ILYS 21: Bewildered
Nakahiga pa rin ako sa kama ko dahil tinatamad akong bumangon. Inaantok pa rin ako. Hindi kasi ako makatulog kagabi. Preoccupied pa rin ako sa nangyari kahapon.
May narinig naman akong nag-uusap sa labas ng kwarto ko.
"Ano bang nangyari kahapon? Hindi siya nag-hapunan kagabi. Tulala. Hindi ko nga makausap ng matino eh." Boses ni Kuya Marc iyon.
"'Di ko alam, Kuya. Hindi kami nagkasabay pauwi kahapon eh." Sagot ni Eros.
"Osiya. Gisingin mo na. Kanina ko pa kinakatok. Ayaw naman ako pagbuksan ng pinto. Ah, teka. Baka brokenhearted 'yan, 'di kaya?"
"Luh. Kaloka ka Kuya ha? Ba't naman mabo-brokenhearted 'yan? Mas marunong pa nga 'kong lumandi kesa sa kaniya."
"Naniniguro lang! Kung ano mang problema niya, sana naman magsabi siya sa'kin. Hindi naman ako manghuhula. Nag-aalala rin ako. Ikaw na muna bahala sa kaniya ha. Ihahanda ko lang yung almusal."
"Oki doki!"
Walang habas na sinugod ng bruhang si Eros ang kwarto ko. Ni hindi man lang kumatok.
"Bruhang bakla! Kakaloka! Gising ka na pala. Anyare 'te? 'Di ka pa babangon? Male-late tayo! Last day na kaya natin ngayon! Duuuh?! 'di ka ba excited?! Bakasyon na, girl!" Hinatak niya yung kumot ko na pilit ko namang hinihila para italukbong sa sarili ko.
"Tinatamad ako." Walang emosyon kong sabi.
"Magkwento ka nga. Anong nangyari kahapon?" Umupo siya sa kama. Nagtagumpay siyang alisin yung kumot ko.
"Mahabang kwento."
"Makikinig ako. Pero later na. Tumayo ka na diyan! Mag-ayos ka na." Sobrang lakas ng paghila niya sa mga braso ko para iupo ako sa kama. Sumunod na lang ako sa kaniya dahil wala ako sa hwisyo para makipagtalo ngayon.
***
"Kwento mo na." Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin.
Kinwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa'kin kahapon . Pati rin siya ay napaisip na rin at nahihiwagaan sa kung sino mang nanggulo sa locker ko.
"Omg! Bakla. Sorry talaga. Dapat hinintay mo na lang kasi ako kahapon."
"Che! May magagawa ka ba kung ikaw yung kasama ko kahapon?"
"Wala."
"Pero ayos na rin 'yon na hindi kita kasama. Kasi kung kasama kita at nakita mo yung hitsura ng locker ko, baka tumili ka lang ng bonggang bongga! Mabubuking ka pa."
"Kunsabagay."
"Lee!" Narinig kong tawag sa'kin nung isa naming kaklase pagkapasok namin sa classroom.
"Oh Zelle! Bakit?" Lumapit siya sa'kin habang inaayos ko yung mga gamit ko sa armchair. Umupo na si Eros sa tabi ko.
May ibinigay si Zelle sa akin na notebook.
"Sa'yo 'yan 'di ba? Nakita naming mga cleaners 'yan sa teacher's table kanina."
Tiningnan ko yung notebook na ibinigay niya. Kulay white ang cover niyon tapos may mga doodle na Pikachu sa harapan. Alam na nilang sa'kin 'yon kasi ako lang naman ang mahilig kay Pikachu.
"Pa'no 'to napunta sa teacher's table?" Ang natatandaan ko, nasa locker ko yung notebook na 'yon. Nagkibit-balikat lang si Zelle. "Salamat, Zelle."
"You're welcome." Bumalik na rin siya sa upuan niya at sakto namang dumating ang teacher namin.
Binuklat ko yung notebook ko para magsulat na ng notes nang mapukaw ang atensiyon ko ng mga nakasulat sa isa sa mga pahina niyon.
My life could've been so much great if you'd be dead.
Hindi ako ang nagsulat niyon. Kinilabutan ako. Posibleng kung sino man ang may kagagawan sa sinapit ng locker ko ay siya ring nagsulat niyon sa notebook ko.
"Lee, ayos ka lang?" Tanong ni Eros. He sounded worried. Ipinakita ko sa kaniya yung nakasulat sa notebook ko.
"Natatakot ako." Pag-amin ko kay Eros. Nanlaki ang mata niya nang mabasa 'yon. "Sino kaya ang gumagawa niyan?"
"Hindi ko alam. Siguro nga yung mga fans lang nung apat ang gumagawa niyan, Lee. Mga may saltik yun at maluluwag ang turnilyo sa utak. 'Wag mo nang pansinin. Hindi ko naman hahayaan na saktan ka nila. Hindi na kita iiwan. Promise." He assured me. Pinunit niya yung page na 'yon mula sa notebook ko bago ibalik sa'kin yung notebook para makapagsulat na 'ko.
Sa lahat ng klase namin, naglakbay lang ang utak ko. Ni hindi ko nga namalayan na natapos na naman pala ang isang school year.
"Wooohoooo! Summer it is!" Tili ng mga kaklase kong babae! Lahat sila, busy sa pag-uusap kung saan idadaos ang kaniya-kaniya nilang bakasyon. Habang ako..
"Hoy! Jonna Lee Macasio! Hindi ka ba masaya? Bakasyon na!" Kimee appeared in front of me. "Kanina ka pa nakabusangot, what's up?"
"Wala naman."
"Iniisip mo pa rin ba yung mga bashers mo? You see, if people are talking behind your back, it's because you're ahead of them, Lee. So chin up!" She flashed her sweetest smile.
I smiled back.
"Punta tayo sa SSC." Biglang sabi niya.
"Ha? Ayoko."
"Bakit? Don't make your haters see that you're affected. Kasi wala namang totoo sa mga ikinakalat nila."
"Di naman ako affected. Wala na naman akong paki sa sasabihin nila eh. Tinatamad lang talaga 'ko."
"Samahan mo naman ako oh. Please..." Nag-puppy eyes si Kimee.
"Kaya mo na 'yan mag-isa."
"Pupuntahan ko kasi si Ed. Pag ako ang unang lumapit, parang napaka-inappropriate naman. Kung kasama kita, tutal close naman kayo, I guess it wouldn't be so... awkward." She shyly said.
Sa huli, napapayag niya 'ko. Sinamahan naman kami ni Eros papunta doon.
"Boy!" Ginulo agad ni Ed ang buhok ko nang makarating kami sa room nila. Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito? Oh! Dinadalaw mo ba si I – aray!" Bigla na lang siyang binatukan ni Ian na katabi niya.
"Hi, Ed!" Binati ni Kimee si Edward na kasalukuyang hawak ang ulo niya.
"Ang sakit, Ian! Hayop ka!" Hindi pinansin ni Ed si Kimee. I felt Kimee wrapped her arms around mine.
Hindi rin naman pinansin ni Ian si Edward dahil agad siyang nakiupo sa teacher's table kung sa'n nakaupo si JB habang may binabasang libro. Nakita ko naman si Kenneth na nagbubura ng mga writings sa blackboard. Kasama yata siya sa mga cleaners ngayon.
Sinundan ko naman ng tingin ang baklang si Eros na lumapit sa board para tulungan si Kenneth. I wasn't sure if it was a helpful, friendly gesture o nakahanap na siya ng bagong prospective target.
"Sa'n ka magbabakasyon, Lee?" Binalingan ako ni Ed na medyo nahimasmasan na sa sakit ng ulo niya.
"Sa bahay lang. Ikaw?" Hindi ko alam kung sinasadya niya bang 'wag bigyang pansin si Kimee.
"Sa probinsya. Kasama ko nga pala sina JB at Kae. Isang buwan kami do'n."
"Wow. Astig! Pa'no si Kimee? Hindi mo ba siya isasama?" Humigpit ang hawak ni Kimee sa braso ko. I bet, ina-anticipate niya ang isasagot ni Ed sa tanong ko. Ed threw a glance at Kimee.
These two... Hindi ko na talaga alam ang nagaganap sa pagitan nilang dalawa. Noon, para silang aso't pusa. Nagtataka na nga ako dahil ngayon, hindi na sila nagpupukulan ng mga maaanghang na salita. Nagtititigan lang sila na parang wala lang ako sa eksena. Sila na kaya? They were as if exchanging statements in their head, lost in their own trance.
Ilang sandali rin silang nag-usap gamit ang tingin hanggang sa nagsalita si Ed.
"If she wants to." Hindi pa rin umiimik si Kimee.
"Excuse me lang ah. Cr lang ako. Babalik ako." Sinenyasan ko si Eros na hintayin ako.
Agad akong dumiretso sa cr. I really wanted topee kanina pa kung hindi lang sana ako hawak ni Kimee. Bago pa man ako bumaliksa room ng SSC, my phone vibrated in my pocket.
Gab
Lee, you look sad. You alright?
Lee
Yup
Gab
Smile. :)
Lee
:)
Gab
I sent you a PM you last night. Hindi ka online. May problema ba?
Lee
Wala lang ako sa mood.
Gab
May nangyari ba? Hindi ako sanay na malungkot ka. Hindi bagay sa'yo kapag poker-faced ka.
Lee
:)
Gab
If you don't wanna talk about it, it's okay. I understand. Just smile. Everything will be alright. :)
Lee
Yeah
Gab
Ah! Nga pala, I don't like you hanging around with other guys. I'm jealous and I'm dead serious.
Hindi ko na siya ni-reply-an. Feeling boyfriend siya. Yet, I liked the attention too much. No other guys made me feel that way before. How come that an utter stranger made his little space in my life in an instant? Ugh. This is crazy.
Pagbalik ko sa classroom, nandoon na si Kae. Mukhang paalis na sila ni JB.
"San punta nun? Uuwi na?" Tanong ko kay Ed na nag-aayos na rin ng gamit.
"May date sila."
"Oh? Sila na? Kelan pa?"
"'Di ko alam eh. Masyadong tahimik yung dalawang 'yon. Lalo na yung unggoy na JB na 'yon! Bagay sila. Parehong soft-spoken!" Pagkasukbit niya ng backpack niya sa likod niya, bigla aman niyang hinablot ang kamay ng nagtatakang si Kimee.
"Oh. May date din kayo?" Ang sarap tuksuhin ni Kimee. Nangangamatis kasi ang pisngi niya.
"Ganun na nga! Adios, Boy!" Ginulo niya muna yung buhok ko bago hinila palabas ng classroom si Kimee. She wasn't able to speak a single word.
Tapos na ring maglinis ang mga Friday cleaners at nagsiuwian na.
"Lee." May humawak sa balikat ko mula sa likuran. Paglingon ko, nakangiting tumambad ang isang chinitang babae na pamilyar sa 'kin. Hindi ko lang maalala ang pangalan niya pero alam kong taga-SSC din siya. "Lee, ikaw nga. Ako si Iris. Naaalala mo 'ko?"
"Ah. Oo. Nagkakilala tayo sa gym."
"Yeah. Bakit nandito ka?"
"Ha? Ah. Sinamahan ko lang yung classmate ko. Kaso umalis na rin siya, kasama si Ed."
"Really? So pauwi ka na?"
"Hindi pa siguro. Eros is still here. Kasabay ko siya pauwi."
"Eros? Classmate mo siya, right? Boyfriend mo?" Narinig kong napaubo si Eros sa inosenteng tanong ni Iris. Napaka-cute niya. Natawa ako bago ko siya sinagot.
"Hindi. Bestfriend ko siya."
"Oh. Sorry. Akala ko boyfriend mo kasi lagi mo siyang kasama."
"Ok lang."
Binalingan naman niya sina Kenneth at Ian na busy sa mga cellphone nila.
"Hoy! Hindi pa kayo uuwi?" Umiling lang yung dalawa. "Kayo na mag-lock ng room ha?" Tumango naman sila. "Naiintindihan niyo ba 'ko?" Hindi sila sumagot.
"Uh, Iris. Sige ako na lang bahala. Ire-remind ko na lang sila."
"Thanks, Lee." Lumapit siya sa 'kin at umakmang may ibubulong sa akin. "Don't hang too much around those two annoying chic magnets."
"Chic magnets?" Mahina ko ring sabi.
"Nasa hitsura naman nila 'di ba?" She laughed. A laugh that can make you giggle. So cute. "If you'd happen to get attach to either one of them, ayaw mo naman siguro ng may kahati 'di ba?" With that, naglakad na siya palabas ng room. She waved her two hands at me. Medyo weird siya but cute.
"Ano, Lee? Uwi na tayo?" Tanong ni Eros sa'kin.
"Ihahatid na kita." Ian and Kenneth said in unison. Kumunot naman ang noo naming ni Eros.
"Hindi naman na kailangan. Kasama ko na si Eros."
"I insist." Sabay na naman nilang sabi. Ano bang meron sa dalawang 'to ngayon? Lagi silang synchronized e.
"Nasa iisang subdivision lang naman tayo. Pwede naman tayong sabay-sabay umuwi." Kenneth said.
"Yeah. He's right. I'll carry your things." Ian said. Kinuha niya mula sa 'kin yung mga gamit ko.
"Kaya ko naman. Hindi mo naman kailangang gawin 'yan." He smiled. Dammit! That smile really stuns me.
Kenneth opened the door for me. He's the one who locked it nang makalabas na kaming lahat. What's wrong with these boys? I'm bewildered.
"We can take a cab. My treat!" Kenneth said.
"Or use my car." Ian suggested. May kotse siya? Minor pa lang siya ah. 'wag niyang sabihing marunong 'din siyang mag-drive gaya ni Kenneth? "I have my driver." He said as if nabasa niya kung ano ang nasa isip ko.
Inakbayan ako ni Eros na nagyon ay ngiting ngiti.
"Twohunks, babe! On your tail. Haba ng hair. Nag-rejoice ka ba, girl?" He laughed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top