ILYS 3: Stalker
Walang pasok ngayon dahil Sabado pero required ang lahat ng mga estudyante na pumunta sa General Assembly. Preparation Day namin ngayon para sa gaganaping Foundation Day ng school sa Lunes na nagkataong Valentine's Day din.
Alas-tres pa naman ang assembly pero maaga na naman akong sinundo sa bahay ni Eros. For sure, may maitim na balak na naman 'to.
Nang marating namin ni Eros ang gate ng school namin, hindi na 'ko nagulat o nagtaka na pinagtitinginan ako ng mga kasabay naming papasok.
Ang ganda ko kaya.
Marami ang nagsasabi na ako ang perpektong halimbawa ng 'simplicity is beauty'. Kung gusto ko lang ng magulong buhay at mga paparazzi na atat na atat sa scoop, mag-aartista ako. Swerte lang ni Kathryn Bernardo na hindi ko pinangarap ang buhay-showbiz. 'Pag nagkataon, ako ang bibida sa Princess and I at Got to Believe.
"Good morning, Lee," bati sa 'kin ni Greco. Yung fourth year na binasted ko kasi natuklasan kong ka-pederasyon pala ni Eros. May balak pang gamitin ako bilang panakip butas sa pagkatao nito. Muntik na akong maniwala na gusto niya ako. Buti na lang, tinamad ako.
Nginitian ko siya, sabay hair flip. "Eh, di buo na naman ang araw mo niyan?" Nasabi ko bang naging friends kami dahil pareho kaming kagandahan? No insecurities. Walang halong kiyeme.
Pagpasok namin ni Eros sa gymnasium ng school, agad namin hinanap ang mga kaklase namin. Pero bakit hanggang dito sa loob, nakasunod ang tingin ng mga tao sa akin? O guni-guni ko lang yun?
Hindi na 'ko mapakali. Ang daming mga mata ang nakatunghay sa amin. Ako nga ba talaga ang tinutunghayan nila? Pero bakit pakiramdam ko'y tumatagos sa akin ang mga tingin nila?
Lumingon ako sa likuran namin ni Eros.
Kaya naman pala.
Ok. Ako na ang assuming! Lahat ng pares ng mga mata, kay Kimee pala nakatuon. Taas-noo itong naglalakad suot ang neon pink na silicone wedge.
Mas lalo pang tumaas ang noo nito nang dukutin nito sa bag nito ang latest aquisition siguro, Ray-Ban na antipara. May nakasabit din na Tote sa braso nito. Beige. Ang tank top at tapered jeans nito, nakaaakit ng tingin ng kahit sino. Yung belt niya, kumikinang dahil sa dami ng diyamanteng nakapalibot doon. Animo'y rumarampa sa runway dahil sa pag-indayog ng balakang nito.
"Hi, Lee. Hi, Eros," bati sa amin ni Kimee, kaibigan at kaklase rin namin siya.
"Hi," sabay naming tugon ni Eros.
"Hindi pa ba nagsisimula?" Tanong niya sa akin.
"Mukhang hindi pa, eh. Maaga pa naman."
"Ganda ng Ray-Ban natin a! Magkano? Saan mo nabili?" Tanong ng usiserang si Eros kay Kimee. Agad ko siyang siniko. Malakas kasi ang kutob ko na may nais iparating itong si bakla.
"Ow, ito ba?" Sabay tanggal sa antipara. "One-five lang ang bili ko rito sa ninang ng kapitbahay ko sa San Mateo. Tunay daw 'to kaso smuggled daw, nahuli sa customs kaya nakarating sa akin sa abot-kayang halaga."
Duda akong tunay 'yon. Kaya't kinurot ko sa tagiliran si Eros nang mapansin kong may balak pa siyang mag-usisa. Mahirap na. Baka maka-offend pa.
"Ganda ng outfit ha? Christmas party ba?" Hindi ko napigilan si Eros ng magsalita
ulit ito. Ayaw paawat. May nais patunayan.
"Patawa ka talaga, Eros. Gusto ko lang talaga pumorma. Sayang naman kung hindi ko gagamitin 'to. Ayos ba?"
"Oo naman. Ayos!" Sabi ko.
Magsasalita pa sana si Eros nang mapansin kong papalapit sa pwesto namin si Edward. Nakipag-fist bump ito sa aming dalawa ni Eros bago pasimpleng sinulyapan si Kimee.
"Ang hilig kasi sa branded, hindi naman marunong kumilatis ng fake sa hindi." Pabulong na sabi ni Edward, nakatingin sa malayo. "Pekeng bag, pekeng relo, tsk!"
Lumingon kami ni Eros kay Edward. Nakita ko si Eros na ngiting ngiti, ngiti ng tagumpay. Iyon kasi ang nais niyang iparating kanina pa.
"Hindi 'to fake! Ang kapal mo!" Nagulat kami nang magsalita si Kimee. Kung maka-react ito, parang iyon ang pinaka-importanteng bagay sa mundo.
"Ows? Ilubog mo sa tubig, kalas 'yan!"
"Excuse me?"
"Binilhan ko niyan ang kapatid ko. Ganiyang ganiyan yung style ng bag. Peke yan."
"Ewan ko sa 'yo." Iningusan ito ni Kimee. "Itong relo ko, original 'to, hoy! G-shock. 'Tong Ray-Ban ko, hindi mababali kahit baliin mo!"
Natawa si Edward. "Seryoso ka ba? Singkwenta lang 'yan sa Divi!"
"Anong singkwenta? Kapal!"
"Sus! Pag mukha kang utu-uto, one-fifty daw 'yan. 'Pag mukhang papalag ka, singkwenta."
"Hindi ako naniniwala. Asa ka!"
"'Di 'wag. Paki ko ba sa'yo? Ginusto mo 'yan, e."
Mukhang nakahanap na ng katapat si Kimee. Iyon ang kailangan nito. Sa sobrang obssession nito sa mga branded, namumulaklak sa iba't ibang brand logos ang mga outfit at gamit nito pero hindi namamalayang peke na pala ang mga iyon.
Head turner naman talaga ito, well, maliban sa akin. Hahaha. Yun nga lang, nagrerelo lang ito para pumorma. Wala itong pakialam sa oras. Wala lang talaga akong lakas ng loob para sabihin iyon sa kaniya. I think, Edward can handle it. Naikwento ko na bang may crush si Kimee at Edward sa isa't isa? Ahihihihi.
Matapos kaming i-orient ng Principal namin para sa mga gagawing activities sa Lunes, tinipon ni Kae, class president namin, ang buong section.
Kaniya-kaniyang suggest ang mga kaklase ko ng pwedeng booth namin. Mayamaya pa ay nilapitan ako ni Kae.
"Lee, favor naman o,"
"Bakit? Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ko.
"Close kayo ni JB 'di ba?"
"Naka! Hindi naman."
"Siya kasi ang representative ng lahat ng third year at the same time, siya rin yung president ng Section A. Would you mind kung ikaw na lang ang makipag-negotiate tungkol sa mga plans natin para sa Monday?"
"Bakit ako? Ikaw ang president e."
Naramdaman kong nag-iwas ng tingin sa akin si Kae. Kitang kita ko ang paglapit sa amin ni JB.
"Hi, Lee!" Masiglang bati nito sa akin. "May napili na ba kayong booth? If meron na, just let me know. You're Kae, right?" Binalingan nito si Kae.
"O-oo." Kandautal na sagot ni pangulo.
"I heard you're section B's president. Just let me know your class' plans, okay?"
"O-okay." Nag-blush si Kae. Umalis na si JB. Obvious naman na busy ito. Still, obvious pa rin ang grace under pressure. Kapagkuwan ay nilingon ko si Kae. Nakayuko pa rin ito, parang nahihiya.
"Aha! May gusto ka kay JB, president!" Panunukso ko sa kaniya.
"Wala, no!" Defensive.
"Denial."
"Oo na. Gusto ko siya. Diyan ka na nga." Tinalikuran niya ako. Napikon. Guilty beyond reasonable doubt.
Wedding booth ang napili ng section namin na booth para sa Lunes. Dahil mabait ako, pumayag ako sa gusto ni Kae na ako na lang ang makipag-negotiate sa Class A. Nagpunta ako sa pwesto nina JB. Nandoon ang malanding si Eros. Bruhang 'to! Iniwanan ako. Mabuti na lang at nakilala ko na ang karibal niya kay JB. Mas boto ako kay Kae.
Manigas siya!
Busy-busy-han ang lahat sa pagde-decorate sa mga booths at ng buong gym. At dahil tamad ako, nanonood lang ako sa kanila sa isang tabi. Sa sobrang ingay, napagpasiyahan kong pumunta sa rooftop na nasa kabilang building. Babalik na lang ako kapag malapit nang mag-uwian.
Walang estupidyanteng pakalat-kalat sa labas ng gym. Ayos. Solo ko ang katihimikan. Pagkarating ko sa rooftop, agad kong nilasap ang simoy ng hangin. Pakiramdam ko'y abot ko ang langit. Nakabibingi ang katahimikan. Ayos. Walang magulo. Perpekto.
Umupo ako sa likuran ng pintuan ng rooftop. Naka-indian sit ako habang nakasandal sa pinto. Sinimulan ko nang magbasa ng e-book. Ang sarap sa pakiramdam na naivi-visualize ko nang maayos ang senaryo sa buong kwento. Daig pa niyon ang panonood ng 3D movie.
Nasa kalagitnaan na'ko ng kwento nang nakarinig ako ng mga yabag sa staircase na papunta dito sa rooftop. Sobrang lapit lang ng tunog.
Oops! Don't panic. Walang mumu, okay? Pagkausap ko sa sarili ko.
Tumayo ako. Lumapit ako sa staircase, sinipat sipat ko ang paligid. Pero wala akong nakitang kahit ano. Baka pusa lang iyon. Pero saan manggagaling ang pusa? Hindi 'yon papapasukin ni Manong guard sa building.
Guni-guni lang ang narinig mo, Lee. Chill.
Bumalik ako sa pwesto ko, pero iba na ang pakiramdam ko. Parang may kasama ako. May naririnig akong mahinang kaluskos kung saan. Nakarinig ako ng 'creek' sound. Iyong tunog ng pagbukas-sara ng mga antigong pinto.
Shit, this is so creepy, you know.
Tumindig ang mga balahibo ko nang lumakas ang ihip ng hangin. Dammit! Hindi ako naniniwala sa mumu pero mukhang ngayon, maniniwala na 'ko.
Napagdesisyonan kong bumalik na lang sa gym. Nang makalabas ako sa building na 'yon, agad kong t-in-ext si Eros. Gusto kong ikwento sa kaniya na may mumu sa sanktwaryo naming dalawa. Pakiramdam ko, may sumusunod sa akin.
Nilakihan ko ang mga hakbang ko.
Don't look back, Lee.
I was texting and walking simultaneously nang may bumangga sa akin nung napahinto ako.
Shit, may sumusunod nga sa akin!
Lakas loob akong tumingin sa likuran ko. Haharapin ko ang bakulaw.
"Ay puso ng dwende!" Gulat na gulat ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi bakulaw. Hindi mumu. Masyadong gwapo para maging mumu. Pinakalma ko ang sarili ko. Pero walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko.
"Ayos ka lang ba, Lee?" Tanong ng mumu- este - ni Ian.
"Ha?" Pinahid ko ang pawis kong naglalakbay sa noo ko gamit ang likod ng palad ko. Akala ko, mumu ang sumusunod sa akin. Buti na lang, si Ian lang pala.
"Bakit namumutla ka? Anong nangyari?"
"May mumu."
"Mumu?"
"Yeah. I heard footsteps, akala ko pusa, pero masyadong malakas ang tunog kung pusa nga iyon. May mumu."
"Seriously? Baka yung janitor lang 'yun. O yung maintenance personel."
"Tingin mo?"
Nagkibit-balikat lang siya. "Sama ka sa'kin. Hinahanap ka ni JB."
Sinamahan ako ni Ian pabalik sa gym. Ang tahimik na niya. Man of few words talaga siya. Hindi pa rin tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Why o why?
***
Matiwasay akong naihatid ni Eros pauwi. Sobra akong na-stress kanina kahit wala naman akong masyadong ginawa. Agad akong dumeretso sa kwarto ko para harapin ang PC ko. Kailangan kong mag-on line, stress reliever ko yun e.
Gusto ko sanang i-chat si Ella pero hindi siya active. Nakuntento na lang ako sa pagmamanman sa newsfeed hanggang may isang message na nag-pop up.
Geez, siya na naman?!!
Prince
Namiss mo ba ko?
Aww seen na naman :(
Namiss mo ko no? :)
Lee
Di nga kita kilala e
Ano bang kailangan mo?
Prince
Hindi ka na curious?
Hindi mo na talaga gustong malaman kung sino ako?
Promise?
Lee
Fine. Sino ka?
Prince
Curious ka? ^_^
Lee
Tae ka! Assuming!
Prince
4r4y qouh v3h
Hindi ka na nga curious kung sino ako :(
Lee
Wala akong panahon para sa mga kadramahan mo
Prince
Weh?
Pero nagrereply ka ^-~
Yieeeeeeee
Alam mo ba dati, wala akong lakas ng loob na lapitan ka
Actually hanggang ngayon hehe '^_^>
I also never had the guts para i-pm ka
Then I did
Kaso parang gusto ko na ngang tumigil e
Kasi you're snob (eversince) at nasasaktan na ako
Pero sabi kasi ni Jean Jacques Rousseau, "patience is bitter but its fruit is sweet so hindi kita tatantanan
Nakita ulit kita kanina
Sa rooftop
I was there, too!
Bakit ang cute mo? Hihihihi
Hindi ka mahilig mag makeup gaya ng ibang babae sa school. Baduy ka nga pumorma eh Lol ^_^v
Yet you're so pretty
Lee
Stalker!
Leave.Me.Alone.
Prince
Lee
Stalker ka talaga?
Wtf
Get lost, you creep!
Sht! Tumindig lahat ng hair follicles ko. Nanginginig ang buo kong pagkatao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top