ILYS 14: Trust Me

"Hi. How do I look?"



Shock is an understatement. Hinagod ko ng tingin ang lalaking nagsalita. Bewildered is the proper term.



Gusto ko sanang ilabas ang iniipit kong halakhak pero naunahan na 'ko ni Kimee. Edward was wearing a dark grey t-shirt, jeans, and rubber shoes. This is very unusual. His hair was not messy. It was standing in spikes! Hindi ba ito kinilabutan sa paggamit ng styling gel for the first time? Halatang 'di siya komportable.



Humalukipkip si Kimee. Kumaway naman si Ed sa kaniya.



"So tinotoo mo talaga? Anong drama 'yan Edward?"



Itinaas naman ni Ed ang isang paa. "See? It's not leather!"



"Kita ko! So? Ano ba kasing gusto mong palabasin?"



"Na mayroon akong isang salita."



"Tapos?"



"At kaya kong makipagsabayan sa mga hip-hop."



"Do you want to hear my comment? Gagi, hindi bagay Edward! Kinikilabutan ako!"



"Kinikilabutan din ako. Namumutla pa! Achievement ko 'to. Wala namang basagan ng trip. Look, I think I'm gonna throw up any time because I'm not wearing slacks." Umakto itong nasusuka with matching ubo-ubo pa.



"Oh! Shuttap!"



I saw him make a face.



"Hindi mo man lang binigyan ng pansin ang effort ko. Ayaw lang kasing aminin na mas gwapo ako kaysa sa MJ na 'yon!"



"Hay nako Edward! Lumayas ka na nga!"



"Okay! Sige! Fine! As you wish!" Dali-dali itong nag-about face. Pero agad ding nagbalik ng tingin kay Kimee. "My classmates are going to laugh if they see me like this." He scampered off.



Nang tuluyan nang makaalis si Edward, tuluyan na ring pinakawalan ni Kimee ang totoong saloobin.



"Shocks, Lee! See that?! I made him wear that! He's too formal pero tingnan mo! Ang cool niya kanina. Ibang-iba sa Edward na kilala ko. Oh my God! Ang gwapo gwapo niya!"



"Kinikilabutan pala ha? Kung kiligin ka diyan, para kang kiti-kiti."



Binaybay namin ni Kimee ang hallway papunta sa classroom namin. Kinikilig pa rin ang bruha. Habang nasa hallway kami, nakasalubong naming si Eros.



"Leeeeeeeee!" Sigaw niya. Dali-dali siyang kumapit sa braso ko, catching his breath.



"Bakit?! Anong nangyari? May humahabol ba sa 'yo?"



"Oh my Gosh, Lee. Hindi ko na keri! Some ugly bitches stole kisses from me. Kadiriiiii." Lukot ang mukha, pilit niyang inaalis ang mga marka ng lipstick.



Tatawa sana ako tapos sasabihing, 'Ang gwapo mo raw kasi, bakla!" kaso nakita ko si Kimee na lukot ang noo at tila nawi-wirduhan sa inaakto ni Eros.



"Eros, are you... gay?" Tanong ni Kimee.



Eros chuckled. He straightened. He tensed up a bit.



"Ha? H-hindi ah! Hahahahaha"



Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa.



I can't stop laughing as we walk on our way to the classroom. Muntik na siyang mabisto. Kaunting kembot na lang at lalabas din ang tunay na kulay niya.



Good thing, absent ang teacher kaya we had a lot of time to do whatever stuff.



I busied myself through Facebook. As I scroll down the newsfeed. I saw one post and repost it. Maya-maya pa, I received a notification alert.



"Herewe go again." 


Prince

Hi, What's your name?

Lee

...

Prince

Oh, I remember your name now. You're Mine.

Lee

wtf

Prince

Anyways,I'm Yours. Nice to meet you    






"Bakit nakabusangot ka na naman jan, bakla?" Eros asked without taking away his glance on his own phone.



"Pa'no mo nalaman? Hindi mo naman ako tinitingnan."



"Nakikita kita sa peripheral vision ko. So, bakit nga?"



"Nangungulit na naman kasi si Prince."



"Edi hayaan mo lang. Kung naiinis ka, edi i-seen mo."



"Eh."



"So, ayaw mo i-seen? Tapos hahayaan mong mangulit siya tapos naiinis ka jan? Labo mo!"



"Masakit ma-seenzoned 'di ba? Applicable naman 'yon sa lahat. Kaso 'di tumatalab sa kaniya eh."



"Bakit ba inis na inis ka? Affected masyado dahil lang sa isang stranger? Hala ka, Lee. Ikaw ha."



"Oy, hindi ah!"



"Sus. Alam ko na likaw ng bituka mo, bakla."



"Che! Bahala ka! Mamatay ka sa maling akala!"



"Whatever. Block ko na ba?"



"Edi gawin mo."



"Sige, bukas na."



"Ba't di pa ngayon?"



"Eh."



"Echosera ka rin 'te eh. Gustong gusto mo naman kasi 'yang pangungulit ng prinsipe mo."



"Hindi kaya! Echosera ka rin!"



"Denial Queen. Alam mo, kaysa naiinis ka riyan, sakyan mo na lang 'yong trip niya. Enjoy-in mo na lang yang pangungulit ni flirty mysterious guy na stalker mo. No strings attached. Safe pa sa heartbreak."



"Pero ako mismo, hindi safe. Pa'no kung serial killer siya?"



"You're overthinking."



"I'm just following the preliminary safety precautions."



"Utut. Deep inside, gusto mo rin naman."



"Che!"



"Eh ba't kasi ini-stress mo 'yang sarili mo? Hayaan mo lang siya. O kaya, sakyan mo lang yung trip niya."



"Ok. Fine."



"Good. Now go, face that on your own. Hindi ako maka-concentrate." He focused now on playing Color Switch. I chatted the freak.





Lee

Hey

Prince

Yes, my princess? :)

Lee

Anong problema mo? Are you bored? Bakit kinukulit moko? I'm not a clown.

Prince

I just wanted to be close to you.

Lee

Bakit?

Prince

Because I care.

Lee

Pero I don't care.

Prince

It's okay. Just don't push me away.

Okay na 'tong ganito. Kahit natatakot kang magtiwala. Hindi ako masamang tao. I have good intentions for you. Kahit wag ka nang maniwala. Basta kausapin mo lang ako. Okay na ko.

Lee

Bakit ako?

Prince

You make me feel special.

Lee

Why's that?

I never did anything to make you feel special.

Prince

Yung pagpansin mo sakin kahit KSP ako. It's a privilege

Crush kasi kita, matagal na. Kaso snob ka pa dati.

Pero wala akong pakialam non. Basta alam kong balang-araw, papansinin mo rin ako.

And it happened. Thank you, Lee.

Lee

Bakit moko crush?

Prince

Kasi ang cute mo.. Hihihihi At kakaiba ka sa lahat. Sa lahat ng cute, ikaw yung maangas kind of cute.

Lee

What?!

Prince

Magulo ba? Hehehehe Compliment yun.

Ano pa ba? Ah!

Hindi ka kasi pabebe hahaha

Lee

Kingina this

Prince

Language! щ(゚Д゚щ)

See that??

Lee

Sorry.

Oh tapos?

Prince

I admire you kasi ikaw yung tipong nag-iisip muna bago kumibo at magdesisyon. Aggressive pero cautious :)

Pero matagal na yun. Dati pa.

Lee

So hindi mo na ko crush?

Prince

Oo. :)

Lee

O eh bakit nangungulit ka pa rin?

Prince

Kasi mahal na kita. :)

Shit. Nasabi ko

Lee

Seryoso ka ba?

Huy

Seryoso ka ba?

huuy

Asan ka na?

Langya. Wag moko i-seen.

Ay bwisit. Bahala ka na nga jan.

Kung ayaw mo magreply edi wag.

(╬ ಠ益ಠ)

Bwisit ka Gab!!!

Prince

Slr

O__________O

YOU CALLED ME GAB ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Nababakla na bako? Kinikilig ako kyaaaah, este, teeeeeeeeeh ❤

Lee

Lechugas! Bahala ka jan

Prince

Huy teka lang muna, Leeeeeeeeeee

May tanong ako

Lee

Ano na naman?!

Prince

Will you be my princess?

Lee

*insert cuss words here*

Prince

Seryoso ako

Will you be my princess, Lee?

Lee

Your princess? -_- Korni na. Tama na.

Prince

I'll love you for the rest of my life. I'll be your happy ending.

I love you.

Lee

Sinungaling.

Prince

Hindi yun kasinungalingan.

I love you so much. Please be my princess...

Lee

...

Prince

Ok. Hindi muna kita kukulitin.

I know, hindi mo pa ko gusto kasi hindi mo pa naman alam kung sino ako.

So, do you want us to meet?

Lee

Ewan ko.

Prince

I want us to meet kaso baka matakot ka sa kin eh

Lee

Bakit? Si Beast ka ba?

Prince

Hahahahahaha hindi

Kasi baka wala ka pang tiwala sa kin. Kaya gagawin ko muna ang lahat para makuha ko yon. At hinding hindi ko sisirain ang tiwala mo.

Lee

Gusto kitang makita

Prince

O_________O

No way.

Lee

Bakit?!

Prince

Wag muna ngayon. Kasi I'll be probably smiling like a fool.

Syete! nakakahiyaaaaaaa

You want us to meet. Kinikilig akoooooooooooooooooo ❤

Lee

WTH

Prince

Soon, prinsesa ko.

Lee

Kahit wag na, nagbago na isip ko

Prince

Hala wag naman Lee ಥ_ಥ

Gusto mo naba talagang makita ako?

May feelings ka na ba para sa kin?

Lee

Gagu u?

Prince

Hahaha language!

Lee

Sorry

Prince

Umaasa akong magtitiwala ka rin sakin. Kahit wag muna yung feelings. :)

To follow na lang yun. hahaha

Lee

(-‸ლ)





Somehow, tama pa rin si Eros. Bakit nga kaya ako affected? Maybe, I liked the attention too much that I'm so scared it might scare me too. Marami akong what ifs. Nevertheless, I still have people on my back to ensure my safety. Maybe, I'll just focus first on what is.





***





Pagkatapos ng klase, I headed straight to my workplace – home. I rolled up the venetian blinds letting in some shaft of light. Pagkaupo ko sa swivel chair, I turned on my laptop and browsed through my planner. Naks! Naninibago ako sa sarili ko. Eversince Ella came back, I was influenced to become studious too. Isang marahang katok sa pinto ang narinig ko.



"Pasok lang."



"Kapatid," it was Ella.



"Oh, kapatid. Bakit? May nakalimutan ba 'ko? May plano ba tayong lakad ngayon? "Naku sorry kapatid, nawala sa isip k –"



"No, no, no, kapatid! Wala. Alam ko namang busy ka ngayon. Dumaan lang ako dito. Ayoko sa bahay eh."



"Ah ganun ba?"



"Yep. Uy, anyway, may mga post-valentines gift ka yata sa labas."



"Ha?"



"Teka saglit. I'll take those here."



Lumabas si Ella para kunin ang kung ano mang sinasabi niya.



Maya-maya pa, ipinasok niya ang isang life-size na teddy bear. Kapagkuwan ay lumabas ulit siya. Pero nang bumalik siya, may dala pa siyang isang malaking bouquet ng red roses at isang box ng milk chocolates. Iniabot niya ang mga iyon sa akin.



"Para saan 'to?" naguguluhang tanong ko.



"Para sa'yo?"



"Baka makita 'yan ni Kuya. Lagot ako do'n. Kanino galing?"



"I don't know either, kapatid. Baka sa secret admirer mo. Ayiiiiiieeee."



"Bruha! Sinong secret admirer?"



"Si Prince?"



"Ewan ko sa'yo. Stalker 'yon. Hindi admirer."



"Geez, Lee, sino kaya 'yang secret admirer mo? Now, I'm curious. Bakit ayaw niya pang i-reveal ang kaniyang secret identity?" I knew for sure that those stuffs were from Prince. Siya lang naman kasi ang naglakas ng loob na guluhin ang tahimik kong buhay.



"Baka, hindi siya confident sa hitsura niya, o baka, may nakakahawa siyang sakit?"



"O baka naman nato-torpe lang?"



"Hindi ko yata deserve 'to, kapatid. Ayoko na. Iba-block ko na siya sa Facebook!"



"Anong hindi mo deserve?"



"Ito. Masyado na yatang nag-eexert ng effort si Prince. Baka maghangad siya ng kapalit."



"You deserve these things, Lee. Stop overthinking. Hayaan mo lang siya. Enjoy-in mo lang 'yan, Miss Haba ng Hair. Kapag gumawa siya ng masama, I'll call the elite forces." Kapagkuwan ay iniabot niya ang isang puting envelope. Sa labas niyon ay may nakasulat na 'For my princess'. Inilabas ko mula roon ang isang card.



"Kanina ko pa gustong buksan 'yan. Curious na 'ko kung nagpakilala na ba. Pero it's rude naman. So, anong nakalagay?"



I read the handwritten message out loud.



"My princess, I haven't found the courage to let you know who I am. I'm really afraid to do so. But I have the courage to tell you what I feel. I do love you, Lee, for real. Hindi 'to joke. And I'm no serial killer. Hindi ako psychopath, o stalker, o rapist! Admirer ako. Kasi 'di ba nga, gwapo ako?" I paused. Nasamid ako sa linyang 'yon. Ramdam ko yung lakas ng hangin eh. Then I continued. "When I get to see you, I hope you'd take a chance on me..."



"Yun lang nakalagay?"



"Oo." Sinipat ko ang bawat gilid ng card hanggang sa makita ko ang pangalang nakasulat sa lower right hand-corner nito.



"Gab."



"So his name is Gab."



"Oo daw. Sinabi niya nga yun dati. May kilala ka bang Gab?"



"Wala. Pero feeling ko talaga sis, malakas ang kutob ko, malapit na siyang mag-out. I can't wait!"



"You think so?" Ella nodded. "Curious na rin ako kung sino siya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top