ILYS 25: Brigada
"Thank you!" Naiyak na 'ko ng tuluyan nang dahil sa kaba, pagod, stress, sindak, at kung ano-ano pa. All I can do right now is to hug him like holding on to my dear life.
---
Dalawang linggo nang nasa ospital si Kenneth. Kasama ko si Ed, Kimee, JB, Kae, Eros, Ella, at Ian ngayon para dalawin siya. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanila kung sino sino ang mga gumawa no'n kay Kenneth at kung bakit siya sinaktan nina Owen. Ayokong sabihin sa kanila na dahil yun sa frat. Wala naman ako sa posisyon para magsabi.
"Salamat sa pagpunta," sabi ni Kenneth sa'min. Mukhang okay na siya. Naghihilom na rin kasi yung mga pasa niya at yung mga sugat niya.
"Kamusta, 'tol?" tanong ni Ed na inilapag yung basket ng mga prutas sa side table.
"Eto, gwapo pa rin naman." Naka-smirk pang sagot ni Kenneth. Nabugbog na nga, hambog pa rin.
"G*gi talaga 'to! Kaya ka siguro pinuruhan nung mga gangster. Ang yabang mo kasi!" sabi naman ni JB. Nagtawanan kaming lahat.
Ibinalita namin sa kaniya na enrolled na kami. Fourth Year na kami sa pasukan. Hindi namin inaasahan na magiging magkakaklase na kami. Si Eros, ako, at si Ella kasi, nakapasok na sa section nila, yung SSC. Kinakabahan ako na excited para sa next school year. Mabuti na lang, hinawaan ako ni Eros ng kasipagan niyang mag-aral.
"Brigada Eskwela nga pala ngayon. Ano? Tara na?" Niyaya na kami ni JB pagkatapos ng halos dalawang oras naming pagkukwentuhan.
"Iiwan niyo na 'ko?" Tanong ni Kenneth. "Okay lang, sanay naman akong maiwan."
"Drama nito!" Sagot ni Ed. "Iwan na lang namin si Lee dito." Suhestiyon ng loko.
"Ayoko nga!" Tutol ko.
Nalukot naman ang mukha ni Kenneth. Mukhang nasaktan yata siya sa sinabi ko. Pero nagkibit-balikat lang ako. Ayokong maiwan dito. Hindi ko maipaliwanag eh. Kahit gusto ko pa siyang samahan, ayoko kasi magtagal sa mga ospital. Basta. Yun na 'yon.
Sa huli, napapayag na rin namin si Kenneth na iwan siya. Baka maging late enrollee siya. Nangako naman siya na magpapagaling siya agad para makasama niya kami.
Pagdating namin sa school, ang dami na ng tao. Lahat may dalang gamit panglinis. Habang busy yung mga soon-to-be kaklase ko na maghanda para sa Brigada, busy naman ako na nagmumuni kung bakit sa umpisa lang ng school year ginagawa ito. Hindi ba dapat, consistent?
At kung may isa mang consistent sa mundo ngayon, si Ian 'yon. Consistent na namin siyang kasama ngayon nina Eros at Ella sa mga gala namin ngayong bakasyon. May sarili na kasing mundo yung tropa niyang sina Ed at JB kasama ng mga jowa nila.
"O!" Inabot niya sa'kin yung walis tingting. "Sa orchard naka-assign yung SSC. Tara." Sabi niya. Feeling ko, close na kami. Humahaba na kasi yung mga linya niya ngayon.
"Ian."
Nakatingin lang siya sa'kin habang naghihintay sa sasabihin ko.
Holy sheet of paper! Bakit parang tambol ang heartbeat ko?
"Bakit, Lee?" tanong niya.
Sa isip ko, napatanong din ako ng 'bakit, Lee?' Bakit parang ang ganda ng pangalan ko kapag siya yung nagsasabi? Chos.
"Ah. Ano. Thank you nga pala."
Kumunot yung noo niya. "Thank you? Para sa'n?"
"Last last week."
"Ah. Yun ba? Wala yun!" Ngumiti siya. May dimples OMG.
"Tsaka, sorry pala."
"Saan naman?"
Nung basta na lang kita niyakap nung niligtas mo 'ko. Na deep inside hiniling ko na sana 'wag mo 'kong bitiwan. Pakiramdam ko, ligtas ako nung kasama kita. Kaso nawalan na 'ko ng malay no'n. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos.
"Wala. 'Joke lang."
Ginulo niya yung buhok ko. Yung para akong aso na p-in-at yung ulo. At bwisit na puso 'to! Ang abnormal eh.
Hindi pa man nakaka-recover yung puso ko, inakbayan niya ko, OMG!
"Tara na. Baka naghihintay na sina Eros. Ang tagal natin eh. Bigla ka daw nawala kanina. Sa'n ka ba nagpunta? asdfghjklzxcvbnmqwertyuiop"
Wala akong naintindihan sa mga sumunod niya pang sinabi. Wala kasi do'n yung isip ko. Kasi holy sheet of paper at anak ng packing tape talaga! Nakaakbay siya sa'kin ! Sabi ko sa inyo, close na kami eh.
Nang makarating kami sa orchard, natapos bigla ang mga maliligaya kong sandali. Inalis na ni Ian yung pagkakaakbay niya sa 'kin.
"Hoy kayong dalawang loveydovey! Maglinis na nga kayo!" Echoserang Eros. Ang bitter. Aga-aga ha! Ngumiti lang si Ian bago siya pumunta sa assigned place niya.
"Che!"
"Lande!"
Aba't! Lukaret 'tong bakla na 'to! Tinawanan ako. Sa isang tingin lang kasi namin, alam na namin ang nasa isip ng bawat isa. For sure, na-mental telepathy niyang kinikilig ako. Nakangisi pa ang bruha!
Habang nagwawalis ako, hindi ko mapigilang tumingin sa gawi ni Ian na naglilinis din sa orchard. Kausap niya si Iris. Mukhang nakakatawa yung pinag-uusapan nila kasi nawawala na naman yung mata ni Iris. Chinita kasi siya kaya pag tumawa siya, lumiliit lalo yung mata niya.
Tapos si Ian, parang ang saya niya. Ano kayang pinag-uusapan nila?
"Bakla!" Lumapit sa pwesto ko si Eros.
"Oh! Bakit?"
"'Wag mong titigan. Baka matunaw."
"Gaga. Sinong may sabing tinititigan ko?"
"Isa-isa lang beshy. May Kenneth ka na. May Ian ka pa. Idagdag mo pa si mystery guy, Gab mo."
"So? 'Dun ka na nga sa Ella mo!"
"Like eeeeew bes! Hindi ako papatol sa kapwa kong girl."
"Echosera!" Binatukan ko siya. Nasa malapit lang sa'min si Ella. Kapag narinig niya yung sinabi ni Eros, mag-eemote na naman ang balat-sibuyas kong kaibigan.
"Hoy bakla, sama ka sa Book Fair!" Biglang change topic ni Eros.
"Book Fair? Gagawin ko dun?"
"Sama ka na! Lahat kami pupunta eh."
"Kasama si Ian?"
Binatukan ako ni Eros. "Malanding nilalang ka talaga. Nauna mo pang itanong kung kasama si Ian. Hindi mo muna tinanong kung saan o kailan."
"Gaga ka talaga. Itatanong ko naman eh. Wait lang kase 'di ba? So ano nga?"
"Oo. Sa Linggo na 'yon."
"Ano naman gagawin ko dun? Ni hindi nga ako mahilig sa libro."
"Pero sa chinito, oo. Mahilig ka. Nandun si Ian kaya sumama ka. Wala lang. Para lang kumpleto tayo. Shopping tayo after."
Speaking of Ian, bago ako pumayag sa imbitasyon ni Eros, napagawi na naman ang tingin ko sa kanila ni Iris. Nakita kong inilingkis ni Iris ang braso niya sa braso ni Ian. Mukhang nagulat si Ian sa ginawa ni Iris. Tumigil kasi siya sa pagtawa. Si Iris naman, lumingon sa gawi ko. At hindi ako sigurado sa nakita ko o parang nililinlang ako ng paningin ko.
Did she just smirk at me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top