ILYS 31: The Brawl
Lunes.
Sobrang nakakatamad pumasok. Yung feeling na parang may magnet yung kama ko kasi ang hirap bumangon. Pero dahil nagbabagong-buhay na 'ko, pinilit ko yung sarili ko na pumasok sa school.
Kasabay ko si Eros at Ella kanina. Lagi nang magkasama yung dalawang yun. Close na rin kasi sila. Mukhang tanggap na rin naman ni Ella na baklita ang bff kong si Eris dahil hindi ko na siya nakikitaan ng signs na i-push pa ang naudlot niyang feelings dito.
May free time kami dahil wala kaming teachers sa dalawang magkasunod na subject. Yung teacher namin sa English, absent kasi may pupuntahan daw na convention. Yung teacher naman namin sa Math, may sakit. Ibig sabihin, may pagkakataon kaming gawin kung anong gusto namin kasi wala namang substitute na teacher.
Nagpunta kami nina Eros at Ella sa canteen. Nagc-crave daw sa vanilla ice cream si Ella. Pagdating namin do'n, naghanap kami ng pwesto ni Ella tapos si Eros naman yung bumili.
Nakita namin sina Ed, JB, at Ian. Yung pwesto nila, sa gilid ng glass window kung saan kitang kita yung malawak na school grounds. Lumapit kami sa kanila.
"Boy! Dito!" Pinaghila kami nina Ed ng upuan. Kasama rin nila si Kae na katabi ni JB. "Akala namin hindi kayo lalabas ng classroom. Ang busy niyo kasing tatlo. Aral na aral kayo ah!"
"Busy nga kami. Nagkokopyahan kasi kami kanina ng assignment sa Math. Buti wala si Sir Jay ngayon." Sabi ko. Nakikain ako sa potato chips ni Ed.
"Kulang yata kayo?" Tanong ni Ella.
"Si Kimee. 'Di pa din pumapasok. Isang buwan na." Malungkot na sabi ni Ed. "Miss na miss ko na talaga siya."
"Papasok din yun. Baka may inaasikaso lang. 'Di ba nga, gusto niya sa France mag-aral ng college?" Sabi ni Ella.
"Pero pwede naman niya kasing ipaalam muna sa'kin kung ba't di siya pumapasok. O kung anong ginagawa niya eh. Nag-aalala na kasi ako."
Inakbayan ko siya. "Yaan mo, boy! Papasok din yun. Hintayin na lang natin."
"Pero 'teka, may isa pang kulang sa inyo eh. Sa'n si Kenneth?" Oo nga no. Hindi ko pa nakikita si Kenneth.
Hindi naman sumagot sina Ed. Yumuko lang si Kae. Si JB at Ian naman, nakatingin lang sa bintana.
"Kainan na!!!" Dumating si Eros dala yung mga ice cream namin.
Pagkakain namin, nagpasya akong humiwalay muna sa kanila. Sabi ni Kae, pumasok daw si Kenneth pero hindi niya na alam kung nasan siya ngayon.
Hinanap ko si Kenneth. Nagpunta ako sa gym, nagbabakasakaling nandun siya. Wala rin siya sa rooftop na tambayan namin ni Eros. Nagtanong-tanong ako sa iba naming mga kaklase pero hindi raw nila alam kung nasaan si Kenneth.
"Lee!" May tumawag sa'kin. Nasa lobby ako ng building naming mga Seniors. Walang masyadong tao nang mga oras na 'yon kasi may klase. Papalapit sa pwesto ko si Staycee. Yung kaklase namin. Ang alam ko, bestfriend siya ni Iris.
"Bakit, Staycee?" Tanong ko sa kaniya. Mukhang kakagaling niya lang sa takbuhan. Hinihingal pa siya nang tawagin niya 'ko.
"S-sa cr!!! Samahan mo'ko!" Naguluhan ako. Ba't nagpapasama sa cr 'to?
"Bakit, anong meron?"
"Basta, samahan mo 'ko. May tissue ka ba jan?" nakahawak siya sa tiyan niya.
"Ha? Wala. Call of nature ba?" Tumatakbo na kami ngayon papuntang cr.
"Gags! Lalabas na!!!" Sigaw niya nung nasa labas na kami ng cr. Pagkapasok naming dalawa sa cr, hindi naman dumiretso si Staycee sa loob ng cubicle. Hindi na rin siya mukhang natatae. Kinabahan ako kasi akala ko, talagang natatae na siya. Pero sheet of paper! Ni-lock niya yung pinto ng cr.
May tatlong cubicle sa loob. Mula sa isang cubicle, lumabas yung isang babaeng hindi ko kilala. Nag-high five sila ni Staycee. Si Staycee naman, nagulat ako kasi nag-smirk siya sa'kin. Tapos nag-cross arms yung babaeng kasama niya. Parang may gagawin silang hindi maganda kasi ang talim ng tingin nila sa'kin.
"B-bakit? Anong m-meron, Staycee?" tanong ko. Napaatras ako. Napasandal ako sa sink.
"Maglalaro tayo, Lee." Tapos lumapit silang dalawa sa'kin.
"A-akala ko tinatawag ka ng kalikasan? Anong maglalaro?"
"Dumb girl. Joke lang 'yun! Pwede na ba 'kong artista?" Nag-hair flip siya. Tapos nag-evil laugh siya. Lumapit pa siya lalo sa'kin. "Alam mo, pangit ka naman eh. Maliit ka. Hindi ka naman gaanong matalino. Kilalang batugan ka nga ng Section B 'di ba? Ang pinagtataka ko lang, paano ka nakapasok sa SSC? At paano mo naging kabarkada yung apat?" Apat? Shems. Fangirl ata 'to nina Ed. Nagtinginan naman si Staycee saka yung babaeng hindi ko kilala. Tumango sa kaniya si Staycee.
Akmang lalabas na 'ko ng cr pero hinarang ako nung isang babae. Hindi ko inasahan yung mga sumunod na pangyayari. Sinampal niya 'ko!
"Para sa'yo 'yan. Mang-aagaw!" Sa sobrang shock ko, hindi ako nakagalaw. Napahawak ako dun sa pisngi kong sinampal niya. Maya-maya pa, sinabunutan ako ni Staycee. Pati yung babae, nakikisabunot na din.
Sheeet sigaw ako ng sigaw pero walang nakakarinig. Sinasabunutan ko rin sila! Pero dalawa sila, bes! At pang-maton yung lakas nilang dalawa. Naka-energy drink ba sila?
Tapos nung pagod nang makisabunot yung isang babae, tinakpan niya ng duct tape yung bibig ko. Yung kamay ko, nakasabunot pa rin sa ulo ni Staycee. Tapos tinatadyakan ko silang dalawa. Multi-tasking kumbaga. Pero yung isang babae tinatadyakan niya rin ako pabalik. Napaupo ako. Si Staycee. Todo-sabunot pa din sa'kin. Napabitaw ako sa kaniya. Aalisin ko sana yung duct tape sa bibig ko. Tinatadyakan naman ako nung isa.
May narinig akong nag-flush ng toilet. Nabuhayan ako ng loob. Hindi ako makasigaw kasi pesteng duct tape!!! Sobrang dikit. Chapped pa naman lips ko. Masakit! So nilabanan ko na lang ulit si Staycee sa sabunutan.
Maya-maya, lumabas na yung isang babae sa cubicle. Pero akala ko lang pala na tutulungan niya 'ko. Iba pala yung tutulungan niya. "Tabi jan!" Pinaalis niya sina Staycee saka yung isang babae. Lumapit siya sa'kin na may dalang balde. Binuhos niya sakin yung malamig na tubig!
"Sht." Yan yung pumasok na salita sa utak ko. Binabangungot ba 'ko? Ba't may kaharap akong mga psycho?
Nanginginig na 'ko sa lamig, sa inis, sa galit, halo-halo na yung nararamdaman ko. Pinagsasampal nila 'ko. Sinabunutan. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ng uniform ko. Tatawag sana ako ng tulong kaso mabilis na sinipa ni Staycee yung kamay ko tapos tumalsik yung phone ko sa loob nung cubicle. Nung wala na 'kong lakas na labanan sila, hinatak ako ni Staycee papasok dun sa cubicle. Ni-lock nila yung pinto. Hindi ako makalabas.
"Girls, ano? Tapos na ba yung pinapagawa ko? Walang magkkwento nito kahit kanino ah?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses. "Lee." Tinawag niya 'ko. Hindi ko maintindihan. Ba't nila ginagawa sa'kin 'to? "Noon, si Ian. Ngayon pati si Kenneth. Malandi ka talaga. Sa oras na malaman ng iba 'tong nangyari ngayon, tandaan mo, hindi lang ikaw ang masasaktan."
Hindi ko na magawang sumagot. Sobrang sakit na ng katawan ko. Nagawa kong alisin yung duct tape pero wala nang boses na lumalabas sa bibig ko.
"Tara na girls, iwan na natin yan!" Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Umalis na sila. Iniwan na nila 'ko. Gulong-gulo ako. Hindi ko inasahang sasaktan niya 'ko.
Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa toilet bowl. Pilit kong inabot yung cellphone kong sinipa ni Staycee kanina. Nang magawa kong kunin 'yon, tumawag ako kina Ella.
"Hello, kaps! Nasa'n ka? Nakita ko na si Kenneth! Kailangan mo siyang makita!" Sabi ni Ella sa kabilang linya.
"Kaps, t-tulong..." pakiramdam ko, umiikot ang paligid. "Sa c-cr." Tapos biglang bumigat yung talukap ng mata ko. Dumilim.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top