ILYS 23: Sick Princess
Lee, I'll reveal myself to you. Soon! Just be patient, my princess. I don't have the courage, still. Just know that from that day that I first met you, you already got me falling head over heels in love with you. Clue: You've already met me. ;)
That was Gab's last message before I logged out of Facebook last night. Marami pa sana akong tanong sa kaniya, like where did I met him? When? How? Why does he love me? What's his real identity? Pero sumakit ang ulo ko at sa tingin ko, magkakasakit ako.
Ilang gabi na ring umuulan. Bagama't summer, gabi-gabing malakas ang kulog at kidlat na sinamahan pa ng malakas na ulan. Kapag araw naman, sobrang init. Tirik na tirik ang araw lalo na 'pag tanghaling tapat.
Hindi siguro ako sanay sa ganitong klase ng panahon. Climate change really sucks.
9 AM. Nakahiga pa rin ako sa kama ko and I have no plans of getting up. The blankets were all over me. Masama ang pakiramdam ko but I had to get up. Matatambakan ako ng gawaing bahay kapag hindi ako bumangon.
Matapos kong mag-ayos ng sarili, dumeretso ako sa kusina para maghanda ng almusal. Kuya Marc's probably in the bathroom. I'm frying hotdogs when I heard the doorbell rang.
Dali-dali kong pinuntahan ang pintuan leaving the frying pan behind. Nagulat ako sa bumungad sa'kin.
"Hi, Lee! Mas maganda ka pa sa umaga!" It was Kenneth. Kasama niya si Ian. They're both wearing black and white jerseys. May hawak na bola si Ian. Looks like they're going for a game today, huh?
"Ang aga mo namang mambola." Sabi ko.
"Bola lang pinaglalaruan ko, Lee. Hindi feelings." He flashed his charming smile.
"Anong ginagawa niyo rito?" I asked the two good-looking guys in front of me.
Kenneth had this brushed up jet-black hair making him look fierce and manly. His perfectly tanned skin is glowing. He looks like some kind of a skin product endorser. At sadyang napakagwapo niya talagang tingnan. And hot.
Meanwhile, Ian's the cute one. He's wearing a snapback. It's been a while since I saw him wearing a cap and it suits him. Really, really suits him. When he smiles, his eyes turn into a tiny curve. Animo'y nakangiti rin ang mga mata. That eyes that always caught me off guard...
"Sinusundo namin si coach." Sagot ni Kenneth.
"Coach?"
"Si Kuya Marc."
"Really? Kailan pa nag-co-coach si Kuya sa basketball? Hindi niya nasabi." I was unaware of that. Maybe, I have been distant with my Kuya these past few days. Surely, habit na rin ni Kuya to keep some things to himself.
"Lee, may niluluto ka ba?" Ian said out of the blue.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"I smell burnt food!" Kenneth then exclaimed!
I remembered! "Hala! Yung niluluto ko!"
The three of us rushed inside the house then to the kitchen. Akmang aalisin ko na yung frying pan sa kalan pero pinigilan ako ni Ian. "Careful. Let me."
He put out the fire from the stove and took the pan out. Oh the poor hotdogs!
"Lee! Ba't amoy sunog?" Biglang sumulpot si Kuya Marc sa kusina. He's drying his hair with a towel. Sinilip niya yung kawali saka umiling. "Kahit kelan talaga. Tsk!"
Pinaalis niya kaming lahat sa kusina at pinaghintay sa dining area. He did the cooking dahil tuluyan na siyang nawalan ng bilib sa akin.
We stayed there in silence for a couple of minutes nang basagin ni Kenneth ang katahimikan.
"Para sa'yo." Inabot niya sa akin ang isang puting rosas. Hindi ko nakitang hawak niya iyon kanina. Kumunot ang noo ko.
"Oy! Oy! Oy! Ano 'yan ha?" Biglang lumitaw si Kuya sa likuran ko bago inilapag sa harapan namin ang niluto niyang omelet.
"Ah.. Eh.." Napakamot sa batok si Kenneth.
"Nanliligaw ka ba sa pinsan ko?" If I were Kenneth, masisindak ako sa tono ni Kuya.
"P-pwede ba, Kuya?" Kenneth stuttered.
"Hindi pwede." Walang kaabog-abog na sabi ni Kuya.
"Coach naman... Bakit? Gustong gusto ko talaga si Lee. Gagawin ko lahat para sa kaniya." I was shocked with the sudden confession. Kulang na lang ay labasan ng usok sa ilong si kuya. Mukhang hindi siya natuwa.
Bumalik si Kuya sa kusina. Nang makabalik siya sa dining area, inilapag niya yung platter ng fried rice sa mesa.
"Magsipagtapos muna kayo. 'pag nangyari na 'yon, pwede na. Sa ngayon, enjoy-in niyo muna ang kabataan niyo. There's more to life than courting and affairs. Mas masarap maging bata."
"Kuya, 'di na 'ko bata." Sabat ko.
"Anong gusto mong iparating, Lee? Gusto mo nang magpaligaw?"
"Hindi 'yon yung ibig kong sabihin, Kuya."
"Alam niyo, hindi ko na alam kung ano ang takbo ng isip ng mga kabataan ngayon. Masyadong excited para sa mga bagay na pang-matanda. Alam niyo mga bata, ang pag-ibig, hindi minamadali. Kailangan niyo ng panahon, malinaw na pag-iisip, pasensiya, at pang-unawa para sa bagay na 'yan. 'Wag kayo magmadali't 'wag magpadala sa tibok ng puso – sa ngayon. May tamang panahon at pagkakataon para diyan."
"Para ka namang si Papa, Kuya. Your ideals are primitive."
Magsasalita pa sana si Kenneth nang tumunog muli ang doorbell. Ian was just sitting there watching our petty conversation.
"Tingnan mo kung sino 'yon." Utos ni Kuya.
Naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila habang papalapit ako sa pinto. I decided to not pay any attention anymore. Binuksan ko ang pinto, only to be greeted by another good-looking male specie.
"Ed." He's also wearing the black and white jersey.
"Hi, Lee. Andyan na ba sila?"
"Sila? Si Kenneth at Ian ba?"
"Oo."
"Yeah. Nandito na."
"Bakit namumutla ka?" Sinipat-sipat niya ko. He placed the back of his hand on my forehead. "May sinat ka. Okay ka lang?"
Napahawak ako sa pisngi ko at sa noo ko. "Okay lang naman ako. Iinom na lang siguro ako ng gamot. Tuloy ka." Inaya ko siyang pumunta sa dining area.
"Okay sige. Pumapayag na 'ko." Sabi ni Kuya Marc. I heard Kenneth shouted 'yes!' "Pero sumunod ka sa usapan ah. Umayos ka. 'Pag may ginawa kang kalokohan, bibigwasan kita!"
"Makakaasa ka, bayaw!"
"Siraulo! Anong bayaw?!" Binatukan ni Kuya si Kenneth. "Huwag kang kampante."
"Hey! Wazzup guys?!" Bati ni Edward sa kanila. "Are you ready? Gotta bring home the bacon later, dudes!"
Umupo si Ed sa tabi ni Ian. Tinitingnan niya ngayon si Kenneth na ngiting ngiti. "Hoy! Baka mapunit 'yang labi mo."
"Can't blame me. Di ko mapigilan."
"Anong nangyari?" Kunot-noong tanong ni Ed.
"From now on, no one's gonna stop me from loving Lee." Napaubo ako. Tumingin siya sa'kin. "I won't give up on you." He tried to reach for my hand pero tinampal lang ni Kuya yung kamay niya.
"Wanna die?" Sabi ni Kuya kay Kenneth.
"Sorry. I got carried away. My bad."
Napansin kong siniko ni Ed si Ian. "Bagal mo kasi, 'tol."
Ian just glared at him.
***
Bago sila umalis, tinanong ako ni Ed kung ayos lang ang pakiramdam ko. He even reminded me to call whenever I need. Thoughtful din pala yung mokong na 'yon. Hahaha
I went straight to my room and lay down on my bed. I put the comfy blankets on me and stayed there for a while. Hindi pa rin bumubuti ang pakiramdam ko. Nilalamig ako, at sinisipon. And it's summer for Pete's sake! How ironic!
Ilang oras na rin akong nakahiga. Hindi naman ako makatulog. Wala rin akong lakas para gumawa ng kahit ano. Hanggang kailan ako ganito?
Tumunog ang cellphone ko na nasa side table. I answered the call.
"Hello, Lee?"
"Kuya?"
"Kamustang pakiramdam mo? Sabi ni Ed, tawagan kita. May sakit ka daw. Ba't hindi ka naman nagsasabi?"
"Buti pa si Ed, napansin. Tsk!"
"Sorry, Lee. Gusto mo uwi na 'ko? Uminom ka ba ng gamot? Hintayin mo 'ko."
"Hala 'wag na, Kuya. Okay na 'ko. 'Wag mong iwan yung team mo. Goodluck pala ha?"
"Sure ka ba? Hintayin mo 'ko. 'Wag ka nang kumilos ah. Magpahinga ka lang diyan, ok?"
"Ok."
"Tawagan mo lang ako 'pag may kailangan ka."
"Ok."
"I'll keep on checking you."
"Ok. Thanks, Kuya." Kahit nakukulitan ako sa kaniya, I know he's just worried.
"I'll hang up, Lee."
"Ok, Kuya. Bye" I ended the call first. Ipinikit ko ang mga mata ko.
Few moments passed and I'm not getting any better. Hindi nga pala ako uminom ng gamot. Nakalimutan ko kasi. So stupid of me.
Bumangon ako para lumabas ng kwarto at kumuha ng gamot sa medicine cabinet. The doorbell rang.
Nang buksan ko ang pinto, I saw Ian standing there, holding a Tupperware.
"Lee, you're so pale." He touched my forehead. I cringe at the sudden contact. "Uminom ka na ba ng gamot mo?"
Umiling ako. I let him in. Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng kutsara. He opened the Tupperware at nakita kong lugaw ang laman niyon.
"Sabi nila, mainam daw sa may sakit 'pag kumain ng ganito. Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot."
"Bakit nandito ka? 'Di ba may game kayo ngayon?"
"Pinapunta ako ni Kuya Marc. Hindi niya maiwan yung team. At hindi niya rin kayang mag-isa ka dito. So he asked me to come here. May nakuha naman siyang kapalit ko. So no worries." He smiled.
"Bakit ikaw?" I can't seem to find any reason bakit siya ang pinapunta ni Kuya. Hindi siya sumagot. I ate the porridge he brought. I struggled. Ni hindi ko maiangat yung kutsara. Damn this feeling! I hate being weak. Good thing, Ian helped me out. Pagkatapos, uminom ako ng gamot.
Inalalayan niya 'ko pabalik sa kwarto ko. Humiga ako ulit whilst he put on the blankets on me.
"Thank you, Ian."
"Wait here, I'll get something downstairs."
Pagbalik niya, may dala na siyang basin na may lamang tubig at towel. He sat down next to me. Ipinatong niya ang basin sa bedside table. As he gently touched my face with the wet towel, bigla kong naalala si papa. Lagi niya 'tong ginagawa sa 'kin kapag may lagnat ako. The unexpected care and affection warmed my heart. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Hinawakan niya yung kamay ko. He softly caressed my arms with the towel. I am too weak to get rid of his grip even when I was shocked at the contact. Ian, why are you doing this to me? Ang abnormal na naman ng tibok ng puso ko.
"You don't have to do this." I said.
Pero hindi niya 'yon pinansin. "Pinapunta ko na rin si Ella para makapagpalit ka ng damit. Habang wala pa siya, magpahinga ka muna." Nilagyan niya 'ko ng pomento. That little thing he did made my heart flutter.
***
"Sure ka ba, okay ka na?" Dumating si Ella at tinulungan akong mag-ayos ng sarili ko.
"Oo naman. Kaso mukha talaga akong zombie."
"Hindi naman. Grabe ka." Inaayos niya yung mga dala niyang pagkain sa mesa. Ian's helping her. "Pinagluto ka ni mommy. Nag-text naman si Kuya Marc, sabi niya pauwi na siya. They won pala. I don't know he had the coaching skills, huh?"
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. I wanted to do something. Feeling ko kasi, lalo lang akong magkakasakit kung wala akong ginagawa. Pero na-out of balance ako. Good thing, Ian and Ella caught me.
"'Wag ka muna kasi kumilos. Let me do your tasks now, kaps. Tigas ng ulo. Mag-best friend nga kayo ni Eros."
"Kainis eh. Ayoko ng walang ginagawa."
"Magpahinga ka na lang kasi."
"Gusto kong umakyat sa rooftop."
"Are you nuts? Ang lamig lamig dun eh."
"Star gazing is the cure, kaps."
Wala na rin siyang nagawa kahit tutol siya. Pinasamahan niya 'ko kay Ian whilst she's preparing dinner.
"Wait here." Sabi ni Ian. He went straight to my room. Pagbalik niya, may dala na siyang hoodie. "I saw this one earlier. You might need this when we go upstairs."
Iyon yung hoodie niya na ipinahiram niya sa'kin nung nagkita kami sa sinehan dati. Yung araw na nabuhusan ko siya ng soda. It was really awful.
"Hindi ko pa pala naibabalik sa'yo 'to. Sorry, nakakalimutan ko kasi."
"It's okay. You can keep it."
Hindi ko mapigilang mamangha sa langit ngayong gabi. There's no sign of raining dahil ang daming mga bituin. Umupo kami sa bench na ginawa ni papa para sa'kin. That's my favorite place on Earth.
"Salamat talaga, Ian ah."
"You don't have to mention it."
"Basta salamat. I've never been treated like that for a while now."
Nakatitig lang siya sa langit. I can't help but stop and stare at him. He's smiling.
Lumapit ako sa folding bed at doon humiga. Ian turned to me. His brows creased.
"Matutulog na 'ko."
"What?! You can't sleep here. Malamig. Tapos 'di ka pa kumakain."
"I know. But I'll stay. I just want to sleep."
"Alright. Ikukuha lang kita ng kumot, and pillow too."
Pinigilan ko siya. "Huwag na. Okay na 'ko dito. 'Wag mo 'kong iwan. Please?" Ayokong mag-isa...
He smiled again. The smile that lingered in my mind until I doze off...
"Iwon't leave you, princess."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top