Duwag!"
Lumapit ako kay Kimee para awatin na siya. Kaso wrong move ata kasi nabaling yung atensyon ni Iris sa'kin. Nagtitinginan na rin yung mga tao sa'min. May narinig akong magpapatawag na ng teachers para awatin sila.
"Sino kayang nasa loob ang kulo sa atin? Hindi ba't si Lee? Inagaw niya sa'kin yung atensyon na dapat sa'kin. Si Ian! Lagi na lang si Lee, si Lee, si Lee!!! Puro na lang si Lee yung bukambibig! Ewan ko ba kung tanga ka o manhid ka, Lee! Tapos ngayon naman si Kenneth! Tapos nakipagkaibigan ka sa apat para sumikat ka! Nagawa mo ngang makalipat sa SSC para mabuntutan mo sila. Ang landi mo rin eh no?"
"Malandi? Paki-define nga yung malandi? As far as I know, wala namang ginagawa si Lee na 'panglalandi'. Kasalanan niya bang kaakit-akit yung ugali niya kumpara sa baluktot mong pang-unawa? At excuse me, pinagsikapan ni Lee na makasama sa SSC. Hindi para buntutan yung apat. Haven't heard of friendship goals, Iris?" Sabi ni Kimee.
"Aaaaaah!!!" Sa galit ni Iris, imbes na si Kimee yung susugurin niya, ako yung sinugod niya. Feeling ko, matatanggal na sa anit yung buhok ko. Kaka-recover ko pa lang sa sabunot nung Monday, heto na naman po siya!!!
Nakisali sa sabunutan si Kimee. Pati sina Staycee at yung dalawa pang babaeng kasabwat nina Iris. Dumating na rin sina Eros at ang tropa para patigilin kami. Nagawa naman nilang patigilin yung rambulan namin. Pinabalik sa pagkain yung mga nakikiusyoso nang dumating yung mga teachers. Dumating na rin yung guidance counselor namin. "To my office! Now!" Sigaw niya sa'min.
Hindi naman nag-atubiling sumunod si Kimee. Confident siyang naglakad kasunod ng guidance counselor. Pero hindi pa man kami nakakalayo, napatigil si Kimee.
Nilapitan ko siya.
"Kimee? Bakit?" nakahawak siya sa dibdib niya. Hindi siya nagsasalita. Tulala na siya. Tapos parang hinahabol niya yung hininga niya. Kinabahan ako. "Kimee? Anong nangyayari sa'yo?"
Tapos nahimatay siya. Nag-panic kami.
"Kimee!" Narinig kong sigaw ni Ed. Lumapit siya sa'min. Nakatingin lang yung ibang mga estudyante. Mabuti na lang, alerto sina Ella kaya pumunta agad sila sa infirmary para sa assistance. Binuhat ni Ed si Kimee papuntang infirmary.
Naiwan naman akong tulala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nilapitan ako ni Eros.
"Anong nangyari kay Kimee? Eros..." Hindi ko napigilang umiyak. Sa sakit ng sabunot sa 'kin ni Iris at sa nangyayari kay Kimee. Sobrang nakaka-frustrate. Pati yung nalaman kong mga pinaggagawa ni Iris.
"Chill lang tayo, Lee. Magiging okay din si Kimee."
Lumapit din sa'kin si Kenneth na inakbayan ako. Nanlalambot ang tuhod ko. Inalalayan niya 'ko. Si JB, sumunod kina Ella at Ed sa infirmary. Si Ian, kasama rin namin nina Eros. Nakakunot ang noo niya pero hindi pa rin siya nagsasalita.
Hindi na 'ko nakasunod sa infirmary dahil ipinatawag na kami ng guidance counselor sa office. Habang kinakausap kami ng counselor, may nagbalitang nagpatawag na ng ambulansya yung school doctor dahil emergency. Kailangan nang isugod sa ospital si Kimee. Nagpaalam ako sa counselor na susunod muna kay Kimee. Kinakabahan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top