ILYS 32: Bored

Dalawang araw na 'kong 'di pumapasok. Simula nung nangyari nung Lunes, hindi ko pa rin nakakausap yung mga kaibigan ko tungkol sa nangyari sa akin. Ayoko pa kasing magkwento. Kinabahan kasi ako sa paalala niya.


"...Sa oras na malaman ng iba 'tong nangyari ngayon, tandaan mo, hindi lang ikaw ang masasaktan."


Gusto sanang um-absent ni Ella para samahan niya 'ko sa bahay. Wala kasi si Kuya Marc kasi may convention siyang pupuntahan kasama ng employer niya sa bagong firm na pinagtatrabahuhan niya.


Pangatlong araw ko na 'tong nagmumuni-muni lang sa bahay. Maghapon akong nakahiga. Tatayo lang ako kung magugutom ako, maliligo, o na-ccr. Pero bwisit lang kasi nagka-trauma yata ako sa cr. Sobrang bilis ko lang maligo. Dati, kaya kong magbababad sa bath tub nang hanggang isang oras. Ngayon hindi na. Kung uubra nga lang sana yung wisik wisik na lang kaso eew sa feeling eh.


'Pag uwian na sa school, dumadaan dito sa bahay yung mga kaibigan ko. Nago-overnight din dito sina Eros at Ella para samahan ako. Kakamustahin nila ko. Gusto nilang magtanong kung anong nangyari nung Lunes pero dinidismiss ko na agad yung topic. Baka totohanin nung psycho yung banta niya. Mahirap na.


Alas-otso pa lang ng umaga. Bored na bored na 'ko. Gustong gusto ko nang pumasok pero nahihiya ako. May malaking pasa kasi ako sa pisngi. Pati sa braso ko. Ang lalim na rin ng eyebags ko. Ayoko kasing matulog. Pag natutulog ako, naiisip ko lang yung pagmumukha nung mga fangirls ng apat na bumugbog sa'kin. Bangungot.


Narinig kong may nag-door bell. Napilitan akong tumayo para tingnan kung sino 'yon.


Pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa harapan ko si Kenneth.


"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko. "May pasok 'di ba? Ba't hindi ka naka-uniform?"


"Um-absent ako."


"Hala ka, bakit?"


"Nami-miss na kita eh."


Pinapasok ko siya. Sinenyasan ko siyang hintayin ako sa salas kasi kukuhanin ko yung mask ko sa kwarto ko. Ayokong makita niya yung miserable kong hitsura ngayon.


Nang makita niyang naka-mask ako, tumawa siya. "Ba't naka-ganyan ka? Wala ka namang nakakahawang sakit 'di ba? Wala rin naman akong dalang virus eh."


"Ihh. Ang pangit ko eh."


"Nakita ko na. Hindi naman eh. Alisin mo na 'yan. Maganda ka pa rin sa paningin 'ko, Lee."


Lumapit siya sa'kin tapos inalis niya yung mask ko. Ang lapit niya sa'kin. At sheet of paper lang naman, ayan na naman po yung ngiti niya. Tinalikuran ko siya. Pumunta ako sa kusina.


"Ba't ka um-absent? May quiz daw sa English ngayon ah." Kinuha ko yung pitsel ng lemonade sa ref. Nagsalin ako sa baso tapos inabot ko sa kaniya.


"Sabay na lang tayong mag-make up quiz. Para may kokopyahan ka."


"Sira!" Kumuha na rin ako ng marshmallows. Bumalik kami sa sala.


"Anong channel?" Kinuha niya yung remote. Binuksan niya yung tv nang walang kaabog-abog.


"Kahit ano. Ikaw bahala." Wala ako sa mood na manood ng tv.


"Hindi ka nabo-bored dito?"


"Ba't ka ba nandito?"


"Ayaw mo ba?" Malungkot na tanong niya. Nawala yung ngiti niya kanina.


"Wala naman akong sinabi."


"Sabi kasi nina Ella, okay ka na raw. Ayaw mo lang daw talagang pumasok. Pipilitin lang naman kitang pumasok na kaya ako nandito. Miss na talaga kita."


Ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung anong dapat i-react.


Sa maghapong 'yon, sinamahan ako ni Kenneth. Ayos na rin 'yon. Hindi ako masyadong na-bored.


Inayos niya yung family computer ko. Akala ko sira na yun. Pero gumana. Naglaro kami ng Nintendo.


Tapos tinuruan ko siyang mag-jackstone. Yun lang naman kasi yung libangan ko 'pag nandito ako sa bahay at kapag nauumay na 'ko sa pag-scroll sa newsfeed sa FB.


Pinagluto niya 'ko ng lasagna. May dala kasi siyang ingredients kanina. In fairness, ang galing niya sa kusina ah. Daig niya pa 'ko. Huhuhuhu puro prito lang kaya ko lutuin eh.


Kinuwentuhan niya 'ko sa mga nangyari nung absent ako. Hindi rin siya nakakasama kapag dinadalaw ako nina Ed 'pag uwian kasi may inaasikaso raw siya.


Hapon na nang maisipan kong itanong sa kaniya kung bakit siya may black eye at sugat sa labi. Kanina ko pa yun napapansin. Naghihintay lang akong magkwento siya pero mukhang wala siyang balak kaya nagdecide na 'kong itanong kung sa'n 'yon galing.


"Ah. Eto? Wala 'to." Mukhang ayaw niya nang pag-usapan. Itinuon niya na kasi yung pansin niya sa binubuo niya. Busy kasi kami sa Lego. Kinuha namin yung box ng Lego sa kwarto ni Kuya. Wala na kasi kaming ibang magawa.


"Sige. Mukhang ayaw mong pag-usapan. Okay lang."


"May gusto pala akong itanong, Lee."


"Spill the tea."


"Spill the tea?"


"Sabihin mo na."


"'Di ba, spill the beans?"


"Eh gusto ko, spill the tea."


Ginulo niya yung buhok ko. Tapos tumawa siya. Tinigilan niya yung pagbuo sa Lego. Hinarap niya 'ko. Biglang sumeryoso yung awra niya.


"Lee." Naghihintay ako sa susunod niyang sasabihin. "Lee, may pag-asa ba?"


"Ha?"


"I mean, ako. May pag-asa ba?"


Hindi ko alam kung anong isasagot. "Kenneth, kasi ano..."


Tinuloy niya na ulit yung pagbuo ng Lego. "Okay lang. 'Wag mo nang sagutin. Next time ko na lang ulit itatanong." Tapos ngumiti siya sa'kin. Parang in-aassure niyang okay lang kahit hindi ko na sagutin.


Sa totoo lang, natutuwa naman ako sa presensiya ni Kenneth eh. Mabait siya, oo. Matalino. Bonus pa na gwapo siya. Kaya nga halos patayin na ko nung mga fangirls nilang magkakabarkada kasi to die for naman talaga yung mga nilalang na gaya nila. Pero kasi. Basta. Hindi nagririgodon yung puso ko sa presensiya niya. Normal. Hindi ko alam. Kahit nung nalaman kong siya si Gab.


"Papasok ka na bukas ah." Sabi niya pa. Nginitian ko na lang siya.


Pagkaalis nina Kenneth, sakto namang dumating sina Eros at Ella. Gabi na sila nakauwi kasi may tinapos daw silang Science Investigatory Project. Pair work daw yun. Since kami lang naman daw ni Kenneth yung absentees kanina, kami na lang daw ang pair para sa make-up project.


Wala pa rin akong pinagkkwentuhan ng nangyari sa'kin. Ang hirap din palang kimkimin ng nararamdaman. Napagpasiyahan kong ilabas na lang sa blog ko yung nangyari sa'kin. Mga bff ko lang ang nakakaalam ng website ko. Pero sigurado naman akong hindi nila binubuksan 'to kasi FB lang naman ang trip nilang outlet eh.


Maya-maya, may nag-text.


Gab

Miss na miss na kita.

Lee

Magkasama lang tayo kanina ah.

Gab

Ganun ba?

Lee

??

Gab

Pasok ka na bukas. Gusto na kitang makita ulit. I miss you. So damn much.

Lee

^_^

Gab

Ano yan?

Lee

Smiley?

Gab

Ibig bang sabihin niyan, papasok ka na?

Lee

Bahala na

Gab

Balik ka na, Lee. I miss you. I love you.





Gab. Si Kenneth ka ba talaga? Bakit iba pa rin yung naiisip kong kausap ko? Bakit bumibilis yung tibok ng puso ko? Nakakalito naman. Tama pa ba 'to?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top