ILYS 29: It's Me

It's five pm at nasa sasakyan kami ni Kuya. Nagpahatid kami nina Eros at Ella sa bahay nina Ed. Ang paalam namin, may gagawin lang kami na project. Pumayag naman si Kuya kasi kasama ko naman ang mga bestfriends ko.

Tumunog yung phone ko.

Gab

We're here. Can't wait to see you, my princess!





"Bakla, andun na ba sila?" Tanong ni Eros sa'kin na nasa passenger seat. Katabi ko si Ella dito sa likod.


"Nandun na daw sila."


"Wiiiiih, I'm so excited!!!" nagpapalakpak naman ang bakla. Nakita kong kumunot ang noo ni kuya sa rearview mirror.


"Ano bang project yung gagawin niyo dun?"


"May role play kasi kami, Kuya. Magpa-practice kami." Mukha namang planado na ni Eros ang palusot na 'yon para payagan kami ni Kuya. Kapag kasi sinabi namin ang totoo na makikipag-meet ako sa stalker ko, baka hindi lang niya 'ko pagbawalang pumunta. Baka tawagin niya ang Armed Forces of the Philippines sa pamumuno ni Papa. Mahirap na.


Sa wakas ay nakarating rin kami sa mansyon nina Ed. Nang iwan na kami ni kuya, ni-reply-an ko na si Gab.





Lee

Nandito na kami.




Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sa loob ng kalahating taon na nagkakausap kami ni Gab sa text at chat, makikilala ko na rin siya. Partly, kinakabahan ako. Pero nandon din yung excitement. At syempre, lalong hindi nawawala yung pag-asa ko na tama yung kutob ko kung sino siya. Masama bang umasa?



Sa loob ng kalahating taon, may mga napatunayan ako.


Una, hindi naman na-trap sa palasyo o nag-tantrums yung kabayo ng prinsipe ko kaya ang tagal niyang dumating. Na-realize ko na kaya hindi pa siya pinapakilala ni Lord sa akin kasi hindi pa ako ready. Bata pa 'ko. Marami pa 'kong mararanasan. Kailangan kong enjoy-in ang kabataan. Dahil minsan lang yun dumating sa buhay natin. At hindi rin ibibigay ni Lord kung ano yung gusto natin. Ang ibibigay Niya, yung kailangan natin.


Pangalawa, hindi hinarang ng salbaheng bruha o na-trapik sa EDSA ang prinsipe ko. Nasa paligid lang siya. Too close yet too far nga lang ang peg naming dalawa. Marahil, naghihintay lang ng perfect timing si tadhana. Kasi ang pagmamahal, darating yan. Sa tamang pagkakataon. Kung may umiibig kasi na nasaktan, siguro kasi mali yung panahon, mali yung lokasyon, mali yung tao. Hindi ka dapat nagmamadali. Kasi yung mga nagmamadali, yun yung madalas nagkakamali. 'Wag kang mainip. May plano Siya para sa'yo.


Pangatlo, 'di ba, ang dami kong tanong noon na 'paano'? "Paano kung nakita ko na pala siya sa jeep pero pumara ako? Paano kung paakyat ako sa escalator habang pababa siya para tumungo sa exit ng mall? Paano kung nag eye to eye contact na pala kami pero lumingon ako para tingnan ang hudyat ng traffic enforcer?" Pero hindi ko naitanong sa sarili ko kung 'bakit'.


Bakit hinahanap ko siya? Bakit ang dami kong tanong? Bakit naghahanap pa rin ako ng sagot? Bakit minamadali ko ang lahat? Bakit nga ba? Siguro dahil naiinggit ako sa mga napapanood kong teleserye, koreanovela, at mga pelikula. Siguro naiinggit ako sa mga kaibigan kong kahit sa murang edad, pumapag-ibig na. Siguro gusto ko lang talagang maranasang magmahal at mahalin pabalik.


Hindi ko naisip na punong-puno naman ako ng pagmamahal. Busog ako sa pagmamahal ng pamilya, ng kaibigan, at pagmamahal ko sa sarili ko. Masyado akong nag-focus sa kasayahan ng iba at hindi ako nakuntento sa mga biyayang nakuha ko na. Alam kong may panahon para ilaan sa isang pag-ibig ang puso ko, pero hindi pa ngayon. Marami pa 'kong kailangang matutunan. Hindi dapat ako nagmamadali. Dahil ang bagay na pinaglalaanan ng isip, dedikasyon, at panahon ay worth the wait.


Siguro kailangan ko munang matutunang umiwas sa pagiging late. Kailangan ko munang matutong umiwas mangopya at magpakopya. Kailangan ko muna sigurong isauli yung g-tec ni ma'am at frixion pen ni sir at mag-invest ng para sa sarili ko. Siguro kailangan ko munang matuto ng gawaing bahay. Siguro kailangan ko munang iwasan ang pagiging tamad. Iiwasan ko munang magbabad sa social media at dapat ko nang palitan ang password ng wifi para hindi maka-connect ang kapit-bahay. Basta! Marami ka pang dapat matutunan bago sumabak sa larangan ng pagmamahal. Kasi sa pagmamahal, marami kang isasakripisyo.


Isasakripisyo mo ba yung remote control? Isasakripisyo mo ba yung oras mo para sundin ang mga gusto ng taong gusto mo? Handa ka bang magsakripisyo ng oras, sarili, effort, at budget para sa mahal mo? Saka ka na maghangad ng tunay na pag-ibig kapag ang sagot mo sa tanong na "anong nagustuhan mo sa kaniya" ay "hindi ko alam." Hindi mo kasi kailangan ng rason 'pag nagmamahal ka.


"Hoy 'teh! Ga'no kalalim ya'n?" Iwinawagayway ni Eros yung kamay niya sa harap ng mukha ko. Hindi ko namalayan na nagmumuni-muni na pala ako ngayon. "Parang nasa Mariana trench lang ah! Kinakausap kita bakla ka, dine-deadma mo yung beauty ko ah."


Biglang tumunog yung phone ko.




*Gab calling...




"Sagutin mo na dali!!!" Atat na atat na sabi ni Eros na ngayon ay pinaghahampas ang braso ko. Si Ella naman, nakatunghay lang sa'ming dalawa. Alam kong excited din siya kasi ang lapad ng ngiti niya.


Sinagot ko yung tawag. Ewan ko ba, sa twing tumatawag siya, may isang tao akong ine-expect na magsasalita sa kabilang linya. "Hello?"


"Lee!!!" Boses ni Edward. "Nasa baba na ba kayo? Naghihintay na si Manang sa pinto, ihahatid niya kayo dito sa Azotea. Akyat na kayo."


"S-sige." Tapos in-end na ni Ed yung call.


"Ano? Tara na?" Sinamahan ako nung dalawa papasok sa mansiyon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.


Nangangatog yung tuhod ko habang paakyat kami sa staircase. Gusto sana nina Eros na ako na lang yung pumunta kaso parang hindi ko kaya. Pinilit ko silang samahan ako. Paano kung serial killer pala talaga 'tong si Gab? Which, through time, nalaman kong imposible.


Pagdating namin sa azotea, maliwanag pa yung paligid kahit pasado alas singko na. Maya-maya lang, lulubog na si haring araw at parang gusto ko na ring lumubog sa kinatatayuan ko.


"Uwi na tayo." Akmang tatalikod na 'ko pero pinigilan ako ni Eros.


"Bruha ka!!! It's now or never." Tapos sa dulo ng azotea, nakita kong nandoon yung mga kabarkada namin. Nandoon si JB, si Ed, si Kenneth at si Ian.


"Princess!!! Buti dumating ka!!!" Lumapit sa'min si Ed. Pagkalapit niya, inakbayan niya 'ko. "Alam kong gustong gusto mo na siyang makilala kaya hindi ka na namin paghihintayin. You deserve the world, boy!"


"Tinawag mo 'kong princess?" Nagtatakang tanong ko kay Ed. "Tapos gamit mo kanina yung phone ni Gab nung tumawag ka. Wait, Ed!" Napatakip ako sa bibig ko. "Hala, wag mong sabihing?"


Binatukan ako ni Ed. Aba't! "Hoy boy! 'Wag ka nga! May Kimee na 'ko! Hindi ako si Gab!" Tinawanan niya 'ko.


"Kung hindi talaga ikaw, sino?" nagkatinginan kaming lahat. Palipat-lipat ang tingin ko sa mga kasama ko, pero parang walang gustong magsalita. Nabibingi ako sa katahimikan. "Ano? Ako lang ba talaga yung walang alam dito? Kung ginu-goodtime niyo 'ko, uuwi na lang ako." Umalis ako sa pagkakaakbay ni Ed, gusto ko nang umuwi. Pero natigilan ako nang may magsalita.


"'Wag kang umalis!"


"Bakit? Sasabihin niyo na ba kung sino si Gab?" tanong ko.


"Lee."


"Kasi kung walang aamin sa inyo, nag-aaksaya lang ako ng panahon dito." Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.


Gab... kung sino ka man, sana tama yung hinala ko.


"Ako si Gab."


Then right at that moment, para akong itinulos sa kinatatayuan ko.


"Ako si Gab, Lee. Please, 'wag kang umalis."


Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang hindi ako makagalaw. Siya si Gab. Siya raw si Gab.


"Ang tagal ko nang gustong sabihin pero hindi ko magawa kasi baka hindi ka maniwala, o kaya layuan mo 'ko, o magbago yung pakikitungo mo pero ako si Gab, Lee."


Wala pa ring nagsasalita maliban sa nagpakilalang siya si Gab. Ed's not saying anything. Even Eros and Ella. The rest, they're not speaking. Anong isasagot ko? Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ngayong kilala ko na kung sino si Gab. Si Gab na nagpapabilis ng tibok ng puso ko sa tuwing maririnig kong tumutunog yung phone ko. Si Gab na unang lalaking nangulit at nagtapat na mahal niya 'ko. Si Gab na natutunan kong gustuhin nang hindi ko namamalayan.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naguguluhan ako.


"Kenneth, totoo ba?"


Sa wakas ay may nagsalita. Si Ella. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang hindi nakakaalam kung sino si Gab. I knew all along that Eros is into this. Pero hindi siya kumikibo. Ella spoke for me. "Ikaw si Gab?"


And at that instance, I felt numb.


"Ako nga."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top