ILYS 26: Book Fair
Eros
Bakla, sa'n ka na? Ang tagal mo 'teh! You're so GRRRRRR
Lee
OTW
Eros
On the water?
Lee
Gaga! On the way!
Eros
Bilis bakla! Kyaaaaah yung mga peyborit kong wattpaders nandito naaaaa! Kyaaaaah Na-star struck si aketch!!!!!
Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Actually, ngayon pa lang ako paalis. As usual, late na naman ako. Old habits die hard eh. Linggo ngayon. Excited si Eris dahil sa Book Fair. Mahilig siyang magbasa sa wattpad kaya inaabangan niya 'tong araw na 'to para ma-meet and greet niya yung mga favorite niyang authors.
So ito naman si ako, wala naman akong hilig magbasa kaya oks lang ma-late. Minsan napagkakamalan na 'kong allergic sa libro.
Pagkadating ko sa venue, sobrang dami ng tao. Kaya t-in-ext ko agad si Eris.
Lee
Baks! Wer na u? D2 na me!
Pero hindi nag-reply ang bruha. Nagpalinga-linga ako, umaasang makikita ko siya kaso hindi ko talaga makita. Minsan talaga, masakit umasa.
Sabi ni Eros kanina, nandito na raw sila lahat. Hindi na raw nila ako nahintay para sabay-sabay sana kami pupunta kasi masyado siyang excited. Pumayag naman akong mauna na sila rito kasi sanay naman akong naiiwan at mag-isa. Charot.
Ang daming mga exhibitors. Hindi mahulugang karayom ang paligid sa sobrang dami ng tao at mga libro. Sa mga kagaya ni Eros na mahilig sa libro, isa itong paraiso. Nakakasulasok naman ito para sa mga kagaya ko.
Hindi ko talaga makita kahit anino nila. T-in-ext ko si Ella. Ang sabi niya, magkasama raw sila ni Eros na nakapila sa book signing ng hindi ko malaman kung sinong author 'yon kasi never heard yung pangalan. Caramelize yata 'yun? Basta.
Anong gagawin ko rito? Sa sobrang dami ng tao dahil last day na ng Book Fair na 'to at syempre, Linggo pa naman, siksikan na talaga.
"Boy!" Narinig kong may sumigaw. Ka-boses ni...
"Ed!"
Sa wakas at may nakita akong pamilyar na nilalang.
"Boy! Ang tagal mo naman!" Sabi niya.
"Kanina pa 'ko nawawala eh. Sa'n sila?"
"Hinahanap ko nga rin sila eh. Nagkahiwa-hiwalay kami kanina pagdating namin dito. Excited ang mga loko eh. Ayun! Kung saan-saan na sila napunta! Mga adik sa libro!"
"So ano palang ginagawa natin dito, boy?"
"'Di ko alam, boy! Hindi tayo belong."
Ilang minuto kaming nakatayo doon ni Ed na walang ginagawa kundi ang magmasid sa paligid nang sa wakas, nakita namin sina JB, Kae, at Kimee.
"Sa'n na yung lovebirds?" Tanong ni Kimee.
"Lovebirds?" Tanong ang isinagot ko sa tanong niya.
"Si Eros at Ella." Nasamid ako.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Ed. Tapos napatawa na lang ako nang malakas.
"Luh. Baliw." Sabi ni Ed. Binatukan ko siya. Tapos dumating na rin sa wakas yung lovebirds na tinutukoy nila. Sobrang lapad ng mga ngiti.
"OMG Kaps! OMGGGGGGGG!" Pinanggigilan ni Ella yung braso ko. Feeling ko, hihiwalay na sa katawan ko yung braso ko dahil sa ginagawa niya.
"Bakit?!" usisa ni Ed.
"Nakita na namin si Caramelize!" Tuwang tuwang sabi ni Eros. Pinakita niya sa'min yung pocketbook niyang may autograph. Ngiting ngiti siya. Pero siguro kung kaming tatlo lang nina Ella ang magkakasama, tiyak na patili na siya! Hahahahaha
"Yun lang? Napakaligaya niyo naman! Sino ba 'yon?" Tanong ni Ed.
"Yung favorite writer namin! Kyaaaaah!" Sabi ni Ella. Tapos nagsalita ulit si Eros.
"Grabe. Ang liit niya pala sa personal."
"Oo nga eh. Hindi ko in-expect 'yon. Pero small but terrible naman siya! Tapos naka-glasses siya. Geeky daw siya pero ang astig niya pa rin! Ang funny kasi ng mga works niya. Masasaktan ka, tatawa ka, makaka-relate ka. Kyaaaaaaah! Ang ganda ng mga stories niya." Tapos kinukurot-kurot ni Ella yung braso ko na pilit kong iniiwas sa kaniya.
"Oo, maganda nga yung mga stories niya. Kasingganda niya!" Natigilan si Ella sa sinabing 'yon ni Eros. Well, kahit ako rin eh. "Grabe, alam niyo yun? May anggulo siya na maganda, tapos may side na ang cute cute niya. Feeling ko, crush ko na siya."
Like, whuuut?
Nag-iba yung timpla ni Ella. Tinigilan niya na yung braso kong namumula na dahil sa kurot niya. Selosaaaaaaa.
Since 'di rin naman nage-gets ng iba ang mga nangyayari, nag-change topic si JB.
"Sa'n na tayo ngayon, guys?"
"Kain tayo." Suggestion ni Kae. "Gutom na 'ko."
Nagdecide sila kung saan kami kakain. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta lang ako sa CR tapos susunod na lang ako sa kanila.
***
Pagkalabas ko ng CR, hindi ko na alam kung saan ko sila pupuntahan at kung nasaan ako. Hindi ko na maalala kung nasaan yung restaurant na napili nila. Huhuhuhu ang shunga! Haaaay. Tinuro nila sa 'kin kanina kung paano pumunta sa kakainan namin. Kaso may short term memory loss ang bes niyo eh.
Tapos may nag-text sa'kin.
Gab
Nasan ka?
Lee
Nasa Earth?
Gab
Nyenye. Nasan ka nga?
Lee
Hindi ko alam. Naliligaw na naman akoooo
Gab
Nasaan ka?
Lee
Ewan ko. Hindi ko alam. Bakiiiit? Saan ako pupuntaaaaa waaaaaah
Gab
NASAAN KA NGA???!!!
Lee
BAKIIIIIIT? HINDI KO NGA ALAM KUNG NASAAN AKOOOOO
Gab
BAKIT DI MO ALAM KUNG NASAAN KAAAA? IDESCRIBE MO KUNG NASAN KA> ANONG MERON SA PALIGID MO? ANY SIGNAGE? GANON.
Lee
EH BAKIT BA KASEEE? NASA LABAS AKO NG CR. HINDI KO NA ALAM KUNG NASAN YUNG MGA KASAMA KO. MASAYA KA NA????? STALKER KITA 'DI BA? BA'T MO PA KO HINAHANAP? GIGIL MO SI ACQOUH
Ite-text ko sana sina Eros para itanong kung nasaan sila at kung saan ako pupunta pero nag-expire na yung load ko! Ang gandang timing nga naman.
Sa takot ko na mas lalo akong maligaw, hindi na 'ko umalis kung nasaan man ako. Sana naman hanapin nila ako. Huhuhuhu
Halos fifteen minutes na rin akong naghihintay nang may pamilyar na bulto na papalapit sa pwesto ko.
"Kanina ka pa namin hinahanap, ba't ang tagal mo?" Tanong niya sa'kin. 'Yan yung unang linya niya na narinig ko sa araw na 'to.
"Hindi ko maalala kung saan ko kayo pupuntahan. Naubusan pa 'ko ng load, hindi ko kayo ma-text." Kalmado kong sabi. Pero kung sakaling hindi niya 'ko nakita, kakabahan na 'ko eh. Wala na kasi akong pamasahe pauwi. Hindi ako nagdala ng extra dahil alam ko namang kasabay ko sila. Huhuhuhu bakit ang talino ko?
Tinawagan niya sina Eros para sabihing nagkita na kami. Tapos, niyaya na niya akong umalis, sabi niya...
"So, ano? Tayo na?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top