ILYS 24: Summer Rain
"I won't leave you, princess."
Isang buwan na ang nakakalipas. Pero kahit ganun na katagal, hindi ko makalimutan yung linyang 'yon na sinabi ni Ian. Kada naiisip ko 'yon, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko. Basta.
Isang buwan na ring nanliligaw si Kenneth. Araw-araw niya 'kong dinadalaw as if araw-araw akong may sakit. He's always checking if I eat on time. Ayaw niya raw na napapagod ako kaya tumutulong siya sa'min ni Kuya Marc sa mga gawaing-bahay. Hindi pa rin siya tumitigil kahit sabihin 'kong kaya ko namang alagaan ang sarili ko.
Isang buwan na ring hindi nagpaparamdam si Gab. Nasa'n na kaya yung mokong na yun? Ano nang ginagawa niya ngayon? Tapos na kaya niya 'kong pagtrip-an kaya hindi na siya nagte-text o nagcha-chat man lang? Dapat matuwa ako pero may parte sa sarili ko na nalulungkot kasi nami-miss ko yung mga corny niyang banat at nag-aalala kung magpaparamdam pa ba siya o hindi na.
"All I hear is raindrops falling on the rooftop. Oh baby, tell me why'd you have to go. 'Cause this pain I feel it won't go away and today I'm officially missing you." Naririnig kong pagkanta ni Eros sa sala. Lumapit ako sa kaniya. Nakatunghay siya sa bintana.
"Oy. Parang music video ah." Kinalabit ko siya. Lumingon siya sa'kin.
"I thought that from this heartache I could escape but I fronted long enough to know. There ain't no way and today I'm officially missing you." Kumakanta pa rin siya.
"Bakla, anong drama mo today?"
"Kainis bes. Miss ko na siyaaaaaaaaa."
"Sino? Si Ella?"
"Gaga! Hindi! 'Di ako lesbian!"
"Wow ha. Kung 'di si Ella, e sino?"
"Si JB."
Nasamid ako.
"Jowa na ni Kae 'yon! Ayaw mo naman sigurong maging third party."
"Oo na! Ipamukha mo pa!"
"Akala ko ba nakamove-on ka na?"
"Akala ko wala na, pero meron! Meron!"
"Pisti ka! Magmove-on ka na! Tara gala tayo!" Hinatak ko siya palabas ng bahay. Kunot-noong sumunod siya sa'kin.
"Sa'n tayo pupunta?"
"Magmu-move on!"
***
Dinala ko si Eros sa convenience store.
"Libre mo 'ko ng slurpee." Sabi ko.
"Ikaw nag-aya eh. Ako dapat ilibre mo. 'Wag kang mag-pout. 'Di ka aso." Hinampas ko yung braso niya. "Aray naman! Gaga ka kasi eh. Pa-baby face ka pa d'yan, 'di naman bagay."
"Che!" Bumili ako ng slurpee. Hindi ko siya nilibre. Bahala siya d'yan.
Umupo kami ni Eros sa table na malapit sa glass window. Nakatunghay kaming dalawa sa labas. Makulimlim. Nakakapagtaka kasi summer naman pero mukhang uulan.
"Bruha, mukhang uulan. Wala tayong payong." Sabi ni Eros.
"Okay lang 'yan. Dito muna tayo."
Ilang minuto lang ang lumipas nang bumagsak na nang tuluyan ang ulan. Ang sarap sa pakiramdam. Lumamig ang paligid. Nakatingin lang ako sa bintana habang si Eros naman, nagpaka-busy muna sa cellphone niya.
Nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang caller. Nang mabasa ko ang pangalan na nasa screen, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sino 'yan? Ba't 'di mo sagutin?" Tanong ni Eros sa'kin pero nakatitig pa rin ako sa cellphone ko. Nagdadalawang-isip kasi ako kung sasagutin ko o hindi. Isang buwan na ang lumipas na hindi siya nagpaparamdam. Tapos ngayon...
"Pisti ka! Ang ingay ng ringtone mo bakla! Akin na nga 'yan!" Hinablot ni Eros yung cellphone ko at siya ang sumagot sa tawag. "Hello?"
Katahimikan.
Kumunot ang noo ko dahil kumunot din ang noo ni Eros.
Palagay ko, hindi nagsasalita si Gab sa kabilang linya. Ganiyan naman siya e. Tatawag pero hindi magsasalita. May dila kaya siya?
"Hello? Hello? Tao po? Tao ka ba? Ba't 'di ka nagsasalita? Hello?" Pangungulit ni Eros sa nasa kabilang linya.
Ilang saglit na katahimikan ulit ang namayani. Maya-maya pa, nagsalita na ulit si Eros.
"Oo kasama ko siya." Hinintay niya ulit magsalita yung kausap niya bago siya sumagot ulit. "Nasa convenience store kami."
"Hoy bakla! Ano?! Ba't mo sinabi kung nasa'n tayo?!" Sigaw ko sa kaniya. Pero sinenyasan lang niya ako na tumahimik.
"Ah ganun ba? Ano ba 'yan! Ba't 'di ka pa kasi magpakilala sa kaniya? Atat na atat na nga 'tong makita ka e."
"Bakla, akin na nga 'yan!" Pilit kong inaagaw sa kaniya yung phone ko pero ayaw niyang ibigay.
"Sige. Ako nang bahala. Bye!" Tinapos na niya yung tawag.
"Hoy, Eros Cresencio! Anong sabi niya? Anong ikaw nang bahala? Anong pinag-usapan niyo?"
"Ba't curious ka? Ayaw mo pa kasing sagutin kanina yung tawag e!"
"Eh sa kinabahan ako e. Teka! Nagsalita siya? Ba't kinausap ka niya? Ba't 'pag tumatawag siya sa'kin, hindi naman siya nagsasalita ah?"
"Aba! Malay ko! Tara! Alis na tayo." Hinatak na niya ako at hinila palabas ng convenience store. Umaambon na lang naman pero mukhang wala namang pakialam 'tong si Eros dahil sinuong namin 'yon nang hindi ko alam kung saan kami papunta.
Nakarating kami sa plaza. Walang tao. Basa ang playground kaya walang mga batang nagkalat dito. Si Eros naman, palinga-linga na parang may hinahanap.
"Eros, anong ginagawa natin dito?"
Sasagot na sana si Eros nang may nagtakip sa mga mata ko. Pilit kong inaalis yung kamay ng kung sino mang nilalang na 'yon.
"Hulaan mo kung sino 'to." He whispered to my right ear. Nakiliti ako.
"Kenneth!" Inalis niya yung pagkakatakip niya sa mata ko at iniharap niya ko sa kaniya.
"Missed me?" He smiled brightly. Ba't ang gwapo ng nilalang na 'to?
"Missed me ka d'yan! Araw-araw tayo nagkikita ah." Umupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko. Sumunod naman sa'kin si Kenneth. Gadangkal lang ang layo niya mula sa'kin. Sumiksik pa siya sa'kin bago niya 'ko inakbayan. Pinilit ko namang alisin ang braso niya mula sa balikat ko. "Daming space oh. Layo layo din 'pag may time."
"Ayoko nga." His smile grew wider. Ilan na kayang babae ang nabiktima ng killer smile niya? Buti na lang na-immune na 'ko.
"Anong kailangan mo, Kenneth?" Napakamot sa noo ang gwapong nilalang.
"Anong kailangan ko?" Sandali siyang tumahimik na parang nag-isip. Tapos ngumiti na naman siya ng nakakaloko. His brown eyes stared right into mine. "Ikaw." He said bluntly.
May um-ehem naman sa gilid ko. Lumingon ako para makita si Eros na nakataas ang kilay sa'kin. "Excuse me, mukha akong third wheel oh." Sabi niya, crossed arms. "Alis na nga 'ko. Babush!" Tapos naglakad ang bakla palayo.
"Hoy, Eros! Sama ako!" Tumayo ako at susundan ko na sana siya kaso hinila ako pabalik ni Kenneth.
"Hayaan mo na siya. Dito muna tayo." Sabi niya.
Pinaupo niya ulit ako sa bench. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit ako dinala dito ni Eros pero iniwan naman niya 'ko.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko kay Kenneth. Busy siyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.
"Marunong akong magtirintas. Gusto mo try ko sa'yo?" Bumaba't tumaas ang kilay niya. He grinned. I rolled my eyes at him.
"What brought you here?" Tanong ko ulit.
"What brought me here? Destiny brought me here." Bwisit. Lagi na lang siyang bumabanat nang ganiyan.
"Galing mambola ah. Laging may banat. Kaya marami kang nalolokong babae eh."
"Oy hindi ah. Wala akong nilolokong babae."
"Eh anong tawag mo sa mga nagkakandarapa sa'yong babae sa school tsaka sa bistro mo?"
"Anong magagawa ko? Kasalanan ko bang maging gan'to ako kagwapo?"
"Oo nga naman. Sila nga pala ang umaaligid sa'yo. Ako lang ang hindi."
"Ikaw na lang ang hindi. Gusto mo bang mapabilang? Ikaw ang priority ko."
"Utut mo, Kenneth. 'Wag ako. 'Wag mo 'kong isali sa mga babae mo."
"Sht!" Biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan. Hinawakan ni Kenneth ang kamay ko. Tumakbo kami para maghanap ng masisilungan. Nagpunta kami sa covered court ng plaza. "Dun tayo!"
Umupo kami sa bleachers habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa labas.
"Summer pero bakit umuulan?" Nagkibit-balikat si Kenneth. "Gusto kong maligo sa ulan. Sayang, umalis pa kasi si Eros e. Tapos nasa probinsya pa si Ella. "
"Edi ako na lang isama mo."
"Ayoko nga."
"E, bakit naman?"
"Ayoko lang."
"Daya." Nag-pout siya. Ang cute.
"Haha. Sige na nga." Ako naman ang humila sa kaniya. Bumalik kami sa playground kung nasaan kami kanina.
Sobrang lakas ng ulan. Paborito ko talaga ang ulan noon pa man. Dati, si Eros o si Ella ang lagi kong kasamang maligo sa ulan pero dahil laging may El Niño sa Pilipinas, minsan lang mangyari 'yon kaya sinasamantala namin ang pagkakataon. Buti na lang nandito si Kenneth. Ayoko kasing mag-isa e.
Umupo ako sa swing tapos si Kenneth naman ang taga-tulak ko. Napangiti ako.
"Ang saya sa pakiramdam kapag ngumingiti ka. Sana ako ang dahilan." Sabi niya out of the blue.
"Pa'no mo nalaman na nakangiti ako?" Mula sa likuran ko ay lumipat siya sa harapan ko.
"Nararamdaman ko lang." Ginulo niya yung buhok ko. "Ang cute mo talaga." He winked at me.
Kenneth really made me smile with his gesture. He might not be able to make my heart skip a beat but he never fails to make me feel special. Dati, akala ko, isa lang akong nobody. Pasaway na mag-aaral at insignificant. Pero pinaramdam niya sa'kin na pwede pa rin palang magustuhan ang isang tulad ko. Even Gab made me feel that way. Yun nga lang, hindi siya kagaya ni Kenneth na harap-harapang sinasabi na gusto niya 'ko.
Ilang minuto rin kaming nanatili do'n. Maya-maya, isang pamilyar na bulto ang tumambad sa harapan namin. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang matandaan kung saan.
"Gavino." Tawag ng lalaking may ear pierce kay Kenneth. May mga bling blings siya at nakaitim na t-shirt at pants. Mukha siyang gangster. His hair was even standing in spikes.
"Owen." At biglang nag-flash sa utak ko ang imahe ng mga gangster na nasa grocery noon. Siya yung isa sa mga gangster na nakita namin ni Ella noon na kumausap kay Kenneth.
"Long time no see, bro." He wasn't friendly. Matalim ang tingin na ipinukol niya kay Kenneth. He smirked.
"Anong kailangan mo?" Tanong ni Kenneth sa kaniya. Kenneth is as calm as usual.
"Hindi ka na ba babalik sa grupo?" Curious ako sa pinag-uusapan nila pero nag-decide ako na tumahimik na lang. Mukhang seryosong usapan ito.
"Hindi na." Kenneth said with finality in his tone.
"Bakit? Ikaw ang bumuo sa'tin Kenneth. Tapos iiwan mo kami sa ere?! G*go ka ba?!" Owen clenched his teeth. He turned his fist into a ball. Mukhang galit na galit siya kay Kenneth.
"Sabi ko ayoko na. Mali ako na binuo ko ang grupo. I want to change for the better. Meron na 'kong priorities. Ayoko na sa mga basag-ulo, Owen. Mahirap bang intindihin yun?"
"Pta naman, Kenneth! Simula nang umalis ka sa grupo, hindi na nasisindak yung kalaban natin sa grupo. Sa'yo lang sila natatakot. Ikaw ang nagsimula nito. Sa tingin mo ba, kaya naming tapusin 'to?"
"Then quit. Don't fight them. Tell the authorities right away. They'll help you."
"Tanga ka ba? 'Pag sinuplong namin sila, damay din kami. Kenneth, tapusin mo 'to. Durugin mo na sila. Then we'll quit. 'Wag mong pabayaan ang kapatiran mo!"
So that's it. They were talking about Frat. So member ng frat si Kenneth?
"Ayoko na. Hindi na 'ko lalaban, Owen. Ayoko nang maging miyembro niyo kahit kailan."
Tumingin sa'kin si Owen. Nakakatakot. Parang dudurugin niya ako gamit ang tingin niya. "Siya ba yung sinasabi mong priority ha?! Pinagpalit mo kami nang dahil sa babaeng 'yan?"
Hindi sumagot si Kenneth pero alam kong nagtitimpi siya. Nakayuko lang siya at nakakuyom na rin ang mga kamay niya.
Nagpatuloy si Owen sa pagsasalita. "Kapag bumalik ka ulit sa grupo, lalakas ang kumpiyansa sa sarili ng mga miyembro. Kinatatakutan ka ng lahat. Bumalik ka na, Gavino!"
"Hindi na 'ko babalik."
"Dahil ba sa babaeng 'to kaya hindi ka na babalik?" Hinawakan ni Owen ang braso ko. Marahas ang paghawak niya at nasasaktan ako. Pinilit kong kumawala pero malakas siya. Natakot ako.
"Bitiwan mo siya." Utos ni Kenneth.
"Siya ba ha?!" Humigpit pa lalo ang hawak niya sa'kin. Maya-maya, pinadampi na ni Kenneth ang kamao niya sa mukha ni Owen. Owen smashed the ground with a loud thump. "So siya nga!"
Owen punched Kenneth way harder. Pero hindi lumaban pabalik si Kenneth.
Dumating ang iba pang kasamahan ni Owen na mukha ring mga gangster. Pinagtulungan nilang lahat si Kenneth. Palagay ko, higit sila sa sampu. Unfair naman yata yun. Mag-isa lang si Kenneth. He's not even fighting back.
"Hoy! Shunga ka ba?! Lumaban ka!" Sigaw ko sa kaniya. But he's not doing it.
"If this will make them leave me alone, then it's alright." Sabi niya, blood almost covered his face. Hindi ko na siya makilala. Naawa ako sa kaniya. He's suffering though I can only do nothing but watch. Lumipat ang tingin sa'kin ni Owen. Natakot ako. "Run!" Narinig kong sigaw ni Kenneth. Nagdadalawampung-isip ako sa gagawin ko. Tatakbo? Paano si Kenneth? Hindi ba siya lalaban? "I said, run!"
As if lightning struck my senses, I run as fast as I could. Sinusundan ako ni Owen. Ang bilis ng takbo ko. Pero ang laki ng hakbang niya. "Sh*t! Lord help me po!" Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kailangan ko ng tulong pero hindi ko alam kung kanino ako hihingi.
Parang dininig naman ni Lord ang hiling ko. Someone grabbed me by the wrist at hinila niya ko ng pagkabilis-bilis kaya't lumaki ang distansiya ko kay Owen. Nagtago kami sa isang eskinita. Mukhang hindi naman kami naabutan ni Owen dahil nalagpasan niya na kami. Then there, I looked at the guy who saved me from the doom.
"Thank you!" Naiyak na 'ko ng tuluyan nang dahil sa kaba, pagod, stress, sindak, at kung ano-ano pa. All I can do right now is to hug him like holding on to my dear life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top