ILYS 22: Get Together

Tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang makita kong si Ella ang caller. "Hello, kapatid?"



"Kaps! Where are you?" tanong niya sa masiglang boses.



"Nasa grocery. Bakit?"



"Me too! San ka banda?"



"Sa mga canned goods section."



"Wait for me. I'll be there in a sec." She hung up.



Itinulak ko ang push cart ko palapit sa estante ng mga de lata. Nautusan ako ni Kuya Marc na mamili ngayon. Umuwi na kasi si papa sa probinsya kaya kaming dalawa na naman ang naiwan sa bahay. Sa aming dalawa na naman tuloy nakatoka ang lahat ng gawain ni papa.



"Lee!" Narinig kong tawag ng kung sino man sa maganda kong pangalan.



Napapiksi ako sa gulat. Muntik ko nang ipalo kay Kenneth yung hawak kong de lata dahil bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. "Ano ba?! Ba't ka nanggugulat?!" Hinampas ko siya sa braso niya. Mahina lang iyon pero hinimas niya pa rin at umaktong nasaktan.



"Kanina pa kita tinatawag. Ikaw kaya 'tong lutang! Iniisip mo 'ko no?" Kumindat siya.



"Kapal mo naman." Tinawanan ko lang ang hambog.



"Anong ginagawa mo dito?"



"Naghahanap ng kaaway." Like duh?! Hindi ba obvious?



"Drop the sarcasm, Lee. I know you're shopping. I mean, bakit ka nandito't mag-isa?"



"Wala akong choice, e."



Pinipilit kong abutin yung lata ng spam na nasa pinakaitaas ng estante. Pero hindi ko talaga maabot. Aminado naman akong maliit ako eh. Pero kailagan kong makuha yung lata. Nag-iisa na kasi, baka maunahan pa ko ng kung sino.



Tumingkayad at nagtatalon-talon pa 'ko kaso wala pa rin. Natigilan lang ako nang maramdaman ang solidong katawan sa likuran ko. Alam ko kung sino iyon. Damn, he smells so good!



"Oh!" Inabot niya sa'kin yung spam.



"S-salamat." He smirked. Ang gwapo talaga nitong mokong na 'to.



"Liit mo talaga." Sabi niya. Nang-iinis.



"Yabang mo naman. 'Kala mo kung sinong matangkad!"



"Gwapo naman." Nag-pogi pose siya. "Pero okay lang na maliit ka. Kasyang kasya ka naman sa puso ko e." He winked. Hilig na niya yatang kumindat eh. Akala naman niya kinagwapo niya yun. Well, gwapo naman talaga siya. He brushed his pitch-black hair with his fingers. He's undeniably hot when he does that. "Oy! Laway mo. Hahahaha."



"Che! Diyan ka na nga!" Binalingan ko yung cart ko saka ko itinulak. Muntik ko nang mabangga ang ngiting ngiting si Ella.



"Kapatiiiiid!" She ran towards me then hugged me. "Galing ako sa bahay niyo. Sabi ni Kuya Marc nandito ka raw."



"Bakit mo 'ko pinuntahan dito? Sana hinintay mo na lang ako sa bahay."



"It's okay. Na-miss lang kita." Napansin niya naman si Kenneth na nasa likuran ko.



"Hi." Bati sa kaniya ni Kenneth. "Ikaw si Ella, 'di ba?"



"Yeah. Hi! Kenneth, right?" She smiled back at him. Tumango naman si Kenneth. Magkakilala pala sila? I can't remember how they knew each other.



"Pupunta ba kayo kina Ed mamaya?" Tanong ni Kenneth sa 'kin.



"Ah. Oo nga pala. Birthday ni boy! Oo. Pupunta 'ko. Kasama ko si Ella saka si Eros."



"Cool. See you later then." Bago pa man umalis si Kenneth, may tatlong lalaking lumapit sa pwesto namin. Nakatingin silang lahat kay Kenneth.



"Gavino." Tawag nung isang lalaki sa apelyido ni Kenneth, iyon ang pinakamatangkad sa tatlo. Naka-all black silang lahat. Marami silang mga bling blings. Yung isa, may ear piercing. Yung isa, may piercing sa labi. Mukha silang mga gangsters. "Long time no see."



Tumango lang si Kenneth. Pilit ang ngiti niya. I can sense tension here. Kilala kaya ni Kenneth yung tatlong 'yon?



Tiningnan ako nung lalaking may lip piercing. Ang talim ng tingin niya sa 'kin. What the hell?



Pumwesto si Kenneth sa harapan ko. "Don't start." Hindi ko alam kung banta iyon. Kenneth said those words as if giving those three a warning.



"Siya ba? Ha? Ha, Gavino?!" Sabi nung isang lalaking may ear pierce at naka-gloves pero kita naman ang mga daliri. Hindi ko alam kung anong tawag doon.



Sa totoo lang, nakakatakot sila.



"Owen, hindi. Pwede ba, I'm already out. Ayoko na ng gulo."



Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Lumapit si Ella sa 'kin. She gave me this questioning look pero hindi ko rin alam kung ano nang nagaganap.



"Kung hindi siya, sino? Kanino mo ipinagpalit yung grupong ikaw mismo ang nagsimula?" Nangigigil na sabi nung Owen. Grupo? Anong grupo?



"Sa iba na lang tayo mag-usap, Owen. 'Wag dito." Kalmadong sabi ni Kenneth.



"Bakit?! T@ng!na! Iniwan mo kami sa ere, Gavino! G@g* ka!" Akmang susuntukin na nung Owen si Kenneth kaso pinigilan siya nung dalawa niyang kasama.



"Lee, please umalis na kayo. Kakausapin ko lang sila." Sabi ni Kenneth. Lumayo na sila sa amin ni Ella habang kinakaladkad ng dalawa yung Owen.



"Sino 'yun, kaps? Friends ba yun ni Kenneth?" Tanong ni Ella habang nakapila kami sa cashier.



"Hindi ko alam."



"Kinabahan ako dun ah. Ayos lang kaya yun ngayon? Mukhang bad guys yung tatlo. Omg."



Kinalma ko rin ang sarili ko. Sana nga ay walang masamang gawin yung tatlong gangster kay Kenneth.





***





Hinatid kami ni Kuya Marc sa bahay ni Edward. Pumayag siya kasi kasama ko naman si Eros at si Ella. Pagkapasok namin sa gate ng bahay niya, malawak na lawn ang bumungad sa 'min. Maraming mga bisita. Pulos taga-SSC lang ang kilala ko roon. Yung iba siguro ay mga kamag-anak niya.



Hinanap namin si Ed. Nakita namin siya na nag-iihaw ng mga hotdog na nasa stick at may marshmallows. Kasama niya si JB at Ian.



"Edward! Happy birthday!" Bati ni Ella sa kaniya.



"Oh! Hi Ella! Thank you." Inabot niya yung regalo na binigay ni Ella.



"Boy! Happy birthday! Tumatanda ka na!" Ako naman ang nag-abot ng regalo sa kaniya.



"Sira ka talaga, Lee-it! Tatanda ka rin, huy!"



"Bininyagan mo na naman ng bagong palayaw si Lee!" Sabi ni JB sabay suntok sa braso ni Ed. "Hi, Lee."



"Hi, JB. Kasama mo si Kae?"



"Ah. Oo. Nasa loob ng bahay. Kasama si Kimee." He smiled widely.



Napadako ang tingin ko kay Ian na panay lang ang kain dun sa mga marshamallows. Ugh. Naiinggit ako.



"Gusto mo?" Inalok niya ko! He handed me the pack.



"Pucha naman, Ian! Mauubos 'yan. Hindi lang ikaw ang kakain. Konsiderasyon naman!" Singhal sa kaniya ni Ed.



"Damot." Ibinalik naman ni Ian kay Ed yung lalagyanan ng marshmallows. He's so cute when he's grumpy!



Maya-maya, lumapit si Iris sa kumpulan namin at iniabot ang regalo niya kay Ed. Wala siyang binitiwan kahit isang salita. Nanibago tuloy ako kasi sa pagkakakilala ko sa kaniya, napaka-bubbly at out-going niya.



"Hi, Iris. Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.



Tiningnan niya lang ako. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa tapos tinitigan ako ulit. Hindi siya sumagot. Sa halip, tumalikod na lang siya at naglakad palayo.



"What's up with her?" Tanong ni JB.



"I don't know. Nung dumating siya, ganiyan na siya eh. Laging nang-iirap. Bad mood ata. Masama ang gising? PMS-ing? Ewan. Mga babae, abnormal!"





***





Alas-sais na ng gabi nang mag-disperse ang mga bisita. Ang naiwan na lang ay sina Ed, JB, Ian, Eros, Ella, Kimee, Kae, at ako. Nandoon din si Iris na kanina pa hindi nakikihalubilo sa amin.



"Movie marathon tayo! Ano gusto niyong panoorin?" Tanong ni Ed habang inihihilera sa lapag ang collection niya ng mga DVDs.



"Horror!" Sigaw ni JB.



"Rom-Com!" Sabay na sigaw ng mga girls maliban sa'min ni Iris.



"Action!" Sabi naman ni Ian.



Hinahayaan ko lang na magdiskusyunan sila. Nakaupo kaming lahat sa sahig at nakaharap sa malaking flat screen tv ni Ed.



Katabi ko si Iris sa kanan ko. Sa kaliwa ko naman si Ella.



Napag-pasyahan nilang manood na lang ng Spongebob: Out of Water. Hindi kasi sila magkaundo-sundo kaya't si Eros na lang ang nag-suggest ng papanuorin.



Hindi pa rin umiimik si Iris sa tabi ko. Kaya hindi na 'ko nakatiis at kinausap ko na siya.



"Iris, may problema ba?" Tiningnan niya ko ulit gaya ng pagtingin niya sa'kin kanina.



Kinalabit naman ako ni Ella. Mukhang na-curious yata siya kay Iris dahil si Iris lang ang tahimik sa amin.



"Sino siya kapatid?" Tanong ni Ella sa'kin.



"Classmate nina Ed." Pinakilala ko naman si Ella kay Iris. Pero wala pa rin akong nakuhang tugon sa kaniya. Nakakapagtaka talaga siya ngayon.



"Oh! Ang ganda naman ng t-shirt mo, Iris! BTS! Mahilig ka sa K-Pop?" Ella said cheerfully to Iris. Iris nodded. Iyon yata ang unang response ni Iris sa araw na ito.



"Wow! Ako rin! So ARMY ka rin?" Tumango ulit si Iris. "Really?! Omo! Sinong bias mo? Ako kasi lahat sila. Hahahahahaha Joke. Si Taehyung gusto ko sa kanila eh." Ella said dreamily.



Tumalim ang tingin ni Iris kay Ella. Swear! Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito siya ngayon. Ganito ba siya pag may PMS?



"No effin' way!" Iris said in a cranky tone.



"Why? Gusto mo rin si Taehyung oppa?!" Nagtatakang tanong ni Ella. Hindi ko man alam kung sinong nilalang ang pinag-uusapan nila, I bet they really both like it. At hindi ako maka-relate. Sorry. Exo-L ako. Hindi naman ako gaya ni Ella na multi-fandom.



Feeling ko ay may galit na nabubuo sa aura ni Iris. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon.



"Oh. S-sorry. Ayaw mo ba ng may kahati sa bias mo? Hindi naman yun mapipigilan eh. Sanayan lang. Pero para naman hindi ka na magalit, if you're even mad at me right now, sa'yo na si Taehyung oppa! Akin na lang si Kookie at Seokjin. Okay lang ba? Let's be friends!" Ella offered her hand to Iris. Tinitigan muna 'yon ni Iris pero tinanggap niya rin sa huli.



Nawala na ang kunot sa noo ni Iris tapos bigla na lang siyang ngumiti. Halos nawala na yung mata niya kasi chinita siya. Feeling ko, bumalik na lang bigla yung Iris na kilala ko. She's carefree again.



Binawi na ni Iris yung kamay niya. Ako naman ang kumausap sa kaniya.



"Ayos ka na ba, Iris?"



"Yeah." She assured me with a smile.



Our minds were not on the movie they're watching. Busy kaming tatlo sa mundo namin. We kept on talking about K-pop. Mahihina ang boses namin para hindi makaistorbo but I bet it isn't working. Naiirita na nga sa'min si Eros eh.



"So marunong kang mag-Korean, Iris unnie?" Tanong ni Ella kay Iris.



"Oo."



"Wow. Magkakasundo tayo."



"Eh ikaw, Lee?" Tanong naman sa 'kin ni Iris.



"Ako? Hindi eh." Iris smirked.


"Nanniga silh-eo." Sabi ni Iris habangnakatingin sa 'kin. Her smirk is still plastered in her face. "Jiog ena gara!"



Nakakunot ang noo kohabang tinitingnan ko siya. Anong sabi niya? Wala akong naintindihan. 



Naramdamanko na lang na humawak si Ella sa braso ko. 



"Waeyo?" Sabi niya kay Iris.



Naka-smirk pa rin si Iris. Seriously, hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nila.


"Nan dangsin eul ihae" Dagdag pa ni Ella. Humigpit ang hawak niyasa'kin. Tumawa naman si Iris.


"Nan dangsin eul joh-ahaji anh-a" Sagot ni Iris.    

"Nado."


Inilipat ni Ella angtingin sa tv at mukhang walang balak kausapin ulit si Iris. Ow-kay. What wasthat all about?    

Natapos ang Spongebob the movie na hindi na ulit kumikibo si Ella at si Iris. Lumapit naman ako kay Ed para magpaalam na.



"Uuwi ka na, Lee? Sabay na tayo. Tatapusin pa natin yung The Notebook." Sabi naman ni Eros. Mukhang hihirit pa sila ng isa pang movie pero uwing uwi na 'ko.



"Kawawa naman si Kuya sa bahay. Siya lang mag-isa." Mukhang ayaw pa ring umuwi ni Ella kasi nandito pa si Eros. Wala ring maghahatid sa kaniya pauwi kung hindi namin kasabay si bakla. Siya ang nakatokang service namin dahil bilin 'yon ni Kuya.



"Hatid na kita." Bigla namang nasulpot si Ian sa tabi ko. His very presence make my knees felt like jelly. It wobbles.



"Ha?"



"Sabay na tayo. I need to get home. Mag-isa lang din kasi si mama sa bahay eh. And, to make it up to you. Since, naudlot yung paghatid ko sa'yo dapat last time." He smiled.



Speechless ako.



"Whoah!Man! You've grown some balls already!" Sigawnaman ni Ed. He gave Ian two thumbs up!    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top