ILYS 20: The Unexpected
"Anong problema?" Mukhang hindi naniwala si Kenneth sa sinabi kong 'okay lang ako.' "You're 'okay lang ako' says otherwise."
In the end, sinabi kong hindi makakasabay si Eros sa 'kin pauwi that's why frustrated ako ngayon.
"Lee," Ian approached us. Hindi namin namalayan ang paglapit niya. Nginitian niya 'ko. I did the same. "Hi."
"Hi." I replied.
"May problema ba?" Ian also inquisitively asked.
"You're not good at pretending, Lee." Sabi ni Kenneth sa 'kin.
Ikinwento ko din kay Ian ang tungkol sa frustration ko, how I ended up waiting for nothing.
"Alam niya namang ayokong umuuwi mag-isa eh." Naiinis kong sabi.
"Edi ihahatid na lang kita." Biglang prisinta ni Ian. Matagal bago nag-sink in sa'kin yung sinabi niya.
"Talaga?" At last, I said it, as if stunned. Parang bulang nawala lahat ng inis ko.
"Oo. Kailangan mo na bang umuwi? Let's go if you want to." He cheerfully said.
Sasagot na sana 'ko nang may dumating na babae at tinawag si Ian.
"Ian, pinapatawag ka ni Ma'am Lara sa faculty room." Sabi nung babae. Nilingon niya kaming dalawa ni Kenneth. "Uy! Kenneth, andito ka rin pala. Hi sa inyo."
"Hi Iris. Ah, siya nga pala, Lee," Kenneth put his arm over my shoulder, "si Iris nga pala, classmate namin. Iris, ito naman si Lee."
"Oo. Kilala ko siya. Sikat na sikat kaya siya." She smiled to me. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pamilyar sa kaniya gayong kilala ko naman halos lahat ng taga-SSC. "Pero wag ka mag-alala, hindi ako basta basta naniniwala sa mga rumors. 'Nice to meet you! Can we be friends?" Inilahad niya yung kamay niya sa harapan ko. Napaka- bubbly niya.
"Nice to meet you din! Friends" we shook hands. Nang bawiin niya naman yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko, she grabbed Ian's arms. "Tara na, Ian! Puntahan na natin si ma'am."
"Pero –"I saw Ian hesitates.
"Nagmamadali si ma'am, tara na!" Hinahatak na siya palayo ni Iris.
"Sige na Ian. Sumama ka na. baka mapagalitan ka ni ma'am." Sabi ko. I assured him with a smile. "Kaya ko naman umuwi mag-isa eh. Pero salamat pa din."
"Pero –"
"Ako na lang maghahatid kay Lee. Puntahan mo na si ma'am." Putol ni Kenneth sa sasabihin pa ni Ian. He knows Ian couldn't get away from their adviser easily.
Ian showed a small smile. "Okay sige. Ingat kayo pauwi ha. Sorry, Lee."
"Okay lang." Pero sa totoo lang, hindi okay. Sayang yung chance na makasabay siya pauwi eh.
"No worries bro! Ako na bahala kay Lee." Mas lalong hinigpitan ni Kenneth yung pagkakahawak niya sa'kin. I was faking a smile until Iris and Ian were already out of sight.
"Ayos ka lang? Uwi na tayo." Kenneth held me by the hand. Naglakad siya pero agad ding tumigil dahil naramdaman niyang hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.
"Disappointed ka 'no? dahil hindi ka naihatid ni Ian pauwi?" Tanong ni Kenneth.
"Oy hindi no!"
"Sus. Deny deny ka pa. halata naman."
"Asa! Hindi no!"
"Sinong niloko mo? You're so transparent, Lee. Your reactions speak for yourself."
"Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan!" Naglakad na 'ko palayo, taking the lead. Nasa abangan na kami ng jeep nang magsalita siya ulit.
"Gusto mo ba siya?"
"Ha?!" Nagulat ako sa tanong niya. He seems indignant asking it.
"Gusto mo ba si Ian?" He asked once again.
"Ano ba 'yan? Ba't walang jeep?"
"Bakit ayaw mong sagutin? So gusto mo talaga siya? May gusto ka sa kaniya." His last statement doesn't seem to be a question. He already concluded without me confirming it.
"Pa'no mo naman nasabi?"
"Yung mga tingin mo sa kaniya. You don't look at me that way. Do you know how much I envy him?"
"Tumigil ka na nga. Hahaha. Patawa ka."
"Gusto mo siya."
"Hindi ko siya gusto." Gustong gusto ko kasi siya.
"You're not good at lying. Humahaba yung ilong mo!" Kinurot niya naman yung ilong ko.
"Ouch!" Sinabunutan ko siya.
"Aray! Ano ba Lee! Bitawan mo nga yung buhok koooo! Aray!" Inalis niya naman yung pagkakahawak ko sa buhok niya. "My God! Lee! Ang sakit nun ah!"
"Hahahahaha. Para ka namang babae!" Hahahahaha naalala ko na naman si Eros!
Damn that gay! Bahala siya. Hindi ko talaga siya papansinin forevs!
Hawak ni Kenneth yung kamay ko. Sa tingin ko, he would crush it. Mukhang nagalit ko yata siya. Nagpumiglas ako.
"You're not like this when Ian did this to you." He looked serious.
"Hoy! Anong pinagsasabi mo ha?! Bitawan mo nga 'ko!"
"Pa'no kung ayoko?"
"Isa!"
"You didn't even blush like before. You can look straight into my eyes without wavering. Pero 'pag kay Ian, para kang makahiya. Do you know how much I wanted you to act like that when you're with me?"
"Dalawa! Sisigaw ako pag hindi mo pa 'ko binitawan."
"Lee." His darkened expression suddenly turned into a pained one. Binitawan niya yung kamay ko.
"Hoy! Nagseselos ka ba?"
"Oo." Walang ka-abog-abog na sabi niya.
"Ewan ko sa 'yo."
"Tara! May utang ka sa 'kin!" Bigla na lang niya ko hinila papunta sa kung saan.
"Hoy! Sa'n mo 'ko dadalhin?" Dinala niya 'ko sa parking space ng school.
"Suot mo." Inabot niya sa'kin yung isang helmet.
"May motor ka? Sa'yo ba 'yan?" Sumakay siya sa motorsiklo bago niya isinuot yung helmet niya. "Marunong ka mag-drive?"
"Sakay na."
"Ayoko nga. Baka kung sa'n mo'ko dalhin eh."
"Sasakay ka ba o hindi? Baka gusto mong sabihin ko na ngayon kay Ian na gusto mo siya ora mismo?" He's threatening me.
"Edi gawin mo." As if I care! Akmang bababa na siya ng motor pero pinigilan ko siya. Uh-oh. Seryoso po siya. "Joke. 'To naman! 'Wag mo sasabihin sa kaniya!"
"Edi inamin mo rin na gusto mo siya." Inirapan ko na lang siya bago ako sumakay sa motor niya.
He made his way out of the school premises. Ang bilis niyang magpatakbo. Para siyang hari ng kalsada. I swear, he's acting like a badass!
"Hoy dahan dahan lang! Marami pa 'kong pangarap!" Napakapit ako nang mahigpit sa balikat niya. Umuusal na 'ko ng panalangin dahil sa sobrang kaba. Para kaming lumilipad. Sa tingin ko nga, we are overspeeding. At kinakabahan talaga ako if we happened to get caught! We're minors, for Pete's sake!
He halted when the traffic lights turned red. That was a short moment of relief.
He caught my hands at iniayos 'yon. I was giving him a 'back hug' now.
"Libre tsansing." I bet he's smirking base sa tono niya. Parang nag-eenjoy kasi siya na nakayakap ako nang mahigpit sa kaniya. But I'm holding on for my dear life! Kaskasero kaya siya. "Many girls would be envious of you, Lee."I'm sure of that. Feeling ko tuloy, dadami na lang lalo ang haters ko. The hell I care! "Ang dami pa namang nagnanasang mahawakan ang abs ko!" He laughed.
"You're so full of yourself."
"Aren't you glad? You should be. You're the first one to get the privilege."
"Orily?"
"Hindi ka naniniwala?"Hinigpitan ko pa yung hawak ko sa kaniya because the traffic lights went orange. "I'm yours now, Lee. You got me." The lights turned green then we set-off.
***
Dinala ako ni Kenneth sa banquet. Ang daming tao at puro street foods ang nakikita ko.
"Libre mo 'ko." Sabi niya.
"Kapal naman. Ikaw kaya nagdala sa'kin dito. Ikaw manlibre."
"Ayoko nga."
"Aba!"
"Joke lang. Tara! Bibili kita ng isaw! Peyborit mo yun 'di ba?"
"Pa'no mo alam?"
"Nakikita kitang bumibili niyan sa tapat ng school 'pag uwian eh."
"O? Magtapat ka nga sa'kin. Minamanmanan mo ba 'ko lagi ha?!"
"Oo."
"Natatakot na 'ko sa'yo."
"Hala bakit?"
"Feeling ko tuloy stalker ka."
"Hindi kaya!"
Binilhan niya ko ng isaw. Samantalang mukhang papakyawin naman niya yung tindang fishball nung ale. Ang dami ko ring nakikitang girls na wagas kung makatingin kay Kenneth. Kunsabagay, he looks really out of place.
He looks striking and confidently good-looking in his school uniform. Everything about him screams 'hot'.
Niyaya ko siyang umupo sa isang bench malayo sa crowded na lugar. I busied myself lurking on the isaw habang nagbibilang ng mga taong napapadaan sa harapan namin.
"Gusto mo lang akong masolo eh. 'Di mo pa kasi sabihin agad." He plastered his well-known smirk.
"Kapal nito! Ayoko lang nung mga tumitingin sa 'kin na para akong langaw na dikit-ng dikit sa pagkain nila."
"Ganun talaga. Sa gwapo kong 'to. Pero hindi ka langaw, Lee. Masyado kang maganda para maging langaw." He winked at me.
"Jerk." Ang hilig niya talagang bumanat eh.
"Hey! Hindi ako jerk! Hindi mo pa 'ko lubos na kilala, Lee."
"Yeah, right."
"Maybe that's why you can't oversee me." He frowned. "What if, mas nauna mo 'kong nakilala kaysa kay Ian? What if, naging ako na lang si Ian? Will you notice me?"
Hindi ko alam kung pa'no sagutin 'yon. If he's dead serious, maloloka na siguro ako.
"Wag mo na lang sagutin." He said.
We stayed there for a couple of minutes. Our minds kept wandering while we stayed there in silence.
"Ba't dito mo 'ko dinala?" Maya-maya pa ay tanong ko sa kaniya.
"Wala lang. Trip ko lang."
"Psh." Bigla naman akong may naalala. "Ay! May nakalimutan ako sa locker ko! Sh*t!"
"Ha?"
"Naiwan ko yung libro ni Kuya sa locker ko. Kailangan ko ibalik yun sa kaniya eh."
"Babalik tayo sa school?"
"Naku! Hindi na! Ako na lang ang babalik. Umuwi ka na. Nakakaabala na 'ko sa 'yo."
"Hindi ka abala. Tara! Sasamahan kita."
Sa huli, napapayag niya 'kong sumama siya sa 'kin pabalik sa school. Sinamahan niya rin akong pumunta sa locker room. Nang akmang bubuksan ko na ang locker ko...
"Ano 'to?" Kinuha ko yung post-it note na nasa locker ko.
Bitch. Get lost.
Bigla akong kinabahan sa nakasulat sa note. Binuksan ko yung locker ko. Wala na yung padlock, halatang sinira iyon para mabuksan. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko, kinakabahan ako. Pagkabukas ko niyon, tumambad sa amin ang kulay pulang likido na nakasaboy sa loob ng locker ko.
"Sht!" Bulalas ni Kenneth. Parang dugo ang hitsura niyon. Pero naalis naman ang hinala kong dugo iyon nang maamoy namin. "Ketchup."
"Sino naman ang gagawa niyan? Nananakot ba 'yan? Ketchup talaga, seriously?" Naputol ang akmang pagtawa ko nang may nakita naman akong isang rag doll sa loob. Kukunin ko na sana pero inunahan ako ni Kenneth.
"Sa'yo ba 'yon, Lee?" Umiling ako. Pagkakuha niya sa rag doll, natanggal ang ulo niyon at gumulong sa sahig. Nanlamig ako.
"Kenneth." May note ulit na nakalagay sa loob ng katawan ng rag doll. Kinuha ni Kenneth 'yon saka niya binasa.
For Lee. :)
Hinablot ko mula kay Kenneth yung rag doll saka ko inihagis nang malakas.
"H-hindi magandang b-biro 'yan!" Kenneth grabbed my hand. Hinigpitan niya yung hawak niya sa 'kin. "P-pakana ba 'yan ng fans club n-niyong apat? Hindi nakakatuwa." Sh*t nanlalambot talaga ang tuhod ko. I'm stuttering. Nanginginig na rin ako sa takot at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
May kinuha pa ulit si Kenneth sa loob ng locker ko. Mukha iyong voodoo doll, kulay itim iyon na may nakasaksak na penknife sa leeg. Naging parang kulto ang loob ng locker ko!
Nagtago ako sa likod ni Kenneth.
"'Wag kang mag-alala, Lee. Walang masamang mangyayari sa'yo. Nandito ako. 'Wag kang matakot." I hold on to Kenneth's word. Hindi ko na nagawa ang pakay ko sa locker room dahil hinila na niya 'ko palabas. "Ipapaayos ko na lang ang locker mo. 'Wag ka nang umiyak, please."
Itinapon niya yung voodoo doll sa basurahan. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nang mahimasmasan ako, inihatid na niya 'ko pauwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top