ILYS 18: Feeling Feelings
"To somewhere we'll be enchanted."
Inabot ko yung kamay niyang nakalahad sa harap ko. Hinila ako ni Ian papunta do'n sa lugar na tinutukoy niya.
Holding hands while walking.
Titig na titig lang ako sa kamay naming magkahawak. Parang wala akong ibang nakikita sa paligid kundi ang mga sarili namin. Goodness! Ano bang nangyayari sa'kin?!
That feeling when you don't know what the f*ck you're feeling.
Para maalis ang kakaibang lechugas na feeling na nararamdaman ko, nagsalita ako. "Sa'n tayo pupunta, Ian?"
Hindi siya sumagot kaya nagtanong ulit ako. "Bump cars?"
"No."
"Flying Fiesta?"
"No."
"Ah. Alam ko na! Sa Swan Lake?"
Nakakainis. Hindi na siya umimik. Gusto ko sana sa Swan Lake eh. Somewhere we'll be enchanted. Magpe-pedal kami ng isang swan-shaped boat sa isang malaking pond... Tapos... Tapos habang nasa slow-paced boat ride kami, mag-uusap kami tungkol sa kahit anong bagay, malayo sa ingay at extreme na bagay sa amusement park na 'to... Romantic!
What?! What's going on, Lee? Oh my goodness! Ano ba 'tong mga pinag-iiisip ko? Kasalanan 'to ni Ian eh.
Dinala ako ni Ian sa may mga kainan. Kumalam bigla ang sikmura ko.
"Dito muna tayo. Siguro gutom ka na." Sabi niya. Ito na ba yung somewhere we'll be enchanted? Ang bangis pa naman ng expectation ko.
"Cool! Ice cream pa nga lang pala ang nakakain ko maghapon. Buti na lang dito tayo pumunta." Sabi ko na lang. Pero sa totoo lang, medyo disappointed ako na dito niya lang ako dinala.
"Anong gusto mong kainin?" He smiled. Sa isang ngiti niya lang, nawala agad yung disappointment ko. Grabe. Iba na talaga ang epekto niya sa 'kin. Is this bad?
"Dun tayo sa Domino's."
"Sige."
Nilibre niya ko ng pizza. He ordered something meaty and cheesy.
Kumain kami nang matiwasay. I savor the pizza. Ang sarap kaya 'pag libre! Ayos na rin pala na dito niya 'ko dinala. Not bad for a date.
Date. Wth. Gumagana na naman ang malanding parte ng utak ko. Bakit naman ako aayain ni Ian na makipag-date?
"Thanks, Ian." Tukoy ko sa treat niya sa 'king pizza. "Ito na ba yung sinasabi mong somewhere we'll be enchanted?"
"Lee!" Hindi na nakasagot si Ian dahil sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng tinig.
"Edward!" Lumapit sa 'min si Edward sabay dampot sa isang slice ng pizza. "Sa'n si Kimee?" Tanong ko.
"Nasa bus. Napagod na raw siya eh." Binalingan nito si Ian. "Ian! Bro! Ano, sasabihin mo na ba? 'Wag kang babagal-bagal! Baka maunahan ka, sige ka!"
"Shut up!"
"Kung ako sa 'yo, magtatapat na 'ko. Look at me. I just did. It's a start of something new, pare!"
Tapos kinain na ni Ed yung pizza.
Ok. Hindi ako maka-relate.
Na-realize siguro ni Edward na para akong alien dito na hindi naiintindihan yung pinag-uusapan nila kaya hinarap niya 'ko.
"Lee! OMG Kung nakakamatay lang ang kilig, nakalibing na siguro ako ngayon!" Hinawakan ako ni Ed sa magkabilang balikat tapos niyugyog niya 'ko. Inalis ko yung pagkakahawak niya sa 'kin.
"Ano ba! Naalog yung utak ko, boy!"
"Meron ka pala no'n? Hahahahahaha."
"Siraulo ka talaga!"
"Leeeee! I confessed to her the other day! Pumayag siyang ligawan ko siya!!!" Mukhang ang saya-saya talaga niya. He's smiling from ear to ear! I remembered Eros the way he said it. He looked so gay! Hahahahaha
"Si Kimee?"
"Oo."
"Wow. Natauhan na pala ang gaga. Ayos 'yan, Ed. 'Di ka na torpe!" Ginulo niya yung buhok ko.
"Sana lang, ganun din gawin ng isa jan!" Binalingan nito si Ian. Ian just glared at him.
"Tara, Lee!" Biglang sabi ni Ian.
"Sa'n kayo pupunta?" Tanong ni Ed.
"Sa malayo sa 'yo. Asungot ka talaga eh!" Tumayo si Ian at hinila ako palayo kay Ed. "Ayoko sa lahat yung nakikialam sa diskarte ng may diskarte!"Only God knows where we are going.
"Ang bagal kasi ng diskarte mo! Tinutulungan ka na nga eh!" Sigaw naman ni Ed.
Ian raised his hand as if saying 'talk to the hand!'
"Sa'n na tayo pupunta, Ian?"
Maya-maya pa, nagsalita na siya. "Doon!"
Itinuro niya ang malaking Ferris wheel na parang basket yung mga upuan.
"Wheel of Fate."
"Game?" Tanong niya.
"Game na game!" Halos fifteen minutes din kami pumila bago kami nakasakay sa gondola.
Pang six person pala 'to. Dadalawa lang kami ni Ian. May nakita akong isang pamilya na nakasakay sa isang gondola. Na-miss ko tuloy si Kuya Marc saka si Papa. Tapos may mga couple naman na nagp-PDA sa kabila. Tsk. Walang konsiderasyon sa mga single na katulad ko!
"Ito ba yung sinasabi mo?" Tanong ko kay Ian. He nodded. "Tama ka. Napaka-enchanting nga, minus the flirty couple down there nga lang." Tinuro ko yung isang basket na may sakay na nagyayakapang couple with the selfie stick.
"Don't mind them." I nodded.
"Ang sarap ng hangin! Tingnan mo 'yon oh!" Itinuro ko na lang sa kaniya yung view sa ibaba nang nasa tuktok na kami ng ferris wheel. "Ang ganda." Para akong bata na kuha ng kuha ng pictures ng view.
"Sobra." Pi-picture-an ko sana si Ian para may remembrance ako kaso...
Lumingon ako sa kaniya, only to see that he was intently looking at me. Wrong move. Nakita niya tuloy na nakatapat sa kaniya yung camera ko. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko siya. Hindi ko alam pero nag-init ang mukha ko.
Pero teka.
Ako ba yung tinutukoy niya o yung view?
Oo na. Assumera kasi talaga ako.
"Sorry." Naibulalas ko.
"Para sa'n?" Nagtatakang tanong niya.
"Pi-picture-an sana kasi kita. Nakakahiya! Nahuli mo 'ko. Kainis! Sorry." Tinawanan niya 'ko. "Hoy! Anong nakakatawa?!"
"You." tawa pa rin siya ng tawa.
"What?!"
"You're so cute." What the hell. Me? Cute? Sinabi niya bang cute ako? Sh*t ano ba 'to? Sobrang init ng mukha ko. Then I heard a shutter sound. "There. Remembrance. Ang cute mo naman pag nagba-blush ka, Lee."
Natauhan ako. "Hoy! Burahin mo 'yan!"
"Ayoko." He stucked his tongue out. Sa pagkakataong ito, ibang iba siya sa Ian na nakilala ko. Hindi na siya yung Ian na may pagka-introvert. Parang sinaniban siya kasi naging kalog na lang siya bigla.
"'Di ako prepared jan! Kainis ka!"
"Ang cute mo talaga."
"Hindi ako cute no! Maganda kaya ako! Magkaiba 'yon."
"You're funny!" He just laughed out loud.
"Funny funny ka jan! Burahin mo 'yan." Pero sa halip na sundin ako, kinunan niya ako ulit ng isa pang picture, at isa pa, at isa pa, at isa pa, hanggang sa nakarami na siya. "Ah ganon?!"
Ginaya ko siya. I took a lot of pictures of him. As many as I can! Pero ba't ganun? Kahit sa stolen pics, napaka-gwapo niya! Unfair naman!
"Tama na 'yan!" Nahablot niya yung cellphone ko.
"Akin na 'yan. Ian naman eh." Hindi niya ko pinakinggan. Nilagay niya sa selfie mode yung camera ko tapos inakbayan niya ko.
Shet yung puso ko...
"Smile!" Then I did. He did the same. He clicked 'capture'. "O ayan na, prepared na tayo jan." Hindi ako nakaimik.
May kinalikot siya sa phone ko. Saka lang ako nakabalik sa huwisyo. "Oy! Anong ginagawa mo?"
"Pa-bluetooth lang." He kept smiling. Hanggang sa ibalik niya sa 'kin yung cellphone ko.
"Para kang sira." I commented. Pero ako yata ang sira. Kung ano ano kasi 'tong nararamdaman ko. Parang nung gumising ako kanina, nag-iba na lang bigla yung ihip ng hangin. Tapos nung nakatabi ko siya sa bus kanina, iba na agad yung nararamdaman ko. He had this effect on me. I don't know how to name this yet pero alam kong hindi ako tatantanan nito.
Silence... Awkward silence...
Ayoko nito, nabibingi ako.
Pero wala akong mahagilap na salita. Hindi pa rin kasi ako nakakaget-over sa ginawa ni Ian. Kainis sino ba kasing kalog ang sumanib sa kaniya?
Then I remembered one.
Nasan na kaya siya? He hadn't text me since nagpunta kami sa bahay ni Rizal. Hindi rin siya nagcha-chat.
Psh. Pakialam ko ba? Andito naman si Ian eh.
Ian...
"Ian, ga'no 'to kataas?" That shitty question poured out of me. Wala lang. Gusto ko lang basagin ang katahimikan.
"130 feet."
"Ilang basket na upuan meron 'to? Ang dami eh."
"36 lahat."
"Talaga? Ang galing. Pa'no mo alam?"
"I had my sources."
Napatango-tango na lang ako.
Wala na 'kong maitanong. Kainis naman. Ba't ngayon pa 'ko na-speechless.
"Bakit si Kenneth kasama mo kanina? Nasa'n si Eros?" He asked out of the blue.
"Ah. Yun ba? Mag-isa kasi ako kanina. Pati si Kenneth. Kaya sinamahan niya 'ko. Si Eros? Kasama ng mama niya. Pati nung bestfriend ko, si Ella. Hindi ko alam kung nasan sila ngayon."
"I see. Did you have fun?"
"Oo. Kanina. Yung mga extreme rides! Grabe! Sobrang saya! Tsaka si Kenneth, mukha naman siyang mabait. Enjoy siya kasama."
"Eh ngayon?"
"Anong ngayon?"
"Are you having fun?"
"Syempre naman! Sa totoo lang, mas gusto ko 'to kaysa extreme rides. Payapa. Nakaka-relax. Echanting. Tama ka nga."
"Good." He smiled then averted his gaze from me.
"Eh ikaw? Nasa'n ka kanina?"
"Naglalakad-lakad lang."
"Sumakay ka sa mga rides?"
"Oo."
"Ikaw lang mag-isa?"
"Oo. May ka-date yung mga kaibigan ko eh."
"Ba't 'di ka sumama sa kanila?"
"Ayoko lang."
"Hahahaha buti na lang 'di ka sumama. Magmumukha kang chaperone."
"Sinabi mo pa." Natawa kami pareho. Ramdam ko kasi siya eh.
"Kailangan na pala nating bumalik sa bus pagka-baba natin dito." Hindi siya sumagot. "Sayang. Hindi natin mapapanood yung fireworks mamayang ten." Nilingon ko siya. Nawala na yung joyful na aura niya. "Huy! Bakit nakabusangot ka na? Bipolar ka ba?"
"Hindi pa ko nakakasakay sa Carousel."
Wait, what?!
"Hahahahahahahahahahahaha."
"Ba't ka tumatawa? Hey!" nagtatakang tanong niya.
"Carousel? Hahahahahaha epic dre! Hahahahaha"
"Anong nakakatawa?" He looked so damn serious.
"Too girly, Ian. Seriously?"
"Seryoso ako."
Mukha nga siyang seryoso. Napikon ko yata siya.
"Sorry. Hindi ko mapigilan. Akala ko gusto mo i-try yung Grand Rapids o kaya Jungle Log Jam tapos biglang Carousel?! Nasa hitsura mo pa naman yung mahilig sa mga extreme rides. Pero teka. Ba't gusto mo namang sumakay sa carousel?"
"Paborito kasi 'yang sakyan ng kapatid ko. I don't know what pleasure she gets from riding that."
"Masaya kasi dun kaya siguro gustong gusto 'yan ng kapatid mo. Gusto mong subukan?"
"Wala nang time e."
"Edi next time. Marami pang time. Balik na lang tayo dito. Gusto ko din sumakay dun eh." His mood brightened up. Mas gusto ko kapag ganiyan siya kesa kapag naka-poker face siya.
"Lee," Nakatanaw lang ako sa kawalan. Malapit nang matapos ang araw na 'to kaya't sinusulit ko na.
"Hmm?"
"Did you realize that we were actually making memories more than just having fun?"
I smiled at him. Na-realize ko yun. And I'll treasure this.
It was just a short moment with him. But it would stay the longest in my mind. Sigurado ako.
***
Sobrang pagod na pagod ako. Pagkadating ko sa bahay, hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari kanina.
Matutulog na sana 'ko nang mag-beep angcellphone ko.
Gab
Lee
Lee
O? bakit?
Gab
Nag-enjoy ako. Nag-enjoy ka ba? :)))
Lee
Sobra :)
Gab
Simula nung kinulit-kulit kita, nangako ako sa sarili ko na I'll make you fall for me. Pero kada ngumingiti ka kagaya kanina, I'm the one who falls harder. You captivate me.
Lee
Ang cheesy. Sige na. Antok na 'ko. Goodnight
Gab
Sana lagi kang masaya. Sana di mo na rin ako sungitan. Sana ganto ka palagi
Lee
Ayoko nga
Gab!
Gab
Bakit Lee? :)
Lee
Sino ka ba talaga?
Gab
Malalaman mo rin. Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob.
Lee
Dalian mo naman pwede?
Gab
Bakit? May feelings ka na ba para sakin?
Lee
Ewan ko sayo. Goodnight na nga!
Gab
Goodnight, prinsesa ko <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top