ILYS 19: Your Song
Lee
Bakla! Nasan ka na? Bored na ko dto.
Matapos ko i-send kay Eros ang text na 'yon, ibinalik ko sa libro ko ang atensiyon ko. Uwian na pero wala pa rin si Eros dahil ipinatawag siya ng adviser ng SSC. Sabay daw kami uuwi ngayon. Nasa library ako ngayon habang hinihintay siya.
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong Field Trip namin sa Laguna. Tapos na rin ang last quarter exam kaya't next week, bakasyon na. Pero ito na yata ang bakasyon na hindi man lang ako nae-excite.
Simula kasi ng kumalat sa social media yung picture namin ni Ian na natutulog sa bus, naging masalimuot na ang buhay ko. Lagi na rin akong pre-occupied. Hindi ako makatambay sa cafeteria, lalong lalo na sa open field.
"Attention-seeker!"
"Flirt."
"Famewhore."
Ilan lang 'yan sa bansag sa'kin nung mga fans ni Ian. Kahit sa'n ako mapunta, pinagtitinginan ako. Alam ko namang famous talaga 'ko noon pa. Famous ako kasi ako yung pinaka-pasaway sa section B pero duh! Nagbabagong buhay na kaya ako!
At hindi ako famewhore! Bitch please.
Kasalanan ko bang ako yung nakatabi ni Ian sa bus? Krimen na ba ngayon na lumapit sa idol nila? Oo, hearththrobs ng school sina Ian, Ed, JB, at Kenneth pero kasalanan ko bang naging ka-close nila ako? Friendly ako pero hindi ako attention-seeker!
Hindi ko rin in-expect na mararanasan kong maging kagaya ng mga bida sa mga cliché na storya mapa-tv man, big screen, o sa nobela. Me against the world ang peg ko ngayon.
Mabuti na lang, yung SSC at yung section B, hindi nila 'ko hinuhusgahan. Normal pa rin ang pakikitungo nila sa 'kin. Pero yung mga nasa ibang year levels, grabe maka-husga, hindi pa naman nila ako kilala. That's why, humanity nowadays really sucks.
Nag-vibrate yung phone ko.
Gab
Ba't mag-isa ka?
Lee
Pano mo alam?
Gab
Nandito ako sa library.
Nagpalinga-linga ako. Pero puro bookworms lang ang nakikita ko. Buti pa dito, puro nerds na puro libro lang ang inaatupag ang meron. Mas okay dito, walang nanghuhusga, walang nakakakilala, tahimik.
Lee
Ba't nga ba hinahanap pa kita? Haha di ko naman alam ichura mo! Lol Pano kita makikita XD
Gab
Gusto mong kausap? Makikinig ako.
Lee
Anong drama yan? Hahaha
Gab
Ang lungkot mo kasi. :(
Lee
Hindi ako malungkot hahahaha parang tanga to. Ang saya ko kaya hahahaha
Gab
Para kang tanga. Yung alam naman nating pareho na malungkot ka pero itinatago mo pa.
Lee
Hindi nga ako malungkot. Hahaha tsaka, paki mo ba?!
Gab
Malungkot ako pag malungkot ka. Kilala kita. Ikaw yung tipo ng tao na tatawa na lang kapag nalulungkot. Defense mechanism. Spill it out, Lee.
Lee
Call me.
Nakakainis. Pino-provoke ako nitong taong 'to eh. Ayoko na mag-isip ng negative thoughts. Pero ang kulit niya talaga. Grrr!
Gab calling...
Sh*t. Kumabog na lang bigla yung dibdib ko. Ewan ko. Kinakabahan ako. First time niyang tumawag. Maririnig ko na yung boses niya. Sh*t. Nae-excite tuloy ako na natatae. Hay! Ewan!
Lumabas ako ng library bago ko sinagot yung tawag.
"Hello?" Pero walang sumagot. Hello lang ako ng hello pero mukhang wala yata siyang balak magsalita. Alam kong nasa kabilang linya pa rin siya. Nararamdaman ko.
"Gab? Nanjan ka pa?" Pinakikinggan lang ba niya yung boses ko? Kainis naman 'to. Lalo lang ako nafu-frustrate eh. Naiiyak na tuloy ako!
"Gab? Gab naman eh. Sige na nga. Kung wala kang balak magsalita, ayos na rin. Sa totoo lang, gusto ko na talaga ng kausap. Kada nandito kasi ako sa school, puro mga judgmental na tao na lang lagi yung nakakasalamuha ko.
Gusto ko ng makikinig sa 'kin. Hindi ko naman masabi sa pamilya ko yung nangyari. Natatakot ako eh. Hindi ko rin masabi kay Eros, busy siya lagi eh. Lagi siyang tambay sa faculty room. Si Ella naman nag-out of town trip. Hindi na rin ako lumalapit sa apat. Baka lalo lang akong mapag-initan. Yung feeling na wala pa kong ginagawa, sasabihan na 'kong flirt agad. 'Asan hustisya don?"
Bumuntong hininga ako. Sa sobrang stress ko siguro, napaiyak na lang ako.
"Ang babaw ng problema ko 'no? Pero big deal sa 'kin 'to. First time kong mapasabak sa gantong issue eh. Instant celebrity ako. Akalain mo yun? Kung ginusto ko lang talaga ng spotlight, matagal na siguro akong dumikit dun sa apat! Pero hindi naman eh.
Mga judgmental talaga mga tao ngayon! Tsaka kung sambahin nila yung apat, akala mo Diyos sina Ian, si Ed, si JB pati si Kenneth. Kungsabagay, mukha naman talaga silang Greek Gods eh. Pero kahit na. Tao lang sila. Tao lang din ako. Nasasaktan pa rin ako sa sinasabi nila."
Pinilit kong patahanin yung sarili ko. Mas lalo ko kasing nakukuha yung atensiyon ng mga estudyante sa paligid.
"Pero wag ka mag-alala. Okay na 'ko. Thanks ah. Nakinig ka sa litanya ko. At least, gumaan na yung dinadala ko." Bigla na lang niyang in-end yung call.
Gab
Mabuti naman. Ngiti ka na.
Ngumiti ako. Ay shet! Mukha akong utu-uto neto eh!
Wag ka na ulit iiyak ah. Pumapangit ka e hahahaha
Lee
SINONG PUMAPANGET HA?!
Gab
Wala. To naman! Highblood!
Lee
Umayos ka! Bibigwasan kita!
Gab
Sorry na prinsesa ko. Joke lang naman yun eh. Huhu
Lee
Ba't di ka man lang nagsalita kanina?
Gab
Ha? Eh. Nahihiya ako eh. Haha
Lee
Kainis ka. Alam mo yun?! Pero salamat talaga :)
Gab
Don't mention it. Gusto ko lang na masaya ka. Wag mo na sila intindihin. You can't please everybody. :)
Lee
IKR. Simula ngayon, wala na kong paki sa sasabihin nila. Wala namang katotohanan 'yon. Insecure lang siguro sila kasi ang ganda ko hahahahaha
Gab
That's my girl!
Lee
-_-
Gab
Your smile is contagious. Sheeet. pag nakangiti ka ng ganiyan, name-mesmerize ako. Lalo na pag ako pa yung dahilan. Kakakiliiiiig ^^ Kainis, nababading na naman yata ako. Ang cute mo tingnan mula rito sa kinatatayuan ko. <3
Lee
Lol. Stalker ka talaga.
Gab
Admirer nga ako sabi e! Kulit nito!
Lee
Ewan ko sayo Haha
Gab
Punta ka na lang sa gym. :)
Lee
Sa gym? Bakit? Ano meron?
Gab
Since nagpapaka-loner ka ngayong araw na 'to, magandang tambayan yung gym. :)
Lee
Anong binabalak mo?
Gab
Binabalak?
Lee
Pa-inosente ka pa. May binabalak ka no? Bat ako pupunta sa gym? Ayoko nga.
Gab
Wait. Ako? May binabalak? Binibigyan lang kita ng suggestion. Sige. Ganto na lang, kung gusto mong pagtinginan ka jan ng mga tao, mag-stay ka jan. Namumugto yung mata mo, tumatawa ka pa jan mag-isa. Gusto mo?
Lee
Oo na. pupunta na. siguraduhin mo lang na wala kang binabalak ha? Kokonyatan talaga kita pag nakilala na kita
Gab
Hahahahaha I love you!
T-in-ext ko si Eros na sa gym ko na lang siya hihintayin. Hindi ko alam kung bakit napasunod ako ni Gab na pumunta do'n sa gym. Ewan ko pero kahit I barely know him, may tiwala ako sa kaniya na 'di siya gagawa ng kalokohan. Dumaan muna 'ko sa cr. Mukha na kasi akong zombie. Kailangan ko nang mag-retouch.
Wala akong naririnig na kahit ano nang malapit na 'ko sa pintuan ng gymnasium. Mukhang maganda nga 'tong tambayan dahil bihira lang namang gamitin 'to at walang masyadong tao. Papasok na sana ako sa gym nang makita ko si Ian.
Wait. Si Ian? Ba't siya nandito?
Inilalabas niya mula sa guitar case yung gitarang lagi niyang dala. Pumwesto siya sa bleachers at umaktong tutugtog na. Hindi ako pumasok. Pinapanood ko lang siya habang nagtatago ako sa likod ng pinto ng gym.
T-in-ext ko si Gab.
Lee
Nasa gym ka ba?
Hindi siya nag-reply. Itinuon ko ulit yung atensiyon ko kay Ian. Nagsimula na siyang tumugtog. At hindi ko in-expect na maririnig ko ulit yung boses niya. He sounds so angelic when he sings.
It took one look
And forever lay out in front of me
One smile then I die
Only to be revived by you
There I was
Thought I had everything figured out
It goes to show just how much I know
About the way life plays out
I take one step away
And I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Hindi ko alam. Halos hindi na 'ko gumagalaw sa pwesto ko. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kaniya. Ang ganda talaga ng boses niya at sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko...
Now I know
That I've known not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine
Oh, you told me that this wouldn't be easy
And Oh, I'm not one to complain
I take one step away
And I find myself coming back to you
My one and only
One and only you...
Lumingon siya sa gawi ko.
Shit! Nakita niya 'ko!
Napasandal na lang ako sa pinto at pilit na ikinubli ang sarili ko nang may tumawag sa 'kin.
"Lee!"
Galing sa loob ng gym yung boses. So hindi lang si Ian ang nando'n?
Nagtatago pa rin ako. Ayoko talagang magpakita kay Ian. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa abnormal na tibok ng puso ko 'pag nasa malapit siya.
"Lee! Nakita na kita! Wag ka nang magtago."
Nilingon ko yung tumawag sa'kin. Sumilip ako sa gym pero hindi ako umaalis sa pwesto ko.
It was Kenneth.
"Ba't ayaw mong pumasok? Tara dito!"
So hindi nga talaga mag-isa si Ian. Hindi ko napansin na nadoon din pala si Kenneth kasi busy akong pinapanood si Ian.
Nag-vibrate yung cellphone ko.
Eros
Bakla, sorry. Hindi ako makakasabay sa'yo pauwi. May inutos pa kasi sa 'kin si Mam Lara eh. Sorry talaga. :(
Nakaka-asar. Ang sakit kayang maghintay sa wala!
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Kenneth.
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top