ILYS 13: Sundate

Nagpunta kami ni Eros sa See You Latte. It's Sunday, more likely, a Sundate. We even invited Ella to come over. Kasama rin namin si Kimee.



Habang naghihintay sa pagdating ni Ella, Eros ordered a tall cup of vanilla frappe for us. Pinili namin ni Kimee ang lugar sa bandang dulo ng shop. Sa gilid niyon ay ang malaking glass window.



Sa labas niyon ay matatanaw ang malawak na lansangan. Street lights were like eye candy. The scene was so serene and cozy. It is a perfect sight.



"Lee!"



Dumako ang paningin ko sa way-in ng shop at isang pamilyar na bulto ang nakita kong papalapit sa amin.



"Bakit tulala ka riyan? Iniisip mo 'ko no?" sabi nito sa kasama ko.



"Ang kapal mo naman, Edward! As if!" asik ni Kimee.



"Anong ginagawa niyo rito?"



"We're hunting elephants." Kimee said sarcastically. Umupo si Ed sa stool na katapat ng kay Kimee.



"Bakit lagi kang ini-indian ng boyfriend mong hip-hop?" tanong nito.



"Hip-hop?" Kumunot ang noo ni Kimee.



"Hip-hop. Yung tipong pa-cool ba. Isn't he coming?" Ed is wearing a white long-sleeved polo, black slacks, at leather shoes, his typical 'church' clothing. Hip-hop ang tawag niya sa kahit anong attire ng mga lalaking taliwas sa fashion statement niya.




"Are you talking about MJ?" tukoy ni Kimee sa isa sa mga kaklase namin. Edward nodded. "He's not my boyfriend."



"Cool." I noticed that relief flashed through Ed's eyes.



"What brought you here?" tanong ni Kimee.



"I saw you here. So I decided to come in. May angal ka?"



"Wala naman."



"Good. Baka kasi ayaw mong makakita ng poging katulad ko."



"At sino namang nagsabi na pogi ka? GGSS ka talaga!"



"GGSS?"



"Gwapong gwapo sa sarili."



Edward flashed his killer smile. That beam can stun everyone, even Kimee, kahit i-deny pa niya nang paulit-ulit. Kung tutuusin, gwapo naman talaga si Edward. Pero gustong gusto ni Kimee na huwag sakyan ang kabruskohan nitong iyon. Natutuwa kasi siyang ni hindi man lang nababawasan ni katiting ang self-confidence ni Ed.



Nevertheless, kahit GGSS, hindi nito ginagamit ang katangiang iyon para mangolekta ng sandamakmak na girlfriends. Sa tagal ng pagkakakilala ko kay Ed, hindi ko pa nababalitaan na nagka-girlfriend ito. He's into studying. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagustuhan ni Kimee ang lalaki.



"Hindi ko lubos maisip kung bakit galit na galit kayo sa isa't isa. What's the real score?" I was teasing them.



"Oooh! That! Last week, we hang out. Nilibre niya 'ko sa Starbucks! Hahaha." Kimee glared at Ed as if trying to avoid the topic.



"Ayun naman pala eh." I chuckled.



"Sayang di ka nakapunta."



"It's okay. I'm sure you did enjoy your date." Now, Kimee is glaring at me, too. I bet Edward mentally high-fived me.



"Lee, mag-uumpisa na naman ba tayo?" She said.



Kimee and Ed had been classmates since elementary. Noong nasa Second Year High School kami, Ed confided to her that he likes her. Ed seemed to be sophisticated and simpatico. He is undeniably easy to fall in love with ayon kay Kimee.



However, Kimee's still waiting for signs. Kung ano mang sign ang hinihintay niya, wala akong ideya. Poor Ed. Hayun! Ang unrequited love niya, hanggang ngayon, wala pa ring sagot.



"You two look good together. Pareho kayong mabait, matalino, good-looking. Higit sa lahat, pareho kayong NSSB. Perfect!"



"NSSB?" tanong ni Ed.



"No Syota Since Birth." Kimee and I said in chorus.



"Lee, alam mo namang kahit lumuha ako ng dugo, I can't promise you that I could love him the way he wants me to." Pain registered through Ed's face.



"Wala ba talagang chance, Kimee?" tanong ko. I already knew there is.



"I don't know. You know that I'm waiting for signs, Lee." Tumango-tango ako.



"Ano ba kasi ang tipo mong lalaki?" Hindi na napigilan pang itanong iyon ni Ed.



Hindi sumagot si Kimee.



"May nagugustuhan ka na ba?"



"Paano kung meron na?" Kimee uttered.



"So, meron na nga? Who is he?" I saw Ed clutched his fists.



"You don't need to know."



"Did we meet already?"



"You'll know him eventually. Anyway, we're talking non-sense, Ed, Lee. Stop this."



"Fine." I decided to retreat.



"Si MJ ba? Nililigawan ka niya 'di ba? Siya ba?" I'm sure Ed's not going to let go of this swiftly.



"Ed, stop." Kimee pleaded.



"Bakit 'di mo pa siya sagutin? Is he boring? Ayaw mo ba sa hip-hop?"



"Actually, siya ang na-bored. He was fed up of my childish deeds. He's not boring. Sayang nga kasi he's full of surprises and fun. Hindi tulad mo na buhok lang ang laging updated. I bet na hindi ka tatagal nang hindi naka-leather shoes!" Kimee mocked him.



"May rubber shoes ako!" Ed protested. He came back to his playful façade.



"Na nabubulok na at inaalikabok pa sa shoe rack."



"I'll wear them. Ipapakita ko sa'yo. I'll even wear jeans if you want me to."



"Bahala ka sa buhay mo, Ed! I don't care."



Marahan nitong tinapik ang braso ni Kimee. "Tomorrow, you'll see." Tila nangangakong wika nito.



"Lee!"



Napagawi ang tingin namin sa doorway. It's Ella.



"Hi. Did I take so long? Kanina pa kayo? Sorry, heavy traffic," anito.



"Not really. It's okay."



Ipinakilala ko si Ella kay Ed at Kimee. Ella flashed her sweetest smile.



"Ahm, Lee, I think I have to go. May aasikasuhin pa pala ako sa bahay. It's nice meeting you, Ella." He then faced Kimee. "See you tomorrow. Wait and you'll see!" he winked at her. Binalingan niya ako. "Bye, Lee."



"Bye, Ed." Then he scampered off. Ella took the seat na inokupa ni Ed.



"Playing hard to get." I teased Kimee.



"I'm not playing. I'm hard to get."



"Gusto mo talaga siya 'di ba?" She shyly nodded. "Why can't you just tell him? May signs-signs ka pang nalalaman."



"Nahihiya ako."



"Panahon na para dumamoves! The feeling is mutual naman."



"Hindi tama na babae ang gumagawa ng first move."



"Hoy Maria Clara! Nasa contemporary period na tayo."



"Hindi naman kasi malakas ang loob ko gaya mo."



"Ang hirap sa 'yo, soft-spoken ka. Kapag kaharap na siya."



"Hindi naman ako soft-spoken. Agresibo ka lang masyado."



"Di nga?"



"Joke lang. Alam mo namang hanggang pagiging love guru lang ako. Hindi talaga ako luma-lovelife."



"I know. Pero kung pwede nga lang i-bluetooth ang lakas ng loob ko, matagal ko nang nai-share 'yon sa 'yo."



Dumating si Eros dala ang mga order namin. Para namang itinulos sa kinauupuan si Ella. They locked gazes. Alam kong nahihiya talaga siya sa harap ng mga taong saglit pa lang niyang nakikilala. But this one, it's odd. Para siyang makahiyang tumiklop. She even blushed! Iba talaga ang kamandag ni Eros!





***





Nagpasiya kami na manood ng sine pagkaalis namin sa See You Latte. Mukhang walang balak si Ella na panuorin kung ano mang gusto namin. She never liked horror movies. Iyon pa naman ang hilig namin nina Kimee. Pero nunca na manoood si Ella ng horror kesehodang lumuhod pa kami sa harap niya at magmakaawa.



Mabuti na lang at hindi maka-angal si Eros nang sinabi kong siya ang magbabayad ng mga ticket namin. Mukhang tumiklop rin siya simula nang makilala si Ella. If I know, nai-insecure siya sa ganda ng bestfriend ko.



Pagpasok namin sa movie house ay hirap na kaming makakita ng bakanteng upuan dahil sa dami ng tao. Good thing, nakakita agad si Kimee ng pwesto malapit sa front row. Dali-daling hinablot ni Kimee ang braso ko at hinatak niya ako patakbo sa unahan leaving Eros and Ella behind.



"Dali! Baka maunahan tayo!"



Sa sobrang tulin ng takbo ni Kimee, hindi na niya napansin na tumatapon na ang laman ng soda can ko. I concentrated with my belongings unmindful of the path we were taking. We went in flash and in an instance, I felt myself run into someone.



Aruy!



The soda splashed into that someone's clothes. "Diyos ko po!"



My face was buried on that someone's torso. I'm deadly sure na nakakahiya ang nangyari sa akin. I was so speechless and when I was about to say sorry, pain was on its way and suddenly there it was at the center of everything.



"Saved!" Narinig kong sigaw ni Kimee. Nakatayo siya malapit sa bakanteng upuan sa tabi ng aisle at ilang sandali pa'y ibinaling ang tingin sa akin.



"Lee, ayos ka lang?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin.



"Sorry. Hindi ako nakatingin sa daan. Sorry talaga." Sabi ko sa nabangga ko. He didn't seem to pay attention. He took a step backward. I looked at the guy having the same expression as mine.



"Sht!" He muttered. He flexed his jaw. Pinagpag niya ang damit na natapunan ko ng soda. He wasn't looking at me.



A tiny part of my brain still had time to think.



"Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadya –"



He cut me off.



Nag-angat siya ng tingin. Nang magtama ang tingin namin, pain flashed through his eyes. When I managed to keep my eyes from being shut, his dark alluring eyes met mine. It seemed like I was looking intently at a beautiful landscape in front of me – a saintly creature.



Nang mapagsino niya kung sino ang bumangga sa kaniya, recognition finally kicked in. "Lee..." He whispered.



"Sorry, Ian. Nabangga ulit kita..."



"No. It's okay. S-sorry. If I had known na ikaw yung bumangga sa 'kin..." He said. "I did cuss. I'm sorry..."



Hindi ko na nakuhang magsalita pa. Ian excused himself. Nagpatianod na lang ako kay Kimee at umupo sa tabi nito. Eros sat at the vacant seat beside the aisle. Sa kaliwa niya ay si Ella. Then next to her was Kimee and then me. The three composed themselves at itinuon ang pansin sa pelikula. Ako, pre-occupied pa rin sa nangyari kanina.



Pinilit kong ituon ang pansin sa panonood. I succeeded, I guessed. Nasa kalagitnaan na ng pelikula nang makaramdam ako ng panlalamig at feeling ko, nasa loob kami ng isang malaking freezer sa mga sandaling iyon. Hindi ko na naiintindihan ang takbo ng istorya ng pinanonood namin dahil sa sobrang lamig. Napilitan akong yakapin ang sarili. Pero hindi niyon nabawasan ang lamig na nararamdaman ko.



I felt that someone occupied the seat next to me. Nang lingunin ko iyon, it was Ian. Ibinalik ko ang tingin sa big screen shaking the thought that I had caused him trouble kanina. Minutes passed at hindi ko na kinakaya ang lamig.



Akmang kakalabitin ko na si Kimee para hiramin ang hoodie niya nang makita kong inilahad ni Ian ang hoodie nito sa harapan ko.



"Here, take this," he said, his voice was hoarse. Parang lalong lumamig ang paligid.



"No, it's okay Ian. Thank you." I warily said.



Pero natigilan ako nang inayos nito ang hoodie at ibalot iyon sa akin. I literally froze.



"Kailangan mo 'yan." Napasinghap ako. Hindi ko alam kung gaano katagal kong pinigil ang hininga ko. He was too close. I caught a whiff of his scent nang iayos nito ang jacket sa harap ko, very manly. I was definitely caught off guard.



Nakaramdam ako ng uneasiness dahil bigla ko na lang naramdaman ang pagrigodon ng puso ko. That thing I felt with Ian was a first. Pero parang bulang biglang naglaho ang uneasiness na iyon na nararamdaman ko nang lumayo na siya sa akin. I was taken aback for a moment.



Hindi ko mapigilan na ngumiti sa gentlemanly gesture na iyon. The warmth brought by his jacket made me feel comfortable.



Nilingonko siya. Umayos na ito ng pagkakaupo. Somehow, I can't take my eyes off of him.Hindi na muling umimik si Ian at batid kong nasa pelikula na ang atensiyonnito. Geez, this feelingis weird. What's wrong with my pounding heart, people?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top